Wednesday, January 27, 2010

LAST.STRETCH.

THANK YOU LORD!!!
as in sobrang thank you thank you thank you!

+++

1 more month to go. then, TAPOS NA!

as for now, i just really need to work on these things:
1. THESIS. FINISH THIS. FINAL MANUSCRIPT ON SATURDAY NA!
2. PHILO ORALS. THESES 3-7. SATURDAY 1050AM NA RIN!
3. HISTORY PAPER DUE NEXT WEEK
4. MICROBIOLOGY. 5 units.
5. THEOLOGY. BAWI.
6. HISTORY. BAWI.
7. THESIS PANEL DEFENSE = FEB 9
8. MICROBIOLOGY LT = FEB 15
9. OSA YEAR END PRESENTATION = FEB 15 (CONFLICTING DATES!!!!!!)
10. UP COLLEGE OF MED INTERVIEW (FEB)
11. ASMPH FINANCIAL AID INTERVIEW (FEB)
12. UST AND UERM SHIIZ.
13. JOB ORDER FOR STRIKE SET
14. SA TAHANAN NG AKING AMA SHIIZ
15. ENTA SHIIZ
16. TULOG. TULOG. TULOG.
17. LOTSOFINTERVIEWSSSSS SOBRANG DAMING INTERVIEWWSSSS
18. FAMILY TIME.
19. DANICA TIME
20. FEB 14

AAARGH. shux. stressors. help me Lord. Last stretch na!

+++

all i could ask for is support. crab mentality ba? wag naman sana. di porke't ganyan ka dati, i-gaganito mo kami ngayon. haaay...

Wednesday, January 6, 2010

MAY BUKAS PA

masakit. ang lahat-lahat.

-wala akong pera. wala akong pamasahe papuntang ortigas sa thursday para mapasa yung medschool requirements ko. natatakot din ako na baka bitin ng P500 ang application fee. makakamed pa kaya ako?
-in connection to this, pano kaya ako kakain? buti na lang may pangkabuhayan package na pinadala nina mama sa akin pabalik dito. so i believe that will fill me up for the next days. wala nga lang kanin.
-di ako puwedeng humingi ng pera. dahil alam kong mali na naman ang pagmamanage ko ng pera last december. kailangan kong maghintay ng jan15. much was already given yet still more than what was planned out was spent for a lot of things that didn't directly help me out (eg.of things that directly help me out: pagkain ko, pamasahe ko, etc). which was quite disappointing
-too much of something is bad. from the start it was made clear that we need to take things as simple as possible. yet what do we have now? possible (emphasis on the POSSIBLE) debts because of too much things. or are we just really having a very shitty recession this year? pero wala pa naman. but still AYOKO MAGKARON NG UTANG.
-nagfo-falter ang trinain ko before. at they already received too much criticisms from a lot already. yes, i am disappointed. pero ayoko namang itodong ireprimand sila, kasi ayoko--again, ayoko ng too much of something... kasi masakit yon. words of encouragement ang ginawa ko and introduced alternative options for them. i just hope they transcend
-where are the people when you need them the most?
-i can't believe i was really thinking about every detail of this event since may and i had drafted a whole book just for the success of this thing tapos biglang ganun na lang?
-why do we put a lot of attention on issues when we know that they just create a lot of fuss that could possibly end friendships/relationships? gossip is very real but do we really need to engage in all that fuss para lang masabi na ok ako na tao? na ako ang kampihan mo? na dito ka kasi cool ako? sobrang immature.
-back hurts a lot nowadays. sumusumpong muscle spasms ko. no stretching exercises my doctor prescribed me to do.
-ang sakit lalo na sa mga panahon na binibigyan mo ng halaga ang isang bagay pero mas pipiliin na lang ng ibang taong bastusin 'to.
-real baaaad choices. BAKIT SIYA?!
-ayokong sisihin ang ibang tao. let's just say it happened and we need to find a solution to solve this.
-paano kung importante ang lahat ng bagay? anong uunahin mo? ordo amoris pa rin?
-pms.nominations.flagship projects.thesis.last 16 units of my college life that can possibly grant me that prize of a latin honor... o pwede ring di na maabot yung latin honor--thus goodbye possible scholarship sa medschool--thus goodbye magandang medschool--thus hello davao city--thus hello corporate world na lang. or hello tambay sa bahay. :(
-so many things to do with so little time.

masakit na ang lahat-lahat. i miss the comforts of my own home. i hope to still keep my sanity safe from inhumanity (huh ano daw? nabaliw na?).

pero sabi nga ni santino, may bukas pa. sana nga may bukas pa.

Tuesday, December 1, 2009

Opisyal na Pahayag ng ENTABLADO ukol sa Pagpaslang na naganap sa Maguindanao.

Kami sa ENTABLADO, ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs, ay kinokondena ang naganap na pagpaslang sa 64 katao noong ika-23 ng Nobyembre sa Ampatuan, Maguindanao. Naniniwala kami na ang kahindik-hindik na pagpaslang na naganap ay isang kawalang-hiyaan at pagbabaliwala sa karapatang pantao dulot ng sariling kasakiman at interes na matagal nang laganap sa bansa. Bilang isang organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng bawat tao na magsulong ng katarungang panlipunan, naniniwala kami na ang pangyayaring ito ay isang pagkitil sa karapatan ng tao na makisangkot sa pagpapaunlad ng demokrasiya at sa pagpapasulong nito patungo sa pagbabago.

Kinikilala ng organisasyon ang kasaysayan ng bansa ukol sa mga dinastiya at sa mga laganap na pagpaslang dahil sa pulitika, ngunit nakakahiya na matagal nang lantarang nangyayari ito. Matagal na itong nangyayari sa bansa at ngayon lamang “kumikilos” ang gobyerno. Pinapatunayan lamang nito ang kawalan ng pag-unlad sa bansa dulot ng isang pamahalaan na walang ginawa kung hindi isulong ang pansariling interes lamang. Nakakalubag-loob ito lalo na at palapit na ang eleksyon kung saan umaasa tayo sa malaking pagbabago para sa kabutihan ng bansa. Dahil dito, nananawagan kami sa pamahalaan na kalasin ang mga pribadong hukbo sa bansa. Nagbibigay lamang ito ng kapangyarihan sa mga “dinastiya” na mang-abuso at mangahas ng ordinaryong mamayan.

Nakikiisa kami, bilang isang organisasyong isinusulong ang katarungang panlipunan, sa mga humihingi ng hustisya hindi lamang para sa mga napaslang noong ika-23 ng Nobyembre kung hindi pati na rin sa kanilang pamilya at sa iba pang naging biktima ng karahasan mula sa mga may kapangyarihan na nasa itaas; mga tao na siyang inihalal upang magtaguyod ng katarungan. Humihingi kami ng mabilisang aksyon mula sa gobyerno sa pagiimbistiga at pagbibilanggo ng mga may sala. Naniniwala kami na hindi sapat ang pagbibiit sa iisang tao lamang, datapwat isama ang mga opisyales ng gobyerno, mga sundalo, at mga pulis na walang ginawa upang pigilan ang pangyayaring ito.

Ang ENTABLADO, bilang isang organisasyong naniniwala sa karapatang panlipunan, ay nakikiramay sa mga biktima ng mga taong marahas, sakim, at mapang-abuso. Naniniwala ang organisasyon na ang ganitong mga pangyayari ay nagpapatibay lamang sa pangangailan ng bansa ng isang eleksiyong magdadala ng pagbabago. Isang pagbabagong idudulot ang tinatanaw naming pagbubuklod ng mamamayan laban sa abuso at pang-aapi, at sa pagiging isa ng bansa upang itaguyod ang karapatang pantao at panlipunan.

DEC.12.

12 days of Christmas.
12 days left before I make it... or break it.

GOD BE WITH ME. This will be my path for the years to come.

Help me help me help me!!!

Monday, November 9, 2009

PHONECALL.

NAG-AWAY na naman tayo.

at umiyak ako.

Sana makakuha ako ng scholarship.

Sunday, November 8, 2009

SEMBREAK = MEDSCHOOL PREP

Sa susunod na ako magkukwento in detail kung anong nangyari sa akin n'ung sembreak. Pero goodness... Since october binu-bug na ako ng mga medschool preparations/applications.

Mag-aapply ako sa ASMPH, UP-CM, UST-med, UERM, ST. LUKE's, at Davao Med.

Sabi ni Pare kung di raw ako mabigyan ng scholarship sa Ateneo, then it's going to be goodbye Ateneo.

Lord... sana mabigyan ako ng scholarship. I really need it.

Monday, October 26, 2009

PARA SA UNANG SEMESTRE NG AKING HULING TAON...

Sobrang di ko ma-describe ang pakiramdam. Pero nais kong magpasalamat sa inyong lahat na tumulong sa akin ngayong first sem.

Salamat sa iyo, sa iyo, at sa iyo.

Salamat LORD! I didn't expect this, pero SOBRANG SALAMAT!!!


***

LAST SEM OF MY LAST YEAR IN COLLEGE... BRING IT ON!!! GO go go 4.0!!!

Thursday, October 8, 2009

REUNION

Pupunta sina mama dad at cj bukas dito sa Manila. Sina angel jappy at ninang naman sa Friday. Tapos kasal sa saturday.

WOW FAMILY REUNION! Exciting.

Pero di ko mapigilan 'yun takot.. Ewan. Sana matanggap nila yung sitwasyon ko ngayon...

At fresh pa 'yung sugat. Sana maghilom na bukas.