Showing posts with label promo. Show all posts
Showing posts with label promo. Show all posts

Friday, June 12, 2009

ISA, DALAWA, TATLO! HANDA!!!




I'm currently part of the play, Ang Henerala. Target dates of the shows will be on June 30 - July 18, 2009, at the Rizal Mini Theater in Ateneo de Manila.

Malapit na! Lord gabayan niyo kami mula sa A H1N1!!!

Please support!!!

Sunday, February 1, 2009

HEADQUARTERS

Naku. Di ko na tuloy alam kung papalitan ko ito o hindi. Akala ko kasi wala nang nagbabasa nito. Pero apparently, meron pa pala.

Sa ngayon ito na lang muna siguro:
What you see here, what you do here, what you hear here, when you leave here, leave it here.

Salamat.

Saturday, August 16, 2008

I AM. I EXIST.

Oo. Binago ko na nga 'yung template ng blog ko. SA WAKAS! Natuto na kasi akong gumamit ng .xml files. And so ayun, napalitan ko na.

For three years, I've used luminescent as my blog name. I don't really know why I used that name. Siguro nabighani lang ako sa tagline na "glowing in the dark, shining when no one's around." But then ngayon, gusto ko kasing i-personalize ito. Buti na lang nakahanap ako ng template in the web, at ito ginagamit ko na. I'm planning on studying Adobe Photoshop soon (that is, if I ever have that chance to install the program in my computer) so that I would really be able to personalize my blog template.

AND NOW, what's up with I AM. I EXIST?

Nakuha ko ito sa PHILO101 (Philosophy of the Human Person I) namin with Sir Jope. Inaamin ko, from a scale of -10 to 10, nasa +2 pa rin ako sa paggrasp ng buong konsepto ni Rene Descartes. I was just amazed by how he thought of having the best way to think about things and to reflect upon it through the Universal Methodic Doubt---kung saan pinagdududahan niya ang lahat sa simula.

Ganito raw kasi 'yon. Isang gabi, nilamig si Descartes. Tapos tumabi siya sa isang umaalab na apoy para painitin 'yung nilalamig niyang katawan. Biglang naisip niya na maaaring 'yung nararamdaman niyang init na galing sa kanyang paligid ay parang panaginip lamang. Nagduda siya ngayon kung totoo nga ba ang pinararamdam sa kanya ng kanyang mga senses. And so ayon, tinanggal niya ang kanyang sarili mula sa kanyang katawan, so natira na lamang 'yung consciousness niya. Habang nagdududa siya, naisip niyang maaari 'tong gawa ng isang evil genius--na baka niloloko rin siyang maramdaman ang lahat ng gawa ng senses niya. So kung may evil genius, baka kalokohan na ang lahat (tama ba ito sir jope? naku... patay na sa repetitio.). Tapos natuklasan niya na sa proseso ng kanyang pagdududa, may lumilitaw na "AKO" na nagdududa--kung saan siguradong sigurado siyang mayroong AKO na nagdududa. Ito 'yung tinatawag nilang BEDROCK OF CERTITUDE--kung saan siguradong sigurado ka sa bagay na iyon. Ang Cogito Ergo Sum. I AM. I EXIST. Lumilitaw na mayroon pa ring AKO na nagdududa. I is delivered in the process of doubting (I AM) at totoo ngang nangyayari ito (I EXIST). Natuklasan ko lang sa philo na mali pa lang sabihin 'yung I think, THEREFORE I exist (or the other way around), kasi nga nagiging syllogism lang 'yung statement na 'yon. Eh di naman doon ang pinagugatan ng cogito ergo sum.

At dahil hindi immediate ang knowing ng isang tao, na kinakailangan pa niyang magduda, natuklasan ni Descartes ang kakulangan ng isang tao. "I AM IMPERFECT," ika nga niya. At mula roon, alam niya rin na may isang perfect na nageeksistensiya. The idea of perfect, of this, must come from someone greater than me, and plant it on me. Consequently, he came to the conclusion that GOD EXISTS. Isang hindi hahayaang lokohin tayo ng ating mga senses. At mula roon natuklasan na rin niyang OTHERS EXIST dahil hindi siya kayang lokohin ng mabuting Panginoon. Naku... sabog na sa philo.

That-then-which-nothing-can-be-thought talaga si God. Supersuperlative na 'yung meaning ng statement na 'yan.

Shucks. Parang nagrepetitio ako na worth C lang oh. Tsk tsk. Kailangan ko pang iclarify ito sa mga kaklase ko/prof ko. Well, para naman may connection sa blog kong ito, gusto ko rin kasing pagdudahan ang lahat. Ano nga ba ang katotohanan? Hindi ko rin alam. Basta ang bedrock of certitude ko, kung saan siguradong sigurado ako, ay ang katotohanang nagsusulat ako--na nandito akong nagmumuni, nag-iisip, nag-aaral, at nabubuhay--na merong AKO na nandito. Itong-ito. AKO. MERON.

At mula rito, nakikita ko ang mga imperfections ko--sa mga kakulangan ko sa paglikha ng mga magagandang blog entries, ng mga failures ko sa buhay, ng mga salat na aspeto ng buhay ko. At dahil doon, narerealize kong may DIYOS--na may isang PERPEKTONG nilalang na kailanma'y hindi ako lolokohin nor pababayaan sa paglakbay ko sa aking buhay. Consequently, I begin to recognize that there are the others--that they exist with me as a member of this society.

So ayon. Sana dito magsimula ang pamimilosopiya ko sa mga bagay-bagay. Haaay buhay, sa lawak mo sobrang di na kita mawari. Ngunit sana masabak kita ng kahit may pagaalinlangan ma'y maging matagumpay pa rin ako sa dulo ng paglalakbay na ito.

Sunday, August 3, 2008

AUGUST NA PALA.

ang tagal ko na ring hindi nakapagblog.

busy days.

o baka tinamad lang talaga ako?

expect an entry soon. flood na ito.

Tuesday, April 29, 2008

NINETEEN

ayun. so,
sa lahat ng mga nagtext,
sa lahat ng mga nag-iwan ng mga offline messages,
sa lahat ng mga gumawa ng testi,
sa lahat ng mga tumawag,
sa lahat ng mga gumawa ng mini-message sa mga makukulay na papel,
sa lahat ng mga sumali sa "surprise,"
sa lahat ng mga sumulat ng mga mahahabang nakakaiyak na mga messages,
sa lahat ng mga nangakong magbibigay ng gift sa akin since last year na hindi ko pa natatanggap hanggang ngayon at nangako pang as SOON as possible nila ibibigay ang kanilang mga regalo sakin,
sa lahat ng mga nag-advanced/belated hpbd,
sa lahat ng mga fans ni juday,
sa lahat ng kumain ng cake,
sa lahat ng mga nag-iwan ng kanilang napaka"special" na regalo kay ate guard sa dorm,
sa lahat ng wala nang mga boses,
sa lahat ng mga lalaki sa kisses,
sa lahat ng mga bumati ng personal,
sa lahat ng mga nagprepare (nagcut, nagpaste, naglibot, everything!) ng kanilang mga regalo par
sa akin,
sa lahat ng mga di nakalimot at sa mga nakalimot na ngayo'y naalala na nila...

SALAMAT SALAMAT SALAMAT!

grabe... kung puwede ko lang ulit-ulitin ang april 28, 2008 gagawin ko.
pasensya at di ako nakapagTHANK YOU reply kaagad. wrong timing talagang mawalan ng load sa sariling birthday.

dahil kay juday, i'm suffering from cough and colds.

best greeting:
"gudmorning anak. HAPPY BIRTHDAY GEM! tsup! love, daddy, mommy, at cj"


sobrang di ako deserving mabigyan ng ganung "celebration." ang sama ko kasi pero mahal niyo pa rin ako. chos. :P

MARAMING SALAMAT!
MAHAL KO KAYO!


- - -

April 28, 2008 details to be blogged about in my next entry. I just have to deal with my two long tests first (ch151 + hsc81). Expect new blog entry by next week.

Monday, April 28, 2008

DANICA IS 19

Naghatinggabi na.
5 people greeted already.
I'm still hoping to be surprised later. :P

I'm really looking forward to a better year.

Happy birthday to me!

Sunday, April 13, 2008

GLAD TO POST THIS

THANK YOU LORD FOR ANOTHER SEMESTER.
thank you Lord for another CHANCE.
akala ko wala na... But You are just full of SURPRISES!
Doubting You would be the biggest mistake anyone would ever make.

I've worked hard, laughed, pined, cried.

and to all the people who helped me get through this semester, THANK YOU FOR BEING IN MY LIFE.

SOBRA. *iyak*

- - -

classes start tomorrow.
Quatro semesters coming up!

Monday, November 5, 2007

OH HAPPY DAAY!

THANK YOU FOR EVERYONE WHO HELPED ME GET THROUGH THE FIRST SEMESTER.

I can't possibly thank you enough.

I LOVE ALL OF YOU.

Thank you God. :)

Sunday, June 24, 2007

ON BLOGGING

Dapat about the orsem itong post na ito. Kaso, gipit na naman ako sa oras.

Dapat next friday makapagblog ako ng mahabang mahaba! hehe.

Anyway, napansin ko lang ano, tatlong taon na pala akong nagbla-blog.
3 years na pala itong beloved blog ko!
3 years na akong nangungulit sa net!
3 years na akong daldal nang daldal dito sa net!

haay naku. 3 years na pala.
Ang bilis naman ng panahon.

Ngayon, may blog na ang Illumina!

just click this

ILLUMINAte

to check out the site.

Kelangan kong magback-to-blogging. I miss it. I miss my readers (hehe... kahit imaginary ok lang!).

Oo nga pala, I moved my Photo Blog from photobucket to multiply.com. Hindi ko tinanggal yung mga pictures sa photobucket ha. Nandoon pa rin ang mga iyon. Pero, from now on, sa Multiply na ako magpopost ng mga pictures guys. Therefore, you have to add me sa multiply para ma-view ninyo ang mga pictures. :P

Click this link to view my multiply site.


O sige na mga pare at mga mare. Mag ke-chem pa ako.
God bless everyone!

Sunday, April 29, 2007

MABILIS LANG ITO

Ang sarap ng buhay bilang si Danica Pasia.
Lalo na nang makilala ko kayo, Illumina.
Tinupad niyo ang selebrasyong inaasam ng puso ko.
Binuo niyo ang napakalaking guwang sa pagkatao ko.
Salamat sa simpleng sorpresang handaang pinaghandaan niyo ;) para sa akin.
Salamat sa dambuhalang birthday card na ginawa niyo para sa akin.
At salamat salamat salamat sa walang hanggang pagkakaibigang inialay natin sa isa't isa.
Salamat. Salamat. Salamat!


Next post, isasalaysay ko na ang LAHAT ng mga pangyayari. Pramis.
Lilipat muna ako ng room sa dorm.
O siya, sige. Ayun lang.

God bless!

Sunday, March 25, 2007

VIDEOS!!!

These are new videos we recorded yesterday at Bex and Ciara's boarding house.

I really hope you'd enjoy watching them:



The Best in ME -- OUr Version
The Emo Video... Lots of hair mga pare!



Especially for You -- OUr Version
Pa-cute video. Waa



Eto nakalimutan ko ang title... Basta Pussycat Dolls na kanta.
Waaha.

Ang saya ano? Sana ganito na lang forever...

Pero di puwede eh.

Wednesday, February 14, 2007

FEB 14

It's around 12:25am when I started writing this. And I just want to greet you a

HAPPY VALENTINE'S DAY!

Sabi nga ni Rae, pwedeng ganito rin ang greeting:

HAPPY SINGLE'S AWARENESS DAY!

Oh yeah! pwede!

>>>

MATH LT on Thursday.
Fil topic proposals on Thurs.
Sanggu Gen Elections on Thurs and Fri.
Reaction paper for Fil on Tues.
En revision stage.
Lit review. Group works.
Readings for Physics.
Sparring for Arnis.

Help me Lord...
YAkang-yaka ito!

Wednesday, January 3, 2007

BELATED

Happy birthday sa aking mga nagwagwapahang mga kaibigan na nagbirthday noong nakaraang Disyembre!

Unang-una, si Joanie...
Photobucket - Video and Image Hosting
Astig.

MALIGAYANG KAARAWAN JOANIE! miss na miss na miss na miss na miss na kita!

Kay Causing...

Photobucket - Video and Image Hosting
Nakakatuwa ka Coz...

I miss you cozing... Ikaw ang natatanging "MOOO" ng buhay ko.

Kay AteREYS!

Photobucket - Video and Image Hosting
Hala, sige. Ngisi lang.

Baka nagtext na naman si Dodong! Haha! God bless you AteReys! Yakang-yaka mo ang IMed!

Si CeeJay!

Photobucket - Video and Image Hosting
Doña. Hahaha!

Pramis, hindi ko na kayo tutuksuhin ni Casas... Promise 'yan! I labyou Ceej! Yakang-yaka mo ang IMed!

At lastly, sa aking pinsan...

Photobucket - Video and Image Hosting
AAaaaSiiMM!!!

ISHANG! HAPPY HAPPY HAPPY HAAPPY BIRRTHDAY! Hinay-hinay lang sa boys! *hug*

Sana masaya kayong lahat!

Wednesday, December 13, 2006

ANGHEL

Opo... Ang anghel ng Illumina06 ay nagdedebut nga ngayon.

ANGELA S. BELGERA

Photobucket - Video and Image Hosting
Marl, Matakot Ka.

HAPPY 18TH BIRTHDAY! IKAW ANG ikatlong babaeng naging legal na sa Illumina.

Photobucket - Video and Image Hosting
Anj, Ikaw ba 'yan?

Salamat sa lahat kaibigan. Dahil sa'yo, naging makulay ang mundo ko sa high school. We shared a lot of things with each other--natatandaan mo ba 'yung mga endless skyflakes at chicharong masarap? 'Yung mga tuksuhan, at mga pa-clingcling mo pa diyan. Kahit 'yung mga problemang walang katapusan. Naku Anj... I may have been so weak without you.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ganda namin dito. Ang pumalag, pangit.

Thanks for the friendship, for the guidance (kahit minsan nauuwi ang lahat sa samaan ng loob), and of course, for the love!

God bless you Anj! Di bale, kung makapag-ipon man ako ng napakalaking pera (that is kung di ako kakain ng isang buong taon) bibilhan ko ng roundtrip ticket ang lalabs mong si Marl.

Hinding-hindi ko maipagpapalit sa kahit anumang bagay ang divine friendship na inaalay mo sa akin. Kaya ikaw---bigyan mo ako ng mouse sa Enero (dapat black na optical mouse. salamat kaibigan!).

Sige bai... Labyu!

Sunday, December 10, 2006

TO THE ONE AND THE ONLY

KATHLEEN JOYCE "DOLSKEE" DOLORES,

Photobucket - Video and Image Hosting
Pwede nang maging commericial ad ng sabong panlaba.

HAPPY 18TH BIRTHDAY! Ikaw ang ikalawang babaeng naging 18 sa Illumina.

Words aren't enough to completely describe what we've been through all these years. My life wouldn't have been SO GREAT if you weren't there to keep me from losing myself throughout gradeschool and highschool.

Thanks for the treasured friendship. I would've been such a fool if you weren't there.

Thanks. Thanks! Thanks.

Salamat Kat...

Etong video ay pampabawi sa lahat ng mga ginawa mo sa akin. I labyu KAT! (Much thanks to Jason who uploaded this video.)



>>>

Ok now...

Balik sa pag-aaral.

Saturday, November 25, 2006

SECOND SEM BLUES

Haai naku... Second sem na pala!

Dapat pala inuupdate ko ang mga pangyayari sa buhay ko.

Sisingitin ko muna itong video about our Katip nightout last Nov.20:



So, sige. Let me start by talking about KBo's debut. Nagparty kami sa KFC. Mabuti naman at naging matagumpay ito. Naging masaya si Kbo.

KBO
DEBUT NI KBO

For more pics, just click the following link:


Ayun. 'Yun lang.

Last weekend, Nov 18-19, dumayo kami sa bahay ng mga Camarao sa may Sucat. Blessing kasi ng bahay nina Tal. Inimbita rin niya kaming mag-overnight dito. Anim kaming mga taga THE FORCE ang sama-samang nag-enjoy (ba't kasi wala 'yung 3 pa eh.). Nanood kami ng mga sine sa kanilang family room. Ang sarap pa ng hinanda nilang mga pagkain para sa amin--lalo na 'yung baked mac. Ang babait pa ng pamilya ni Tal sa amin.

TAL BAHAY
BALUARTE NG MGA CAMARAO

Ang saya talaga ng weekend na 'yon. For more pics, just click the following link:


Pumunta si Pare dito sa Maynila. Kagabi, kumain kami sa Via Mare's Oyster Bar sa Greenbelt. Ang sarap-sarap! Sana laging pumupunta si Pare dito para malasap ko ang mga natitikman ni Tito Et dati. Nakuu... Ang sarap!

Photobucket - Video and Image Hosting
Talaba!

Photobucket - Video and Image Hosting
Angel's hair

I miss my Pare!

Our classes started last Nov. 13. I'm happy to know that I now have a Math prof who really does teach Math (last sem kasi, tinuturuan namin ang mga sarili namin! waaa...). I still have the same profs for English and Lit. Ok lang naman ang prof ko sa Physics. Hindi na si Sir Capilos ang prof ko for Fil (I'm really going to miss him... as in!). I got into Arnis for my PE.

English 12. Research Paper Writing. Well, in my case, we're going to write 1 argumentative reasearch paper and 1 reflection paper. Nah... Perteh! Ba't hindi kasi scientific 'yung research?! Perteh. Issues ito!!! May panel defense pa! Limited time!

Lit 14. Intro to Poetry. Yes. I'm hoping that I'm going to be a poet in the end of the sem. Sa simula, hindi ko talaga maintindihan ang mga tula. PERTEH! Subalit, nararamdaman ko naman na makakabawi ako. Nagsimula 'yon kahapon--when we talked about the poem ONE ART by Elizabeth Bishop. As in, I can surely explain it to you. So far in our course, this has been my favorite.

"The art of losing isn't hard to master; so many things seem filled with the intent to be lost that their loss is no disaster..."

Ps 14.1 & Ps 15.1. General Physics for Health Science Lec & Lab. Haaa... What can I say about Physics? Sir Angel kasi noong highschool, tinakot ako. Waaa... But I'm looking forward in this course. In the end of a dark tunnel is a light that brightens one's soul.

Ma 17. Applied Calculus in Biology. OK. Yakang-yaka 'to!

PE 115. Arnis. Astig ito! Instructor namin si Sir Gialogo--6 time national champ sa Arnis! Arnis is a Filipino Martial Art. So far, I'm enjoying this course kahit na may sugat na ang dalawang kamay ko dahil sa friction sa pagitan ng baston at ng aking mga kamay.

Second Sem. Yakang-yaka 'to! God Help ME.

Yesterday, I've conquered step 1.
Honestly, I'm quite doubtful if I'm going to continue to step 2.
I want to take that step.
I want to. Need to.
Just help me God.

Birthday pala ng blockmate ko ngayon! Happy 18th birthday Kate Cembrano! Stay happy! God bless!



Saturday, November 18, 2006

PICS AND A VIDEO

Mga tao, available na ang mga pics during the sembreak, pics from Kbo's debut, and a very wild video of the girls from E. Abada St.

Here is the video, check it out.



Eto naman ang para sa mga pictures:

just click the following links:

SEMBREAK 2006

KBO'S DEBUT/NOVEMBER 2006

Pasukan na naman... Aral tayo ng mabuti ha.

Tuesday, October 31, 2006

AKO'Y NASA OPISINA NI PARE

Naku. Nandito na naman ako ngayon sa opisina ni Pare.

Ang hina kasi ng internet sa bahay. Perteh.

Tama, hindi ako naka-attend ng Batch Party last Wednesday. Perteh kasi itong asthma ko.

Pero, bumawi ako noong Friday! Pumunta kami ng Pisay! After that, umattend kami ng birthday party ni Sara!

Happy Birthday ulit Sar!

Nakuu... Ang saya-saya!

Ang sayang makitang muli sina Marian, CJ, Jeijei, Kathleen, Sha, Yek, Jess, Arch, Toneh, AteReys... Hai naku. Ang saya!

Ang saya ring makitang muli ang mga teachers ko sa pisay! Pati na ang ibang mga estudyante na nandoon sa pisay!

Haaai... Ang Saya!

>>>

On our way to Sara's house, na-snatch ang bag ni Dabyang.

Nasa jeep na kami noon. May sumabit na lalaki sa may door. Sninatch niya ang bag ni Dabyang.

Ang bilis ng mga pangyayari... Traumatic.

But then, the very next day, na-retrieve ni Dabyang ang mga ninakaw sa kanya. Thanks to her astig na tatay.

You mess with a policeman's daughter, you also mess with the policeman.

Kasalukuyang nakakulong ang pertehng lalaking 'yon sa presohan.

Kasalukuyan ding nagtetext si Dabyang sa kanyang tunay na minamahal.

>>>

I'm going back to Manila in 5 days.

Time just flies so fast that I couldn't keep track of everything!

>>>

I got my hair done yesterday (with my cousins).

Kaya kayo, PREPARE!

>>>

Grades... Grades...

HAAAAAAAAAAH!

Friday, October 20, 2006

BAGONG LAY-OUT

Actually, colors lang ang nag-iba.

This blog is best viewed in IE. Perteh kasi ba... Hindi nagsusupport ng Firefox ang Cbox! Hindi narerecognize ng Firefox na dapat naka-center 'yung header ko...

Anyway, I'm going to Davao tomorrow...

So, see you soon guys!

Teka, ok lang ba itong bago kong lay-out? or balik ko nalang 'yung dati?

Haaai naku.

Wednesday, May 24, 2006

BIDLISIW

Mga ka-tropa! Our yearbook is now available!

Bidlisiw
Illumina 2006

Ma-bOang ako sa mga pictures natin. Sangkatutak ang mga group pics... Grabeh. Hindi ko rin inexpect na meron akong hagok pic. Perteh... Feeling ko si Jeijei ang nagtake nun.... Basta mga tao, check it out! Lalo na 'yung nasa page 59 -- baby pic ni Xt. Perteh.

Kudos to the Bidlisiw staff... Ang galing ninyo. Salamat din sa Illumina... Dahil kung 'di tayo nagtulong-tulong, hindi sana magiging ganito kaganda ang ating yearbook. Kung hindi tayo naging united, siguro hanggang ngayon wala pa rin tayong yearbook.

O, sa lahat ng mga hindi pa nakakuha ng yearbook... Grab your copies NOW! Punta lang kayo kay Sir Calacar.

Ingat!