Showing posts with label buhay manila. Show all posts
Showing posts with label buhay manila. Show all posts

Sunday, November 8, 2009

SEMBREAK = MEDSCHOOL PREP

Sa susunod na ako magkukwento in detail kung anong nangyari sa akin n'ung sembreak. Pero goodness... Since october binu-bug na ako ng mga medschool preparations/applications.

Mag-aapply ako sa ASMPH, UP-CM, UST-med, UERM, ST. LUKE's, at Davao Med.

Sabi ni Pare kung di raw ako mabigyan ng scholarship sa Ateneo, then it's going to be goodbye Ateneo.

Lord... sana mabigyan ako ng scholarship. I really need it.

Tuesday, July 21, 2009

BUHAY PA AKO.

Ang daming mga nangyari for the past few weeks.

Mahirap na tuloy balikan ung bawat isang mga nangyari since March (siyempre ang daming mga significant things na nangyari). Gustuhin ko mang i-blog ang lahat ng 'yon, di ko magawa--dahil na rin sa kakulangan ng oras (hello, 12:22am na at kailangan kong magising ng maaga dahil may flight ako nang madaling araw).

Naku Lord, maraming salamat at hindi niyo po ako pinababayaan.

Pati sa aking mga support group. salamat.

Patapos na ang July. haay..

Gusto kong mag-update tungkol sa ff:
1. MARCH.
2. Seniors' Party
3. COA formsem
4. ENTA PLEVSEM
5. NMAT
6. SUMMER PLANNING and several EB MEETINGS ng ENTAEB
7. my personal insights sa mga bagay from 1-6
8. END OF MAY
9. ANG HENERALA REHEARSALS
10. ORSEM 2009
11. ANG HENERALA SHOWS and PROD PARTY
12. VENUE SCHEDULING MEETINGS
13. FAMILY
14. LOVE LIFE
15. ACADS
16. lahat ng insights ko tungkol sa 1-15.

HAAAY BUHAY..

sabi nga ni sir lagliva.. ganyan lang talaga ang buhay..

sana makaraos pa ako... kami..

Tuesday, July 7, 2009

OO BUHAY PA AKO

I never really imagined that it would be this hard.
Siguro kailangan ko lang magpakatatag.

Breathe in. Breathe out.

Shucks Lord, huwag niyo po kaming pabayaan... Huwag niyo po akong pabayaan.

8 more days, then reloaded na naman ako. As for now, I'd have to live with the choices I've made so far. Di na ako natuto. Nakakainis. Pweh!

+++

Kinakabahan ako sa kung anong puwedeng mangyari six months from now. Sana Lord matuloy ang mga plano namin at sana maging in accordance to your will ang lahat ng mga ito. Maraming salamat. Patuloy po kayong magbigay ng gabay sa aming lahat.

+++

Last two weeks na lang ng Ang Henerala!!! Manood kayo!!!

Wednesday, February 18, 2009

LAPTOP.

At 'yon na nga. Ipinadala ko ang aking laptop sa Davao last Monday.

Eh hello... nasira kasi ang laptop ko that fateful morning ng January 17. At wow na wow, noong Monday ko lang nadala sa PC express para macheck na rin. Eh sira na pala yung hard disk ko. Kailangan palitan. Naku... around 3thou din yon.

Eh wala akong installer ng OS at ng MS Office. So sabi nila na bumili na lang daw ako ng licensed. So ayon, pinacalculate ko. Naku! 10,650php ang gagastusin without the labor ha!

Kaya ayun, sabi ni Dad, ipadala ko na lang daw sa Davao yung laptop.

Sana bumalik na yung laptop ko in good condition. Or if ever, sana bilhan na rin ako ng bagong laptop (given the fact na kay Mama yung laptop na ginagamit ko). Kasi naman, panel defense na namin sa Wednesday!!! Plus ngayon, gumagawa na ako ng paper for theology regarding the couples' sharing that occurred last Feb8. Plus, may mga philo papers pa akong kailangang gawin.

Basta, KAILANGAN KO NG LAPTOP.

Sana naman dad.... Mapadala niyo na!

Thursday, December 18, 2008

OK LANG AKO.

Katatapos lang ng Philo documentary presentation.

Two days na akong natutulog ng around 5am at nagigising ng around 7am.
Nakacut ako ng cellmol kanina kasi nagising na kami ni Pia ng around 745am for a 730am class.

Si Mama, na-admit na sa ospital. Tatlo ang attending doctors niya. Isang spine surgeon, isang cardiologist, at isang nagmomonitor ng kanyang diabetes. Sobrang kinakabagan daw siya dahil sa kaba. Sana maharap niya ito bukas ng matagumpay.

Narealize kong ang hirap palang malayo sa mga minamahal mo sa buhay in times like these. Gusto kong nandoon ako sa tabi ni Mama ngayon upang mahinahon lang siya sa kabang nararamdaman niya. Gusto ko nandoon ako sa kanyang tabi before siya mag-undergo ng surgery. Gusto ko nang umuwi. NOW NA.

Ang hirap magrelay ng message through text or through calls. Ako kasi yung type na medyo "touchy"---in a good way. Gusto kong i-hug si Mama. Di naman niya gets kung ano yung >:D< na HUG pala yun eh. Ang hirap.

Emosyonal pala talaga akong tao. Pero buti naman at di pa ako umabot (AT SANA NEVER) sa point of breaking down. Aminado akong di ko kayang gawin ang lahat pero alam kong may mga kaya akong gawin. Lagi ko ngang tanong sa sarili ko kung kailan ako titigil--kung kailan ako maglelet-go ng mga bagay-bagay. Sabi ng ibang tao, basta nagiging masaya ka sa mga ginagawa mo, kayang-kaya mong gawin ang lahat ng bagay na ito. Minamahal mo raw kasi yung ginagawa mo. PERO HELLO? What if hindi mo na talaga kaya---in a sense na super nafa-fatigue ka na dahil sa mga gawaing kailangan mong gawin dahil tinanggap mo itong gawin at binigay na sa'yo ng mga tao yung trust nila diba?

Ang bigat ng feeling ko ever since last week. Maybe its just due to the fact na sa Sunday pa ako makakauwi. NGayon yung mga panahon na parang wala na akong control sa mangyayari kay Mama bukas ng 9am. Ito maharil din ang dahilan ng tao kung bakit siya nakabuo ng konsepto ng DIYOS para lang di siya masiraan ng ulo dahil sa lupit at masakit na mga pangyayari sa kanyang buhay.

Lord, kailangan ka namin. Kailangan ka ni Mama. Di ko na alam kung ano pang gagawin ko, lalong higit na narito ako sa malayong lugar. Text/call at dasal na nga lang yung nagagawa ko.

Basta... alam kong I'll hug Mom as soon as I get back home.

'Til then.

Sunday, December 14, 2008

CHOP-CHOP

Paano ko ba hahatiin ang sarili ko?

May Theo project proposal.
May Philo documentary.
May possible quizzes at long tests.
May classes.
May rehearsals.
May surgery.
May kailangan akong bigyan ng regalo (at di pa ko bumibili!!!).

Lord. One more week to go. HELP ME!

Saturday, December 6, 2008

I NEED SLEEP

Napapagod ako.

Kahit weekend, 3am na ako nakakatulog.

I can't imagine what will happen to me the next two weeks... With all the quizzes, long tests, THE philo documentary, THE theo project proposal, UBL rehearsals, and of course ang nakakalokang mga liquidation reports ng XPRES.

Diyos ko...

Natatakot ako. Sana magawa ko nang mabuti ang LAHAT ng mga dapat kong gawin.

Nami-miss ko nang matulog ng 10pm. AS IN!

Thursday, December 4, 2008

YUN NA.

Update?

Wala akong internet at nakikigamit ako ng laptop ni Pia ngayon.
Gusto ko nang mag-blog ng maayos ulit.

Gusto kong mag-blog about Xpres.
Acads.
HSS.
HSc Night plans.
Enta.
UBL.
Family.
Mom.
Happiness.
Marginalization.
Rationalization.
Liberal Ironism.
Christmas.
Ateneo.
Final Vocabularies.

Ang dami kong dapat pagdaanan. Help me.

Friday, November 14, 2008

BUHAY KO.

readings.
homeworks.
projects.
plays.
surgeries.
threats.
hope.

Lord, help me.

Thursday, October 30, 2008

DEAREST LORD,

Mahal na mahal Mo talaga ako.
Pati pamilya ko mahal na mahal mo.

SALAMAT!!!
Sana magampanan ko ng mabuti ang pagiging tagalingkod Mo.

Ad Majorem Dei Gloriam!

Nagmamahal,
Gem-gem

Thursday, October 2, 2008

FINAL TASKS FOR THE SEM

SA 112 Paper
Hsc 55 Final Paper
Eco 185.7 Finals
Chem 35 Finals (PLEASE EXEMPT ME!)
Philo101 Final Orals
HSc 55 Finals
Photocopy Scripts
Binding of Scripts
PlevSem HSS
Intensive Workshop
Blockings (Day 1 & 2)
Breathe and Love Myself

Lord. Sorry.
Help ME.

Tuesday, September 30, 2008

ALAS DOS NA

Di ko na alam kung saan ako lulugar. Tulong.

Sabi nga ni Alec,

let's serve the lord first
let's strengthen our relationship with him before we embark on relationships with other people
danica you're a strong woman.
Strong women are tough (kumusta naman).
you have to separate your emotions from work
let it affect you
but let it affect you at the right moment
gets?
haha
sabaw
basta
idasal mo na lang yan kay lord
whatever that is letting you down right now

- - -

Wow public nga pala ito ano... I'm ok btw.

- - -

Finals week na next week. I CAN DO THIS.
Help me Lord.

Saturday, September 6, 2008

DAPAT TULOG NA AKO NGAYON.

Sabi nga ni Dad kagabi, he wants me to be asleep by 12midnight na. Pero di ko kaya kasi nagbago na talaga yung takbo ng katawan ko.

Sabi nga ni Dad kagabi, "it need it be" (na sobrang kinawindang ko dahil sa term niyang 'yan na sobrang nakakatawa), I have to let some things go.

Have I really accomplished enough?

If I did, why do I still feel this disappointment after I took that ch35 long test?

And why do I still feel that sadness whenever I think about the possibility that I wouldn't be able to act on stage for our newbie prod, Kwik-E?

Plus, I'm really scared of taking the cbc test tomorrow. Baka kasi kung anong madiscover about sa dugo ko diba.

I just miss the comforts of my own home. Sobra.

Monday, August 18, 2008

LIPGLOSS DAW O.

So pretentious--'yun lang 'yung statement na nasabi ko out loud noong nakita ko ang video na ito sa YOUTUBE:



Takte naman o. Sobrang fan ako ng Gossip Girl, tapos ito ang igaganti ng Philippine Entertainment scene sa aming mga fans ng GG: Bibigyan kami ng Philippine VERSION ng GG?!

Wow naman. Nakakawindang naman ang concern ng mga nakapag-isip na ipalabas ang show na ito! Oh my God (forgive me Lord) pero sobrang nakakainis ang mga ganitong actions sa media. Oo, magandang gumawa ng show na oriented sa mga buhay ng teenagers ng ating bansa BUT why do they have to do this kind of shows na super panggagaya lang (AS IN TOTAL PHOTOCOPY OF) ng mga shows of the OTHER countries?! 'Yung mga tauhan (character-wise), sounds, wardrobe, school, screenplay-wise, yung sequences ng mga scenes from start to end ng shows, 'yung storyline! SHIIZ! Sampal talaga ito sa sining mga kaibigan!

Eh ano ngayon kung kumita at sumikat ang Gossip Girl? Hindi naman ibig sabihin nito na swaswak din sa panlasa ng Pinoy ang PINOY version ng Gossip Girl. 'Yung mga reality shows na inadopt natin from USA and the other European countries naiintindihan ko pa. Kasi 'yung mga buhay naman at KULTURA ng 'Pinas 'yung pinapalabas ng mga shows na ito. Pero mehn, may TRADEMARK ang Gossip Girl. At nakikita ko 'yung TRADEMARK na 'yon sa LIPGLOSS. Parang PLAGIARISM na 'to ng concept ng Gossip Girl TO THE HIGHEST LEVEL!

Kung ang mga kanta nga sinasampahan ng plagiarism case ng mga original writers nito (case in point: Cueshe na pawang pinapalitan lang nila yung lyrics ng mga kantang sumikat/di sumikat noon pa!; Salbakuta na sinampahan ng kaso ng paggamit ng chorus ng Stupid Love; etc), siguro kung malaman man ito ng writers and production team ng Gossip Girl, maaaring sampahan din nila ng kaso ang mga nagpasimuno ng PANGGAGAYANG ito.

At note lang ha, ang barok magenglish ng characters sa Lipgloss. Inaamin kong di ako ganon ka-fluent mag-english (as in with all the American accent and everything else that goes with it) at parang ang kapal naman ng mukha kong magreklamo. BUT, para naman sa ikakaganda ng show, huwag na kayong maging pretentious at mag-ingles ng mag-ingles na di naman talaga bagay sa inyong mag-ingles. Ang sama ko na, pero the heck... SAMPAL na talaga ito sa SINING.

Mas maayos pa ang pangongopya ng labreport kaysa sa show na ito. At least ang paraphrasing ng ibang lab reports di halata. ITO, sobrang nilantad pa.

Lastly, LIPGLOSS?! Parang spoof lang talaga ah. Dapat nang i-feature sa Bubble Gang 'to.

Sunday, August 10, 2008

AT DAHIL SOBRANG BAGAL KONG MAG-BLOG

at dahil super late na rin ng entry na ito, sasabihin ko na lang ang mga highlights ng mga events sa buhay ko from April hanggang August.

APRIL:
-pumunta ng Davao ang mga blockmates ko at dahil doon, na-tour namin sila. Ang saya ko dahil naappreciate nila 'yung lugar na kinalakihan ko.
-nagsimula ang summer sem: Biochem at Human Life Cycle, PLUS yung pagtuturo ko sa mga grade 5 kids ko sa HOPE ng Reading. Challenging sem, yet ayon, nag-enjoy pa rin ako.
-I turned 19. And sobrang hindi ko inaasahang bibigyan ako ng sorpresa ng mga blockmates ko, orgmates ko, coursemates ko, freshies ko, at ng mga close friends ko. GRABEH. nakakaloka. pero dahil doon, sobrang nasiyahan ako. Wala man 'yung pamilya ko dito sa Manila, naroon naman sila upang pasayahin pa rin ako.Blockmates sa DavaoBirthday ko
HOPE class

MAY:
-long tests at finals month. nagkandawerla ang schedules ko at dito nagsimula 'yung time na hindi na ako nakapag-update ng blog.
-nagaudition ako for TNTs.
-end of summer class
-nagmove ako sa bagong dorm (University Dorm-South na po ako!)
-ENTASportsfest project head ako.
-nagsimula ang preparations for TARONG

TNT 2nd Interviews
JUNE:
-ORSEM: LIYAB 2008. nakilala ko ang aking mga freshies na super the best! I'm so proud of them hanggang ngayon. Ang saya ko dahil ako 'yung naging TNT nila. Plus, nagkaroon ako ng artistang freshie--si Robi!
-Simula ng classes for first semester! WOHOO! HYPER ang mga subjects ko. nakakaloka.
-Simula na ng mga rehearsals for TARONG.XX2 Yahu! I love you guys!ako at si Robi after the mass
JULY:
-nakakaloka lang ang Philo class. nakakabore ang LS. I love Chemistry lecture forever, kaso 'yung chemlab nililigawan ko pa (hanggang ngayon!!).
-nagsimula na ang production na TARONG, kung saan naging parte ako ng production team. at nag-end din ito successfully. and I'm so proud to be part of this production. MABHAY ENTABLADO!
-nagsimula na rin ang mga iba't ibang activities namin sa Health Sciences Society. Ayun, since executive board member ako, naging sobrang busy din kami sa mga upcoming projects.
-long test weeks. hellish. lalo na sa EPI. nakakaloka.
Mga kasama ko sa Enta. HSc+Enta+Mia.Gala Night ng Tarong.

AUGUST:
-Midterms month. Halos every week may test kami
-may SOTGA kami. I'll tell the details next time.
-SOSE NIGHT. SAYA!

Ayun. MAg-aaral pa ako. 'Til next time guys. :)

Monday, May 12, 2008

BROKE

So this is how it feels like...

- - -

I'm SUUPERR TANNED.
And I blame it to the sun sun sun...

Sunday, April 13, 2008

ON DRIVING

Yey! Sa wakas nawala na rin 'yung fear ko of driving.

During the break, I made sure that I was able to drive the car throughout the village for at least an hour. Problema ko na lang is yung parking. Tsk. Sa ngayon, nahihirapan pa rin akong magdrive ng pabaliktad---in the sense na di ko pa naviview kaagad kung saan pupunta ang kotse papalikod kung ang manibela ay iikutin ko papakanan, etc. Hindi ko pa rin naipapark ng maayos ang kotse sa garahe. 'Yun kasi ang kundisyon ni Pare. Kailangan ko munang matuto magpark bago ko puwedeng ilabas ang kotse sa village. Hay naku. Sa October na nga lang ulit.

Ay oo nga pala. Nasabi ko na dati na may driver's license na ako. Yey! Non-pro driver na ako. BUT I still have this guilty feeling inside me (until now) dahil sabihin na natin na hindi ko tinake ang "usual" procedures of acquiring a new driver's license in our region's LTO. Medical exam pa lang, passed na ako kaagad sa urine & blood test. I passed the licensing exam easily, in contrary to a lot of others who failed it a number of times. I didn't touched the steering wheel, yet I was able to pass the practical driving exam. WHY? We had contacts, and ayun. They played their part so well that it was as if I really REALLY went through all the procedures fairly, just like the others.

Wala lang. Sabi ng iba, reality iyan na kailangan mo nang tanggapin. At least I got help from them daw. I've also learned that a lot of my friends also had the same "aid" from some officers in the LTO. Kasi kung wala sila, baka hanggang ngayon wala pa rin kaming (akong) driver's license.

Pero 'yun nga. Isa kasi ako sa mga taong gusto na ang lahat ay sumusunod ng maayos sa mga itinakdang patakaran ng mga nasa posisiyon. Lumaki akong tinuruan ng "magandang asal," ng mga iba't ibang rules and regulations na dapat nating alamin at sundin. Nahulma ng mga iba't ibang theories 'yung utak kong mag-isip ng isang idealistic space where I could live in. Sa sobrang idealistic ng mga paniniwala ko, nagiging impraktikal na ako minsan. Hay tama na ito. Nawawala ako sa main point ko. Basta, 'yung concern ko lang eh 'yung fact na ang daming nangyayaring pandadaya na nagaganap even at our local level. Ako mismo dumaan sa proseso ng pandaraya sa LTO ng aming region. Kawawa naman ang mga taong naghintay ng napakatagal na panahon para lamang makuha ang kanilang mga lisensya, to think na ako--AKO na super unexperienced-can't-even-park driver ay nabigyan na KAAGAD ng lisensya. Wala pa akong restriction that I need to have my glasses on when I drive to think that I've had astigmatism since prep. Tapos, agad-agad lang nilang pinapapass ito?

Di lang sa LTO ko ito napansin. Sa DFA rin. One day, my family went to the DFA to renew our passports and para na rin gawan ng passport si kapatid. Again, we had contacts. So, instead of the usual 12-hour tambay in the DFA, we were just there for two hours. Sobrang jampacked pa ng office with people trying to get their passports. Sobrang nakakaguilty kasi halata naman na ang late naming dumating, ngunit kami pa rin yung naunang matapos. Plus, we entered the office of the head pa! Tsk. Ano ba ito? People fall in line as early as 4am outside the DFA office. Some even sleep outside the office just to have their passports at least by the afternoon. Grabeh ito.

At malamang nagaganap din ito sa iba't ibang offices, mapa-government pa man ito o private company.

Hay naku. nagBLAH na naman Ako. Pero naman oh, sorry PARE kung sinasabi ko ito. Pero mali talaga 'yung ginawa natin. OO, mas naging "hayahay" tayo sa ginawa natin that time, BUT then we have to think of the others who followed the procedure well. Kaya nga nagkakaroon ng problema ang bansa. May mga taong nagtatakda ng mga patakarang kailangang sundin ng bawat mamamayan ngunit sila mismo (at ang mga taong close sa kanila) ay ang siyang mga taong di sumusunod dito. Wala ring efficiency. Tsk.

Bata lang ako. Wala pang pangalan. Wala pang ganun kalaking imlpluwensiya sa lugar na tinitirahan ko--moreover, sa region na ito, moreover sa bansa. Wala lang ako, pero at least nag-iisip ako ng ganito.

Narealize ko lang ngayon: ang olats ko pala. I'm criticizing the things I have observed in the LTO and DFA office. Yet still, I have my license securely placed in my wallet right now. Moreover, I would not like the feeling that my license would be taken away from me, because I didn't followed the licensing procedures fairly (to think that I'm able to drive NOW, well except park of course :P). I wouldn't like the feeling that we were prevented to go outside the country because we didn't follow the procedures well. I'm afraid that those people heading those government offices would lose their jobs because they may really be the ones who are worthy of those positions at least as of now (naging sobrang mabait lang sila kaya sila nagpapasingit ng ibang tao). Hay ewan. Too serious. I miss my highschool self.

The more we get to learn about things, the more we tend to feel unsatisfaction and depression as we realize that these events widely occur in our surroundings. Children view the world as an idealistic place full of fun, joy, and Santa Claus. Once they've learned the things about life. then their idealistic world slowly degrades into that sad reality. Parang yung mall na heaven para sa atin ay isa palang napakahigpit na lugar kung saan di mo malalasap ang lahat ng sarap ng buhay sapagkat ang lahat ng ito pala ay may kapalit. Everything is commodified, ika nga.

Shatap. Nonesense na ito. Forgive me for this. Ang pangit ng coherence + grammar. Parang di ako nag gradeschool + highschool + first year! Pero the fact na nag-iisip ako ng ganito makes me feel good. Mature.

Parang may wisdom na sinend sa akin from God above. Chos!

- - -

Classes na bukas.

Wednesday, August 29, 2007

SIGH

I miss eating good food three times a day without getting broke every after meal.

I miss the comforts of my own home.

College deemed its stand in torturing me---harassing me with all its dehumanizing whines and demands.

And there's still a long long looong way to the finish line.

Yet, I've managed to get this far.

And because of that, I'll never give up.

So, bring it on baby! I'm ready!

---

College, be not proud; though some have called thee
Mighty and dreadful, for, thou art not so,
For, those, whom thou think'st, thou dost overthrow,
Die not, poor college, nor yet canst thou kill me.
From rest and sleep, which but thy pictures be, 5
Much pleasure, then from thee, much more must flow,
And soonest our best men with thee doe go,
Rest of their bones, and souls delivery.
Thou art slave to Fate, Chance, kings, and desperate men,
And dost with poison, war, and sickness dwell, 10
And poppy, or charms can make us sleep as well,
And better then thy stroke; why swell'st thou then;
One short sleep past, wee wake eternally,
And college shall be no more; college, thou shalt die.

Death Be Not Proud [revised version; death = college] by John Donne

Friday, August 17, 2007

LONG WEEKEND

Haller. Bayo beybeh. Bagyo.

In fairness, umuulan na talaga ngayon!!

At dahil sa bagyo, nagkaron kami ng 6-day weekEND. Wow... Parang naka tatlong weeks na weekend na rin yun ha. Weh... Ang labo ng tinaype ko.

At dahil doon, magpapahinga na muna ako. Thank God for allowing me to "rest" after all these stresses.

But then again, nakatambak pa ang mga SA at Theo readings ko sa table. I'd better catch up before it gets too late. May dalawang chem long tests pa ako next week!!! (voice: yakang-yaka mo 'yan, 'neng!) Yes, kaya ko 'to beybeh! Kaya ko 'to!

Status ko siguro sa Y! Messenger ngayon eh "Busy" or "DND". Eh kasi naman noh, ang dami-dami kong ginagawa. Acads, Org works, dorm chores, sleeping... ang dami! Nagtatampo na nga rin sina Pare at Mare dahil hindi ako nakatatawag sa kanila. Wala pa akong credits ha! Meron nga akong dalawang cellphones, pero wala namang laman! HANUBAYAN?! Kumusta naman 'yon, diba? Financial constraints just makes everything a bit too strenuous and grueling. Shet... Hahaha!

Haaay naku. Anyway, balik na ako sa mga readings. After that, magpapahinga ako ulit. Sleep debt ko kumokonti na (THANK GOD). Plus, my cooking skills are getting better as the days go by.

Pictures will be posted in my next entry. Anyway, God bless everyone.

Wednesday, August 15, 2007

HALLER

Hay naku. Di ko talaga alam kung anong ibla-blog. Si Pare kasi eh, nag-email na sakin. Hindi na raw kasi ako nagpopost ng entry dito sa blog (yeahs, binabasa po ng ama ko ang blog ko--opo, marunong pong mag-internet / gumamit ng computer ang ama ko--mas matindi pa nga yung laptop niya kaysa sa'kin eh).

So napagisipan ko na magsulat na lang tungkol sa mga naganap sa araw na ito.

Oo nga pala, ang lakas ng buhos ng ulan dito sa Katipunan. Lalo na kanina. 9am kasi ang class ko, so ng mga 8am, ready na ako for school (perteh, ang aga!). Tapos sobrang tindi ng bagyo! Ang lakas pa ng hangin! Ang nakakainis lang eh wala pang official announcement ang admin ng Ateneo regarding the suspension of classes.

Paglabas ko pa lang ng room eh sobrang binaha na yung pathway namin palabas ng dorm! At since nakatsinelas ako, ayun, dinive ko na lang yung paa ko sa tubig--mababasa naman talaga yung paa ko kahit anong mangyari eh.

Takte, ang tindi pa ng current ng baha sa labas ng dorm! Ang lamig-lamig pa (and to think na naka-shorts, jacket, at payong ako ha--Muay-Thai kasi PE ko). Nakaiinis yung mga tricycle driver na yan ha! May mga piling trike driver lang na mababait. Since nakita nilang traffic sa may ateneo, ayun, hindi na sila nagpapasakay!

So ayun, naghintay ako ng ilang minuto para sa trike. At habang naghihintay ako, sobrang nababasa ako ng ulan. Buti na lang may dumaan na trike na pinasakay ako.

Habang papasok ako ng trike, of course, dinive ko yung paa ko sa rumaragasang baha. PERTEH! Biglang naputol yung (something) ng tsinelas ko! Putol na yung tsinelas ko!!! At takte, di na maaayos kasi putol talaga!!! Irrepairable!!! HAVAIANAS PA NAMAN YON!!!! Regalo pa naman yun ni Tito Et! PERTEH!!!

ARGH. So ayun, wala na akong Havs.. :(

Useless pa yung pagtatrike ko, sobrang pinasok pa ng ulan yung loob ng trike. So basa ako, plus basa rin si Manong driver ng trike. Feeling ko nga pati underwear ko basa eh! Waa...

So ayun, drinop na ako sa CovCourts. Perteh! Sobrang nahirapan kaya ako kasi putol nga tsinelas ko. Buti na lang nakita ako ni Mars at hinanapan niya ako ng tsinelas (tsinelas ni Anna!) para makapunta sa Martial Arts area for my PE.

After a while biglang inannounce na SUSPENDED ANG CLASSES! HUWAAW DIBAH?! PERTEH! Naligo na nga ako sa ulan, basang-basa pa ang mga damit na suot ko, naputulan pa ako ng tsinelas, NAGISING PA AKO NG MAAGA!

Aaaah.. Life. It tends to be unpredictable.

Sana may magregalo ulit sa akin ng new pair of Havaianas. Wala na akong tsinelas... :( (Pare, nagpaparinig ako... Sana pakinggan mo.)

So ayon, may bagyo nga.

So paano ako nakauwi? Buti na lang pinahiram ako ng napakalaking sapatos ni Aaron. Isipin niyo, size 9 lang paa ko. Size 11 yung sapatos na sinuot ko kanina! Sobrang barko na yata yung suot ko kanina eh! Tapos pinasabay pa niya ako sa kanilang kotse pauwi! Salamat!

At bukas... Bukas walang pasok! Lalakas pa raw ang ulan eh!

Anyway, yun lang po.
Yun lang.

>>>

Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi.
Bumawi ka beybeh! Bumawi ka!
Kaya mo yan! Alam kong kaya mo!
Kaya mo yan beybeh! Kaya mo!
Yakang-yaka mo yan beybeh!
YEAHzz!

God bless everyone!