Wednesday, July 26, 2006

SA LUNES PA?

Haay nakuu talaga noh? Excited pa naman akong makita/mahawakan/magamit 'yung bago kong cellphone. Perteh... Akala ko ngayon ko makukuha... Sa Lunes pa pala!

Perteh talaga oh... Gusto siguro talaga ni Lord na pag-aralan ko muna ng mabuti ang Ma 11 LT ko. Gusto rin niya akong bumawi sa Filipino.

Haaay nakuu Filipino...

Sa totoo lang, gusto ko naman talaga ang Filipino subject. As iN! Since birth I liked it already. Lalo na noong high school! Hanggang ngayon, actually. Pero bakit ganun? Kung kelan ako handang-handa mag-take ng quiz about a certain lesson sa Fil 11, iba 'yung ipinapaquiz niya... Perteh... Dapat akong bumawi. DAPAT!

TATANDAAN KO NA!

PErteh... Pisti... After a loong weekend, parang na-dishearten parin ako sa Pinoy quiz.

>>>

Lord, Tabangi ko... Tabang Lord...

Saturday, July 22, 2006

NEOFIGHT...at si PARE

Wala na naman akong internet sa dorm. Perteh talaga oh. Baka sa Monday pa ako. Puno na raw kasi 'yung mga slots sa dorm. Gagawa sila ng new line sa monday, kaya sa monday pa ako magkakaroon ng internet sa dorm. Sa ngayon, I'm stuck with using either the computer in the Rizal Foyer, or in the internet cafe here in Katipunan.

Ay tama, enjoy pala kanina. Umattend ako ng NeoFight kanina. Isang seminar para makatulong sa aming makasurvive sa AdMU.

Handa na ako
NeoFight... Handa na akong makipagsapalaran sa buhay-Ateneo

Ang galing talaga ng mga speakers kanina. Lalo na si Queena Lee-Chua, Ph.D ng Math department. Ang galing talaga niyang magexplain at sobrang talino pa. Parang si Ma'am Tench sa Pisay. Parang better pa nga si Ms. Queena eh. Sana siya na lang 'yung Math teacher ko. Perteh kasi 'yung teacher namin ngayon sa Math11 ba. Si Ray. Parang tamadertz na ewan. Foreigner kasi, baka ganun lang talaga magturo ang mga Kano... waaa... Pero sana, si Ms. Queena ang magiging prof ko sa Psy101 sa summer. Lord, sana SIYAA!!!

Time Management, stress, at Org Life... 'Yun ang mga topics kanina. Basta, ang saya. Kwela kasi ang lahat ng mga speakers...

Kaya ngayon, handang-handa na ba talaga ako sa buhay 'Teneo?

OO, HANDANG-HANDA NA!!!

yahoo!!! quatro... here I come! well, hopefully...

>>>

Lord, tulungan niyo po ako sa Math11 LT on Thursday. Salamat po.

>>>

JULY 22, 2006 NGAYON... Isang napakaimportanteng araw sa buhay ko. Dahil sa araw na ito, forty-seven years ago (waa, bistado), iniluwal sa mundo ang napakaresponsable, napakasipag, at napakagwapong lalaki sa balat ng lupa... At lugod akong nagpapasalamat sa Diyos at binigyan niya ako ng isang amang tulad niya na patuloy na nagmamalasakit at nagmamahal sa akin ng tuwina.

Ipinagmamalaki ko na ama ko si Danilo... Pare, you're the MAN!

MALIGAYANG KAARAWAN DAD!!! Pare, you're the best!

Sinacrifice ni Dad ang kanyang birthday party para mabilhan ako ng bagong cellphone... Kitams? Blessed talaga ako.

I love you Pare!

Sunday, July 16, 2006

BITSU-BITSU

Ang sarap talaga ng Bitsu-bitsu (bichu-bichu)...

Eto ang binibili ko sa UP every sunday. Sampung piso per stick. At bumibili pa ako ng isang baso ng gulaman... Limang piso lang ang gulaman sa UP coop!

Bichu
Ang Bitsu
bitsu
Wow naman...

Ang bichu-bitsu... Hindi ko talaga alam kung ano ang tamang spelling... Basta ito ang alam ko:

Wow... Ang sarap.

Saturday, July 15, 2006

TRAUMA

Na-trauma ako kanina...

Ok na sana ang araw ko kanina... Masaya at excited kasi manonood kami ni Alec ng Pirates of the Carribean 2 sa Gateway. Masaya kasi hindi na-late si Alec, medyo on-time kami kaninang umalis.

So ayun na nga, nasa Gateway na kami. Sinamahan ko si Alec pumili ng bagong glasses. So, ayun, nakabili na nga siya. After one hour pa raw makukuha 'yung glasses niya.

Pumunta na kami ng sinehan, mga around 3:00pm 'yon. Ang haba ng pila! Mga around 20 minutes kaming pumila doon (ang daming tao, grabeh!).

After ng pila, kumain kami ni Alec sa foodcourt. Masarap ang food, kaso dinalian namin kasi 4:10pm magsisimula 'yung sine. So kinuha na ni Alec 'yong glasses niya. Ako naman, pumila sa Wendy's para bumili ng burger. Magkikita nalang kami sa escalator papuntang sinehan.

Nagtaka nalang ako kung bakit naka-open ang zipper ng bag ko. Klinose ko kaagad, nag-aalala na baka manakawan ako or baka may mahulog na something galing sa bag ko.

So ayun, nabili ko na 'yung burger ko. Nandun na ako sa may escalator that time nang naisipan kong itext si Irish ( happy birthday nga pala!!!). Ay perteh, hinalungkat ko ang contents ng bag ko, pero nawawala 'yung cell phone ko!!! PERTEH!!!

Dumating si Alec...

Ako: Lec, nawawala ang cellphone ko!!! (kahilakun)
LEc: HAAH?! Sigurado ka? Basig naa lang diay na sa imuhang bag.
Ako: Wala lageh... Miss call mo nga.
(tumawag)
LEc: Ano? Nandiyan?
Ako: Walaaaaa!!!
LEc: San mo ba last ginamit?
Ako: KAnina lang. Feeling ko dinukutan ako eh... Nakabukas 'tong zipper...PERTEHH!!!

Ilang beses nagmisscall si alec. The first two miss calls, ring lang ng ring. The third miss call -- out of coverage area na...

Hindi pa ako makaconcentrate sa panonood ng Pirates kasi naman bumabalik-balik sa isip ko 'yung cell phone ko. PERRTEHH!!!

PERTEH naman oh! Pinagtripan pa ako na magnanakaw. Tangengertz!

Ang dami pa namang mga pics doon (Illumina na humihiram ng phone ko at vavanity poses, delikado kayo.). Ang mga videos!!! WAAAH!!! And most importantly, ang phonebook. Perteh... Dapat baguhin ko ang info ko sa OAA!

Traumatic... But again, I have to move on. I MUST, or else I'll never learn.

PErteh... Enough of this. Kailangan ko pang gumawa ng thesis statement about Afghanistan.

O sige mga tao, pray for me na sana maging ok parin ako after all these things.

>>>

Tapos na ang BioLec LT... Sana ok ang score ko.

OK ang Gabay! AYOS!

HEalth Science Orientation Seminar -- masaya... Nakakaenlighten.

BioLab LT next week... Pray for me!

>>>

God bless you people.

Saturday, July 8, 2006

NAKAPAG INTERNET NA RIN...

Nakakabuwisit ang internet sa dorm... Pinutulan ba naman ako. Isang month naman 'yung binayaran ko ah. Dapat July 19 pa nila puputulin. PERTEH! Ba't ngayon, pinutol na nila kaagad? Perteh talaga sila o...

Kaya nandito ako ngayon sa internet cafe. Haaay nakuu...

Oo nga pala, kelangan ko pang mag-aral. May dalawang long tests pa ako next week sa Bio lecture at Bio Lab.

Nakapasa ako sa Fil 11 at Math 11! Yes! Pasado ako sa mga diagnostic tests!!!

O sige na, mag-aaral pa ako... Char.

Nerd Mode...

Sige, babay...

Monday, June 26, 2006

COLLEGE

Waah... Ang daming pictures nito...

Haai nakuu... College na ako mga kaibigan. At balik Ateneo na ako! Waaah... Ateneo de Manila University na nga lang. I'm taking up BS Health Sciences (char) kasi naman gusto kong maging doctor. Haai nakuu...

Last last week, June 13, OrSem namin sa Ateneo. Actually, tatlong araw ang OrSem, nagsimula lang noong June 13. Doon, nakilala ko ang mga bago kong mga ka-block. Block XX nga pala ako (the best damn freakin' block evahh). Lahat kami mga HSc majors. Galing sila sa iba't ibang dako ng Pilipinas. Pero halos lahat naman eh mga taga-Metro Manila. Every time na sinasabi ko na galing ako sa Davao City, most of them say "Davao? ang layo ah!"

As in, ladies and gentlemen... SObrang layo nga talaga ng Davao from Metro Manila.

Masasabi ko talaga na sobrang saya ng OrSem. Viaje ang title ng OrSem kasi sabi nila 'yun daw ang simula ng journey namin sa Ateneo. Char ano? During the OrSem, inorient kami ng mga upperclassmen tungkol sa culture ng Ateneo, sa mga buildings, sa mga important people (president, deans, etc.), sa mga orgs, sa mga tambayans, at kung anu-ano pa. About Ateneo itself, ika nga. 'Yun ang time na nag-bonding kami ng mga ka-block ko. At least, meron akong na-meet na new friends.

Ang 3rd day ng OrSem ang pinaka-enjoy! Nagkaroon kasi kami ng OrSem Night. Nagsimula around 5:00pm at nag-end around 8:00pm. Haai naku... Sinimulan ng isang banda ng Ateneo na hindi ko naman kilala. Kaya, parang wala lang kaming pakialam ni Rae (Red na pala ngayon) sa banda na 'yon. Pero noong nakita ko na si Rico Blanco sa stage, ay sUS... Lumapit na kami sa stage noh. As in, parang two meters away lang siguro ako sa stage that time. I have never been that close to the stage during concerts before... Basta, tumalon na kami ng tumalon habang kumakanta ng mga hits ng Rivermaya. Nandoon din ang Urbandub, Parokya ni Edgar (ASTIG KA CHITO!), Spongecola (okay ang Jeepney na song), at ang simply the best -- Kamikazee! Bumili kayo ng album ng Kamikazee, mga kaibigan. Bawat album na bibilhin niyo ay may one peso donation para sa pagpapagawa ng pustiso ng mga bungi sa Marikina. Tulungan natin sila.

parokya
kamikazee

lipay
OrSem Night.. with Miggy and Rae
lipaylipay
OrSem Night... with Irish and France

First week ng class, puro diagnostic tests. As in. Pwede pa akong ma-demote ng class kung hindi ko aayusin ang paga-answer ng mga ito. Akala ko nga babagsak ako sa Fil 11 na test, buti nalang nakapasa ako (YEY!). Ang kailangan kong ipasa eh 'yung Math 11 na diagnostic test on July 3. Kung 'di ako papasa doon, balik ako ng Math 1. Ay perteh noh! I WON'T LET THAT HAPPEN! Kaya mga kaibigan, do your part... Pray for me.

Magagaling ang mga teachers ko. Professional/Casual ang dating nila -- parang mga Pisay teachers. Ang ganda rin ng environment ng school -- ang ganda ng landscape, ng mga buildings, ang babait pa ng mga tao. Kaso lang nga, hindi ko made-deny na may mga sosyal talaga. Sosyal nga, pero mababait. It's either mayaman ka OR scholar ka. At least ako, scholar (char!). In some way, pinagaan ko na 'yung load nina Mare at Pare.

Dito na nga pala ako nakatira sa Dormitoryana ngayon. Masasabi ko na maganda 'tong all-girls dorm na ito. Tahimik, at ang ganda ng veranda. May garden pa kami at may prayer room. Ang babait pa ng mga tao dito. Comfortable... May direct access sa Rustan's Supermarket. Ok ang security (parang PBB house, ang daming security cameras). Pero, sa totoo lang ha, nakukulangan ako. Iba na rin kasi kung kasama ko 'yung mga kaibigan ko. Kaya naman Ciara... Lilipat na si Becky next month diyan sa inyo... USAP NAMAN TAYO MINSAN.... Baka pwede akong humabol next sem.

dorm
4th Floor ako, ito ang view at night sa veranda
my room
room ko...

So, ano pa ba? Ay tama! Pumunta pala kami ng UPdil recently. Na-miss ko na rin kasi ang mga kaibigan ko doon, and to think na halos lahat ng mga close friends ko eh doon nag-aaral. Kaya ayun, pagdating namin doon, kulitan. As in, parang na-feel ko na ulit 'yung mga days spent in Pisay. Basta... ang hirap i-explain. Ang alam ko lang talaga eh ito: ang saya-saya!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Kulitan sessions with Illumina in Peyups

Tama... Anim (6) lang kaming mga Illumina sa AdMU ngayon: sina Rae, Alec, Miggy, Jason, Howie, at yours truly. Only girl lang ako, kaya naman feeling protected ako ngayon. Ang babait talaga nila eh. Merong one time na hinahatid nila ako dito sa dorm pauwi. Sinasamahan akong kumain... Tinuruan pa nila akong mag-DOTA (oi, one time lang...'di na siguro mauulit). Ang sweet-sweet talaga nila...

Haai naku... Ok lang naman ang buhay dito sa Manila, kaso hindi ko talaga maiwasang 'di maramdaman 'yung loneliness... Waaa... Drama nasad... Nami-miss ko na sina Mare, Pare, at CJ... Mga pinsan ko... Si MARIAN... Si KAMILLE... Haai nakuuu.... Basta, alam niyo na 'yon.

O sige, ito nalang muna. Magpapa-picture pa ako ng 2x2 para sa aking Pinoy 11 assignment.

Pray for me mga tao ha. Sana maging successful tayong lahat!

Tuesday, June 20, 2006

INTERNET, AT LAST!

Yehey! I have a broadband connection right here in my room. Thanks Dad... and Dorminet of course.

Hey, I'm now in Quezon City.

I'll be updating soon, I promise.

I just have to finish answering all these math problems by tomorrow, so babay muna.

God Bless everyone.

Tuesday, June 6, 2006

HULING HIRIT BAGO PUMUNTA NG MANILA...

On the sixth day, of the sixth month, of the sixth year...

Ang una kong ginawa ay magdasal sa Diyos. Ipinagdasal ko ang aking pamilya, ang aking mga kaibigan, si Pipo, ang aking pag-aaral, ang aking ID (i NEED an ID), ang aking trip bukas, ang aking page-empake (sana matapos na), at ang aking buhok (perteh, nagpaputol na ako ng buhok!), at last but not the least, ang aking minamahal... char. Sana maging ok ang lahat.

Gusto kong manood ng The Omen ('yung remake starring Julia Stiles, etc.). Napanood ko na kasi ang orig na version. Kahit hindi ko pa masyadong naiintindihan noon, hindi ko makakaila na halos mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang takot habang nanonood nito kasama sina Mare at Pare. Gusto kong makita kung mas nakakatakot ba 'tong remake na movie na 'to. Dinagdagan pa 'to ng drama na ipapalabas ngayong araw, 6-6-6. Kaya, gusto ko talagang manood. Siguro, papanoorin ko nalang 'to sa Maynila. Sana meron akong free time. Heheheh...

>>>

Haaai nakuu... Ang bilis talagang lumipas ang panahon. Perteh. Bukas ng 7:45 ng umaga, lilipad na ako papuntang Maynila.

Nag-e-empake pa ako ng mga gamit ko ngayon. Perteh. Nilagay ko na rin ang mga files ko sa mga CDs para naman ma-install ko sa pc ko sa Manila. Sana lang nga bilhan ako ng maayos na pc ni Pare. Binigyan kasi ako ng konting pabaon ng Ninang ko; gift daw niya sa'kin for my graduation at birthday na rin. 'Yon ang gagamitin ko pambili ng bagong desktop pc. Hindi kaya ng powers ko ang isang laptop eh. Natatakot ako't baka mawala o masira. Kaya ganun...

Kanikanina lang, pumunta kami ni Marian sa Pisay. Available na kasi ang Alumni ID. Kailangan ko kasi talaga ng ID para sa aking registration sa Ateneo. Nakakainis kasi 'tong PAL ba. Ni-reject pa naman 'yung application ko for Flying student kasi hindi pa raw ako officially enrolled sa Ateneo. Halos mangiyak-ngiyak na ako that time eh. Desperado akong magka-ID. Buti nalang, nagkita kami kahapon ni Ma'am Daryl sa Mister Donut. At laking tuwa ko noong sinabi niya na available na raw ang Alumni IDs... Waaah... Kaya ayun, pumunta kaagad ako sa Pisay!!!

id
ALUMNI ID... Get yours now!

Haaai naku perteh. Nakakamiss na nakakailang. Iba talaga ang pakiramdam na parang hindi na ako nag-aaral doon. Ang saya-saya nung nakausap ko ang mga teachers ko. Hindi ko akalain na magcha-China na si Ma'am Tavera; chem teacher ko. Ibang klase na ang dating. Marunong na raw siyang magchinese... Ang laki pa ng sahod! Heheheh... Si Jayme, naggawad-kalinga. Char ano? Sir Angel -- NS/Math coordinator na! PErteh. Bago na ang Guidance office. WAW... Sobrang puti. Ang dami talgang nagbago.

Maraming bagong teachers. Nakakamiss 'yung mga teachers tulad nina Ma'am Betchay at Sir Sultan. Sila kasi talaga 'yung natatanging mga guro (kasama na si Ma'am Narita) na nagbibigay-buhay sa faculty center/annex. Halos buong umaga, dun kami tumambay sa BioLab, kasama si Ma'am Sarabillo... Airconditioned kasi sa office niya. And of course, nakakamiss ding makachika si Sarabs... Nakita namin ang mga freshmen... As usual, mukhang inosente. Naninibago, ika nga.

Kailangan ng mga Chem3 at Physics3 na mga teachers sa Pisay. Kaya kung sino man ang interesadong maging guro ng mga subjects na ito, mag-apply na sa lalong madaling panahon! Malaki ang sahod dito... Waaah.

>>>

Kahapon, gumimik kami ng aking bestfriend na si Kamille. Haai nakuu... Nanood kami ng Silent Hill -- I tell you, OA ang mga effects... Kaderder na perteh. Maganda naman 'yung story, lalo na yung part na sinasabi na dun sa bidang babae 'yung tungkol sa history ng kanyang inampon na anak. Sus nalang... Hindi ko talaga nagets ang ending.

After watching the movie, kumain kami sa Mister Donut. Haai nakuu... Nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay na "nagbo-bother" sa mga buhay namin. Halos lahat na ng mga topics eh napagusapan na! Pamilya, highschool life, college life... Ang kinagigiliwan ko lang talaga eh 'yung topic tungkol sa "sawing pag-ibig." Waaah... Doctor Love, here we go again...

Eto talagang si Kamille... T*ng*!!! Pero sa tingin ko naman eh, ginagawa niya 'yung tamang bagay. Sabihin na natin na parang maypagtingin na rin siya sa isa niyang kaibigan na si DutchChoco. Torpe rin kasi itong si DutchChoco eh. Pajoke-joke pa ang dating niya kay Kams... Waaah... MU na 'yun silang dalawa ano! Halos the same ang dating nilang dalawa sa pagsusulat. The way they think... Ay perteh. MAgkatugma talaga. Hindi pa nila ma-amin sa isa't isa... Pero ayun nga, pinili ni Kamille na gawin 'yung tamang bagay. Char... Kung sila nga ang inilikha para sa isa't isa, eh 'di sila talaga in the future. 'Di naman dapat magmadali diba?

Pero natuklasan ko na mas t*ng* ako kesa kay Kamille. Waaah... PErteh oh... Shinare ko kasi 'yung natatanging sikreto ko kay Kamille. 'Yung sikretong tinatago ko at 'di ko masabi-sabi sa ibang tao since I was a freshman in high school. Haay perteh talaga oh! Alam niyo ba kung anong unang sinabi niya? "Ayy, ang t*ng* mo..." Waaah... Tama naman 'yung paratang na 'yun sa akin eh. Nasasayangan din ako, pero ayun nga. Haaai basta, ang hirap i-explain ng maayos. Let's just say that I chose the right path kaya naging maayos ang sitwasyon ngayon... Pero ang t*ng* ko.

Sayang naman na sa sobrang ganda ng usapan, 'di na namin namalayan na halos 7pm na pala! Kaya ayun, picture-picture muna, at umuwi na kami.

mga sawi
I will miss you Kams...

Haai nakuu Kams... Mami-miss kita ng sobra bai! Waaah... Enjoy ang Mister Donut conversation natin. At oo nga pala, i love ButternutChoco... waaah...

>>>

Marian, aalis na ako bukas.... Mami-miss kita bai... Keep in touch ha.

gwapa
Ako with Mrs. Jusayan... Waaah...

Bakit kasi over-protective si Mario ba... Nasa LB ka na siguro!

I lab you bai... =)

>>>

Reflection:

Doctor Love nga ang tawag nila sa'kin... Pero bakit ba hindi ko magamut-gamot 'tong dilemma kong 'to?! PErteh.

Naku Kamille... 'Yun ang ating munting sikreto.

>>>

Illumina, available na ang Alumni IDs. Get them now!

Wednesday, May 31, 2006

PITONG TULOG NALANG...

Oo, pitong tulog nalang... Pitong tulog nalang bago ako lilipad patungo sa Maynila.

Perteh... Nagda-drama na sina Mare at Pare.

"Nak, isang linggo nalang..."

Perteh talaga oh...

Well, I'll just make the most out of it.

>>>

Nakanood na ako ng The Da Vinci Code. Oo, 17 pa ako. Pero perteh... Sa tangkad ko pa ba namang ito, ique-question pa ba nila ang age ko? Perteh...

Honestly, hindi ako saludo sa pagkakagawa nito. 'Di hamak na mas maganda talaga ang libro kesa sa pelikula.

>>>

Tapos na ang American Idol Season 5. I was really hoping that Katharine Mcphee will win. But then, nung kinanta niya 'yung My Destiny... Haay naku... Perteh. SINIRA NUNG KANTA SI KAT! Perteh... Kaya ayun, si Taylor Hicks ang nanalo. Haaay naku perteh. They should've sang the same song (just like what they did during the past seasons). But then ayun... Gusto ng mga producers na lalaki na naman ang maging American Idol. As a fan, nasaktan ako. =((

Dapat kasi sina Chris Daughtry at Katharine Mcphee ang kumanta sa finale. Noong natanggal si Chris, Elliott - Kat naman ang gusto ko sa finale. Perteh. Gusto yata ng mga 'Kano ng epileptic na singer, kaya nanalo si Taylor.

Perteh... Sour graping na naman ako.Perteh...

But then, I will definately buy Kat's single... Kahit online pa. Hindi ako humanga ng ganito katindi sa isang singer.

Mcpheever bai...

>>>

O, yan na muna. Sige, babay.

Wednesday, May 24, 2006

BIDLISIW

Mga ka-tropa! Our yearbook is now available!

Bidlisiw
Illumina 2006

Ma-bOang ako sa mga pictures natin. Sangkatutak ang mga group pics... Grabeh. Hindi ko rin inexpect na meron akong hagok pic. Perteh... Feeling ko si Jeijei ang nagtake nun.... Basta mga tao, check it out! Lalo na 'yung nasa page 59 -- baby pic ni Xt. Perteh.

Kudos to the Bidlisiw staff... Ang galing ninyo. Salamat din sa Illumina... Dahil kung 'di tayo nagtulong-tulong, hindi sana magiging ganito kaganda ang ating yearbook. Kung hindi tayo naging united, siguro hanggang ngayon wala pa rin tayong yearbook.

O, sa lahat ng mga hindi pa nakakuha ng yearbook... Grab your copies NOW! Punta lang kayo kay Sir Calacar.

Ingat!

Monday, May 22, 2006

AFTER 48 YEARS...

AT LAST! Nakapag-update na ako! Waaaaah...

MARIPOSA'S DEAR DOCTOR LOVE...

Sige, basahin niyo! Isang kontrobersyal na kwento na naman.

Siguradong makakarelate kayo. Pramis.

Monday, May 15, 2006

NAPAKSAYA

Bago magtapos ang araw na 'to, gusto kong batiin ang isa sa mga taong malapit sa puso ko ng isang maligayang kaarawan...

KAMILLE COMILANG...
HAPPY BIRTHDAY BAAI!!!

Salamat sa enjoy na araw kaibigan... Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba sa panonood ng Poseidon. Perteh... Salamat din sa napakasarap na french fries... Waaaheheheh... At higit sa lahat, salamat sa friendship!!! Mag-enjoy ka sa bakasyon mo sa Maynila... You deserve it!

Haaai nakuu... Perteh talaga. Ang saya-saya!!!

Tuesday, May 9, 2006

ETO AKO NGAYON, NAG-IISA...

Haai buhay... Nandito ako ngayon sa bahay, as usual. Si Mare kasi on-leave sa trabaho, kaya naman, sinasamahan namin siya ngayon dito sa bahay. Halos lahat ng corners ng bahay nililinis ni Mare. Bilib talaga ako sa babaeng 'yon. Parang 'di napapagod.

Perteh... Hindi parin tapos ang bahay namin ngayon. Perteh talaga ba. Wala rin kasi kaming pera para mapadali ang construction sa likod ng bahay eh.

Oo nga pala, last sunday nagkaroon ng Family Day 'yung Mercury Drug Davao branches sa Malagos Garden. Haai perteh noh. Excited talaga ako nun kasi at last, pupunta kami ng resort at makakapagrelax ng todo.

ako, cj, mare
Mga Babae sa Gubat

Mga dalawang oras pa yata akong nandon. Nagsisimula na akong mag-enjoy kasi pumayag si Mare na magkalesa ride kami. Haai naku... Buhay naman talaga, unpredictable. Alam niyo ba, biglang sumakit 'yung tiyan ko? Haai perteh. Ang lamig na nung pawis ko nun eh. Uncomfortable ako sa lahat ng mga inuupuan ko. Kaya naman, nagpahatid nalang ako kay Pare sa bahay (hindi ko kasi kayang "magbawas" sa mga public areas. hanggang kaya ko pang pigilin, pipigilin ko talaga... exception na 'yung sa naia noh...).

Kaya ganon... Si Mare at si CJ nalang 'yung nagkalesa ride. Perteh, bumili pa kami ng Loperamide ni Pare para kumalma 'yung bituka ko sa may Calinan, para naman i-delay ng konti 'yung paglabas... Ang layo kaya ng Calinan sa bahay namin noh...

kalesa ride for the first time
First time ni CJ sumakay sa kalesa

Laking gulat ko nalang nung pag-uwi nila sa hapon. Sumali pala 'tong si CJ sa Miss Cute 2006 ng Mercury Drug. Perteh. Nanalo pa siya. Sa tingin ko, may future 'tong bata na 'to sa showbusiness. Nanalo na ng pageant noh.

Miss Cute 2k6
Si CJ/Annika... Ang Ms. Cute 2006

Haai buhay talaga...

Napansin ko lang noh... After my 17th birthday, lagi nalang sumasakit 'tong tiyan ko. As in, super sakit. Baka may sakit na ako... Waaah...

Meron akong ishe-share sa inyo:

Nakatikim na ba kayo ng GREEN TEA ICE CREAM? As in, Camellia sinensis ice cream bai...

nestle green tea ice cream
Bai... Pwede 'tong pang-research

Nasasarapan ako dito. As in... Sobrang milky, na medyo matabang ng konti... Katakamtakam... Basta, one thing's for sure... Lasang tsaa... Hihihih...

O sige, busy pa ako sa pagsusulat ng bagong edisyon ng Dear Doctor Love para naman mabuhay ulit ang SG Forum. Waaah... Baka ipo-post ko 'to sa weekend or next week. Bigatin kasi ang story eh.

Oo nga pala... Pasensya na sa mga nagte-text ha--ever since my birthday. Wala parin kasi akong load. Kung 'di ko man kayo nareplayan, pasensya na ha. Lubos ang pasasalamat ko sa inyong lahat. Salamat. Salamat. Salamat.

Sige, babay...

Monday, May 1, 2006

NAGDADALAGA

Oi... Labimpitong taong gulang na ako. Isang taon nalang, dakilang babae na talaga ako.

At ngayon, kailangan kong magpasalamat--sa lahat ng mga taong nag-touch ng aking buhay sa loob ng labimpitong taon, vice-versa.

Hindi ko mararating ang puntong ito sa buhay ko kung wala kayo upang damayan ako sa lahat ng mga malabagyong panahon ng buhay ko. Hindi ko sana makakamit ang mga pagpupuri at ng iba pang mga magagandang bagay kung 'di niyo ako sinusuportahan sa lahat ng mga ginagawa ko. Salamat sa trust, sa oras, sa friendship, sa love... Salamat din sa mga problema, eto ang mga bagay na nagpapatatag sa'kin. Hindi ako magiging "Si Danica" kung wala kayo. Salamat.

And thank you for showing me that you care. Sa simpleng text niyo lang na "hapi bday" hanggang sa isang napakaengarbong regalo ay napasaya niyo ako ng todo... Salamat.

>>>

Kahapon, April 30, nagpa-blessing kami ng bahay. Pumunta mga pinsan ko sa bahay.

Ako ang naging photographer ng nasabing "event." Ipo-post ko ang mga pictures baka bukas o sa susunod pang mga araw kung tatamarin ako. Waaah...

Nagpa-thanksgiving handaan kasi si Pare kagabi. Thanksgiving para sa aming unfinished house, my graduation, at sa isa pang taon na inilaan ng Panginoon sa'kin. Kaya naman, pumunta ang mga Pasia dito sa bahay kagabi at kami'y nagcelebrate.

Medyo naging maganda ang mood ng mga ninong at mga ninang ko kagabi. Marami akong na-collect, in fairness.

Naki-bonding din ako sa mga bata kong pinsan. Sa pamilya kasi, halos bata lahat ang mga pinsan ko. Mga around 3 to 12 years old sila. Konti lang kaming mga teenagers. Bilib din ako sa isa kong pinsan. Pitong taong gulang pa yata 'yun si Nicole. Pero perteh... May boyfriend na. Humingi pa sa'kin ng advice kung paano niya bre-breakan ang stupidong si Reggie na may gusto rin sa isa pang classmate ni Nicole. Char ano? Ang bata pa, pero nagkanda-werla na ang buhay dahil sa pag-ibig.

Around 11pm, sina Trisha nalang ang naiwan dito sa bahay. Si Pare, sobrang lasing na talaga. Sa sobra niyang kalasingan, binigyan pa naman niya ako ng isang lata ng SanMigLight. Ay perteh. Sa totoo lang noh, hindi ko alam kung tatanggihan ko ba o ano. Kung maayos lang ang pag-iisip ni Pare ng mga oras na 'yun, hinding-hindi talaga niya ako bibigyan ng beer. Pero tinanggap ko ang lata... Oras na 'yun para matikman ang pinagbabawal na serbesa.

Nag-share kami ng mga pinsan ko. Ang goal lang talaga namin kagabi eh makatikim lang ng beer. Tikim lang. PEro, ewan ko ba kung anong nangyari. BAsta itong pinsan kong si Trisha, palibhasa eh nakakatanda sa aming lahat, go na go pang uminom ng pangalawang lata ng SanMigLight. Perteh. Eh anong magagawa ko, diba? Susundin ko nalang siya. (As if, gusto ko man din... waaah)

So ayun, meron nang pangalawang lata. Naubos... Nagbiro ako na tikman namin 'yung SanMig na Pilsen. Perteh... Ewan ko kung anong nangyari. Basta pinakuha ko nalang si Ate Belinda ng isang lata ng Pilsen at binuksan ito ni Jappy (ang cute ko na pinsan). Perteh... Basta, ininom nalang ng ininom...

PEro, hindi ako nalasing ha! Lasing na ba 'yung tumawa ako ng tumawa ng bigla nalang? At naaalala ko pa naman ang mga nangyari kagabi ah.

Basta, eto ang alam ko: lasing si Pare at si Ninang Jing.

Alam niyo ba, sa sobrang kalasingan ni Pare, nabunggo niya ang kotse namin sa isang mound ng buhangin sa labas ng bahay? Sa sobra ring kalasingan, halos umiidlip na siya habang lumalakad papunta sa kwarto nila.

Ay perteh... Ako naman, sumakit ang sikmura ko pagkagising ko kaninang tanghali. Tanghali na 'kong nagising dahil sobra rin naman kasing late akong natulog. Wala rin naman akong hangovers kaya, hindi talaga ako nalasing.

>>>

Isang taon na pala ang nakalipas noong nawala na si Papalo sa piling namin.

April 26, 2005 will always be a day to remember. I witnessed death, and I lost someone so dear and special to me. Yet I never really had that chance to show him how important he is, how much I appreciate everything that he does for the family, and I haven't got that chance to show how much I love him.

Ni-recall namin ng mga pinsan ko 'yung event na 'yun after lunch last wednesday. PErteh... Ang bilis talaga ng panahon. Sobrang bilis na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nagpaparamdam daw si Papalo sa mga pinsan ko... Waaaah... Pine-pray ko talaga na hindi ako gaganunin ni Papalo. AS in, hindi ko talaga 'yun kakayanin!!!

Prayer really works... As in... Take it from me.

>>>

Ang ganda ng birthday gift sa akin ng Ateneo... Scholar na nila ako!!! WAAAAAH!!!

Sinulatan nila ako ng letter dated last April 27... Na-receive ko ang letter last April 29... Tapos, April 28 'yung birthday ko... Basta, timing lang talaga.

At least, nakuha ko ang isa sa mga wishlist ko, diba?

Ay tama, dalawa na nga pala ang nakuha ko sa wishlist ko.

'Yung isa pang bagay eh 'yung personalized something... Perteh talaga itong mga trip ng mga kaibigan ko. Akala ko ang daming basura ng kwarto ko, 'yun pala'y mga papel na may mga messages from everyone. Kinalat nila 'yung mga maliliit na papel na 'yun sa loob ng kwarto ko... Perteh... Noong nakita ko 'yun, akala ko maiiyak na ako sa tuwa... Pero, pinigilan ko. Waaah...

Pero nung binasa ko na 'yun ng isa-isa, at dinagdagan pa ng mga thoughtful letters from other people, ay perteh. Napaluha na ako oi... Hindi naman kasi ganun ka-tigas ang damdamin ko ano. Senti rin akong tao.

Oi, naghihintay pa ako ng mga regalo ha... As in...

>>>

Haaai naku... DALAGA NA AKO. As if ngayon ko lang na-realize ano? Waaaah...

O sige na... matutulog na ako.

Tuesday, April 25, 2006

EH KASI NAMAN...

Perteh naman... Perteh.

Tatlong tulog nalang, 17 na ako. Waaah... Tumatanda na talaga ako. Reding-ready na mag-college! Pwerteh!

Buti naman at medyo naging mukang bahay na itong tinitirahan namin sa 134 Aster street. Eh kasi naman, mukang construction site ito for the past three months!

Pero kahapon, pagdating ko sa bahay galing sa mall, ayun. Nabigla ako ng konti... Wala na masyadong buhangin sa may garahe. Hindi na madumi. May mga kurtina na sa loob ng bahay.

Shaaaks... I'm home again.

Kahapon nga pala, nanood kami ng sine ng mga pinsan kong si Angel at si Jappy. Nanood kami nung D'LuckyOnes. Perteh. Tawa ako ng tawa. Nakakatawa kasi talaga eh. Ibang klase ang dating ni Pokwang. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na babae nga talaga si Pokwang.

Haaaii nakuuu... Malapit na ang April 28... Sana matupad lahat ng mga wishes ko.

At sa mga taong nagbabalak na bigyan ako ng regalo, eto. Bibigyan ko kayo ng gabay para naman malaman ninyo kung ano talaga ang sinisigaw ng puso kong ito.

Sana bigyan mo ako ng:

...Dell na laptop. Sira na kasi talaga 'yung PC ko eh. Magagamit ko 'yun sa college. Waaahehehe.
...The Sims 2 na CD. Ay pagka. Kahit pirated, tatanggapin ko. Basta makalaro lang ako. Please.
...Sampung taon na pagsponsor sa DSL connection ko. Please. Hindi stable ang dial-up. Kailangan ko ng DSL!.
..Scholarship. Tulungan mo mga magulang ko sa aking mga tuition fees. Maawa ka kapatid.
...Isang magandang condo unit sa may Katipunan.
...DVDwriter. Para maka-burn din ako ng mga DVDs. Ako'y isang pirata eh!
...Digital Camera. Canon Digital Ixus i zoom. Just to keep the memories alive!
...MYMP Live at the Music Museum na CD. Ay perteh. Gusto ko talaga ng MYMP. Ma-bOang ako sa kanilang mga kanta.
...Sony PSP. 199 USdollars lang! Ay perteh. Ibibigay ko sa'yo ang gameboy advSP ko sa'yo. Barter tayo.
...Acoustic guitar na maganda ang tunog. 'Yung buo ang tunog. I USED to play the guitar before. Kaso, nasira 'yung gitara ko eh. Simula nun, naudlot na 'yung practices ko sa bahay. Hahayaan mo bang 'di ma-unleash ang pagkarakista ko? waaah...
...Picture frame na maganda at matibay. Gagamitin ko 'to para sa family pic namin. Para naman may maiiyakan ako sa Maynila. Parang ala-teleserye 'yung dating.
...Uyab?
...Something personal from you. Like a letter, for example. 'Yung letter na naglalaman ng tunay na damdamin. May mga sulat kasing plastik ang dating. Hindi taos-pusong sinulat. Para naman maalala kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Marami pa man ba... Pero hindi ko na maalala 'yung iba. Perteh kasi ba. Kung hindi ako nag-a-update, maraming pumapasok sa kukote ko. Ngayon na nag-a-update na talaga ako, perteh, nakakalimutan ko na 'yung mga dapat kong i-post. Perteh. Tumatanda na talaga ako.

Sana maayos na completely ang bahay namin. Sa tingin ko, hindi parin mapipinturahan ang aming mga gate pagdating ng April28. Perteh kasi kayong mga karpintero! Imbis na magtrabaho, nagyoyosi!

Tuesday, April 18, 2006

INTERNET AT LAST!

WAAAH...

Nawalan kami ng internet at telepono ng isang araw.

Pero ok lang naman... As if hindi ako mabubuhay kung walang internet.

The last two days were full of mini-asthma attacks. Eh paano, puro alikabok mula sa mga kahon ang nasisinghot ko. Amoy pintura ang kwarto ko. Tapos, 'yung mga panday dito naninigarilyo pa. Perteh oi.

Nilinis ko kaagad kwarto ko noh. Ayoko kasi maging storage 'to ng mga karton noh. Kaya naman, sa bahay namin ngayon, kwarto ko lang ang malinis.

Haaai nakuu basta. Binabind ko ngayon 'yung mga hand-outs ko for the past four years. Binabind ko na rin 'yung mga filler ko sa 4th year. Baka kasi magamit ko ang mga 'to sa college, or baka magamit pa ng kapatid ko sa future.

Nabasa ko pa nga 'yung mga script na ginawa namin during presentations. Haai nakuu... Nakakamiss naman oi. Ang sarap ibalik 'yung mga panahon na 'yun. Ang saya kasi eh.

Nakuu Illumina.. Nakakamiss naman kayong lahat.

Alam ko naman na maghihiwahiwalay na tayo sa college. 'Yung iba sa atin, nasa UPMin, sa ADDU, sa MSU, sa UPCebu (HELLO JEI), sa UPIlo-ilo, sa Siliman, sa UPLB, sa DLSU, sa Mapua, sa UPMani, sa UPDil, sa ADMU, sa Singapore, sa US... Kahit saan pa mang dako ng mundo... Meron paring nagba-bind sa ating lahat na kailanma'y 'di mapapawi ng kahit anumang bagay:

Ang friendship na nabuo sa atin for the past four years...

Haaai nakuu Illumina... Kung marami lang akong naipon, magbabakasyon tayong lahat sabay-sabay sa Boracay. Kaso, pobre lang si pasia eh.

'Di bale, darating ang panahon na magiging successful tayong lahat at magaambag-ambag tayo para makapunta tayong lahat sa Boracay.

O sige na... Ito nalang muna mga pare ko. Maglalaro pa ako ng The Sims.

Sunday, April 16, 2006

EASTER SUNDAY NA!

Ok ito ah... Easter Sunday na!

Bagong simula, bagong-buhay, bagong bahay!

Oo! Lilipat na kami ngayon sa bahay namin sa 134 Aster St. Pero hindi pa naman tapos 'yung bahay (hindi pa nga napinturahan ang gate eh). But then hopefully, matatapos na 'yung buong bahay before my birthday.

Haaai nakuu... Mga tao talaga, grabeh maka-text! Oi, pasensya na ha kung hindi ako nakakareply.

Perteh... Easter Sunday na nga, pero hanggang ngayon wala pa rin akong load!!!

Perteh man ito oi...

Wala pa rin akong matititrahan sa QC.

Para kina Izy, KaBo... Siguraduhin niyo muna na meron na kayong slot sa Kalayaan. Wala pa talaga akong matitirahan na sure ba. Sorry talaga bai...

Monday, April 10, 2006

'YUNG TOTOO

Gusto mong malaman 'yung totoo?

I feel so alone. SOBRAAAAA.

A part of me likes to go to Manila na. A part of me likes to stay here in Davao.

No, don't be mislead. Hindi naman sa maho-homesick ako. Tungkol 'to sa ibang bagay.

Mga bagay na magdedetermine kung anong magiging buhay ko for the next four years.

Hindi ko lang kasi alam kung tama ba 'yung desisyon ko o hindi.

Pero, ba't naman ako manghuhusga kung 'di ko pa naranasan 'yung dapat kong maranasan, diba? Ayokong magpa-apekto sa mga sabi-sabi. Ayokong marinig ang mga bagay na dapat ko pang maranasan mula sa bibig ng ibang tao. Ayokong magpa-apekto. AYOKOOOOO!!!

Kaya ikaw, 'wag ka maging mapanghusga. Hindi naman ibig sabihin na kung diyan ka, successful ka.

Basta, ayon. Perteh ka! Tinuro na nga ng Pisay 'yung tungkol sa prejudice. Hanggang ngayon, 'di mo parin natututunan!!!

Sunday, April 9, 2006

BABAY NA...

Perteh. Ngayon lang talaga nagsink-in 'yung katotohanan na grumaduweyt na ako sa Pisay.

Shaks... March 29 'yung graduation day namin. Ang tagal na nun, pero grabeh ang hang-over ko sa event na 'yun. Hindi naman sa tumagay ako (hala Marian...), pero grabeh talaga 'yung narealize ko ba. Ngayon ko lang natanggap na hindi ko na maibabalik 'yung nakaraan. Hindi ko na ulit mahahagilap araw-araw 'yung mga mukang nagpapangiti sa'kin. Grabeh talaga ang mga changes sa paligid.

before pictorials
Eto 'yung pic namin before the class and batch pictorials

Haaai nakuu... Balikan muna natin 'yung graduation day namin. Sus nalang, malapit na akong ma-late ba. Ang bagal kasing kumilos nina Pare at Mare. Shaks oi... Pero buti nalang, on-time kami dumating. Hindi pa talaga ako sanay sa sapatos kong high-heels. Hindi ko kasi type ang mga ganon. Aanuhin ko ba ang mga high-heels kung sobra na ang tangkad ko? Perteh. Ang hirap maglakad noh...

Pero binaliwala ko 'yun. 'Di ko papayagan na 'yung high-heels ang sisira sa araw na 'yun. Haai naku basta. Halos lahat kami seryoso. Worth-it lahat ng practices. Tapos, nandoon pa talaga si Miranda. Nagkandarapa kami pa-picture oi! As in, waaaah...

Papa ramon
Pic with our guest speaker, Dr. Miranda

Tapos, graduation song na. Aguy... Doon nagsimula 'yung mga iyakan. Sus nalang! 'Yung mga nasa harapan ko, red-nosed na after ng grad song.

after the balloons
Eto 'yung pic namin sa CAT field

Pero nagsimula 'yung lahaaat ng hagulhol nung recessional na. As in, shaks perteh talaga... Halos lahat umiyak. As in, iyakan galore!!! Pero oi... Ba't hindi ako umiyak? As in, wala. Walang tumutulong luhaaa. Konti lang 'yung tumulo nung niyakap ko si mam Betchay. Tapos nun, wala na. Ewan ko oi...

Tapos pinakawalan namin 'yung mga pulang balloons sa CAT field. Ang ganda nun... Super.

the force
THE FORCE... You've been with me through thick and thin. Salamat baaai...

Ay basta, grumaduate na rin kami. Ang saya... Pero nakakalungkot parin. Bittersweet nga, kung baga. Ayoko pang umalis sa Pisay eh. Ibang klase kasi 'yung mga experiences ko sa Pisay. I spent the best days of my life in Pisay (so far noh).

Mga tawanan, iyakan, mga hotseat, mga sessions, lokohan, parties, si dr. love, mga tuksuhan, kainan, ang boses ng mga batchmates ko na naririnig hanggang guard house, mga practices, crammings, sayaw, kantahan, competitions, basta... Pisay as a whole. I will miss Pisay. Shaks! Perteh.

I lab Pisay. SUPER.

Illumina, alam kong magkakahiwa-hiwalay na tayo sa college. 'yung iba nandito sa Davao, 'yung iba nasa MSU, sa Siliman, sa DLSU, sa UPLB, sa UPDil, sa ADMU, sa Singapore, sa US... Sana hindi tayo magkalimutan. Sana manatili 'yung mga experiences na shinare natin sa isa't isa sa ating mga puso. We've been together for four years. Four wonderful years. Sige bai... Kitakits nalang! Mahal ko kayong lahat.

O sige na, napapaiyak na ako.

O, pahabol lang ito ha: ayokong magCHA-CHA. Perteh ka Gloria. Kung magcha-cha-cha, dapat lahat ng mga nakaupo sa mga posisyon ngayon palitan ng bagong set of officers. Dapat 'yung Gloria admin magresign muna bago i-implement ang CHACHA. Perteh.

Grabeh... seryoso na 'to. Magco-college na kasi ako eh. Waaaaah...

Shine on, Illumina.

Monday, April 3, 2006

AT LAST!

Perteh! Na-upload ko na rin at last ang lahat ng mga pics...

lahat ng mga pics ng Illumina, available na sa photobucket. Buong buwan ng Marso hanggang March 30 na mga pics!

illumina

May tatlong albums ha. Basahin niyo nalang doon.

Just click any of these Links para ma-link kayo sa desired Album ninyo.

This will link you to the ILLUMINA PICS BEFORE GRADUATION album

This will link you to the ILLUMINA PICS BEFORE GRADUATION PART TWO album

This will link you to the ILLUMINA GRADUATION DAY PICS AND AFTER GRAD PICS album



Eto ang makikita niyo sa Illumina pics before graduation na album: (sample pic, kung baga)
march2006


Eto 'yung sa Part two:
JUMP


Eto 'yung sa grad and after grad:
pahingi ng balloon


Ok... Cgecge... Enjoy nalang.

Mag-uupdate ako tungkol sa graduation day and about sa Illumina soon. Perteh kasi internet connection bah. Tapos, busy pa kami sa bahay... Baka kasi sometime next week, lilipat na ulit kami sa 134 Aster street.

Sige... Enjoy!