Monday, November 14, 2005

HOOOY!

strike ngayon... nakakainis... gusto ko pa naman sanang pumasok.

at dahil wala akong magawa sa buhay, may mga BAGONG pictures na naman akong inupload.

check niyo 'yung album ko sa photobucket... HAGOK MOMENTS AND SIBOL HAPPENINGS 'yung title ng album.

>>>

Pero ito ang prine-prepare ko since OCTOBER... AT LAST!!! na-upload ko na rin LAHAT ng mga TOGA pictures, CASUAL pictures, CLASS pictures, CLUB pictures, at FACULTY/STAFF pictures ng PISAY para sa BIDLISIW 2006!!!

O AYAN, may bagong link na dyan sa mga larawan...

kung gusto niyong makita ang mga pictures, click niyo 'yung link dyan under sa m.g.a..l.a.r.a.w.a.n. OR, you can click this link:


toga pix
available yan lahat sa photobucket ko na album... :D
sige... enjoy!

Sunday, November 6, 2005

Pagmumuni-muni...

Haay naku...

Alam niyo ba ang mga pinaggagagawa ko the past few days? Mga assignments... Mga lab reports na hindi ko naman alam kung anong data... Haaaay naku... Buhay nga naman...

Hanggang ngayon, hindi pa ako tapos sa chem lab ko. Pero, 'yun nalang ang kulang sa lahat ng mga assignments ko. Salamat sa Diyos, at mamaya, makakaraos din ako.

>>>

At ngayon, irereveal ko na ang mga may-ari ng mga smiles before...

o diba?
Mga captured moments nila yan. Except kay Fiona... atat na siguro grumaduate... waaa...

>>>

Anyway, may bagong survey/contest na naman ako. WHO HAS THE MOST BEAUTIFUL EYE?
Mga readers, kung pwede irerequest ko na naman po kayo na bumoto sa napili niyong mata. Walang kaibi-kaibigan ha...

Eto, may prize na ang winner. Ngayon pwedeng magsimula ang botohan.

sino ang may pinakamagandang mata?

Boto kayo sa gray na tagboard. Comments are allowed.

HANGGANG DECEMBER 1 LANG ITO HA.

>>>

O sige, 'yan nalang muna... Tatapusin ko lang ang chem lab.

Hanggang sa muli! Magiging busy ako eh. Sigurado 'yan.

Wednesday, November 2, 2005

DEAR DOCTOR LOVE PART 4

Mga readers, PLease Read


DEAR DOCTOR LOVE PART 4
'yan ang title. Click the link below para mabasa ninyo.


sa SG Forum 'yan. Diyan, ni-reveal ko na kung sino si Mimi.

Tuesday, November 1, 2005

I'M BACK

Haaay salamat. At nakabalik narin ako galing Leyte.

Last Oct. 29 to Nov. 1, pumunta kami sa Leyte para bisitahin ang libingan ng lola ko. Kasama ko ang aking dear Mare. Grabeh ang biyahe. Sa totoo lang, pagod na pagod ako.

Sumakay kami ng eroplano (Cebu Pacific). Ang gagaling magsalita ng mga flight stewardess. Bilib ako! Tapos sumakay kami ng SuperCat. Doon, nagtext ako sa mga smart subscribers dahil wala akong magawa sa buhay. After that, sumakay kami ng bus papuntang Carigara, Leyte. And at last, nakarating narin kami ng Leyte.

OK ang Leyte. Doon lumaki si Mare. Kaya nga buong buhay ko, lumaki ako sa loob ng bahay na may mga nagwawaray. OO, nakakaintindi ako ng Waray. Pero, nahihirapan akong magsalita nito. Of course, may accent pang kailangan para mas effective 'yung pagsasalita ng Waray...

Anyway, 'yon. Nakabisita ako sa grave ng Lola ko. Lingaw.

Sangkatutak din ang mga horror stories ng mga taga-doon. Mga kapre, white lady, at ang multo ng lola ko... Haaay naku...

Pero at last, nakabalik na ako rito sa Davao. MY HOME. :D

>>>

LaST Oct. 26 - 28, pumunta kami saVictoria Plaza para mag Sibol. Kasama ko ang aking researchmates (Jei and Keks), at ang mga Lactopafi peepz (Teacher Roxie, Kamee, at Peh). Tatlong araw kaming nag-astang mga promo girls -- parang 'yung kadalasang nakikitang naka-microphone na nagaadvertise ng mga kutsilyo, turbo tiger, etc. Next time, magpopost ako ng mga pictures ng mga effects ng Sibol sa buhay ng isang tao.

Nakakita kami ng mga pogi... Hehehe...

Pero, nakakalungkot. Hinalo kasi ang LAHAT ng mga categories. As in, high school and college, life science, physical science, at techno... Haaay, if I only knew...

Ang dami ko pa namang na-miss na mga lessons... Especially sa PHYSICS... Waaaah!!!

Mga classmates... TULUNGAN NIYO KAMEH!!!

>>>

English teachers... Haaay...

>>>

Maraming assignments for the alternative classes. Bakit pa kasi may mga assignments?! Haaay... Kulang na nga ako sa tulog at pagod pa dahil sa biyahe, at naka-miss pa ako ng mga lessons...

Panginoon... tulungan mo akoooo!!!

>>>

THE VOTING IS OFF!!! I'm happy to inform all of the readers that we have a WINNER!

COngratulations to Ms. RUTH DYNA GO!!!
nalipay si ruth kasi nanalo the ruth dyna
THE WINNING SMILE
the smile

Congratulations Mean Girl! Akala ko mananalo na si Marian. Heheheh...

For the information of everyone, Smile A is Ciara, B - Fiona, C - Christian, D - Yba, E - Casas, F - Ruth, and the ever-campaingning politician, G - Marian. Ipopost ko mga picture nila next time. :D

the VOTes:

Ciara- 4
Fiona-
Christian-
Yba-
Casas-1
Ruth-10
Marian-8

Thank you for your cooperation!

>>>

May bago akong contest na naman, WHO HAS THE MOST BEAUTIFUL EYES.

Ipopost ko baka sa weekend na. :D

Thank you for your votes!

Monday, October 17, 2005

FUNDADOR...

Today is the 63rd birthday of pisay's dear mother, Mama Rosita V. Fundador.

Grabehh, ang tanda na niya, pero, masasabi mo talagang 'di siya masyadong matanda tingnan. Heh.

Kaya naman, tulad ng mga nangyari noong mga nakaraang taon, nagselebrate kami para maging masaya siya. Moreover, nagselebrate kami para naman wala kaming pasok.

Wow ha. Sa CAT namin, sinayaw nina Jules si Mama Rosita. Kaming 6 girls (Ate reys, jei, haz, sar, cia, at ako) sumayaw habang naka-kalis ng sword. Lingaw. At least, nag-enjoy ang may bertday.

Sunud-sunod ang mga presentations ng iba't ibang year levels. Sa amin naman, mga seniors, eh sumayaw sina Becky ng swing gamit ang kanta na laging pinatutugtog every flag ceremony (...you're just too good to be true, can't take my eyes off you..."). After noon, kami nina ANJ, JOANE, AT MARIAN, ang nagpresent. GRABEH, nag-cram kami to the max. Buti nalang talented mga kasama ko, at kami ay nag-RAP. As in, todo na RAP. Ang audience rin grabeh makacheer sa amin. Ang sarap ng feeling na ang saya-saya ni MAMA ROsita. Char.

After ng aming presentation, nagbeso-beso pa kami kay Mama Rosita. Aba, kilala pala niya ako (as in, my name). Lingaw kasi dati, tawag niya lagi sa akin eh, "PASIA!!!." May pighati pa yatang nakadikit sa pagsasabi niya ng pangalang ito. Pero kanina, "Danica" na. WAAAHHAhaha..

Kinommend nga kami ni Mama Rosita dahil sa Rap namin eh. Waaahahhaha...

Kaya ngayon. eh alas-dos kami pinauwi. At nakapag-blog pa ako.

>>>

Kaya, dahil walang magawa kanina, eh di nagpicture-picture kami. Eto ang mga classmates ko, sina Ruth, Mara, KayBo, at Marian. Dapat sa picture na ito, sinapian sila ng masamang espiritu. Tingnan niyo kung ano ang nangyari:

nasapian ba talaga?
Sa tingin ninyo, nasapian nga ba talaga itong mga babaeng ito?

>>>

Dati ko pa gustong i-develop ang story na ito sa blog. This story is about the crush ng bayan, Cozing behbeh. The title of the story is: COZING GONE WILD.

ETO ANG PART 1:
part 1

ETO ANG PART 2:
part 2

ok ba?

>>>

May bago akong tagboard dyan. Gusto ko sanang sagutin ninyo ang mga tanong ko dito sa blog ko. 'Yung gray na tagboard ang gagamitin kung baga. Eto ang una kong tanong para sa inyong lahat.

guess who by the smile

Sino ba ang may pinakamagandang smile? Paki-post lang ng mga sagot. SALAMAT!

Sunday, October 16, 2005

Ga-insboro, Pro-pro-protista... YEAHH!

Salamat sa Diyos, at nakamit namin ang tagumpay sa scicamp.

Pagkatapos ng lahat ng hirap at pagod, salamat sa DIyos at kami ang nagtagumpay sa huli.

Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng mga civis ng Gainsboro Protista. Thank you for your cooperation. Salamat at ginawa niyong makulay ang aking buhay.

First time ko 'tong manalo sa scicamp... Ang sarap pala ng feeling...

Salamat sa lahat ng tao. SALAMAT, SALAMAT!!!

Pi-pipipo, Pro-pro-protista, Ga-insboro, Pro-pro-protistaPi-pipipo, Pro-pro-protista, Ga-insboro, Pro-pro-protista
Ang aking GAINSBORO PROTISTA
>>>

Eto nga pala ang mga epekto ng SCICAMP sa ibang mga taga-protista:

reyanciaraaubreyamed at reyan

Grabeh talaga ang STRESS...

grabe ha...

>>>

Ang mga taong sobra ang stress:

pamilya

share ko lang. ala-family pic kasi. Sina INday at Dodong ang nanay at tatay.

>>>

Stress... kakapoy ba...

Noong nakaraang linggo, sunud-sunod ang mga events sa pisay. Lunes hanggang Miyerkules, exams namin. Huwebes hanggang Biyernes, Scicamp.

BOSES KO... bumalik ka sa akin!!!

>>>

Kumain kami sa bahay ni Hubs last friday kasi sinelebrate namin ang kaarawan niya. Enjoy. ANG sarap ng pagkain... At muli na naman kaming nagpresent sa THe Force. Rap/Song/Tae-Bo. Lingaw.

Belated ulit HUBS! DAKILA KANG BIG BRODER!!

>>>

Oo nga pala mga tao, nag-upload na ako ng mga bagong pictures sa album ko. Pictures sa scicamp, at revelations (1 at 2). Click niyo lang 'yung link diyan.

Pinagaaralan ko pa ang photoshop. May balak kasi akong mag-post ng isang kontrobersyal na kwento. Komiks-style kung baga.

>>>

BUKAS, haharapin ko na naman ang mga grado ko. Sana ok... Perteh!

Friday, September 23, 2005

Pictures GALORE

USB CABLE... Thank you!

At last, nakapag-upload na naman ako ng mga pix sa album. Check out niyo lang ang "BAGO NA NAMAN" na sub-album ko sa photobucket.

Haay naku. I was sick last Wednesday. Grabe, todo ang sakit ng ulo ko. Eh kasi naman last Tuesday, nagpraktis kami ni Alec ng exhibitions for our dance. Wrong timing pa kasi naman, hindi ako nakadala ng extra shirt. Todo ang pawis ko noH! Perteh.

Sa labas ng school, kumain pa ako ng 2 dirty ice cream. Ang sarap kasi, lasap na lasap ang pagka-creamy ng ice cream. Talong talo ang Magnolia, Selecta, at La Cremeria. Tapos, 5 pesos lang nung Wednesday! Perteh!

Sa jeep, grabeh ang hangin. Eh di, natuyuan pa ako!

Sa bahay, kumain ako ng sangkatutak na santol.

As a result, pagkagising ko sa umaga, akala ko mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.

BUONG Wednesday, feeling ko magkaka-vertigo na naman ako. Hindi nga ako nakakain nor nakapagpicture ng niluto naming Merengge (tama ba?) at Leche Flan sa Food CHem.

I have learned my lesson, too much of something is bad. At dapat always prepared!

Eto nga pala ang MOCHA GLAZE na ginawa namin sa FOOD CHEM

mocha glaze
CERTIFIED MASARAP!

>>>

GUSTO ko maging photographer. 'Yan talaga ang pangarap ko. At ngayon, biniyayaan ako ni PAre ng cellphone na may cam. Kaya, panay ang pagkuha ko ng mga pictures.

Last year, we took up photo journalism in Filipino 3. I remember Sir Sultan saying na "BAWAL/IWASAN ANG MGA FALSE ATTACHMENT CLASS!" 'YAN AY ISANG KASALANAN SA MUNDO NG PHOTO JOURN..."

Ngek... SO, grabe na pala ang mga kasalanan ko sa mundo ng photo journ. Hitik sa mga false attachments ang mga pictures ko, NGAYON. Nakalimutan ko na siguro ang essence ng photo journ... hihihih...

Ano nga ba talaga ang mga FALSE ATTACHMENTS? Eto, tingnan ninyo:

marian with the hair
Dapat hindi ko sinali sa picture 'yung tindera sa likod ni Yan.
sino kaya 'yan?
Kung titingnan ang larawang ito, hindi mo magegets kung sino ba talaga ang pinipicturan ko.
ybZ
Seryoso si Yba. Pero, hindi na kasi sumali si Jobo sa eksena.
oist! wow ha
Kung minsan, sinasadya ko na may false attachment. Pero, shucks. Si Luis lang naman ang gusto kong isali eh. Pero, naki-eksena pa 'yung lalaki.

Kailan pa ba ako matututo? CHeck out my photoalbum in photobucket.com. May link naman ako eh. Tingnan ninyo kung gaano ka ganda MINSAN ang kuha ko sa mga pictures. In fairness, ok ang iba.

Magpopost ako sa SGSMC forum maybe later. Hindi na naman ako makalog-in. AYUSIN MO ANG FORUM CHRISTIAN CHIU! NAGLOLOKO ANG PROBOARDS MO!

>>>

Enjoy ang Soccer. Lalo na ang BASKETBALL!

Tuesday, September 20, 2005

At Nagbabalik...

Heto ako, paos, at super stressed.

ComSci period ngayon. Sinita ng mga tao si KBo dahil sa kakakanta ng Just A Smile ni Barbie. Perteh... Nakakapagod talaga.

On-going ang practical test namin dito sa comlab. Installing Win98.

Panel defense namin mamayang 2:30pm... Sana gabayan kami ng Diyos.

>>>

Tapos na rin ang ACET.

Salamat sa Diyos at nakasagot ako ng maayos (sa tingin ko). Nacover naman ng aming mga lessons ang mga questions sa test.

In fairness, mas madali ang ACET version 2005 compared to ACET version 2004 na tinake ko last January.

Sana lang nga... Sana sana sana nakapasa ako sa course na inapplyan ko.

>>>

Umiinom na ako ng BEROCCA/ BERROCA (nakalimutan ko ang spelling) para makaron ako ng energy for the day.

Goshes, nakakatulog na ako mga 9pm pa lang ng gabi dahil sa sobrang pagod.

Sobra kasi... Research, SciCamp, Physics 3, Math 5, Econ, Food Chem, Physics, Research, MAth, Physics, Physics, Physics, Research, Math, PHYSICS! RESEARCH! MATH!!!

mga perteh.

>>>

TULUNGAN NIYO AKOOOOOO!!!

Saturday, September 3, 2005

Heto Na Naman Ako

Salamat at nakabili na rin ako ng internet card. Perteh... Hindi tuloy ako nakapag-update the past few days!

Pero, happy na happy ako! At last! Na-upload ko na ang mga pictures ng mga TAO! Click niyo lang ang link sa mga larawan na nandyan sa left corner of the blog.

Kalingaw ba tingnan ng mga pictures. May madidiscover kayo kung titingnan ninyo. Bwarharharharharrr...
>>>
Nag-enjoy ako kahapon. At last, nakapag-practice na kami for the Basketball Girls. Naglaro kami with the Juniors. Nakakapagod, pero sobrang enjoy. Tumaas yata ang LDL ko habang naglalaro. Akala ko puputok na mga arteries ko. Perteh...
Sana makapag-practice kami ulit. Enjoy kasi eh.
>>>
At nag-update rin ako sa aking post sa sgsmc. Doctor Love Part 2 na! WAaaahh...
Baka may magagalit... Naku... Sana hindi...
>>>
Busy ako sa pagda-download ng mga songs. Grabeh naman si Anj, dalawang CD pa naman ang ipina-burn. Nagloloko pa naman ang aming computer. Pero, sige lang...
>>>
Eto ang post na may sangkatutak na mga pictures.
May kwento ako... Ano nga ba ang ginagawa ng mga taga-Pisay?
Ang mga taga-Pisay ay:
1.) Marunong mag-text.
nagtetext

2.) High-tech din minsan.
gues who

3.) Magaling sa electronics.
galing... ako lang yata ang 'di marunong

4.) Grabe makatake-down ng mga notes (after classes).
pa-copy ng notes beh

5.) Binibigyan ng importansya ang pagkakaibigan.
hindi nila alam

6.) Napapagod din noh... (Tao lang kami.)
tulog sila

7.) Magcocomfort sa'yo kung may problema ka.
kahit preso tinutulungan

8.) Nagtutulungan para makamit ang tagumpay.
tatahiin na kung tatahiin

9.) Nag-aaral...
atik atik...

10.) At siyempre, marunong din magmahal.
si inay at si itay
sina tito at tita

>>>
May tanong ako...
looking at...
Sino kaya ang tinitingnan ni Anj?
>>>
Si Kibo... Ang dakilang MoRf...
joke lang
Forgive me Kibo... I asked for your permission! :D
>>>
We did it again... in FOODCHEM.
Cooking lab kasi namin kahapon. Nag-bake kami ng Heny Sison's Moist Chocolate Cake. Buti nalang, bumili sina Abi at Migz ng mga kazhuzhuhan para sa cake namin..
with love, ika nga
Sabi nila, masarap daw... Salamat sa lahat ng kumain.
>>>
Ito nalang muna. Alam ko, matagal itong mag-load dahil sa mga Pictures. Again, ireremind ko kayong lahat na may link para sa LAHAT ng mga pictures. Click niyo lang, and explore.
Salamat!

Tuesday, August 23, 2005

COMSCI na naman...

Finally... Tapos na rin ako sa practical exam ng Comsci ngayon (CMOS set-up). Hindi pala ako ganun ka-"bobo" sa mga practical exam. Kulang lang talaga ng praktis.

Perfect attendance kami kanina. Section lang talaga namin (NEUTRON) ang PA kanina sa flag. Salamat, at pinatnubayan kami ng Diyos.

The gods were on our side... Heheheh...

>>>

Kadayawan dito sa Davao last week. Ang daming artista. Concerts sa NCCC Mall, sa PTA grounds, sa the Venue. Lahat ng mga tao nagsipunta sa SM! Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng taong naka-appreciate ng Kadayawan festival dito sa Davao.

>>>

Wala kaming pasok kahapon dahil kay Ninoy.

Pero, pumunta parin ako sa school! Nakisabay pa nga ako kay Ginnie (dakilang kapitbahay) eh. Pero, pinauwi kami ni Kuya Guard. Kaya 'yon, umuwi nalang ako at tinuruang magsulat si CJ.

Under kasi ang Pisay sa government. So, ala-Public school with higher standards ang drama ng Pisay.

Grabehh.. Four-day weekend! Sobra ang bonding ko with my sistah.

>>>

'Yon nalang muna. Nagsimula na naman ang aming busy week dito sa Pisay.

My right eye is "shivering", sabi ni Jacques.

Nanginginig dahil kulang ako sa tulog!

Pasmado na...

>>>

Kulang ako sa Iron. Kaya, umiinom ako ng iron vitamins everyday. Kalawang talaga ang lasa... yaks...

Saturday, August 20, 2005

Kaninang Umaga

Perteh... Ang sarap pala talagang maging bata. Wala masyadong inaabala, at ok lang kung laging nagkakamali.

Swerte ang mga bata...

Kanina, umattend ako sa Buwan ng Wika celebration ng APO Learning Village, kung saan "nag-aaral" ang sistah kong si CJ. Ang kyu-kyut nilang lahat tingnan nang sumayaw sila ng iba't ibang nursery rhymes, "Ako'y isang Pinoy", "Tinikling", at "Ibong man may layang lumipaaaaad", etcetera.

Nakilala ko na rin angmga kaibigan ng sistah ko. Grabeh lang talaga ang mga bata, konting galaw mo lang eh, umiiyak na kaagad. Kung wala silang makuhang prize, umiiyak na.

eto ang ibang pictures mula sa adventure ko ngayong araw:

smile si cj
eto si CJ, nakafilipiniana


cj with friendsalanna and cj
ako'y isang pinoy
eto ang mga friends ni cj na nakilala ko rin


pagod na
eto ang batang pagod na, wala nang focus ang mga mata

'yon nalang muna ngayon. may papanoorin pa ako sa tv.
sige, babush!

Friday, August 19, 2005

Salamat

Salamat at walang pasok ngayon. Salamat kay Duterte, at walang pasok ngayon!

Nakatulog ako ng mahimbing... Salamat sa Diyos!

Enjoy kahapon... Card Giving Day.

Salamat sa mga classmates ko... for making me happy.

Salamat kay Pare... May USB Cable na ako.

Salamat sa Sony Ericsson, kasi ma-eexpand na ang memory ng celpon ko.

Salamat sa photobucket at makakapost na ako ng mga pictures dito sa blog ko.

Tulad ng mga ito:


Image hosted by Photobucket.com
si Yan at si Kbo



Image hosted by Photobucket.com
kaninong bibig kaya ito?

>>>

Food Chem... Sabi nila, after mong mag-take ng food chem, pwede ka nang mag-asawa.
Eto ang mga niluto namin sa food chem:

Image hosted by Photobucket.com
katakamtakam


at eto pa:
Image hosted by Photobucket.com
puto special

kulang ang mga pictures. Nawalan kasi ako ng memory. Nagkandarapa kasi sila sa pag-take ng videos. perteh.

Mamaya, mag-uupdate na naman ako. Maraming oras! Harharhar...

Friday, August 12, 2005

New template

Before you start reading, I have to warn you: this is a very long post. Kung meron kang ibang mas importante pang gagawin, 'wag ka nang magpatuloy. Pero kung gusto mo maging masaya, hala, at magbasa KA!

>>>

Wow, bongga diba? bagong bago ang template. Simple lang, at ngayon, feminine. Nababasa na ang lahat ng mga pinagsusulat ko dito, at ngayon, may halong drama na!

Meron pang "I can't stop them, they keep coming back", "go away, leave me alone". Grabeh noh? pinapakita kasi ng blog ko ang buhay ko sa bahay, sa eskwelahan, at sa lipunan. Ito ang "drama" ng buhay ko... char.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ko binago ang aking layout? Ganito kasi yon:

Last last week, pagkatapos ng mga exams, pumunta kami sa comlab para makapagpractical exam. Habang naghihintay ako sa turn ko, sinabihan ako ni Sir Beduya na pwede daw mag-inet. Aba, free inet na, kaya pinagsamantalahan ko na ang pagkakataon. Ang mga klasmeyts ko rin, pinagsamantalahan narin ang pagkakataon. Tapos non, tiningnan ko ang aking blog, at pinakita ko rin kay Migz ang blog ko.

Perteh man 'yan si Migz oi. Good mood na sana ako noong mga oras na 'yon nang bigla niyang sinabi na "gubot" daw ang blog ko. Perteh... Nasaktan ako... Nasaktan ako to the max! (ka-OA noh?)

Kaya naman, ngayon, inayos ko na ang blog ko. Feminine na ang dating ano? Puting-puti!

Bagong template... Bagong mga drama sa buhay.

>>>

Naku naman ngayong linggong ito noh! Grabe sa pagka-over ng mga damdamin ng mga tao! Ganito na ba talaga kapag senior ka na sa high school? Ang mga tao nga ba talaga'y sobrang concerned tungkol sa love?

Naging "Love Doctor" (ang diri pakinggan) ako ng aking good friend na si Anj. As in, todo kami sa Micro Girls (MG) kung makapag advice sa kanya. With Bex and Davie, grabe ang tinira namin kay Anj. At dahil din sa aming mga meetings, narealize ko na sobra ko palang corny when it comes to talking about love. Yaks kadiri.

Lalo na 'yung concept ko about "TUBIG at COKE", nakU. Kung narinig niyo lang 'yon, baka mabaog pa kayo sa sobrang pagka-corny.

Pero happy ako kasi somehow, natulungan namin si Anj. At alam ko ngayon, matatag na ang babaeng 'yon.

>>>

Si Mare kasi last summer, binilhan ako ng Secosana na bag. Ilang beses ko 'yon ginamit sa internship ko sa BFAR, pero last monday ko lang ginamit sa school.

Mga perteh man ang mga tao sa school oi. As in, sabihin ba namang "bayot" ang bag ko. Wala na kasi akong ibang bag na pwedeng gamitin. Hindi ko pa kasi nilabhan ang iba kong bag. Eh di, 'yon nalang ginamit ko.

Feminine ang dating ng bag ko. As in, sky blue ang kulay at kadalasang ginagamit ng mga kolehiyala. NExt time, ipopost ko ang picture ng bag kong 'yon.

Kahit ano mang sabihin nila, gagamitin ko parin ang bag ko. Bayot na kung bayot, basta alam kong binigay sakin ni mare, gagamitin ko parin. Alangan noh, si mare pa, eh mahal na mahal ko 'yon!

Oist, si mare ang mama ko ha. Baka kung anong isipin ninyo.

>>>

Kanina lang, inayos namin ang HQ bulletin board. Napansin ko, may talent pala akong dumikit ng mga bears sa bulletin. Nakapasok na rin ako sa Boy's CR. Nalaman ko na mas maganda at maayos pa pala ang Girl's Cr kesa sa Boy's CR. At least sa Girl's CR, palmolive ang panghugas ng kamay. Sa Boy's CR naman, Joy dishwashing liquid.

Narealize ko rin na swerte at tama pala ang pagpili ko sa aking mga kaibigan dito sa Pisay. Akala ko kasi iiwan na nila ako dahil may ginagawa pa ako sa HQ.

Pero na-"surpirse" nalang ako kanina. Mahal pala talaga nila ako kaya naghintay silang lahat for almost 2 hours!

Mga THE FORCE. Kahit minsan may mga problema, nandito parin tayo sa isa't isa. At dahil doon, lubos akong nagpapasalamat dahil itinuri niyo akong 'di lamang kaibigan, kundi kapamilya narin. Sana matuloy ang Samal escapade natin.

>>>

Namimiss ko na ang mga kaibigan ko sa Ateneo... sobra na talaga. Bakit kasi ang busy-busy namin?!

Sa UPCAT nga, nakita ko si Francelle, pero pagka, bakit ba naman kasi 6pm na natapos? Pinauwi na kaagad ako ni Pare, kaya after ng UPCAT, umalis na ako kaagad. PErteh!

Kelan kaya kami ulit magkikita? Kung magtetake kami ng ACET? Sana...

>>>

Wala pa akong essay sa ADMU!!! Gagawin ko pa bukas. Si Ciara kasi, laging wala. Magpapatulong sana ako.

Speaking of Ciara, siya ang naging "punching bag" ko ngayong week. Punching bag kung baga, kasi naman siya lang lagi ang tinutukso ko at inaaway ko buong linggo. Kanina nga, binasa ko siya sa Boy's CR eh. Todo pa ang tukso ko sa kanya kay Luis.

Pero, kahit ganoon ako, friends parin kami. Kasi naman, sobrang bait ni Ciara. As in, friends!

Ginagantihan ko naman ang kabaitan niya sa pamamagitan ng pagiging "alarm clock" niya everytime natatakdan siya ng sakit niyang "Tulogsinensis". At least, nakakabawi ako sa kanya doon. Simple lang, pero nakakapagbag ng buhay.

Kung mababasa man ito ni Ciara, sigurado akong tatawa 'yon. Corny kasi eh.

>>>

Ang haba naman ng post na ito. Ang dami kasing nangyari eH!

Tuesday, August 9, 2005

UNDER CONSTRUCTION

MY BLOG IS UNDER CONSTRUCTION

nakakainis kasi si migz. sabi niya gubot daw...

perteH!!!

pagmumuni-muni

Imagine two old men fighting over a sweet candy bar. You may think that these two men are acting childish, or that they don't know what to do about the situation, or that they're just crazy.

Any candy bar is not worthy of being fought over, especially between two old, life-experienced men. My god, there are lots of other candy bars arond the world. One can even find a better candy bar than that candy bar that's being fought over. Those two men are already mature, and knows well enough about how to deal with situations like that. Fighting over a piece of candy bar is a waste of time, waste of energy, and therefore, not practical.

The candy bar is like Helen of Sparta; it's not worthy of being fought over by the two old men symbolized by the two kingdoms: Troy and Mycenae (with Sparta) No matter how beautiful Helen may seem to be, she's still not worthy of being fought over in the Trojan war because of two reasons.

First, Helen is not the only woman living in the world that time. My god, if she was the only woman living in the world, then the "act" of war is understandable (at least for me). But there were in fact a lot of women living during that period. And maybe, who knows, one of them may be better than Helen.

Secondly, the act was not practical. My god, they sacrificed a lot of lives just to get Helen back. They wasted their time fighting; knowing that in the end they would still die. They could have done other alternatives to get Helen. The two kingdoms, knowing that they have their advisers, beliefs, experiences, gods, and all, could have just allowed themselves to THINK first, and compromise over the matter. And who knows? After compromising, both kingdoms could establish a deal, and therefore no one would get hurt nor die.

See? it's all about being practical. No matter how sweet and tasty a candy bar may be, it is still not worthy of being fought over--especially by two old wise and experienced men.

Kaya naman, Paris at Meneleus, MATUTO na KAYO!

>>>

TAPOS na nga ang mga exams. (pati na rin ang UPCAT!!!)

O ano? Masaya na ba kayo? Satisfied ba kayo sa mga resulta ng tests? Nakatulog na ba kayo ng mahimbing? May pinagsisisihan ba kayo? Pumasa ba kayo?

Ako? secret...

>>>

Ang sampung epekto ng sobrang exposure sa mga makabasag-ulo na mga exams:
1. Wala ka nang ibang inisip kundi ang isang item ng test na sigurado kang makakapagbagsak sa'yo.
2. Lagi mong tinatanong sa sarili mo kung bakit ang bilis ng oras habang sinasagutan mo ang physics at math exams.
3. Sa sobra-sobrang dami mga concepts na pilit mong ipinapasok sa kukote mo, untiunti itong tumatakas papalayo sa gitna ng iyong level of thinking. (ano daw?)
4. Minsan akala mo 'di ka na tao.
5. Gusto mong kumain, pero 'di pwede.
6 Hindi mo na maintindihan ang takbo ng teleseryeng inaabangan mo araw-araw.
7. Sisitahin ka ng mga titser dahil kumanta ka ng "Isang Linggong Pag-ibig" ng buong puso't kaluluwa.
8. Nahuhuli ka ng iba't ibang tao na sumasayaw ng "Dadaanin ko Nalang sa Kanta" kasama ang mga kapwa mong exposed sa makabasag-ulo na mga exams.
9. Wala ka nang pakialam kung may nagtetake pa ba ng mga exams o wala na, basta't makakanta at makasayaw ka lang.
10. At huli sa lahat, sobra ka kung tumawa kapag nakakita ng isang taga-admin na natumba dahil daw sa karma kasi pumitas ng pinagbabawal na rambutan.

>>>

Na-take ko na ang UPCAT. 'Yun ang una at huli kong pagkakataong makapagtake ng exam na 'yon. Sana naman pumasa ako sa gusto kong course. Sana kaming lahat nakapasa!

Friday, August 5, 2005

TAPOS NA ANG EXAMS!

Na! perteh...

At last, tapos na rin ang mga exams. Katatapos lang talaga kanina. Nandito na naman ako ngayon sa comlab; naghihintay para maka-practical exam about motherboards. Katabi ko si Mitzi. Naninibago sa sg forum.

Masasabi ko talaga na mahirap ang mga exams. Nakakainis ang Physics. Kasi naman, bitin kami sa oras. Kaya tuloy, hindi ko nasagutan ang lahat.

Nakakainis...Ganyan pala ang ngangyayari kung sobra ang stina-studihan mo. Minsan nakakalimutan mo ang mga concepts na dapat talagang tandaan.

Nasobrahan... Next time, matututo na ako.

Happy at proud ako dahil hindi ako kumopya. As in, no no no.

Ok lang magkaroon ng napakababang grade basta malinis lang ang konsyensya ko. Kesa naman na sobra ang pagpuri sa akin pero nandaya naman. Mabuti na ito.

Happy ako kasi makakatulog ako ng mahimbing mamayang gabi!!!

>>>

Meron pa palang UPCAT sa saturday! Naku... Sana sulit ang mga reviews namin... Sana makapasa ako... Sana makapasa ako sa gusto kong kurso... God... Help me!!!

Busy din ako sa mga application forms ng admu at dlsu... Naku... meron pa 'yung southville ekek...

Tuesday, July 26, 2005

comlab na naman

katatapos lang naming mag-quiz dito sa computer lab. Buti nalang, nakapag-aral ako.

Ang daming dapat habulin ngayon. Research, projects, application forms... Perteh naman noh...

Pero dapat hindi sumuko... hindi dapat... HINDI!

>>>

Nakakapagod... Gusto kong matulog... Pero, hindi pwede...

Kawawa naman ako.

>>>

Volleyball... Kickball... Ang saya-saya!

>>>

Hindi na ako nakakapag-internet sa bahay. Dito nalang sa school every comsci period. Buti nalang mabait ngayon si Sir Beduya at pinagamit kami ng mga units.

Maingay ngayon sa Neutron. Yaks si Casas.

>>>

TULUNGAN NIYO AKO!

Monday, July 18, 2005

mga nangyari

Hello blog people! Ang dami na palang naganap... 'Yung iba masaya, 'yung iba naman, nakakalungkot.

So, natuloy na nga 'yung foundation day celebration ng Pisay last July 8. Marshall pa ako during the ecumenical service. Grabeh, sabi kasi ni Sir Angel 'yun ang dapat naming gawin eh. Kaya, tumambay lang ako sa post ko the whole time. Nakakainis nga rin si Sir Lotero. Okay lang naman na ico-commend niya ako sa harap ng konting tao. Pero, that time, nananahimik lang ako sa post ko. Bigla pa naman ako pinatayo during his homily. Perteh, naghehesitate pa nga akong tumayo eh. Basta, perteh, pereteh, PERTEH!

Tapos, opening program na... Ang mga seniors nagpalit na ng mga t-shirts nila na sobrang ganda. Haay. pero naman, halos tulog ang mga studyante noong nagsalita na si Emerson. Ewan ko kung bakit. Nabighani yata silang lahat kasi kamuka ni Emerson si Jules. Kaso lang, lamang si Jules sa muka. Agree ba kayo?

Nag-oath pa kami sa SG. Wahas pa naman kaming mga pink brothers and sisters. Minsan lang kasi 'yon mangyayari, kaya, itotodo na namin. Goal kasi this year is to live life to the fullest (connection pls.).

Community lunch. Creative ang mga seniors, nag-ala choir ang itsura naming lahat sa bleachers. Next is the activity... Wala akong masasabi tungkol doon. Wala... as in wala...

FUN FAIR 2K5... LOVE BOOTH NG MGA SENIORS. e- love knot. p+ blind date, n0- annulment/ice candy. Tulungan kaming lahat to the max para lang kumita ang aming booth. Enjoy tingnan ang mga taong nalo-love knot/blind date. Kasi, pilit nilang ipinakikita na AYAW NILANG MALAGAY SA POSISYON NA IYON. Pero, kitang-kita parin sa mga mata nila na kilig na kilig sila sa mga pangyayari. As if naman noh, if I know, gi-ganahan ang mga tao.

At pumunta kaming lahat sa NCCC Mall para sa cultural night show. Sumakay kami sa bus ng freshie. Enjoy kasi sama-sama kaming lahat. At noong nakarating na kami sa NCCC Mall, naku... Panic na ako noh. Kasi naman, 'di pa na prepare ang mga gamit. Ang make-up, costume, props... PERTEH! Grabe ang pressure sa amin noh.

Kinabahan pa ako kasi, 6:30pm magsisimula ang program. PEro, 6pm pa lang, wala pa ang mga PROPS! Perteh!!! Pero, buti nalang, by 6:10pm, nakarating na rin sila. Inayos pa namin ang mga props backstage. Naku... Naku... WAAh!!!

Nagsimula na ang program. OVER ang mga emcees ha. As in, scripted to the max! Kulang ng adlib. Para sa akin, sana lang naging mas-open sila sa mga new ideas. Scripted talaga sila. Sayang ang costume nila.

Of course, naging masaya ako kasi, kahit papaano, nandoon ang pamilya ko sa audience, para sumuporta. Nandoon din ang aking mga tapat na kaibigan since grade school (Kamille, Francelle, Irish) na handang sumuporta sa amin. Inspired ang dating naming lahat.

EVENT 1: NEO-EthniC DAnce. ('yun ba? o ethno-jazz parin)
AS IN! ang GALING NG MGA DANCERS NAMIN!!! Nakakapanindig-balahibo ang presentation. Obvious na grabe ang kaba ni Ate Reys kasi nanginginig siya habang sumasayaw. Si Lloyd, OVER ang pagkaWAHAS! Akala ko, kakainin talaga ng buo ang manok. Si Adonis naman, grabeh, macho man... SI Em, ang makabagong Darna. Synchronized ang mga movements, maayos ang pagkakasayaw. At with JoanE as the narrator pa! ANG GANDA NG PERFORMANCE! Bilaan the best!

EVENT 2: SONG-Solo and MTV (kasama ako!)
Teetin the BEST! Ang galing kumanta, next diva na! PErteh, si Mitzi nakakatuwa. Bagay siya sa kanyang role na kuba. Si Renel, over ang wahas ha. Baka totohanan na ang kanyang crush kay Mitzi (peace bai!). Ang mga taga Dodong's Piggery (Renz, Luis, Andy, Renel, Tal) lingaw tingnan. Litsunan ang dating! ANg mga farmers at ang pambansang hayop (Jules, Sigfred, at Maynard) feel na feel ang presentation! Si Nanay (Ayesha) sobra ang lungkot na nadama noong natumba at nagiba ang bahay niya. Si Engkantada (Davie) ala ballet dancer ang dating. Ang mga walisers (Kat, Yba. Ciara, JoanE) na sobra kung gumiling. At ang mga kontrabida (Yan, Anj, Jacques) na grabeh kung maka-act! Si Archie, ala-teacher and dating!, Todo ang performance namin sa MTV. MAsaya ako at maganda ang kinalabasan ng performance.

FIRST kami sa Neo-ethnic Dance. 2nd sa Song solo (conspiracy, may ORIGINALITY ang boses ng singer namin.). At tie kami sa first place with the juniors sa MTV (look at the props).

Wala lang... Disappointed lang ako kasi naman, halos buong batch ang tumulong sa props. Todo ang binuhos namin para sa MTV. Gabi-gabi, lahat pumupunta sa gym para lang tapusin ang mga props. Kahit umuulan, nagpapaulan pa ang iba para lang tumulong at tapusin ang aming barrio. Hindi lang ba nila icoconsider ang aming mga props? The story? The actors? The singer? The narration? The SONG??

Whatever. Nangyari na ang nangyari. Basta, FIRST PLACE PARIN KAMI SA MTV.

AT OF COURSE! OVER-ALL CHAMPION KAMI SA KADI!

Wow diba?

>>>

Of course, may celebration kami sa batch noh! Thanks to the cash prize, the booth fair money, and Marian's Company, Nakakain at nakapagcelebrate kami last Tuesday sa canteen. Simpleng handaan lang, para naman masuklian din ang lahat ng tumulong during the foundation day.

eto pa nga 'yung mga pictures eh:




si jason ang nagtake

Image hosted by Photobucket.com

ako nagtake



si Jobo nagtake. Pasmado ang kamay. obvious naman, diba?


o, diba? Happy at Enjoy talaga.

>>>

Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng tumulong sa Ethno-Jazz, Song-solo, at MTV. Kung wala kayo, hindi natin makakamit ang tagumpay. Salamat po!

Tuesday, July 12, 2005

COmsCi Period

Comsci period ngayon. Habang naghihintay ako sa turn ng group namin upang magbaklas ng CPU, nandito ako sa harapan ng monitor at nagta-type ng mga kung anu-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Heto ako, katabi ko si Tifanny na nagki-Kings of Chaos. Naaalala ko ang aking nawalang account sa Kings of Chaos. Nawala pa talaga ang bwisit na account na 'yon. Si KBO kasi, binalewala lang ang account ko! Siya pa naman commander ko. Perteh.
Si Yba, abalang-abala sa pag-Fre-Friendster, sabay kunot pa ang kanyang noo habang klini-click ang faulty mouse ng comlab 2.

Dumating si Sir Beduya... bYE!!

Monday, July 4, 2005

STRESS

I don't like being stressed. It gives me back pains and muscle spasms. But now, I just can't avoid being stressed. Perteh! 5 tulog nalang, foundation day na ng Pisay! NAku... Napapaos na nga ako. Boses ko ngayon para nang bakulaw. Umiinom na nga ako ng salabat para maging buo ang boses ko.

Medyo nahirapan ako ngayong linggo. Panay practice kasi kami sa mtv the whole week--except noong thursday kasi may club ( and that reminds me about the action-filled icebreaker/skit that the Pink Sisters and Brothers club presented during the SG aquaintance party). Anyway, at least ngayon, meron na kaming story/choreography. Kulang nalang ang mga props (CECILE!). Bukas, patuloy na sa paggawa ng props.

Bakit pa kasi NCCC Mall? Nakakapagod pumunta doon. Nagpapakahirap pa ang Pisay. Kay ganda ng gym, kahit na may mga ibong mahilig dumumi, accomodating at malamig pa doon. OVER kasi naman sa NCCC Mall. Pati siguro ang mga naggro-grocery eh madi-distract sa mga pinaggagagawa namin.

Pero, 'di bale. Yakang-yaka namin 'yan.

>>>

AKALA ko madali lang gawin ang labs sa physics. Kasi naman, simple lang itong tingnan. PERO, noong nagsimula ako, PERTEH! Nakakalito naman. Don't you agree my fellow classmates? Hindi pa talaga sinauli ang data...

>>>

Nami-miss ko na ring makita mga dear cousins ko. Alangan, dati-rati halos kada linggo kami kung magkita. Ngayon, ewan ko na. mga 3 linggo na yata. Naku...

Nakakainis ang makulit na bata. May bata rito sa bahay namin. Nakakainis kasi sobrang kulit niya. Pero enjoy din kasi meron din palang natututunan sa school. Kumakanta na ng mga nursery rhymes ngayon. DAti, puro "TOMORROW" lang ang kinakanta. Buti ngayon, varied songs na.

>>>

Ang gitara. Ito ang buhay ko.

Nakakapaggitara lang ako kung mag-isa lang ako. Parang "senti" moment ko, kung baga.

Wala lang...

>>>

Nakakapagod maging 4th year. Ang daming kailangang ma-achieve. Dapat laging handa.

Naku...

>>>

'Wag nang pa-shy shy.

>>>

May mga kanya-kanyang buhay tayong lahat. Kailangan natin itong pangalagaan at dapat bigyan ng tamang direksyon. PEro, anong gagawin mo kung meron kang problema na di mo mahanap-hanapan ng sagot?

Ako, pag-iisipan ko pa.

>>>

Pasensya na kung minsan nauubos ang pasensya ko. PAtawad.