Tuesday, April 25, 2006
EH KASI NAMAN...
Tatlong tulog nalang, 17 na ako. Waaah... Tumatanda na talaga ako. Reding-ready na mag-college! Pwerteh!
Buti naman at medyo naging mukang bahay na itong tinitirahan namin sa 134 Aster street. Eh kasi naman, mukang construction site ito for the past three months!
Pero kahapon, pagdating ko sa bahay galing sa mall, ayun. Nabigla ako ng konti... Wala na masyadong buhangin sa may garahe. Hindi na madumi. May mga kurtina na sa loob ng bahay.
Shaaaks... I'm home again.
Kahapon nga pala, nanood kami ng sine ng mga pinsan kong si Angel at si Jappy. Nanood kami nung D'LuckyOnes. Perteh. Tawa ako ng tawa. Nakakatawa kasi talaga eh. Ibang klase ang dating ni Pokwang. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na babae nga talaga si Pokwang.
Haaaii nakuuu... Malapit na ang April 28... Sana matupad lahat ng mga wishes ko.
At sa mga taong nagbabalak na bigyan ako ng regalo, eto. Bibigyan ko kayo ng gabay para naman malaman ninyo kung ano talaga ang sinisigaw ng puso kong ito.
Sana bigyan mo ako ng:
...Dell na laptop. Sira na kasi talaga 'yung PC ko eh. Magagamit ko 'yun sa college. Waaahehehe.
...The Sims 2 na CD. Ay pagka. Kahit pirated, tatanggapin ko. Basta makalaro lang ako. Please.
...Sampung taon na pagsponsor sa DSL connection ko. Please. Hindi stable ang dial-up. Kailangan ko ng DSL!.
..Scholarship. Tulungan mo mga magulang ko sa aking mga tuition fees. Maawa ka kapatid.
...Isang magandang condo unit sa may Katipunan.
...DVDwriter. Para maka-burn din ako ng mga DVDs. Ako'y isang pirata eh!
...Digital Camera. Canon Digital Ixus i zoom. Just to keep the memories alive!
...MYMP Live at the Music Museum na CD. Ay perteh. Gusto ko talaga ng MYMP. Ma-bOang ako sa kanilang mga kanta.
...Sony PSP. 199 USdollars lang! Ay perteh. Ibibigay ko sa'yo ang gameboy advSP ko sa'yo. Barter tayo.
...Acoustic guitar na maganda ang tunog. 'Yung buo ang tunog. I USED to play the guitar before. Kaso, nasira 'yung gitara ko eh. Simula nun, naudlot na 'yung practices ko sa bahay. Hahayaan mo bang 'di ma-unleash ang pagkarakista ko? waaah...
...Picture frame na maganda at matibay. Gagamitin ko 'to para sa family pic namin. Para naman may maiiyakan ako sa Maynila. Parang ala-teleserye 'yung dating.
...Uyab?
...Something personal from you. Like a letter, for example. 'Yung letter na naglalaman ng tunay na damdamin. May mga sulat kasing plastik ang dating. Hindi taos-pusong sinulat. Para naman maalala kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Marami pa man ba... Pero hindi ko na maalala 'yung iba. Perteh kasi ba. Kung hindi ako nag-a-update, maraming pumapasok sa kukote ko. Ngayon na nag-a-update na talaga ako, perteh, nakakalimutan ko na 'yung mga dapat kong i-post. Perteh. Tumatanda na talaga ako.
Sana maayos na completely ang bahay namin. Sa tingin ko, hindi parin mapipinturahan ang aming mga gate pagdating ng April28. Perteh kasi kayong mga karpintero! Imbis na magtrabaho, nagyoyosi!
Tuesday, April 18, 2006
INTERNET AT LAST!
Nawalan kami ng internet at telepono ng isang araw.
Pero ok lang naman... As if hindi ako mabubuhay kung walang internet.
The last two days were full of mini-asthma attacks. Eh paano, puro alikabok mula sa mga kahon ang nasisinghot ko. Amoy pintura ang kwarto ko. Tapos, 'yung mga panday dito naninigarilyo pa. Perteh oi.
Nilinis ko kaagad kwarto ko noh. Ayoko kasi maging storage 'to ng mga karton noh. Kaya naman, sa bahay namin ngayon, kwarto ko lang ang malinis.
Haaai nakuu basta. Binabind ko ngayon 'yung mga hand-outs ko for the past four years. Binabind ko na rin 'yung mga filler ko sa 4th year. Baka kasi magamit ko ang mga 'to sa college, or baka magamit pa ng kapatid ko sa future.
Nabasa ko pa nga 'yung mga script na ginawa namin during presentations. Haai nakuu... Nakakamiss naman oi. Ang sarap ibalik 'yung mga panahon na 'yun. Ang saya kasi eh.
Nakuu Illumina.. Nakakamiss naman kayong lahat.
Alam ko naman na maghihiwahiwalay na tayo sa college. 'Yung iba sa atin, nasa UPMin, sa ADDU, sa MSU, sa UPCebu (HELLO JEI), sa UPIlo-ilo, sa Siliman, sa UPLB, sa DLSU, sa Mapua, sa UPMani, sa UPDil, sa ADMU, sa Singapore, sa US... Kahit saan pa mang dako ng mundo... Meron paring nagba-bind sa ating lahat na kailanma'y 'di mapapawi ng kahit anumang bagay:
Ang friendship na nabuo sa atin for the past four years...
Haaai nakuu Illumina... Kung marami lang akong naipon, magbabakasyon tayong lahat sabay-sabay sa Boracay. Kaso, pobre lang si pasia eh.
'Di bale, darating ang panahon na magiging successful tayong lahat at magaambag-ambag tayo para makapunta tayong lahat sa Boracay.
O sige na... Ito nalang muna mga pare ko. Maglalaro pa ako ng The Sims.
Sunday, April 16, 2006
EASTER SUNDAY NA!
Bagong simula, bagong-buhay, bagong bahay!
Oo! Lilipat na kami ngayon sa bahay namin sa 134 Aster St. Pero hindi pa naman tapos 'yung bahay (hindi pa nga napinturahan ang gate eh). But then hopefully, matatapos na 'yung buong bahay before my birthday.
Haaai nakuu... Mga tao talaga, grabeh maka-text! Oi, pasensya na ha kung hindi ako nakakareply.
Perteh... Easter Sunday na nga, pero hanggang ngayon wala pa rin akong load!!!
Perteh man ito oi...
Wala pa rin akong matititrahan sa QC.
Para kina Izy, KaBo... Siguraduhin niyo muna na meron na kayong slot sa Kalayaan. Wala pa talaga akong matitirahan na sure ba. Sorry talaga bai...
Monday, April 10, 2006
'YUNG TOTOO
I feel so alone. SOBRAAAAA.
A part of me likes to go to Manila na. A part of me likes to stay here in Davao.
No, don't be mislead. Hindi naman sa maho-homesick ako. Tungkol 'to sa ibang bagay.
Mga bagay na magdedetermine kung anong magiging buhay ko for the next four years.
Hindi ko lang kasi alam kung tama ba 'yung desisyon ko o hindi.
Pero, ba't naman ako manghuhusga kung 'di ko pa naranasan 'yung dapat kong maranasan, diba? Ayokong magpa-apekto sa mga sabi-sabi. Ayokong marinig ang mga bagay na dapat ko pang maranasan mula sa bibig ng ibang tao. Ayokong magpa-apekto. AYOKOOOOO!!!
Kaya ikaw, 'wag ka maging mapanghusga. Hindi naman ibig sabihin na kung diyan ka, successful ka.
Basta, ayon. Perteh ka! Tinuro na nga ng Pisay 'yung tungkol sa prejudice. Hanggang ngayon, 'di mo parin natututunan!!!
Sunday, April 9, 2006
BABAY NA...
Shaks... March 29 'yung graduation day namin. Ang tagal na nun, pero grabeh ang hang-over ko sa event na 'yun. Hindi naman sa tumagay ako (hala Marian...), pero grabeh talaga 'yung narealize ko ba. Ngayon ko lang natanggap na hindi ko na maibabalik 'yung nakaraan. Hindi ko na ulit mahahagilap araw-araw 'yung mga mukang nagpapangiti sa'kin. Grabeh talaga ang mga changes sa paligid.
Haaai nakuu... Balikan muna natin 'yung graduation day namin. Sus nalang, malapit na akong ma-late ba. Ang bagal kasing kumilos nina Pare at Mare. Shaks oi... Pero buti nalang, on-time kami dumating. Hindi pa talaga ako sanay sa sapatos kong high-heels. Hindi ko kasi type ang mga ganon. Aanuhin ko ba ang mga high-heels kung sobra na ang tangkad ko? Perteh. Ang hirap maglakad noh...
Pero binaliwala ko 'yun. 'Di ko papayagan na 'yung high-heels ang sisira sa araw na 'yun. Haai naku basta. Halos lahat kami seryoso. Worth-it lahat ng practices. Tapos, nandoon pa talaga si Miranda. Nagkandarapa kami pa-picture oi! As in, waaaah...
Tapos, graduation song na. Aguy... Doon nagsimula 'yung mga iyakan. Sus nalang! 'Yung mga nasa harapan ko, red-nosed na after ng grad song.
Pero nagsimula 'yung lahaaat ng hagulhol nung recessional na. As in, shaks perteh talaga... Halos lahat umiyak. As in, iyakan galore!!! Pero oi... Ba't hindi ako umiyak? As in, wala. Walang tumutulong luhaaa. Konti lang 'yung tumulo nung niyakap ko si mam Betchay. Tapos nun, wala na. Ewan ko oi...
Tapos pinakawalan namin 'yung mga pulang balloons sa CAT field. Ang ganda nun... Super.
Ay basta, grumaduate na rin kami. Ang saya... Pero nakakalungkot parin. Bittersweet nga, kung baga. Ayoko pang umalis sa Pisay eh. Ibang klase kasi 'yung mga experiences ko sa Pisay. I spent the best days of my life in Pisay (so far noh).
Mga tawanan, iyakan, mga hotseat, mga sessions, lokohan, parties, si dr. love, mga tuksuhan, kainan, ang boses ng mga batchmates ko na naririnig hanggang guard house, mga practices, crammings, sayaw, kantahan, competitions, basta... Pisay as a whole. I will miss Pisay. Shaks! Perteh.
I lab Pisay. SUPER.
Illumina, alam kong magkakahiwa-hiwalay na tayo sa college. 'yung iba nandito sa Davao, 'yung iba nasa MSU, sa Siliman, sa DLSU, sa UPLB, sa UPDil, sa ADMU, sa Singapore, sa US... Sana hindi tayo magkalimutan. Sana manatili 'yung mga experiences na shinare natin sa isa't isa sa ating mga puso. We've been together for four years. Four wonderful years. Sige bai... Kitakits nalang! Mahal ko kayong lahat.
O sige na, napapaiyak na ako.
O, pahabol lang ito ha: ayokong magCHA-CHA. Perteh ka Gloria. Kung magcha-cha-cha, dapat lahat ng mga nakaupo sa mga posisyon ngayon palitan ng bagong set of officers. Dapat 'yung Gloria admin magresign muna bago i-implement ang CHACHA. Perteh.
Grabeh... seryoso na 'to. Magco-college na kasi ako eh. Waaaaah...
Shine on, Illumina.
Monday, April 3, 2006
AT LAST!
lahat ng mga pics ng Illumina, available na sa photobucket. Buong buwan ng Marso hanggang March 30 na mga pics!
May tatlong albums ha. Basahin niyo nalang doon.
Just click any of these Links para ma-link kayo sa desired Album ninyo.
This will link you to the ILLUMINA PICS BEFORE GRADUATION album
This will link you to the ILLUMINA PICS BEFORE GRADUATION PART TWO album
This will link you to the ILLUMINA GRADUATION DAY PICS AND AFTER GRAD PICS album
Tuesday, March 28, 2006
BUKAS NAAAAA...
Perteh, ang bilis ng panahon... Super bilis.
Kailangan ko nang imulat ang aking mga mata sa katotohanan na magkakalayu-layo na kami ng mga batch mates ko.
Perteh... Pisay will never be the same again.
Pipigilin ko muna ang mga luha sa ngayon... Bahala na kung anong mangyayari bukas.
Sunday, March 26, 2006
TATLONG ARAW NA LANG
Perteh... Ano ba 'to?! Dapat maging masaya ako dahil at last, nasurpass namin lahat ng mga challenges sa Pisay.
Hindi ko talaga maiwasang 'di malungkot habang papalapit na ang graduation day. Untiunting napupukaw ang isipan ko sa katotohanang hindi na kami magkakasama-sama sa college. Ang iba sa UPD, 'yung iba sa ADMU, iba sa UPMani, iba sa UPLB, sa MSU, iba naman dito lang sa Davao.
HINdi ko maiwasang 'di malungkot kung pinag-uusapan namin ni Marian 'yung topic about college. Perteh.
Nakuu...Perteh talaga.
Kagabi, nag batch party kami. Sponsored by Jason.
Halos lahat ng Illumina, pumunta. Perteh... Busaw masyado dating ko ba.
NAgbonding-bonding kami. Parang hotseat ang dating.
Alam niyo, naiinis ako ng konti sa mga taong parang walang pakialam sa mga taong nagsasalita sa hotseat. Kung baga eh, parang wala lang sa kanila. Sana naman, nagshow lang sila ng kahit konting respeto, ano? Last bonding session kasi 'yun. Gusto ko sana at least, makinig ang lahat.
'yun kasi 'yung pagkakataon na pwede naming i-fix ang mga problema sa batch, or iclear-out lang 'yung mga issues na nabuo sa batch. Konti lang din kasi siguro 'yung panahon na inilaan para doon, at masyadong maliit 'yung lugar para sa amin lahat...
Pero ipagpapatuloy naman 'yun sa lunes eh. Perteh... sana maging maayos na ang lahat.
Practices sa graduation day ang inaatupag ko ngayon... And also, masyado rin akong preoccupied sa clearances...
Perteh... the clearances... I LOATHE her... perteh siya... PERRRTEH!!!!!!!!
Haay nakuu Lord... Tabang... dapat matapos ang clearances by march 31... LORD... nakuuu...
Monday, March 20, 2006
RETREAT AT INTRAMS
Illuminate Illumina
Hindi ako OK, ok?! Ang sakit kaya. HUBAAAAG!!!
Pero, kahit naaksidente ako kanina, parang ang ganda parin ng flow ng mga events since friday.
>>>
RETREAT! sa Benedictines sa may Ulas. March 17-18, 2006.
Dehado... Nag-take kasi kami ng Singapore entrance exams nung 17. Kaya naman, na-miss namin 'yung hapon session ng retreat (sumali ang iba sa amin nung umaga eh). Perteh ang Singapore scholarship exams... Super PERTEH!!!
anyway, Nakahabol din kami. Roomate ko si KLO at KBO. Room 19...
NUng gabi na, senti moment. BASTA... Ang alam ko lang eh, umiiyak na ako ng todo. Nakaririnig na ako ng mga humahagulhol na mga klasmeyts ko. As in, super iyakan. Mga thank you's, mga sorry, at mga i lab you... Hagulhol talaga. GRABEH!
The next day, nagpa-thank you kami kay Father Jerry ('yung speaker namin). As in, na-touch niya buhay namin. Especially 'yung family life namin.
THe best sa Benedictines!!! LIMANG BESES pa naman kami kumakain sa isang araw. Breakfast, snack, Lunch, snack, Dinner.
Illumina '06 with Father Jerry
Comment ko lang eh, sana nag-focus din sila sa relationship namin with each other sa batch. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ok 'yung pag-usapan 'yung pamilya. Kaso lang, ga-graduate na kami sa March 29 (ang lapit na pala). Tapos, 'yung iba sa amin, 'di parin nagrereconcile. Walang balak magreconcile. Parang 'di kami nakapag open up with each other masyado.
Si KBo nasapian during the retreat
pero, as a whole, ang ganda ng retreat. Feeling sinless after the confession, kung baga. Heheheh.
Pero kanina, sa totoo lang, nagkasala ulit ako.
MORE RETREAT PICTURES AVAILABLE ONLINE!
JUST CLICK THIS LINK
>>>
TODAY, March 20, 2006. Culminating activity ng year-round intramurals.
For the past few days, todo ang practice namin for the cheerdance. As in, last na rin kasi ito. Dapat i-todo na namin.
Kanina, cheerdance. Nakuu... Kinabahan talaga ako kasi naman hindi ko kabisado 'yung Psychosomatic na part ng aming cheerdance. Perteh.
Pero in fairness, mas ok pa sa olrayt ang aming cheerdance. W-O-W. Bilib na bilib si Trifonia.
Agawan ng Buko... NADISGRASYA AKO. HANGGANG NGAYON, MAY ICE PACK PARIN SA MUKA KO.
haaay buhay talaga...
PERTEH. KAHIT na maraming nangyari kanina, happy parin ako kasi namain champion kami sa cheerdance. Champion kami sa halos lahat ng mga events. So, without a doubt, OVER-ALL CHAMPIONS KAMI!
Ang aming Trophy
Go Seniors! GO ILLUMINA!!!
MABUHAY ILLUMINA OLE OLE OLEYY!!!
Illumina... Ang mga champions!!!
MORE INTRAMS PICTURES AVAILABLE ONLINE!
JUST CLICK THIS LINK
>>>
Ang tagumpay na ito ay 'di makakamit kung hindi kami nagtulungan sa batch. As in... United. Yes, we are UNITED. Kung may nasasaktan, lahat nasasaktan. Kung may malungkot, lahat naghahanap ng paraan para maging masaya ang lahat. Kung may masaya, lahat nagsasaya.
Illumina... simply amazing.
Illuminate Illumina '06!
Tuesday, March 7, 2006
WAAAAH... SIKAT EH...
http://www.sei.dost.gov.ph/intel-philsciencefair/ipsfcc2005.html#
pambihira... sikat kami eh... waaaah...
Monday, March 6, 2006
HOLD YOUR HEAD UP HIGH
Puro drama... Hindi ko na nakayanan... Stress.kills.me...
Paasahin ba naman kami sa wala? PERTEH! Sino ba naman ang 'di masasaktan niyan?!
Hindi naman ako 'yung ganung tipong tao na umiiyak dahil lang sa ganun... Pero ibang-iba na talaga ito eh. Sobra... ang sakit...
Sino bang 'di mabubuwisit? Sino bang 'di masasaktan? Sino bang hindi maiinis doon?
HINDI AKO MANHID! kaya inilabas ko na ang lahat-lahat kanina...
Putik...
Perrteh!!!
Pasensya sa ibang mga tao na hindi ko masyadong pinansin kanina. Kung nainis man kayo sa pinagaasta ko, pasensya na. Epekto lang ng kaputikan ng iba't ibang bagay na inihaharap ko ngayon. Pasensya kina mam betchay at mam go... hindi ko na kasi kayang magsalita habang pinipilit kong 'di umagos ang aking mga luha...
Salamat kina Cecile at Jeijei... Kalbaryo natin ito. Patuloy parin nating pinapasan ang mga events kanina. Kahit anupaman ang mangyari, nandirito parin tayo sa isa't isa. Sign natin ito... Naghihirap muna... Pero alam naman natin na sa huli, magtatagumpay din tayo. "time won't flow, everyone knows when the pain fades away... dreams won't die, tears in our eyes, you've got to hold your head up high..." pambansang awit natin 'yan...
MARAMING SALAMAT sa aking mga tunay na kaibigan... the force... Salamat. you people always make me feel better... the best talaga kayo...
kbo, cj, mitz, rain, yan... mga kasama ko kanina habang matindi pa 'yung mga nararamdaman ko... salamaaaaaat!
Hay naku... when will this end? Kailan pa kaya ako makakangiting muli? Lagi nalang bang mabigat ang mga mata ko sa kapapasan ng 10000000 liters ng luha? 'Di na ba mawawala itong sipon ko na laging kaakibat ng luha kong ito?
Hinding-hindi ko makakalimutan itong araw na 'to for the rest of my life... Ngayon lang ako umiyak ng todo sa harapan ng kaibigan ko sa loob mismo ng klasrum ko dahil lamang sa kaputikan ng isang bagay. putik talagaaaa... PUUUUUUUUUUTIIIIIK!!!
Perteh...
Help me lord... patawarin mo ako sa lahat ng masamang iniisip ko...
Saturday, March 4, 2006
NAKU
Perteh. Tapos na nga ang mga exams. Lumalabas na ang mga grades. Wala na kami masyadong ginagawa...
OMG... ga-graduate na kami...
Naku Illumina... Grabeh ang hagulhol sa darating na March 29... Mami-miss ko kayong lahaaaat! Alam naman nating hindi tayo magsasama-sama lahat sa college, pero kahit papaano, panatiliin natin 'yung bond na binild natin sa isa't isa.
Ang galing ng Batch natin. Hindi sosyal, hindi mayabang, Nagke-care sa sitwasyon sa Pisay, united against all odds, WAHAS, at super saya. MGA PERTEH TALAGA TAYONG LAHAT!
>>>
Tense na ako. Over fatigued. feeling super down nowadays.
pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na talaga ako...
hahaaay buhay... Ang saklap... Pero kailangan talaga nating harapin ito. SUGOD MGA KAPATIIID!!!
lord, help me talaga... 'di ko na kayaaaaa...
SA INTEL AT UP DIL
Last February 13-17, 2006, pumunta kami ng UP Diliman para maka-join sa National Intel Philippine Science Fair 2k5-2k6. Kasama ko sina Jei, Ces, at Dejarme.
Nakakapagod ang biyahe. Kapoy. Perteh PA KASI NAMan NA-sLASH 'YUNG MALETA KO SA MAY AIRPORT NA HINDI KO NAMAMALAYAN... AS IN, MUNTIK NA AKONG MANAKAWAN, PERO BUTI NALANG DOBLE-DOBLE 'YUNG MGA COVER NA NILAGAY KO SA BAG KO. 'YUNG NA-SLASH PA NA PORTION EH BANDA KUNG SAAN KO NILAGAY 'YUNG MGA TOILETRIES KO... BASTA, ANG LAKI NG BUTASSS.... hugis "L" pa nga. Ginamitan talaga ng blade...
Eto 'yung mga pictures o:
Ang Aming Adventure
AS IN... Amazing talaga ang UP DILIMAN. SUUUPER GANDA. Parang city na 'yung dating sa loob ng campus. May mga shopping centers, jeep (ikot at toki), vendors, atm machine, church... Perteh. Luluwa ang mata mo sa sobrang ganda ng campus.
Perteh... I can't believe I'm in UP...
Pero, 'di rin natin makakaila na sa iba't ibang sulok ng campus, may mga "oust gloria!" na mga signs. Gusto nila ng mga rallies... Hhehehe...
Napansin ko rin, wala silang pakialam sa kahit anumang suot mo doon. May nakita nga kami na nakadaster lang papunta sa klase, at 'yung isa pa eh nakabathrobe at may dala pang balde habang naghihintay ng jeep.
Okokok... Balik tayo dun sa aming Intel Adventure. Sa una, nagcheck-in kami sa University hotel ng UP Diliman. Pero after a day, lumipat kami sa GRH ng Pisay Diliman.
Eto ang University Hotel ng UP Diliman
Feeling at home sa GRH ng Pisay Diliman
'Yung venue ng Intel science fair eh sa Ang Bahay ng Alumni. Ganda ng Place na 'yon. Malaki. Tapos sangkatutak pa 'yung mga donors ng building na 'yon. Basta, ang ganda. Harapan pa nga 'yun ng Film Theatre ng UP... tama ba?
Ang Bahay ng Alumni
Nakakainis... Ang laki-laki kasi ng aming tarpaulin, tapos hindi inaaprove nung babae doon sa Intel kasi super laki raw. Kung hindi raw namin gagawan ng paraan eh madidisqualify kami. Kaya naman, kahit na masakit sa aming mga damdamin, ginunting-gunting namin 'yung aming pinakamamahal na tarp... PERTEH! As in, total transformation talaga ang nangyari sa aming tarp; parang mansion na naging squatters area.
Ang aming booth
Tapos may pumuntang babae dun. Professor daw siya ng UP. Nakakainis. Basta, ayokong manira ng tao.
Ang galing ng Intel kasi naman, sumusunod talaga sila sa tamang oras. As in, conscious sila masyado sa time, kaya walang nalelate, tapos natatapos sa tamang oras 'yung mga events. Lingaw din kasi 'yung dalawang head ng Intel eh sina Cecile at si Maris. gets niyo?
Basta, ang lupit ng mga judges. Nabilib din ako sa kanila kasi sila lamang 'yung mga nanatanging panelists na nakapagtanong sa amin tungkol sa mechanism ng aming active ingredient sa aming extract. As in... 'yun kasi 'yung pinaghahandaan naming tanong since 3rd year first panel defense namin. Tapos at last! Tinanong na rin!!! Galing talaga ni Treyes...
Tapos 'yung isa pang judge, parang si Ma'am V... As in... super ma'am v ang dating niya. Dati raw siyang nagtuturo sa Pisay davao. Pero ngayon, UP Professor na. 'Yung isang judge, namigay ng Intel na pin.
eto mga judges namin. From left to right: Treyes, Joaquin, at si Rabago(ma'am V)...
As in... Buti nalang nasali kami sa Science Congress. Doon, nakilala namin 'yung mga taga-iba't ibang Pisay Campus. Diliman, western visayas, nueva ecija, central mindanao... as in. At naging friends pa namin.
Si Cecile may more than just a friend na nakilala. Si Timothy. Taga-bAguio.
Si Jei... May uyab... Si Ace. Ewan ko kung taga-saan 'yun. Basta 'yun pogi.
Ako naman, haaay basta...
Grabe 'yung congress namin. Ang LUPIT! Masasabi ko talaga na ang galing namin. heheheh...
Sumali kami sa Pinoy Sci-tek Challenge. Isang quiz bowl tungkol sa physics, chem, at IT. Grabeh... Hindi ko naman ineexpect na mananalo kami. Grabeh talaga. Pinaglaruan lang kasi namin 'yung contest, tapos it turned out na kami pa 'yung nanalo. As in, sponsored pa naman 'yun ng Intel, ABS-CBN, DOST, at Dep.Ed... Kaya naman, nagkaroon kami ng jacket ng Intel na parang felt paper ang texture, cap ng intel, at tshirt ng DZMM na ibinigay ko kay Pare. feeling Dorky na artista na talaga kami. Sobrang dami kasi ng mga paparazzi. Picture ng picture... Naaalala ko pa nga 'yung mukha ng kalbong photographer. Ang buhok kasi niya, imbis na tumubo sa tuktok ng ulo niya, tumubo nalang sa kanyang baba.
Ang Pinoy Sci-Tek Challenge
So, awarding na nga... Doon kami sa Economics building ng UP. Ang gandaaa...
Nashock ako kasi nagkaroon kami ng special award. Best Science Project. Kuyaw noh? Parang ang dorky ng dating, pero lingaw. Eh di umakyat kami ng stage para makuha 'yung aming Unilever na mga gift packs, at nagpapicture na naman sa kalbong photographer.
After some moments, Ayun, inanounce na nanalo kami ng Second Grand Award para sa Life Science Team Category. Grabeh... Hanep... Todo na itooo...
waaaaah!!!
After nun, bumalik kami sa Ang Bahay ng Alumni para makuha 'yung mga certificates and other prizes.
The next day, Friday na 'yun, naglibot kami around UP Diliman. Todo ang mga pictures. Kung gusto niyo makita, click this LINK.
Nung tanghali, pumunta kami ng Makati. Humiwalay kami nina Jei at Ces kina Dejarme. As in, naglakad-lakad lang kami sa Greenbelt, Glorietta, Landmark, at SM. Feeling mayaman, kung baga. Hahaha. Ayoko nung isang store doon bah. 'Yung LUSH. As in, ANG BAHO!!! Nagbebenta kasi sila ng mga beauty products na SOBRANG BAHO! waaaaaah!!! asthma ang makukuha ko sa store na 'yun!
Nung gabi, dun na kami nagstay sa bahay ng tita ni Dejarme, sa may Taguig. Sinundo ako ng dalawa kong mga tito: sina Tito Et at si Kuya Jon. Perteh. Niligaw pa naman ng mga lokolokong mga lalaki sina Tito Et doon sa Taguig. Buti nalang may cellphone. Kaya ayun, nagkita rin kami. Gusto sanang isama nina Tito Et sina Jei at Ces. Pero perteh... Nahihiya naman 'yung dalawa. Ang dami pang mga rason... Sayang...
Kaya ayun, nilibot ako nina Tito Et sa QC... Perteh ang traffic!!! Halos 10pm na nung nakakain kami sa may Eastwood City. Doon sa Heaven and Eggs. MGa sosyalista talaga ang mga tao doon sa Eastwood... As in... SUUPERR!
Picture-picture sa may Eastwood. From L-R: Kuya Jon, Ako, Tito Et
Lingaw din kasi dinala ako nina tito Et sa may Big Brother House. Waaaw... As in... Hehhehe... Lingaw...
Kaming dalawa ni Kuya Jon... Parang Artista! Waaaah!!!
Doon na ako natulog sa apartment nina Tito Et. WAAAAAAAAH! Kung nakita niyo lang, ay sus nakuuu!!! Livable pa siguro ang kuweba... Lalaki talaga sila... grabeh! They need help from people. nasa Poverty lines sila. 1 year na yatang 'di nalilinis ang room nila.
8am, saturday, nagmeet kami nina Jei sa airport. At ayun, by 10am, bumalik na kami sa Davao.
At nung monday, May PAGpamatbat '06 pa... Pero gikapoy na ako oi... Wala pa talaga akong boses... Ginugulo pa ako ng SEVERE cough and colds. But I did make it.. :D
Naghabol na kami sa mga lessons... kaya nga ganito na ang mga nangyari.
salamat kay God talaga... He definately makes ALL THINGS POSSIBLE...
Tuesday, February 21, 2006
FEELING ARTISTA...
It's been two weeks... Dalawang linggo akong wala dito sa Davao. Dalawang linggo rin akong 'di nakakapag-blog. Perteh.
As in... Na-miss ko talaga ng sobra itong blog ko.
Kaya ngayon, babawi ako. Medyo MAAAAAhaaaaaBaaaaa itong entry ko na 'to.
Pasensya na. Bumabawi lang...
>>>
Magsimula tayo sa mga naganap noong Feb. 6 - 10, 2006... Our trip to Bacarra, Ilocos Norte.
Pumunta kami ng Ilocos Norte para sumali sa 3rd National Science Fair, Science Quiz, and Sci-Dama Competitions. Tama ba 'yung name? Basta, ganun.
6:30am palang, nagkita-kita na kami nina mam tavs, mam dejarme, nerdy, mamapeh, jei, at ces sa may airport. Perteh. wala pa talaga si kamille. Samok man gud mga matatanda na mga tao ba... palibhasa nahihirapang gumalaw ng panga... waaaah...
Ang aga ano? Tapos, na-shock pa kami dahil sa suot ni mam tavs...naka-jumper ba... heheh.
Ang ganda ng araw ko nun... Biruin ninyo, nakakita ako ng sobrang pogi na lalaki sa may airport?! As in... pogi talaga. Heheheh. 'Yun na 'yung soulmate ko, i know it.
So ganun, pumasok na nga kami sa airplane. Malaki 'yung eroplano kasi biyahe namin papuntang Maynila. Aguy, napadpad sa dulo ng eroplano sina mam tavs at nerdy. Kami nina jei bandang gitna ng eroplano. Tapos, kasama pa namin 'yung ibang mga region 11 delegates (char...). Enjoy rin kasi naman, nagkita kaming muli nung teacher ko nung grade six, si mrs. montecillo. Perteh... Para talaga siyang si mam papasin. AS IN! Kung kumilos, magsalita, mukha... Papasin ang dating.
Nakarating narin kami sa Naia II.. Ayun, may bus na pala para sakyan ng mga taga-Davao. So, pinauna namin si Mamapeh sa loob ng bus para magreserve ng mga upuan, at kami na 'yung nag-ayos ng mga bagahe. PERTEH! Ang bastos ng ibang mga tao dun. Kinawawa at inalipin ba naman si Mamapeh. Kaya naman, dalawang upuan lang 'yung nareserve para sa'ming pito. PERRRTEH! 'yung ibang mga delegates kasi, sinamahan pa ng kanilang mga nanay. Tapos, 'yung mga nanay nila 'yung umupo sa mga upuan DAPAT namin.
Buti nalang nagkaroon ng upuan silang lahat... except ako. PERTEH yung spare driver. dalawa pa naman yung upuan eh, dun pa ako pinaupo sa white chair--banda pa talaga sa CR! SHHHHUCKS! PERTEH! am bahO pa naman ng CR nila, palibhasa 'di marunong mag-flush ng toilet ang mga tao (sino kayang natamaan diyan? waaah..). Tapos, umaalog-alog pa 'yung upuan ko. shAAACKS...
Buong trip around Metro Manila, ganun 'yung sitwasyon ko. Nakakainiss!!! Buti nalang nung lumabas na kami ng Metro Manila, pinaupo na nila ako sa maayos na upuan.
Eto lang talaga 'yung ayaw ko sa trip namin from Manila to Bacarra: ANG DAMING HINTO. HINDI KASI ALAM NUNG DRIVER NG BUS KUNG SAAN 'YUNG TAMANG ROUTE PAPUNTANG BACARRA!!! SHAKS... NAGING DRIVER PA SIYA!!! alam niyo ba, muntik na kaming mapadpad ng Baguio imbis na papuntang Ilocos norte?! perteh talaga 'yung driver na 'yun... kaya naman, imbis na 10 hours lang 'yung biyahe, naging 12 hours.... shucks... halos kalahating araw akong nakaupo sa upuan sa bus... PERRTEH!
MGa around 2am, nakarating narin kami sa venue... May mga banners pa ngang nakalagay doon: "welcome delegates..." waaah... Tapos, sabi pa ng mga tao dun, wala na raw room para sa amin!!! Pero, buti nalang, meron pang isang school... 'yung San Agustin Elementary School. Dun 'yung naging headquarters naming mga research girls. Ang CR pa talaga, walang ilaaaw!!! haaay naku... ang saklap ng mga naranasan namin. Pero at least, makakatulog narin kami.
Nung umaga na, naglibot muna kami ng Laoag City. Kasi naman, gabi pa magsisimula 'yung opening nung aming sasalihang contest. As in, nakatry na ako ng mga bagaybagay na 'di ko pa nagagawa before... katulad nang sumakay sa kalesang may kabayo na naglalaway... pagkamalang bilang isang foreigner (si jei kasi ba!)... kumain ng marami kahit na busog pa... malasing ng lipovitan... bumili nang bumili... uminom ng walang katapusang C2 (botomless... every meal merong C2)... magtipid ng battery ng cellphone... matawag na "ading"... haaay basta, ang dami-dami. Hindi ko masabi ang lahat-lahat.
Nung gabi, opening na nga. ANG DAMING MGA PULITIKO. Basta, highlight doon eh sina Bongbong Marcos at si Angara. Si Angara... Alam niyo ba, inakbayan niya si cecile at sila'y nagpapicture? waaah.. mga pulitiko talaga...
sina edgardo, bongbong, at imee
Ang tagal ng opening. kaya, nauna nalang kami uwi. Shucks. kakapoy... kaya, tulog na kami kaagad.
The next day... Contest na. Ayun, naghintay kami sa place namin, pero wala namang judge na bumisita eh. Kaya, nagsight-seeing nalang kami. Nandun kasi si Enrique Yap... Ang pogi na lalaki since Sibol days. Waaah talaga. Ang pogi to the highest level. Eto lang talaga 'yung grabeh. Si Mamapeh, may crush na taga-BAGUIO. Hindi pa niya alam 'yung name nung lalaki that time. Tapos nakilala niya na sa Vigan. Basta... Magkatabi kasi sila. Tapos, lagi pa silang nagkikita all throughout the day. Hanggang gabi. Soulmates? waaah...
Perteh ang mga judges... Nilagay ba naman 'yung entry nina Nerdy sa :Life Sciences? Shaks! Di hamak na Physical Sciences naman 'yung study nila. Mga perteh.
Nakasali kami ng Science Congress. Diniin kami ng mga judges. Pero, halatang kinakampihan kami nung judge na nasa right side. Sina Mamapeh, Nerdy, tavs, dej, nandun para sumuporta... Shaaaks...
Pero after the congress, ok na... hayahay.
Nung gabi, nagstory-story yan sina mam tavera at mam dejarme tungkol sa kanilang mga first love. Inisip ko na dapat matulog na ako kasi usapang matatanda naman 'yun eh. Si Jei rin, medyo napaidlip na. Si Nerdy medyo tulog. Si Mamapeh, HARDCORE NA TULOG. Si Ces, text nang text. Tapos biglang may ______. Tapos bigla niyang prinoclaim na ________ siya. shaaaks... Eh di tawa kami ng tawa... As in, SUPER TAWA. NAWALA ANG ANTOK NAMIN NINA researchmates (jei at ces). AS IN, FOR 5 MINS YATA, TAWA LANG NANG TAWA... gets niyo? kung gets niyo, makitawa narin kayo... waaaaaaahahaha!
The next day, thursday, awarding. ANG TAGAL NAGSIMULA. Kaya, kumanta muna sina jei at nerdy sa harap mismo ng lahat ng mga tao. Ako naman, nagmeet kami ng tita ko. Tapos nun, binigyan niya ako ng sangkatutak na BAWANG. Perteh...
Biglang dumating si Imee Marcos. AS in, gwapa tapos ang galing pang magsalita. Extemporaneous talaga 'yung dating. Ang galing. Nakamayan ko pa siya... Waaah... Mga pulitiko talaga...
Awarding na nga. Ang tagal. Inisa-isa kasi ang mga winners from grade 3 hanggang 4th year. Wala pa talagang klaro... Shaks... tapos, Nahati pa sa dalawang cluster 'yung contest namin. Life science pa talaga kami. Tapos, 4th year pa talagaa!!! WAAAH! Around 10am nagsimula... Natapos mga 4:30pm. SHAAAAAAKS!!!!! PERRRTEH!
Pero, worth-it parin. Nanalo kami. 1st place sa buong pilipinas. Wow noh? Salamat talaga sa Diyos.
Dumiretso na kami sa bus para magsimula na 'yung trip papuntang Maynila. Ayun... Mas enjoy. Kasi naman, nagsta-stop over kami sa mga landmarks ng ilocos norte at ilocos sur. Ang ganda ng mausoleum ni Ferdinand E. Marcos. As in... Nakita ko na si Marcos sa kanyang kabaong na glass... Ang sosyal! pero hindi kasi pwedeng magpicture sa loob ng mausoleum. Form of respect daw kasi 'yun. kaya, 'dun kami sa labas nagpapic.
Pumunta rin kami sa BALUARTE NI SINGSON. AS in, ang daming mga hayop.. Ang laki ng lugar. Ang sabi nga ni Mrs. Montecillo, "ANG DAMING ANIMALES!!!" As in, ang laki ng lugar. Ang ganda talaga. Babalik ako 'dun kung may pagkakataon ulit.
Pumunta rin kami sa street ng mga old houses sa Vigan. As in, parang bumalik kami sa Spanish era... ganda...
Eto 'yung mga landmarks kung saan kami nakapasyal during our stay in Ilocos Norte...
WOW... DIBA?
for more pictures sa aming ILOCOS ADVENTURE, please click this LINK.
At nakarating narin kami sa Maynila around 5am. Naghintay, kumain ng breakfast sa airport (ANG MAHAL... SOBRAA!) at ayun... around 1pm, pumunta narin kami sa Davao!
At ayun, nagpraktis para sa prom...
Hahaaay... Kakapoy... sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...
>>>
PRom night... Saturday, Feb. 11, 2006. Formal ang dating ng mga tao. Ang galing..
OK ang prom.
Ok na ok ang partner ko... si Marvin. Ang bait. Salamat pala marviN! galing ng oda mo. astig. nakakatawa.
enjoy ang aming hotseat session. Ibang klase talaga si ciara. Lalo na si Hadi at Renz. Kutz... ang drama mo.
si Marian... haaay naku.
Mga tao sa Men Seng... nakakatakot.
At nung monday, lumipad naman kami papuntang MAynila para sa IPSF.
>>>
Mga narealize ko:
Ang mahal ng mga bilihin sa La Union. Sobra. 'yung meal namin na kakarampot lang, umabot ng 170 pesos. As in, PERTEH! taking advantage. PERTEH talaga.
Sosi ang NAIA. Maganda ang restrooms nila. Nakakainis lang kung 'di madetect ng sensor 'yung katawan mo kung gusto mo nang magflush ng toilet.
Lingaw ang mukha ni Mamapeh kung bagong gising.
MASAMANG MAGTSINELAS O KAYA'Y MAGSLEEVELESS SA LOOB NG AIRCONDITIONED BUS LALO NA KUNG ANG BIYAHE AY MANILA TO ILOCOS NORTE.
Enjoy tingnan si Mam tavs matulog... as in.
Pwede pala kaming maging paparazzi.
Soulmates... totoo yan. As in.
Ang mga tao, pwede talagang magbago. Lalo na kung nagbago 'yung buong katauhan niya dahil umiibig na siya sa'yo.
Huwag dapat iiwanan lang ng basta-basta ang mga babae sa dance floor. Naaawa ako sa kanila.
Kung mahal mo siya, sabihin mo na.
Naghuhuling-hirit na ang mga kabatch ko. As in.
>>>
'YUN NALANG MUNA. GABI NA. NEXT WEEK KO NALANG IPOPOST 'YUNG ABOUT SA TRIP SA UP DILIMAN... salamat sa lahat ng sumuporta sa amin!
SALAMAT. SALAMAT. SALAMAT!
Saturday, January 28, 2006
TODAY
Pupunta sana ako ng NCCC Mall para bumili ng mga gamit ko for my projects na due pa sa Feb. Kailangan ko na kasing gumawa ngayon. Kasi naman, may contest sa talumpati daw sa UP Min sa Feb 6 ng hapon. Tapos, aalis ako (together with the research group) at pupunta sa Laoag, Ilocos Norte sa Feb 6 (gabi) hanggang 9. Prom na namin sa Feb. 11. Tapos, hopefully, pupunta rin kami sa UP Diliman sa Feb. 15 hanggang 19 para sa Intel.
Ang busy. Ang daming mga opportunities na binibigay. Sana magampanan ko 'yung role ko sa lahat nang mga 'yon.
Just help me... Help me Lord.
>>>
WALA AKONG BOSES. BAKIT BA AKO SUMIGAW?
EH ANONG MAGAGAWA KO? KAILANGAN EH.
PERTEH!
>>>
Last Jan. 21, birthday ni Marian. Eh di pumunta kami sa bahay nila. Akala ko, parang simple lang 'yung handa niya kasi kami-kami lang. Perteh. Ibang klase talaga itong si Marian.
Sobrang DAMI ng handa. 'Yun pala ang simple para sa kanya? waaah.
Marian talaga---anak mayaman!
After lunch, nanood kami ng Memoirs of Geisha (dvd from Mantex of course). Ok lang naman 'yung movie. Ang corny lang ng rason kung bakit siya naging Geisha. Pero in fairness, lingaw ang movie. Ang ganda rin ni Zhang Ziyi (tama ba ang spelling?). Kaya nga ngayon, si Kbo, gustong maging Geisha na rin. May blog na kasi siya. Tapos, ALL ABOUT GEISHA 'yung blog niya. Nanood din kami ng isang Korean film. Hindi ko alam 'yung title, basta, yakadoods 'yung movie. Mga sipon, laway, kugmo... Ay basta. Yaks. Pero, lingaw na love story. Waaah.
Last Wednesday, Jan. 25, birthday ni Mare. So, may konting celebration dito sa bahay. Kami-kami lang din. Si Pare, si Mare, si Cj, sina ate Belinds at Vange, si Pipo, at syempre, ako. Thankful ako kasi masaya si Mare nung araw na 'yon.
Nung Wednesday din ng hapon, nag community service kami sa CAT. Assigned kami ni Luis na maghead sa cooking. Alpha 1 'yung nauna. Enjoy kasi naman, wahas 'yung mga babae dun. Nakakagaan ng feeling na nakakatulong ka at nakakapagpasaya ka ng tao. Basta, kung naramdaman niyo man 'yun, you'll just know.
>>>
KAHAPON, naglaro kami ng basketball sa school. Seniors vs. Sophomores. Shaks. First half lamang ang Sophies. MEdYO may alam kasi sa sa larangan ng basketball. Pero, bumawi kami sa second half. At thank GOd, nanalo kami.
Kulang kami sa practice. For sure. Kulang talaga.
Tapos, wala pa talaga si Tifanny. Shaks. EH di ako lang 'yung isang center. Napagod talaga ako ng todo!!!
Sa next game namin, sisiguraduhin kong lahat kami sa basketball girls ay magiging masaya. AYoko kasi ng may mga nasasaktan. Ayoko rin ng mga nagmamaliit ng ibang tao. Ayoko kasing magmura. Ayoko ng mga nagmamarunong. Ayoko nung mga mapang-asta na 'di naman nila alam 'yung totoong potential ng mga ibang tao. Nakakyamot. Nakakainis.
Anyway...
After the game, pumunta ako ng SM kasama sina Ayesha, Marian, Izy, Raniel at Alec. Kumain kami sa I Love Sushi kasama si Braza. Busog ako ng todo. And, ang sarap pala talaga ng TOFU---walang aangal. Blog ko ito.
Bibili sana ako ng mga materials. Pero, kulang ang mga gamit sa NBS. Shaks.
Tapos, ngayon sana ako bibili, pero, wala rin. Umuulan kasi.
Kaya nandito ako ngayon. Magmememorize nalang ako. Gagawin ko 'yung math project ko. Sulat-sulat muna. Ay tama, may lab report pa pala sa Physics. Perteh. Magbabasa pa ako ng The Catcher in the Rye. Food Chem project pa pala. Ay perteh, may Bio project pa due next week.
Naku Lord, Tulungan niyo po ako.
>>>
Nakatulog ako ng maayos kagabi. Haaay, buti nakabawi ako sa mga puyat ko noong mga nagdaang araw.
>>>
PWEDE NANG MAGCOMMENT dito sa blog ko. Click niyo lang 'yung link sa baba, 'yung "comment". Tapos, pwede na kayong magcomment either as a user, or as a guest.
>>>
Ok... ilau-launch ko na ngayon ang mga taong may mga bagong blog:
visit KBO'S BLOG: http://morfunleashed.blogspot.com
and, ang pinakabago:
MIGUEL'S BLOG: http://beezdahk.blogspot.com
>>>
Lord, tulungan mo ako.
Monday, January 23, 2006
SCI-TECH FAIR... AT SI WEATHER REPORTER
Perteh! Ngayon ko lang nalaman. Nabasa ko sa status message ni Sara. Nung una, 'di ako naniwala. Perteh, tapos chineck ko sa site na ito. Perteh! Nale-late na talaga ako ngayon sa mga balita. Ang latest ko kasi na news ngayon eh 'yung pagtagumpay ni Pacman.
Ang galing talaga sa boxing ni Paquiao. Perteh ang mga suntok! Perteh! PERRTEH!!!
Condolence to the family and friends of Ernie Baron. The weather reports will never be the same again. Kung walang knowledge, walang power... babaaay!
>>>
Last week, naging busy ang lahat ng mga tao sa school because of the Sci-Tech fair. Eto 'yung event na kung saan pinaghahandaan na simula palang ng pasukan sa June. Dito kasi ine-exhibit sa gym 'yung mga investigatory projects/research proposals/papers namin. Contest ito na part sa aming grade sa research (para sa seniors at juniors) or para sa integ sci (sa freshies) or sa bio (sa sophies).
Perteh... Akala ko wala na kaming iwo-worry ng aking mga research mates (jei&ces) sa Sci-tech fair kasi naman exempted na kami (waaah...) dahil sa aming participation sa Intel. Sina Nerdy. Mamapeh, at Kamee rin, exempted. Akala ko magiging hayahay kami sa mga panahong 'yon.
Pero perteh talaga... Hindi na nga namin kailangang gumawa ng display board (kasi may tarpaulin na kami), hindi na nga namin kailangang maghanda para sa judging kasi exempted na kami. PERO, may ipinaggawa naman sa'min si ma'am TAVS.
Shakidoodz man... Mas GRABEh pa ang ginawa namin kung ico-compare ko sa mga batchmates kong gumawa ng mga display boards. Perteh! Naging mga taga-gupit, taga-dikit, taga-inflate ng balloons, taga-pukpok ng mga pako, taga-arrange nung board para sa 'magic' kunohay, at taga-takbo at taga-hatid ng mga utos mula sa academic building papuntang gym kaming mga research girls. Lalo na kaming dalawa ni Jei. Perteh.
Pero ok lang 'yun sa'kin. Nagbenefit din naman ako kahit konti mula dun.
Anyway, so ayun, nagsimula na 'yung sci-tech fair. Nagmarshalls kami (sa CAT), ibig sabihin, mga tagalitis ng mga pasaway during the program. Kami 'yung sumisita sa mga natutulog, maiingay, nagbabasa ng mga libro, 'di nakikinig, etc.
Nagsimula na 'yung preliminary judging ng mga exhibits. Tinulungan/Nireview ko 'yung mga kaibigan ko tungkol sa kanilang mga research, para naman maging handa sila.
So after nun, nag-talk si Sir Nobleza tungkol sa kanyang Nyog ('yan ang spelling yata niya). About virgin coconut oil 'yung research niya.
Then nag-lunch na kami. Birthday nun ni Irene, kaya naman, libre na naman ang pagkain sa canteen.
Announcement ng mga top 5 for Science Congress. Ayun, nakapasok 'yung mga kaibigan ko (kaibigan ko man silang lahat din).
Umatend ako ng Science COngress ng Physical Science hanggang kina Kbo lang. Medyo seryoso ang dating doon.
Then, Umatend ako ng Science COngress sa Life Science, PERRTEH! KALINGAW ba ng LiFE! As in, na-enjoy talaga ako ng todo sa kanilang Science Congress. Nandun kasi ang mga wahas na mga tao.
Hindi na ako naka-attend ng Science Cnogress sa Techno. Tapos na kasi nung lumabas ako sa Science COngress ng Life Science.
Perteh! Ka-enjoy bah!
Eh 'di 'yon... Announcement na ng mga winners. COngrats sa mga nanalo.
Eto 'yung mga pics na gusto kong i-share sa inyong lahat!
Ang ganda kasi, diba? Nagpapicture sa'kin 'yung mga grupong ito. Last Sci-Tech fair na kasi namin ito.
At eto pa, gusto kong i-announce sa buong mundo kung sino ang mga devoted research mates ko (char.)
si Cecile--> 'yung maliit.
Si Jei--> 'yung mukang Bumbay.
At ako--> 'yung pinakamaganda. Waaaah! 'yung pinakamatangkad.
Ano na kayang gagawin ko kung wala kayong dalawa? Nakuu. Gusto sana nating sumali sa Sci-Tech fair, pero, 'di na pwede. SAYANG! waaahehehe. Okz lang bai... Hintayin nalang natin 'yung cash prize na hanggang ngayon eh nandun pa sa Digos. Perteh!
>>>
Perteh! Nagsusulat pa ako ngayon ng mga stories for Dear Doctor Love. Perteh! Malapit na ang February. Buwan na ng mga puso!
Agay... Mas marami na naman akong mga pasyente! PERTEH!
>>>
Halaa! Next week na pala ang mga Achievement Tests. Perteh! I really have to do well this time. Hindi ko sineryoso ang mga achievement tests for the past two years. Babawiin ko na ngayon.
Kaya, study mode muna ako ngayon.
Sunday, January 15, 2006
BABAY 134 ASTER STREET
Ako lang isa rito sa bahay. Taga-bantay, kung baga, habang gumagawa ng mga lab reports. Parang typical lang ano? Pero alam niyo, ibang klase kasi ang nararanasan ko ngayon. waah... Ako nga lang isa rito sa bahay na walang laman kundi ako at ang computer na ito.
Oo, ako at ang computer na ito lamang ang laman ng bahay na ito. (malay ko ba kung may daga pa ba o anu pa mang mga something...)
Shucks lang nga... Lilipat kasi kami pansamantala ng bahay. Aayusin kasi ang bahay namin, kung baga, ire-renovate. Aalisin, imu-move 'yung septic tank namin kasi naman, bumabaha na kung umuulan. Diba, laging umuulan ngayon dito sa Davao? Perteh... so ma-iimagine niyo nalang ang bahay namin tuwing umuulan... baha... septic tank... perrteh!!!
So ngayon na nga, lilipat kami ng bahay. Dun kami lilipat sa bahay namin dati (bahay nina Pare at Mare nung buntis pa si Mare sa'kin. lumipat kami sa 134 Aster steet nung bininyagan ako). Nasa Flores Village parin, pero dun na sa Sampaguita street. Sa tabi ng bahay ni Papa Danding, sa konting harap ng bahay nina Sharon.
Advantage rin naman sakin na tumira doon. Unang-una sa lahat, makakasama ko si Papa Danding, ang lolo ko na kapatid ni Papalo na medyo spino-spoil ako since bata pa ako. Waaa. Tapos, ang luwang pa ng garahe dun. Pwedeng makapagbasketbol o makapagbadminton. Tapos, may swing pa doon (mas matanda pa sa'kin 'yun hanggang ngayon, buhay parin). Tapos, tipid pa ako sa pamasahe sa trisikad; malapit lang kasi sa kanto ng Flores 'yung bahay na 'yun, so, maglalakad nalang ako.
Pero naman, grabeh super uber to the max din ang mga disadvantages doon.
Una, sira 'yung bakod doon. Exposed pa naman sa "grassland" 'yung likod ng bahay. Perteh, so may malaking possibility na bisitahin kami ng mga animals. 'Di lang daga, pwede rin ng mga snakes, mga mas malalaking ahas, ng mga mahahabang ahas...
Shucks... Shucks talaga. Tapos, walang internet for 1 week. Halos every night pa naman ako nagoonline kasi para sa mga lab reports. Tapos, hindi ako makakatikim ng internet for a week. Paano na ang mga references? Kaya nga ngayon, grabeh na kaagad ang pagreresearch ko ng mga references para sa dalawa pang lab sa foodchem. Perteh. Tapos, Wala akong sariling kwarto. Tapos, Nasa kahon lahat ng mga gamit ko. Perteh... Wala nang skycable (pero ok lang, sanay naman ako eh. for 15 years, hindi ako nakatikim nun. si CJ ang magsu-suffer kasi walang disney channel. Waaahahahsha!). Ano pa ba? AY basta, ang dami!
PEro kapalit din nun, magiging maayos naman ang bahay namin dito sa 134 Aster street. Ok na 'yun sa akin. Nakita ko nga 'yung drawing ng renovated na bahay eh. Ok na ok!
Sabi ni PAre before April 5, 2006 ayos na itong bahay. Nakuu... Sana totoo nga 'yun. Kung baga eh, graduation gift na rin.
Waaah...
Mga karton... EVERYWHERE!
kanina ito na picture. shucks. mga karton.
Perteh, kailangan kong mag-adjust sa bagong environment. Itong bahay namin dito sa 134 Aster street eh 'yung bahay na kinalakhan ko na eh. Shakidoodz man...
Pero ok lang... I'm flexible naman... Perteh!
Babay na, 134 Aster street. See you again after two months.
Monday, January 2, 2006
ANG PASKO AT NEW YEAR CELEBRATION
Pero kami sa bahay, asus, wa-epek ang passivity ng aming mga kapit-bahay. Sa amin, tuloy parin ang pasko! Tuloy parin ang Noche Buena. Harharhar! Kaya nga halos kami lahat eh chubby.
Nagexchange of gifts kami. Niregaluhan ako ni Pare at Mare ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Wah! Dagdag na naman sa Collection. Pero perteh! Dagdag din sa reading list ko! May dalawa pa akong librong babasahin eh. Hanggang ngayon, 'di ko parin matapos-tapos 'yung Les Miserables, at TUesdays with Morrie! Shucks talaga! Waaa! Tapos, eto pa si Marian prinepressure akong basahin na 'yung Harry Potter. Perteh. Bahala na oi.
At kumain narin kami. Basta, ang sarap.
Pagkagabi, pumunta dito sa bahay 'yung sina Ninang Jing, 'yung isa ko pang lolo na si Papa Danding, at 'yung tito ko, si Tito Et. Dati-rati may kris kringle kami, Pero wala na ngayon. Ewan ko ba, crisis siguro 'yung rason kung bakit walang kris kringle. Ay ewan ko ba. Hindi ko maintindihan.
Eto nga pala 'yung picture ng aming Christmas celebration dito sa bahay.
ANG SAYA-SAYA!
So, ayun, nabusog kami, medyo nag-enjoy, at ganun na nga.
After Christmas, as in, todo ang pasyal ko sa SM at sa NCCC Mall. Nagkita kasi kami ng isa ko pang bestfriend na si Kamille sa SM. Nagkamustahan lang kami. Tapos, nakita rin namin si Karla, so, sinama rin namin siya. Nakita ko rin sina Jobo na nagla-laag. Tapos, nakita ko rin 'yung mga pinsan ko. Nung pagkagabi na, ayun, pinuntahan ako ni Pare doon at namili kami ng mga panregalo para sa aming "major" kris kringle sa BUONG Pasia family. As in, BUO!
Nung new year naman, doon, medyo nag-ingay narin ang mga kapit-bahay namin. Ang mga kawali, mga kotse, mga radyo, mga taong kumakanta eh pawang nag-iingay. As in, malapit nang masira 'yung "honk" ng aming kotse sa sobrang pagbubusina. Teka, honk ba ang tawag dun? Waa...
Every January 1, nagre-reunion ang BUONG Pasia family. Naghohost 'yung mga lolo at lola ko. Eleven kasi na magkakapatid 'yung mga lolo at lola ko. Shakiks, ang sipag noh? Tapos, each pa na lolo at lola eh may average na tatlong anak. Tapos, 'yung mga anak, 'yung mga tito at tita ko, eh may average rin na tatlong anak!!! Waa. Can you just imagine how BIG our family is?
Ako, apo ako sa tuhod. Kabatch ko 'yung mga anak ng mga tito at tita ko (like, duh?). 'Yung pinakamatanda kong tita eh mga around 48 na yata ('di ako sure) tapos 'yung pinakabata kong tito eh 17 pa lang! Mas matanda pa nga 'yung isa kong pinsan sa tito kong 'yon eh. Basta. It's quite complicated. Dapat niyo makita 'yung family tree nalang namin. Sabi nila gagawa raw sila ng website namin. Hay nakuu. Kailan kaya nila sisimulan?
Eto, dito kami nagreunion. Nagsisimula kami mga around 12 noon, tapos nagtatapos around 7 pm kung gusto pa ng mga tao.
Nasa taas ako nito.
Pero, 'di na bale. At least ako, for my part, medyo malaki-laki narin 'yung nakuha ko. Galing kasi ng diskarte ng tatay ko. WAAAH!
Sa reunion namin, doon din 'yung chance na makita namin ang isa't isa. Ang daming mga bata sa pamilya namin! As in, toddlers everywhere! Natututo rin silang magenjoy tulad nito:
Ang kyut noh?
Eto 'yung iba pang mga pictures o:
May mga kantahan, inuman, kainian. As in.
After ng kris kringle, nagkanya-kanya na kami. 'Yung tipong, do whatever you want. Kaya halos lahat ng bata dumiretso na sa swimming pool! Kapatid ko, as in, Wah! Mga pinsan!!! PAti mga tito ko naligo. Ako, gusto kong maligo. PEro, 'di pwede. BAsta.
Kita? Sa pool na 'yan, infested ng mga Pasia. Starring pa nga 'yang kapatid ko dyan eh. Hanggang sa upuan lang ako.
At 'yun na nga 'yung naging Pasko at New Year celebration ko. Oo nga pala, gusto kong i-greet si Trisha, pinsan ko, na HAPPY BIRTHDAY! Birthday niya ngayon, January 2! Bisitahin niyo ang blog niya, at mag-greet kayong lahat!
Sige, ito nalang muna. May pasok na ako bukas! Waaah. School na naman. Kitakits mga classmates!! Drafun, nAH! PERTEH!
Saturday, December 31, 2005
3 MINUTES NALANG SIGURO... NEW YEAR NA PAGPOST KO NITO
Shakiks... Magnu-new year na. Tapos, 'yung daga pa ang maggri-greet sa'kin? Ano bang ibig sabihin nito?
At ngayon pa! 45 minutes nalang, magnu-new year na, ngayon pa namin natuklasan na may daga pala rito sa loob ng bahay! PErteh bah oi...
Anyway daga, don't worry. Mamaya lang, makakatikim ka ng RACUMIN.
>>>
I'm awfully in a bad mood today.
The moment I woke up, I never noticed the sun shining. All I know is that sumisigaw at nagyayawyaw na si Mare na bumangon na ako kasi sobra na raw ang tangkad ko. Pati si Pare nakisali pa sa gulo. 'Yung ibang tao raw kasi gising na ng mga ala-sais pa at naglilinis na ng bakuran, at magluluto pa ng almusal. Buti pa raw ako, gigising na may nakahain nang pagkain. Pinaghihintay ko pa raw 'yung pagkain.
Perteh bah! Hindi ba nila naiintindihan na KULANG ako sa tulog kagabi kasi naman dahil sa buwisit na lamanlupa na nagbago ng password ko sa ym!
Perteh. Pero, ano bang magagawa ko eh, nakakatanda sila. Galang lang, kung pwede. Pero naman noh, nung bumaba ako, eh nagluluto pa pala sila. Perteh.
AT AYUN... Sinimulan ko ang araw ng may kunot sa noo. At hanggang ngayon, may kunot parin.
Medyo bad trip kasi ngayong araw. Ayoko nang sabihin pa ang ilang mga details. AYOKo nang balikan pa.
Magnu-new year na. Ano ba, Pasia? Smile naman diyan.
>>>
This year started with a loss, and then followed by a major loss, then again another loss, and another major loss, and then another loss, and then, thank God, minor losses nalang ang mga sumunod.
I can still remember last January 1, 2005. Ninang Jing called here in the house. Alangan, always naman din siguro, ewan ko lang mamaya kung tatawag ulit. Nag-greet siya ng HAPPY NEW YEAR sa'amin. OK na sana ano? Pero, sinundan 'yung "happy new year" niya ng "Nagsuicide 'yung kapitbahay namin..." Grabeh, first thing na nabalitaan ko nung new year is 'yung pagkamatay ng kapitbahay ng ninang ko. Aguy... Death na agad 'yung nangyari. Pero, hindi naman namin masyadong pinansin 'yon eh.
After one week, namatay 'yung lola ko sa Leyte. 'Yung nanay ni Mare, si Restituta (Tootsie). Ineexpect naman talaga ng family na mamamatay siya, pero hindi namin ineexpect na that day mamamatay siya. Dyahe! Nasa party pa ako nun ng pinsan kong si Trisha nung nabalitaan ko na namatay ang lola ko.
Nung Feb, wala naman masyadong nawala. Basta alam ko, pangit ang mga results ng Achievement tests ko. Yakidoods. Pero, doon namin nalaman na may cancer of the liver na pala 'yung lolo ko. Tatay ni Pare, si Papalo.
March. Namatay 'yung isa ko pang lolo, asawa ng kapatid ni Papalo. Grabeh bah. Ano ba 'to? March na! PErteh.
April. Ito sana 'yung buwan na pinakamasaya para sa'kin. Alangan, 'yun kasi 'yung buwan ng kaarawan ko. Pero, dyahe, nag-internship kasi kami. Takakainis 'yung isang supervisor ng BFAR eh. Loida ang pangalan niya. Basta, nakakainis siya. Pero ito talaga 'yung pinakagrabeh. Biglang na-confine sa ospital si Papalo. At doon nagsimula 'yung mga moments na akala ko mawawala na siya ng todo sa'aming piling. Ilang beses akong nagdasal na sana maabutan pa ni Papalo 'yung birthday ko, April 28. Pero, hindi Siya nakinig. Noong April 26, ayun, sumama na si Papalo sa Diyos.
May. Napansin ko na parang nagiging monthly requirement na 'yung may namamatay sa family namin. Pero, nung May, thank God, walang namatay.
June. Namatay 'yung isa ko pang lola, lola yata 'yun ni Pare. Basta, another loss na naman. Iyakan na naman, as usual.
July HANGGANG December. So far, thank you Lord kasi wala ka na munang kinuha sa pamilya ko. We've lost a good number of loved-ones already. Alam na siguro ni Lord na masyado nang masakit kung may kukunin pa siya.
But then again, I just realized that I was always sitting on the conked-out side of the bench. I never even tried to scoot near the better side. I was being too pessimistic.
Shucks man. Kahit na sobrang dami ng mga nawala sa buhay ko/namin, perteh. Ang Diyos talaga, ang wais. All those losses, those i-can't-live-anymore moments, and all those occasional crying times were, in fact, blessings in disguise.
For six months our family had gone through a great deal of suffering, sacrifices, and terrible losses. And within those six months, I felt that our family became stronger, warmer, and more committed with each other. Those six months were the times wherein we learned a lot of things in life and death. Those were the times that we learned that we still have each other no matter what happens in the family.
Nung mga panahon din na 'yon, narealize ko kung sino nga talaga 'yung mga tunay kong kapamilya. 'Yung walang pinipili kung sinong tutulungan, 'yung totoo, 'yung hindi plastik. Minsan kasi ang perception ko sa mga ibang relatives ko eh 'yung medyo materialistic, avaricious. 'Yung mga tipong lumalapit lang sa'yo kung may pera ka o kung may bagay kang ganito... Alam mo 'yun? Basta, I don't need to elaborate on that matter. I don't want to hurt other people's feelings.
Iba ang pasko/bagong taon ngayon sa family namin. Ang daming kulang. Parang gusto mong maging masaya, pero hindi mo naiiwasan 'yung katotohanan na wala na pala sila sa piling mo?
Nakakamiss...
Perteh. Ba't ako nagda-drama? Ayoko na. Tama na muna itong drama ko. Naririnig ko na 'yung torotot ni Cj sa taas. Kagagaling ko lang sa simbahan. Ayoko na 'yung ala-libakera 'yung dating ko ngayong bagong taon.
HALA! MAGSIKAIN TAYONG LAHAT! MAGCELEBRATE! MAGTOROTOT TAYONG LAHAAAAT!!!
MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!
>>>
Sa mga nagtetext sa akin, salamat sa mga greetings ninyo. Sorry ha. Wala akong load, 'di na muna ako makakatext sa inyo.
Ang dami ko nang hindi natext kay Anj. Sorry Anj ha! Happy new year nalang!
>>>
Magpopost ulit ako ng christmas/new year post. 'yung may kasama nang mga pictures.
Mga solid readers ko sa KIKO'S DEAR DOCTOR LOVE, sorry kasi hindi muna ako makakapag-update. I'll try sa January 2.
>>>
SALAMAT SA LAHAT NG MGA TAONG TUMULONG SA'KING MAGING MASAYA NGAYONG TAON. MAHAL KO KAYONG LAHAT!
>>>
THIS IS A NEW YEAR... THUS, A NEW BEGINNING.