Saturday, May 17, 2008

NOTE TO THYSELF [DAPAT ISAULO]

Monday:
Biochem 3rd LT - 730-9
HOPE review session - 920-10
HSc 81 class - 1030-12
Study for Hsc81 LT - 1330 onwards.
do not be distracted.
if there's time, conceptualize for paper due on Friday

Tuesday:
Biochem class - 730-9
HOPE finals - 920-10 [which i'll probably not attend]
HSc 81 2nd LT - 1030-12
*MAKE PAPER DUE ON FRIDAY - 1330 onwards
*STUDY FOR BIOCHEM FINALS - 1330 onwards
*READ PAPERS FOR AVIAN FLU MUTATIONS - 1330 onwards


Wednesday:
is a day dedicated to BIOCHEM
make biochem ppt with groupmates (for reporting)
if there's time, make paper due on friday

Thursday:
BIOCHEM FINALS - 8-10AM, ESCALER HALL
remember: yakang-yaka mo 'yan neng!
practice with biochem groupmates for the reporting
finalize paper due on friday
isaulo ang avian flu.

Friday:
BIOCHEM REPORTING ON AVIAN FLU MUTATIONS - 730-9
pass the HSc81 paper (both hardcopy and softcopy)
BY 1800, RELAX
Meeting with J. Dennis Teodosio @ Superbowl (optional)

- - -

Nerd. OC.
I hope everything will go as planned.
Let God be by my side.
Last week. Last stretch.
I believe.
I can do this!

Monday, May 12, 2008

BROKE

So this is how it feels like...

- - -

I'm SUUPERR TANNED.
And I blame it to the sun sun sun...

Friday, May 9, 2008

KAILAN PA?

"BABAWI NA AKO"
"PERTEH... BABAWI NA AKO"

"!@^!%#& BABAWI NA TALAGA AKO..."


Biochemistry does make things a bit more complicated.

I believe I can do this.

The spirit is willing but the flesh is weak...

ENOUGH OF THIS.

STUDY. STUDY. STUDY.

- - -

Post-birthday entry postponed for next week (or the week after that). I can't believe how busy I am these days. I'm not using my free time efficiently. Magagalit na ang mga neoclassicals sa akin. Tsk.

Tuesday, April 29, 2008

NINETEEN

ayun. so,
sa lahat ng mga nagtext,
sa lahat ng mga nag-iwan ng mga offline messages,
sa lahat ng mga gumawa ng testi,
sa lahat ng mga tumawag,
sa lahat ng mga gumawa ng mini-message sa mga makukulay na papel,
sa lahat ng mga sumali sa "surprise,"
sa lahat ng mga sumulat ng mga mahahabang nakakaiyak na mga messages,
sa lahat ng mga nangakong magbibigay ng gift sa akin since last year na hindi ko pa natatanggap hanggang ngayon at nangako pang as SOON as possible nila ibibigay ang kanilang mga regalo sakin,
sa lahat ng mga nag-advanced/belated hpbd,
sa lahat ng mga fans ni juday,
sa lahat ng kumain ng cake,
sa lahat ng mga nag-iwan ng kanilang napaka"special" na regalo kay ate guard sa dorm,
sa lahat ng wala nang mga boses,
sa lahat ng mga lalaki sa kisses,
sa lahat ng mga bumati ng personal,
sa lahat ng mga nagprepare (nagcut, nagpaste, naglibot, everything!) ng kanilang mga regalo par
sa akin,
sa lahat ng mga di nakalimot at sa mga nakalimot na ngayo'y naalala na nila...

SALAMAT SALAMAT SALAMAT!

grabe... kung puwede ko lang ulit-ulitin ang april 28, 2008 gagawin ko.
pasensya at di ako nakapagTHANK YOU reply kaagad. wrong timing talagang mawalan ng load sa sariling birthday.

dahil kay juday, i'm suffering from cough and colds.

best greeting:
"gudmorning anak. HAPPY BIRTHDAY GEM! tsup! love, daddy, mommy, at cj"


sobrang di ako deserving mabigyan ng ganung "celebration." ang sama ko kasi pero mahal niyo pa rin ako. chos. :P

MARAMING SALAMAT!
MAHAL KO KAYO!


- - -

April 28, 2008 details to be blogged about in my next entry. I just have to deal with my two long tests first (ch151 + hsc81). Expect new blog entry by next week.

Monday, April 28, 2008

DANICA IS 19

Naghatinggabi na.
5 people greeted already.
I'm still hoping to be surprised later. :P

I'm really looking forward to a better year.

Happy birthday to me!

Sunday, April 27, 2008

ANOTHER YEAR

Ngayon ang huling araw ng pagiging-18 ko.

I need to study Biochemistry and Human Life Cycle.

Pray for me.

- - -

Excited na akong mag-October/November!!!
first time ko ito! FIRST TIME!!!
yehess!!!

Sunday, April 13, 2008

JUNIOR YEAR STARTS NOW

The title says it all.

I have two subjects this summer: Chemistry 151 (Biochemistry), and HSc 81 (The Human Life Cycle [elective]) which would run daily. Plus, I have EB duties in the Health Sciences Society, and Deputy duties in Entablado. I also have teaching duties for HOPE daily. Plus, I have plans to be a TNT again for OrSem 2008.

Yes. I know. Busy me. OA-busy na naman ba?

No. I would make it up this semester. Quatro semesterS coming up!

THANK YOU LORD!

7:30 classes daily. Kaya ko ito. Yes PERALTA beybeh! work with me!

- - -

wow! Three entries today? Naghahabol na talaga ako ano? Sana may nagbabasa pa rin. Sana. Sana.

ON DRIVING

Yey! Sa wakas nawala na rin 'yung fear ko of driving.

During the break, I made sure that I was able to drive the car throughout the village for at least an hour. Problema ko na lang is yung parking. Tsk. Sa ngayon, nahihirapan pa rin akong magdrive ng pabaliktad---in the sense na di ko pa naviview kaagad kung saan pupunta ang kotse papalikod kung ang manibela ay iikutin ko papakanan, etc. Hindi ko pa rin naipapark ng maayos ang kotse sa garahe. 'Yun kasi ang kundisyon ni Pare. Kailangan ko munang matuto magpark bago ko puwedeng ilabas ang kotse sa village. Hay naku. Sa October na nga lang ulit.

Ay oo nga pala. Nasabi ko na dati na may driver's license na ako. Yey! Non-pro driver na ako. BUT I still have this guilty feeling inside me (until now) dahil sabihin na natin na hindi ko tinake ang "usual" procedures of acquiring a new driver's license in our region's LTO. Medical exam pa lang, passed na ako kaagad sa urine & blood test. I passed the licensing exam easily, in contrary to a lot of others who failed it a number of times. I didn't touched the steering wheel, yet I was able to pass the practical driving exam. WHY? We had contacts, and ayun. They played their part so well that it was as if I really REALLY went through all the procedures fairly, just like the others.

Wala lang. Sabi ng iba, reality iyan na kailangan mo nang tanggapin. At least I got help from them daw. I've also learned that a lot of my friends also had the same "aid" from some officers in the LTO. Kasi kung wala sila, baka hanggang ngayon wala pa rin kaming (akong) driver's license.

Pero 'yun nga. Isa kasi ako sa mga taong gusto na ang lahat ay sumusunod ng maayos sa mga itinakdang patakaran ng mga nasa posisiyon. Lumaki akong tinuruan ng "magandang asal," ng mga iba't ibang rules and regulations na dapat nating alamin at sundin. Nahulma ng mga iba't ibang theories 'yung utak kong mag-isip ng isang idealistic space where I could live in. Sa sobrang idealistic ng mga paniniwala ko, nagiging impraktikal na ako minsan. Hay tama na ito. Nawawala ako sa main point ko. Basta, 'yung concern ko lang eh 'yung fact na ang daming nangyayaring pandadaya na nagaganap even at our local level. Ako mismo dumaan sa proseso ng pandaraya sa LTO ng aming region. Kawawa naman ang mga taong naghintay ng napakatagal na panahon para lamang makuha ang kanilang mga lisensya, to think na ako--AKO na super unexperienced-can't-even-park driver ay nabigyan na KAAGAD ng lisensya. Wala pa akong restriction that I need to have my glasses on when I drive to think that I've had astigmatism since prep. Tapos, agad-agad lang nilang pinapapass ito?

Di lang sa LTO ko ito napansin. Sa DFA rin. One day, my family went to the DFA to renew our passports and para na rin gawan ng passport si kapatid. Again, we had contacts. So, instead of the usual 12-hour tambay in the DFA, we were just there for two hours. Sobrang jampacked pa ng office with people trying to get their passports. Sobrang nakakaguilty kasi halata naman na ang late naming dumating, ngunit kami pa rin yung naunang matapos. Plus, we entered the office of the head pa! Tsk. Ano ba ito? People fall in line as early as 4am outside the DFA office. Some even sleep outside the office just to have their passports at least by the afternoon. Grabeh ito.

At malamang nagaganap din ito sa iba't ibang offices, mapa-government pa man ito o private company.

Hay naku. nagBLAH na naman Ako. Pero naman oh, sorry PARE kung sinasabi ko ito. Pero mali talaga 'yung ginawa natin. OO, mas naging "hayahay" tayo sa ginawa natin that time, BUT then we have to think of the others who followed the procedure well. Kaya nga nagkakaroon ng problema ang bansa. May mga taong nagtatakda ng mga patakarang kailangang sundin ng bawat mamamayan ngunit sila mismo (at ang mga taong close sa kanila) ay ang siyang mga taong di sumusunod dito. Wala ring efficiency. Tsk.

Bata lang ako. Wala pang pangalan. Wala pang ganun kalaking imlpluwensiya sa lugar na tinitirahan ko--moreover, sa region na ito, moreover sa bansa. Wala lang ako, pero at least nag-iisip ako ng ganito.

Narealize ko lang ngayon: ang olats ko pala. I'm criticizing the things I have observed in the LTO and DFA office. Yet still, I have my license securely placed in my wallet right now. Moreover, I would not like the feeling that my license would be taken away from me, because I didn't followed the licensing procedures fairly (to think that I'm able to drive NOW, well except park of course :P). I wouldn't like the feeling that we were prevented to go outside the country because we didn't follow the procedures well. I'm afraid that those people heading those government offices would lose their jobs because they may really be the ones who are worthy of those positions at least as of now (naging sobrang mabait lang sila kaya sila nagpapasingit ng ibang tao). Hay ewan. Too serious. I miss my highschool self.

The more we get to learn about things, the more we tend to feel unsatisfaction and depression as we realize that these events widely occur in our surroundings. Children view the world as an idealistic place full of fun, joy, and Santa Claus. Once they've learned the things about life. then their idealistic world slowly degrades into that sad reality. Parang yung mall na heaven para sa atin ay isa palang napakahigpit na lugar kung saan di mo malalasap ang lahat ng sarap ng buhay sapagkat ang lahat ng ito pala ay may kapalit. Everything is commodified, ika nga.

Shatap. Nonesense na ito. Forgive me for this. Ang pangit ng coherence + grammar. Parang di ako nag gradeschool + highschool + first year! Pero the fact na nag-iisip ako ng ganito makes me feel good. Mature.

Parang may wisdom na sinend sa akin from God above. Chos!

- - -

Classes na bukas.

GLAD TO POST THIS

THANK YOU LORD FOR ANOTHER SEMESTER.
thank you Lord for another CHANCE.
akala ko wala na... But You are just full of SURPRISES!
Doubting You would be the biggest mistake anyone would ever make.

I've worked hard, laughed, pined, cried.

and to all the people who helped me get through this semester, THANK YOU FOR BEING IN MY LIFE.

SOBRA. *iyak*

- - -

classes start tomorrow.
Quatro semesters coming up!

Tuesday, April 1, 2008

AYUN, BITTER.

DISCLAIMER: Sobrang pagrarant lang ang entry na ito. Hayaan niyo na ako. Minsan lang ito mangyari.

- - -

It all started with a certain "fear" that I've experienced as I was enlisting my subjects online last October 2007. Gahd. Ambeth Ocampo. Leland dela Cruz. ORGANIC CHEMISTRY. And then the entatext na nagproproclaim na ako na raw ang SM deputy for the production this semester. Oh God. How will I ever EVER survive this semester?

And so ayun. Sinabi ko na kay Mare at Pare na sobrang challenging ang sem ko. Honestly, natatakot akong bumaba ang grades ko. Nakakuha ako ng scholarship sa Ateneo dahil sa mga grades ko. At ang natatanging kundisyon lang ng OAA is to maintain my grades. So ayun, I already started nice and strong so far. Kaso when I started this second semester, I had this itchy feeling that 'yun nga---baka, BAKA maging loose yung grip ko sa standing na binuo ko for the past year + sem. AYokong mawala ang scholarship ko. Dahil kahit anong gawin ko, kahit na lumuhod pa ako sa harapan ng OAA at mismo kay Fr. Nebres, kapag di ko namaintain ang QPI requirement ko, goodbye scholarship na kaagad (and probably goodbye Ateneo). BUT NO! Of course hindi ko hahayaan yun ano. Like duh, ako kaya si Danica Pasia.

Ilang beses ko na ring naexperience yung magkaroon ng sobrang mabababang scores sa exam. Grade school struggle na ako sa reading (takte kang reading ka. tsk.). Highschool pa lang sobrang pinatikim na ako ng 2/30 sa Physics 3. Sa lahat ng mga math na tinake ko noong highschool, sobrang ang bababa ng mga nakukuha ko sa quarterly exams (quizzes lang ang pambawi ko). Nagstruggle ako sa English (kaya nagtataka ako HANGGANG NGAYON kung bakit sa akin binigay ang "proficiency" award for english, at HANGGANG NGAYON, i feel that I DON'T REALLY DESERVE IT). Pero sa bawat end ng mgan quarters na pinagdaanan ko, lagi akong nakakatanggap ng award/recognition. Hindi ko masasabing namaintain/napataas ko ang mga averages ko every quarter (kasi wala talagang trend at all). Pero yung katotohanan na may nakukuha ako every end of the quarter is the thing na sobrang naeexperience ko all my life--well at least, up to now (and hopefully in the future na rin! Lord sana).

Kaso iba ang feeling ngayong college. OO. inaamin ko ang hirap ng college. So basically binabaan ko ang expectations ko from myself. Pero ayun, nagsimula rin ako ng maganda in college. At ayun, nareach ko rin ang point na mataas na nga, at ayoko na ring bumaba. Masakit na kung bumaba pa ako kasi ang dami dami ko nang iiinvest na panahon upang ma-maintain yung qpi ko noh. So ayun, despite my OA-busy schedule this semester, inayos ko pa rin. I made it sure na nakakapagaral talaga ako ng husto. Umabot din sa point na 3am na ako natutulog at nagigising ng mga 7am for my class eh. Na-reach ko na rin ang point na 27 hours akong walang tulog (DAHIL SA STAT NA YAN). Naramdaman ko na rin yung feeling na nag-aral naman ako ng husto, pero bokya pa rin yung nakukuha ko. Naexperience ko rin yung MALI yung napag-aralan ko for a certain long test. Naexperience ko ring tumulong ng ibang tao, kaso noong ako na ang humihingi ng tulong, wala lang mang initiative na tulungan din ako ulit (bitter). Sino ba namang gustong makaramdam/makaexperience ng ganun diba? Ako, ayoko. Pero nangyari pa rin ang mga iyon.

Inaamin ko, nahirapan ako ngayong semester. Dahil siguro sa sobrang daming requirements at sa kulang na panahon dahil ginawa kong busy ang sarili ko para sa iba pang mga bagay. Yet I don't blame my other "activities" for this inexplicable lousiness that I have exemplified in my academic performance this semester. Irresponsibility lang at time-mismanagement ang nangyari sa akin this semester. At nadistract lang siguro ako. So ayun, yung takot na naramdaman ko noong online enlistment naging prominent throughout the sem. Nilalabanan ko yung takot na iyon, thinking na OO, kaya ko itong harapin at tapusin with flying colors.

Pero ano nga ba ang nangyari? All the while alam ko I'm doing well. May mga occasional na "babawi ako." Hanggang sa umabot sa mga panahon na "bumawi naman ako, kaso di lang talaga natamaan sa bulls eye." Sorry malabo. Malabo rin kasi ang pag-iisip ko nowadays. Hindi ko alma kung matutuwa ako o hindi. Of course dapat manghinayang ako sa mga sinayang kong panahon this sem. Sa totoo lang, ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon: sobrang uneasy ako sa performance ko.

Grade-conscious ba? OO. The time I felt that I wasn't in my game sobrang nabahala na ako. Ito lang ang paraan para matulungan ko somehow ang mga magulang ko sa pagpapaaral sa akin. Sa pagmemaintain lang ng grades ko sobrang dami ko nang natutulong. What more sa pagiging DL pa diba? Sobrang bonus na iyon para sa kanila. Ayoko kasing mabahala rin sila sa kalagayan ko sa college. Ang dami na ngang ginagastos para sa akin plus ganito pa ang performance ko? Please naman Danica Pasia--umayos ka naman.

Alam kong advanced ito na pagblablog about my performance this semester. Hindi pa out ang mga grades as of now. So far ang alam ko lang na grade is from DS. Honestly sad ako, pero there's a part of me na nasisiyahan sa fact na napasaya at naimpress ko somehow si Leland during the orals.

Haaay Lord. Heto na naman ako, sasabihin ko na namang "Babawi ako."

Totohanin na natin ito. Yes. OO. Quatro sems coming up.

- - -

I got my license today. I'll blog all the gate-keeping activities that happened earlier. Sobrang form of corruption na ito. Government offices talaga. Tsk. Kawawa naman ang 'Pinas.

Saturday, March 29, 2008

MAKE IT OR BREAK IT

After approximately eleven hours and forty-seven minutes after I publish this entry, I'll be making it or breaking it in my last DS orals. I believe I can really do this.
Relax lang Danica, yakang-yaka mo 'yan!
Kk. I just need to get some sleep.
Thank You Lord for everything. :) I know that You will never forsake me in times of need. Kaya ko ito. Kaya natin ito. And it is good as done! :)

Thursday, March 20, 2008

160

This is my 160th entry for this blog.

Tiningnan ko muli 'yung mga entries na sinulat ko from the start. Grabeh. Ang laki pala ng pagbabago ng paraan ng pagsusulat ko / paglahad ko ng mga pananaw ko ukol sa mga bagay-bagay. 'Yun nga, mas naging seryoso ako simula noong nagcollege ako. Halos lahat ng entries tungkol sa acads: kung gaano ako naghihirap, mga listahan ng mga long tests, org activities, etc. Namimiss ko tuloy 'yung paraan ng pagbla-blog ko noong highschool = hindi gaanong seryoso. OO nga, busy nga minsan sa acads pero 'yung katotohanan na nakakapagblog ako tungkol sa mga nakakatuwang moments ko noon ay isang napakatinding bagay na di ko na nabla-blog ngayon. Hindi naman sa sinasabi kong boring ngayong college--as a matter of fact, sa sobrang daming nangyayari araw-araw, di ko na natatrack ang lahat ng ito at di ko mahaka ang lahat ng mga bagay-bagay para maisulat ko dito sa blog na ito. Everything seems to go so fast that its as if nothing happened at all. Yak. Inappropriate statement. I knew it.

Bakit ba hindi ako nakakapagblog ng mas madalas? In addition to my claim na "busy" ako, napapansin ko rin kasi na wala na yatang nababasa pa ng blog ko [well compared to my audiences/readers na sobrang dami before diba...]. Ayun, parang tinatamad na rin akong magsulat. Siguro mas gusto ko ng mas malaking audiences. Kaso yun nga. Di ko naman maiiwasan yung fact na baka magsawa sila, or baka busy rin sila sa kanilang mga buhay-buhay. Next, naexpose ako sa sobrang tinding pag-eenglish at sobrang tinding pananagalog ngayong college. Gusto kong makapagsulat ng isang napakagandang essay on development, poverty issues, current public health situation of our country, my views on some profound subjects, etc. Basta something na deep, may dating, nakaka-tama, at profound talaga. All throughout the years I kept on blabbing only about myself, my rants, my whats, whys, and other what nots. Eh sobrang minamaliit ko yata yung kakayahan kong magsulat kasi sa tingin ko, kung magsusulat man ako ng article na maganda, baka magtunog-jologs pa yun at maging sobrang uncool, sobrang pointless = pangit. Ewan ko ba.

- - -

O, so ano na ba talaga ang nangyayari sa akin ngayon? Aside from struggling in my acads, naging minor in org works din ako for the past months. Of course, naging SM deputy ako sa successful production ng Entablado na Tanikalang Guinto. Dahil sa experience na ito, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga katoto. Sobrang ang dami ko ring natutunan tulad ng mga gawain ng mga SMs hanggang sa mga views ng mga iba't ibang tao ukol sa mga issues na hinaharap ng ating bansa. At oo nga pala, naging active din ako sa health sciences society through the FGDs = study sessions na inaarrange namin ng isa ko pang blockmate for everyone. Nagpapanggap pa nga kami bilang sina jothe at rithal para matago yung identities namin. At ayon, tumakbo ako bilang executive board member ng HSS, at ayon, nanalo ako. Sana nga lang magampanan ko ng maayos ang responsibilidad na ito. Of course, gusto kong matatag ang HSS bago ako grumaduate.

Next, naging host/emcee ako during our Health Sciences night. Sobrang kinabahan ako kasi naman hindi kami ganoon ka-handa ni Kuya Lorenz sa kung ano ang mga dapat gawin/sabihin. Basta, nagsalita lang kami ng nagsalita that night. At buti na lang somehow napasaya rin namin ang HSc community. Salamat naman at hindi naging boring ang event kagabi. At salamat din sa fact na ang ganda ko kagabi [dahil sa tulong ng room 107 sa eliazo--ang aking hair & make-up team, at siyempre nina nina, luis, at pao --- ang aking wardrobe team]. Ang sayang makitang nagbabonding ang lahat ng mga HSc majors kagabi. Pati mga profs naki-sayaw din. Ang saya.

Nadiskubre ko ring may potential ako sa larangan ng JUDO. 'Yun kasi ang kinuha ko for my PE this semester. At during the finals, ayun, nanalo ako. CHAMPION na naman [with a gold medal this time]. Siguro gifted talaga ako sa larangan ng martial arts. This body is built for martial arts. Too bad I have to do other stuff at isinasatabi ko na lang ang gift na ito. Tsk. Sayang.

- - -

So Danica what's up after 159 entries?
Ayun, eto pa rin ako. Masayahin. Corny pa rin. Nakikidrama. Artista. Lumalaban. Walang inaatrasan. Tumatawa. Lumuluha. Kumakain. Nakikinig. Naglalakad. Nag-iisip ng iba't ibang mga bagay. Gumaganda sa pagsikat ng araw. Gumaganda sa pagmulat ng buwan. Nagsusulat for herself, hoping to touch others as well.

Hay naku. sa susunod na nga lang.

- - -

Next Picture:
Monday - ORGANIC CHEMISTRY FINALS, NIHONGO FINALS
Thursay - DS 3rd Long TEST
Saturday - DS FINALS [Lord, sana di na ako magtake PLEASE!!!]
Sunday - I'm going back home... finally!

- - -

...I'm not afraid of FAILURE
because, it is NOT an option
and it will NOT HAPPEN...
and I'm PREPARED to be TIRED EVERYDAY of MY LIFE
in my quest for EXCELLENCE...

Lord, guide me. Help me. It is good as done.

Tuesday, February 26, 2008

ANG BUHAY NI DANICA PASIA

Ito na 'yung isa sa mga linggong nakakapagpakaba sa akin.
Bukas, may Organic CHemistry 3rd long test ako.
Sa wed naman, Orgchem lab graded recitation.
Sa thurs, DS [OH MAY GAHD] 2nd long test.
show din ng TG sa thurs.
Sa fri, Sci 10 3rd long test.
show din ng TG sa fri.
Sa sat, 7:30am NSTP {last na}
last two shows na ng TG (fulfilling, parang ang saya na at the same time ang lungkot...)

Gagawa na ng projects/papers, dahil papalapit na ang mga deadlines.
Next week, ORGCHEM LAB long test.
Papalapit na ang finals.

LORD. TULUNGAN NIYO PO AKO.
hindi ko na kaya ito nang mag-isa.
Kayo na po ang bahala sa lahat.

Sunday, February 17, 2008

On Confessions

I had a confession yesterday during our NSTP recollection.

And I just realized that ang emosyonal ko palang tao.

'Yun lang.

Busy Busy Busy Me.

- - -

Lord, Help ME.

Friday, January 25, 2008

UPDATE

HAPPY BIRTHDAY MA.
you know you love me,
you know i love you too!
you're the bestEST. :p

---

I've been busy after recovering from the gastroenteritis and the intestinal amoebiasis I got from eating too much buko during the holidays. Well, I've been back to school since the 7th and had been sleep-deprived ever since.

Chem, DS, Stat, History, Sci 10, Jap, at Judo surely stresses me out.
Enta plays are fun but really, nakapapagod din.

But then again, this is my life.

And I love this playing field I got myself into.

So for now, I'll be on blog leave.

And with the Lord by my side, I believe that all things are possible.

I still have a game to win, a goal to achieve, a life to live...

God bless everyone!

Saturday, January 5, 2008

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!

acute gastroenteritis second-degree to intestinal amoebiasis...

so much to start 2008 with!

***

I'm hopefully going back to manila tomorrow.

Stomachaches, calm down please.

Study. Study. Study.

Saturday, December 15, 2007

ON HELL WEEKS AND JAPANESE

Only one hell week left.
And then, it's Christmas time!

***

I've learned a lot of Nihongo lately. It's because I'm taking up Japanese for my foreign language course.

Hajimemashite! Watashi wa Danica desu. Watashi wa jyuu hassai desu. Davao City karakimashite. Wakarimasu wa Nihongo desu ka? Hai, wakarimasu wa Nihongo desu. Watashi wa genki desu. O sewa ni narimashita.

Neto, arigatou gozaimasu! Ai shiteru. :)

those sentences mean:

Pleased to meet you! I am Danica. I am 18 years old. I came from Davao City. Do you understand Japanese? Yes, I understand Japanese. I am fine. Thanks for everything!

Hmmm, thank you very much! I love you. :)

Hahaha.. I really need to learn more Japanese. I'm getting the hang of it! Ang saya!
Gusto ko ring mag-French! Hahaha!

***

Next week! I'm off to Davao City!
Yey! Home!

***

God bless everyone!

Sunday, December 2, 2007

ON BLUE CHRISTMAS

I'm truly honored and blessed to be part of the Ateneo Blue Christmas 2007.

mga kids ko tumatakbo para makipila sa inflatables

Blue Christmas is that time of the year where we spend one whole day with the kids (630am - 700pm) and just take care of them, play with them, talk to them. Basta, para siyang napakalaking Christmas party na sobrang daming freebies for the kids.

Actually, I planned this for our whole block (na sana kaming lahat makasama this year) since late August. Last year kasi, two of my blockmates lang ang sumali. This year, marami-rami na rin kaming sumali bilang mga facilitator volunteers para sa mga bata.
A kid from the other group, Catherine, and Colleen

'Yung mga naassign sa group ko eh mga batang ages 6-10, most of them boys, from GK Talanay, QC. Dadalawa lang 'yung naassign sa aking mga girls noh. Ang kukulit nilang lahat kasi naroon sila sa age na kunwari nagbibinata/nagdadalaga na sila. 'Yung mga buhok ng mga lalaki sa mga kids eh panay nakatayo't pununung-puno ng gel noh! 'Yung mga babae naman, nasa corner lang, kunwari nahihiya sa mga lalaki. Hahaha!

Nakatutuwa kasi noong sinundo namin (with Chicki, my blockmate) sila sa barangay nila, sobrang excited nilang lahat! Panay kaway ng mga kamay at 'yung iba pa sumisigaw ng "ateee!! kuyyaaaa!!". Grabeh, hindi ko inimagine na ganoon lang pala talaga 'yung excitement nila for Blue Christmas.

At noong patapos na 'yung araw, sobrang hinahug na nila kami ng mga kagrupo ko. 'Yung iba naman nagpapakarga. Haay naku! Sobrang saya pa kasi sabi nila hindi nila kami malilimutan, at most of all, mamimiss nila kami.

With Father Ben Nebres (President ng AdMU) and Bosing Marian (senior ng HSc)

Kahit isang araw lang 'yun, sobrang nasiyahan pa rin ako dahil napasaya ko ang mga batang 'yon. Pero, oo nga pala, hinding-hindi ko malilimutan ang batang si Peter. Sobrang payat niya, at sobrang liit to be considered a 6-year-old boy.

Habang kumakain sila ng lunch (c/0 McDo), isang kagat lang ng manok at isang kutsara lang ng kanin ang kinain niya. Tapos sabi niya sa amin, ayaw na raw niya. Akala namin gustong magpasubo, kaya sinubukan kong subuan si Peter. Kaso, ayaw na raw talaga niya. Ibabaon na lang daw niya. Hmmm... At dahil doon, napaisip kami ng mga groupmates ko.

Obvious naman kasing gutom siya, kaso gusto pa rin niyang ibalot yung mga pagkain niya. Sinabi nung kapitbahay ni PEter, na kid din namin, na 6 na magkakapatid sina Peter. Ika-3 si Peter sa kanilang magkakapatid. Dahil doon, napagisipan namin na baka gusto ni Peter iuwi ang mga pagkain na 'yon para maibahagi sa kanyang mga kapatid--sa kanyang pamilya. Moreover, pati yung mga snacks (c/o McDo, Del Monte, Coke) ay iniuwi lang ni Peter. 'Yung juice na nasa plastic cup, nilipat niya sa boteng dala-dala niya para maiuwi sa bahay nila! Grabeh! Even at the tender age of 6 (in fairness, ka-edad lang niya kapatid ko!!!), may concept na siya na naghihirap talaga sila ng pamilya niya at kailangan niyang makatulong by just bringing food given to him during Blue Christmas in their house so that he could share it with his family. Ni hindi nga mapagbigay 'yung kapatid ko eh. Tsk. Tsk. Tsk. Pinoy nga naman... Vicious circles of poverty [DS! DS! DS!!!].
Gabi na, at umilaw na ang mga lights sa Bellarmine Field!

Hindi lang 'yon ang mga dahilan kung bakit di ko talaga makalilimutan si Peter. Siya kasi 'yung biglang napatae sa kanyang shorts habang naglalaro kami. Bigla na lang akong napalingon sa kanya noong sinabi nung isa pa naming kid na "aaay! ang baho! tumae siya!" Sobrang nahiya siya from that point onwards. Hindi na masyadong nagsasalita eh. Tapos, ayaw pa niyang magpalinis kay Chicki. Kaya, buong hapon, sobrang ang baho niya. Moreover, habang naghihintay kami ng group na pumila kay Korina Sanchez, biglang umihi sa harap ng sandamakmak na tao sa gitna mismo ng Bellarmine Field si Peter. Shucks! Bigla ko siyang nilapitan at sinabi na dapat sabihan niya kami kung naiiihi na siya. Grabeh! Adventure itong batang ito! Siya na nga ang pinakamaliit sa kanilang lahat, siya rin ang pinaka-unpredictable! Hahaha! I'll never forget him.

So ayun, nakuwento ko na. Ateneo Blue Christmas is LOVE.

Totoo 'yan. It's not just being men and women for others. It's so much more than that.

Until next year guys! Magblu-Blue Christmas kami ulit!

- - -

Kk... Study time!!!
Help me LORD!

Friday, November 30, 2007

ON SLEEPING HOURS

Most people in our course gets a maximum of 4 hours of sleep.
Some HSc majors I know, gets around 2 hours of sleep every day.
While others, don't sleep at all (ginagawang tubig 'yung kape... 10 apples a day, makes even the night a day).

At least I get at most 5 hours... I just really hope Memo plus and Enervon C works. It keeps me alive.

I can't even imagine myself not getting any sleep at all.

- - -

Stat 100 - spss data
Sci 10 - read.
OrgChem lec - READ. answer the problem sets for chapters 3 and 4.
OrgChem lab - do the post lab report. do the prelab for wednesday.
Judo - practice the art of falling. hehe.
Jap - memorize the hiragana. review katakana.
DS - STUDY! REVIEW! READ!!!
Hi 165 - go to the national museum and metropolitan museum. do the 2 papers assigned. read.
Enta - review the blockings. reserve venues. familiarize the script.

20 units this sem... tsss..

- - -

Lord help me!!! x_x

Saturday, November 24, 2007

SECOND WEEK OF CLASSES PA LANG

PERO BAKIT GANITO?!

Sobrang nakapapagod na... Feeling ko end of the sem na.

LORD HELP ME!!!