Friday, February 13, 2009

PRESENCE IS VERY OVERWHELMING

ewan ko kung bakit pero sa tuwing nagpaparamdam ka nang biglaan sadyang bumibilis yung tibok ng puso ko.

alam mo ang dami kong gustong sabihin sa'yo. di ko maaamin man dati sa sarili ko pero sa totoo lang, di ko inaasahang masisiyahan ako sa piling mo--kasi nga dahil na rin siguro sa impluwensiya ng ibang tao, mga sinasabi ng ibang tao, mga personal debates ko, etc. But then no, nahulog ako at inaamin ko 'yon.

pero ayun, di ko rin alam kung anong eksaktong nangyari kung bakit na naging ganito. basta, nawala na ang mga bagay na binuo natin. ang hirap balikan ang mga nangyari dati lalo nang hinarap tayo ng tila bagyong mga pangyayari sa ating buhay.

naiinis ako dahil ang super idealistic ko. i hate myself kasi sobrang ayokong magkamali sa choices ko. kaya dahil doon, i stopped it already. buti nga nacocontrol ko pa. pero sa mga ginagawa mo lately, shux. di ko na alam kung ano pang magagawa ko.

- - -

ang pangit lang ng blog entry na ito.

di ko feel.

1 comment:

ella said...

"i hate myself kasi sobrang ayokong magkamali sa choices ko." -- ako rin ganun minsan . hai . ung tipong PLAYING SAFE . kaso minsan nari.realize ko , mas masakit kasi ang dami kong pinalagpas na pagkakataon .