Oo. Binago ko na nga 'yung template ng blog ko. SA WAKAS! Natuto na kasi akong gumamit ng .xml files. And so ayun, napalitan ko na.
For three years, I've used luminescent as my blog name. I don't really know why I used that name. Siguro nabighani lang ako sa tagline na "glowing in the dark, shining when no one's around." But then ngayon, gusto ko kasing i-personalize ito. Buti na lang nakahanap ako ng template in the web, at ito ginagamit ko na. I'm planning on studying Adobe Photoshop soon (that is, if I ever have that chance to install the program in my computer) so that I would really be able to personalize my blog template.
AND NOW, what's up with I AM. I EXIST?
Nakuha ko ito sa PHILO101 (Philosophy of the Human Person I) namin with Sir Jope. Inaamin ko, from a scale of -10 to 10, nasa +2 pa rin ako sa paggrasp ng buong konsepto ni Rene Descartes. I was just amazed by how he thought of having the best way to think about things and to reflect upon it through the Universal Methodic Doubt---kung saan pinagdududahan niya ang lahat sa simula.
Ganito raw kasi 'yon. Isang gabi, nilamig si Descartes. Tapos tumabi siya sa isang umaalab na apoy para painitin 'yung nilalamig niyang katawan. Biglang naisip niya na maaaring 'yung nararamdaman niyang init na galing sa kanyang paligid ay parang panaginip lamang. Nagduda siya ngayon kung totoo nga ba ang pinararamdam sa kanya ng kanyang mga senses. And so ayon, tinanggal niya ang kanyang sarili mula sa kanyang katawan, so natira na lamang 'yung consciousness niya. Habang nagdududa siya, naisip niyang maaari 'tong gawa ng isang evil genius--na baka niloloko rin siyang maramdaman ang lahat ng gawa ng senses niya. So kung may evil genius, baka kalokohan na ang lahat (tama ba ito sir jope? naku... patay na sa repetitio.). Tapos natuklasan niya na sa proseso ng kanyang pagdududa, may lumilitaw na "AKO" na nagdududa--kung saan siguradong sigurado siyang mayroong AKO na nagdududa. Ito 'yung tinatawag nilang BEDROCK OF CERTITUDE--kung saan siguradong sigurado ka sa bagay na iyon. Ang Cogito Ergo Sum. I AM. I EXIST. Lumilitaw na mayroon pa ring AKO na nagdududa. I is delivered in the process of doubting (I AM) at totoo ngang nangyayari ito (I EXIST). Natuklasan ko lang sa philo na mali pa lang sabihin 'yung I think, THEREFORE I exist (or the other way around), kasi nga nagiging syllogism lang 'yung statement na 'yon. Eh di naman doon ang pinagugatan ng cogito ergo sum.
At dahil hindi immediate ang knowing ng isang tao, na kinakailangan pa niyang magduda, natuklasan ni Descartes ang kakulangan ng isang tao. "I AM IMPERFECT," ika nga niya. At mula roon, alam niya rin na may isang perfect na nageeksistensiya. The idea of perfect, of this, must come from someone greater than me, and plant it on me. Consequently, he came to the conclusion that GOD EXISTS. Isang hindi hahayaang lokohin tayo ng ating mga senses. At mula roon natuklasan na rin niyang OTHERS EXIST dahil hindi siya kayang lokohin ng mabuting Panginoon. Naku... sabog na sa philo.
That-then-which-nothing-can-be-thought talaga si God. Supersuperlative na 'yung meaning ng statement na 'yan.
Shucks. Parang nagrepetitio ako na worth C lang oh. Tsk tsk. Kailangan ko pang iclarify ito sa mga kaklase ko/prof ko. Well, para naman may connection sa blog kong ito, gusto ko rin kasing pagdudahan ang lahat. Ano nga ba ang katotohanan? Hindi ko rin alam. Basta ang bedrock of certitude ko, kung saan siguradong sigurado ako, ay ang katotohanang nagsusulat ako--na nandito akong nagmumuni, nag-iisip, nag-aaral, at nabubuhay--na merong AKO na nandito. Itong-ito. AKO. MERON.
At mula rito, nakikita ko ang mga imperfections ko--sa mga kakulangan ko sa paglikha ng mga magagandang blog entries, ng mga failures ko sa buhay, ng mga salat na aspeto ng buhay ko. At dahil doon, narerealize kong may DIYOS--na may isang PERPEKTONG nilalang na kailanma'y hindi ako lolokohin nor pababayaan sa paglakbay ko sa aking buhay. Consequently, I begin to recognize that there are the others--that they exist with me as a member of this society.
So ayon. Sana dito magsimula ang pamimilosopiya ko sa mga bagay-bagay. Haaay buhay, sa lawak mo sobrang di na kita mawari. Ngunit sana masabak kita ng kahit may pagaalinlangan ma'y maging matagumpay pa rin ako sa dulo ng paglalakbay na ito.
No comments:
Post a Comment