Friday, September 23, 2005

Pictures GALORE

USB CABLE... Thank you!

At last, nakapag-upload na naman ako ng mga pix sa album. Check out niyo lang ang "BAGO NA NAMAN" na sub-album ko sa photobucket.

Haay naku. I was sick last Wednesday. Grabe, todo ang sakit ng ulo ko. Eh kasi naman last Tuesday, nagpraktis kami ni Alec ng exhibitions for our dance. Wrong timing pa kasi naman, hindi ako nakadala ng extra shirt. Todo ang pawis ko noH! Perteh.

Sa labas ng school, kumain pa ako ng 2 dirty ice cream. Ang sarap kasi, lasap na lasap ang pagka-creamy ng ice cream. Talong talo ang Magnolia, Selecta, at La Cremeria. Tapos, 5 pesos lang nung Wednesday! Perteh!

Sa jeep, grabeh ang hangin. Eh di, natuyuan pa ako!

Sa bahay, kumain ako ng sangkatutak na santol.

As a result, pagkagising ko sa umaga, akala ko mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.

BUONG Wednesday, feeling ko magkaka-vertigo na naman ako. Hindi nga ako nakakain nor nakapagpicture ng niluto naming Merengge (tama ba?) at Leche Flan sa Food CHem.

I have learned my lesson, too much of something is bad. At dapat always prepared!

Eto nga pala ang MOCHA GLAZE na ginawa namin sa FOOD CHEM

mocha glaze
CERTIFIED MASARAP!

>>>

GUSTO ko maging photographer. 'Yan talaga ang pangarap ko. At ngayon, biniyayaan ako ni PAre ng cellphone na may cam. Kaya, panay ang pagkuha ko ng mga pictures.

Last year, we took up photo journalism in Filipino 3. I remember Sir Sultan saying na "BAWAL/IWASAN ANG MGA FALSE ATTACHMENT CLASS!" 'YAN AY ISANG KASALANAN SA MUNDO NG PHOTO JOURN..."

Ngek... SO, grabe na pala ang mga kasalanan ko sa mundo ng photo journ. Hitik sa mga false attachments ang mga pictures ko, NGAYON. Nakalimutan ko na siguro ang essence ng photo journ... hihihih...

Ano nga ba talaga ang mga FALSE ATTACHMENTS? Eto, tingnan ninyo:

marian with the hair
Dapat hindi ko sinali sa picture 'yung tindera sa likod ni Yan.
sino kaya 'yan?
Kung titingnan ang larawang ito, hindi mo magegets kung sino ba talaga ang pinipicturan ko.
ybZ
Seryoso si Yba. Pero, hindi na kasi sumali si Jobo sa eksena.
oist! wow ha
Kung minsan, sinasadya ko na may false attachment. Pero, shucks. Si Luis lang naman ang gusto kong isali eh. Pero, naki-eksena pa 'yung lalaki.

Kailan pa ba ako matututo? CHeck out my photoalbum in photobucket.com. May link naman ako eh. Tingnan ninyo kung gaano ka ganda MINSAN ang kuha ko sa mga pictures. In fairness, ok ang iba.

Magpopost ako sa SGSMC forum maybe later. Hindi na naman ako makalog-in. AYUSIN MO ANG FORUM CHRISTIAN CHIU! NAGLOLOKO ANG PROBOARDS MO!

>>>

Enjoy ang Soccer. Lalo na ang BASKETBALL!

Tuesday, September 20, 2005

At Nagbabalik...

Heto ako, paos, at super stressed.

ComSci period ngayon. Sinita ng mga tao si KBo dahil sa kakakanta ng Just A Smile ni Barbie. Perteh... Nakakapagod talaga.

On-going ang practical test namin dito sa comlab. Installing Win98.

Panel defense namin mamayang 2:30pm... Sana gabayan kami ng Diyos.

>>>

Tapos na rin ang ACET.

Salamat sa Diyos at nakasagot ako ng maayos (sa tingin ko). Nacover naman ng aming mga lessons ang mga questions sa test.

In fairness, mas madali ang ACET version 2005 compared to ACET version 2004 na tinake ko last January.

Sana lang nga... Sana sana sana nakapasa ako sa course na inapplyan ko.

>>>

Umiinom na ako ng BEROCCA/ BERROCA (nakalimutan ko ang spelling) para makaron ako ng energy for the day.

Goshes, nakakatulog na ako mga 9pm pa lang ng gabi dahil sa sobrang pagod.

Sobra kasi... Research, SciCamp, Physics 3, Math 5, Econ, Food Chem, Physics, Research, MAth, Physics, Physics, Physics, Research, Math, PHYSICS! RESEARCH! MATH!!!

mga perteh.

>>>

TULUNGAN NIYO AKOOOOOO!!!

Saturday, September 3, 2005

Heto Na Naman Ako

Salamat at nakabili na rin ako ng internet card. Perteh... Hindi tuloy ako nakapag-update the past few days!

Pero, happy na happy ako! At last! Na-upload ko na ang mga pictures ng mga TAO! Click niyo lang ang link sa mga larawan na nandyan sa left corner of the blog.

Kalingaw ba tingnan ng mga pictures. May madidiscover kayo kung titingnan ninyo. Bwarharharharharrr...
>>>
Nag-enjoy ako kahapon. At last, nakapag-practice na kami for the Basketball Girls. Naglaro kami with the Juniors. Nakakapagod, pero sobrang enjoy. Tumaas yata ang LDL ko habang naglalaro. Akala ko puputok na mga arteries ko. Perteh...
Sana makapag-practice kami ulit. Enjoy kasi eh.
>>>
At nag-update rin ako sa aking post sa sgsmc. Doctor Love Part 2 na! WAaaahh...
Baka may magagalit... Naku... Sana hindi...
>>>
Busy ako sa pagda-download ng mga songs. Grabeh naman si Anj, dalawang CD pa naman ang ipina-burn. Nagloloko pa naman ang aming computer. Pero, sige lang...
>>>
Eto ang post na may sangkatutak na mga pictures.
May kwento ako... Ano nga ba ang ginagawa ng mga taga-Pisay?
Ang mga taga-Pisay ay:
1.) Marunong mag-text.
nagtetext

2.) High-tech din minsan.
gues who

3.) Magaling sa electronics.
galing... ako lang yata ang 'di marunong

4.) Grabe makatake-down ng mga notes (after classes).
pa-copy ng notes beh

5.) Binibigyan ng importansya ang pagkakaibigan.
hindi nila alam

6.) Napapagod din noh... (Tao lang kami.)
tulog sila

7.) Magcocomfort sa'yo kung may problema ka.
kahit preso tinutulungan

8.) Nagtutulungan para makamit ang tagumpay.
tatahiin na kung tatahiin

9.) Nag-aaral...
atik atik...

10.) At siyempre, marunong din magmahal.
si inay at si itay
sina tito at tita

>>>
May tanong ako...
looking at...
Sino kaya ang tinitingnan ni Anj?
>>>
Si Kibo... Ang dakilang MoRf...
joke lang
Forgive me Kibo... I asked for your permission! :D
>>>
We did it again... in FOODCHEM.
Cooking lab kasi namin kahapon. Nag-bake kami ng Heny Sison's Moist Chocolate Cake. Buti nalang, bumili sina Abi at Migz ng mga kazhuzhuhan para sa cake namin..
with love, ika nga
Sabi nila, masarap daw... Salamat sa lahat ng kumain.
>>>
Ito nalang muna. Alam ko, matagal itong mag-load dahil sa mga Pictures. Again, ireremind ko kayong lahat na may link para sa LAHAT ng mga pictures. Click niyo lang, and explore.
Salamat!