Monday, December 29, 2008

MERRY CHRISTMAS 2008

Naiinis ako sa'yo. Lalo na kung lasing ka. Akala mo kasi kung sino ka kung makapagsalita. Ang daming nababastusan sa mga sinasabi mo---kasama na ako doon. Akala ko dati nagiging wiser ka kung lasing ka, oh well, napapanahon lang pala 'yon. Ngayon akala mo ang galing mong magtago ng bisyo. Takte lang. Huli ka na since October.

I don't care kung sasabihin mong ginawa mo yon dahil sa stress, dahil sa mga problema, dahil sa urge or whatever reasons you may develop. The fact is, you are doing it. AND IT'S HURTING US---LALO NA AKO. Grabe. Proud na proud sana ako sa'yo. Pinagmamalaki kita sa lahat ng mga kakilala ko kasi super ang taas ng tingin ko sa'yo. Ang dami mong pinagdaanan pero malinis ka pa rin. PERO SHIT HAPPENS, ika nga nila. Lahat ng akala mong puro, laging may dumi na tinatago. Ngayon di ko alam kung ano yung dapat kong gawin. Nagiging manhid na ako dahil sa'yo.

Ang lakas ng loob mong magcorrect ng pagkakamali ng iba pero ikaw din mismo mali yung ginagawa mo. NAKAKAINIS magising nang umaga nang may naninigaw sa'yo. Sira ang buong araw ko dahil sa sigaw mo. Nagiging bayolente ang bata dahil sa'yo.

Alam kong mali ito, pero ginagawa ko pa rin. At least meron akong pinagbubuhusan ng galit. Sana di mo ito mabasa. Sana wala nang nagbabasa nito.

Bulag na nga ako, manhid pa. Saan ka pa?

Saturday, December 20, 2008

BUMAWI KA NA LANG.

napakataas ng expectations ko maging sa ibang tao man ito, sa trabaho, sa eskwelahan, sa profs, sa mga gamit, sa mga pangarap na ninanais kong maabot, sa mga hiling na ninanais kong makamit, at lalong higit na sa ibang taong tinuturi kong tunay na nariyan para sa akin at sa sarili ko.

kaya madali akong madisappoint, kahit na di ko 'to pinapakita nang napaka-obvious (magaling akong magtago, as in.).

kay naman, huwag na dapat magtaka kung bakit ganun.

hindi ko na iisipin kung sino nga ba ang nauna.

basta nangyari na yon.

at sa ngayon, kailangan na lamang nating harapin ang bukas--na sana'y maliwanag at maginhawa ito diba.

tama na.
tama na ang drama. imsosickofit.

MAY KARAPATAN AKO RITO.
mahirap bang tanggapin yun?

ANG DAMI NANG NAHAHASSLE. 2WEEKS!!!
dapat mong tanggapin ang pagkakamali mo. HUWAG MONG BALIKTARIN ANG MESA. IKAW ANG NASASAKDAL! AT MAY KASALANAN KA---AMININ MO YUN!

---
DAGDAG (DEC29)

WALANG NADADALA SA PAGSAMBIT MO NG SORRY SORRY NA YAN.
IPAKITA MO SA AKIN.

SAGUTIN MO ITO KUNG MAAYOS KA NA

at biglang dumami ang blog posts.
dahil ba..
dahil ba?

dahil ba sa nakita mo sa belfield?
sa ginagawa mo ngayong movie?
sa nangyari kaninang 4pm?
sa 6am-4pm?
kay bionic woman ng buhay mo?

SAGUTIN MO AKO! SAGUTIN MO AKO!!! ANO BA ANOOOOOOOO?!

GUSTO MO NANG UMUWI ANO?
AT DI MO MAWARI KUNG SINO BA YUNG DAPAT MONG SABAYAN.

SANA MAGING MASAYA KA NA ANO?
ANO BA YUNG PAKIRAMDAM NUN?
ANO?
SABIHIN MO SA AKIN.
SAGUTIN MO ANG MGA KATANUNGAN KO.
OO IKAW!
IKAW! IKAW!!!

MAKUMBINSI

excerpt:

Pinaglalaban ko yun. Nilalagyan ko ng katwiran ang lahat ng punto ko. Parang nagphilo-eco talk lang ako. ang profound lang bigla nang mga sinasabi ko. at first time kong inunahan ang luha ko kahit na ramdam na ramdam ko ang luhang bumubuo sa aking mga mata.

basta, di naman kailangang icommodify ang experience ng unity and togetherness. minsan nga lang tayo gumanito, pero kailangan bang ganyan pa? may ibang opsyon mga kaibigan, dahil kung itutuloy niyo pa ito, siguradong maraming matitira lamang sa kanikanilang mga tahanan. at siguro di aabot ng kalahati nang ating angkan ang makakadalo.

"makumbinsi na kayo't pumirma... business proposal na 'toy kay ganda..."

parang punong baboy lang ang dating niyo sa akin. siguro ako na yung matandang baboy sa eksena. at baboy bayan silang lahat. sino kaya ang kardo sa eksenang ito?

INAANTOK AKONG PARANG HINDI.

MALABO!

SANA DI MAGKAROON NG BAHID NOH? MAHAL KO KAYO KAYA KO SINSABI ITO. MAHAL KO KAYO. MAHAL KO KAYO (echoing)

MOMENT KO ITO.

PUWEDE BA ANG GANUN?

NA BIGLA KA NA LANG MABABALIW PAGKALIPAS NG ISANG SEGUNDO?

MAAARI KA BANG MABALIW KAKAISIP NA DI TALAGA PUWEDE?

MAAARI KA BANG MABALIW DAHIL SA MATINDING GALIT?

MAAARI KA BANG MABALIW DAHIL SA SOBRANG INIS?

ang sarap sigurong mag-break down. PERO IISIPIN NANG IBA NA MAY PROBLEMA KA ETC ETC.

OO NGA NAMAN BAKIT KA NGA NAMAN MAGBE-BREAK DOWN KUNG WALA KA NAMANG PROBLEMA DIBA?

EH ITO

MAAARI KA BANG MABALIW DAHIL SA MATINDING SAYA?

ALAM KONG MARAMI NANG NABALIW INDIRECTLY DAHIL SA PAG-IBIG, PERO NABALIW SILA DAHIL SA MGA EPEKTO NG KABIGUAN, IKA NGA NILA, NA KANILANG HINAHARAP DAHIL SA PAG-IBIG.

TAKTE KA.

loveisachoiceloveisachoiceloveisachoiceloveisachoiceloveisachoiceloveisachoice.
IT IS NEVER A FEELING!
And in love, you do something for your own growth and the growth of the other person.

nag-aaway kayo dahil NAGBI-BUILD UP ULIT yung ego boundaries (na nagco-collapse once you fall in love) sniyo the moment you realize na AY T*NGIN* PLA SIYA---NA DI SIYA YUNG INAKALA MONG TAONG KILALA MO NA NAGUSTUHAN MO NA ETC ETC WHATEVER.

but then again, kung mahal mo talaga, ayun you work it out with him/her despite sa lahat ng TAKTENG MOMENTS NINYONG DALAWA.

theo131.philo102.

buhaybuhaybuhay. isang challenge lang ito. naniniwala akong magiging ok ang lahat.

Friday, December 19, 2008

SOLILOQUIES NA HINDI SINAMBIT.

5 DAYS.
AT DI MAN LANG TUMULO ANG LUHA KO.
7 DAYS
11 DAYS.

at never pang lumamig ang kamay ko ng ganito, sabay nang pagkunot ng noo ko.

920 930
at never pa ako nabingi ng ganito dahil sa ringtone (at hindi message alert) ng cellphone ko. ayoko ng missed calls. sumusobra ang tibok ng puso ko kung nangyayari ito.

11am 12nn
at never pa ako naging ratatatat sa mga ginagawa ko

2pm 3pm
at never pa akong naglakad nang di nararamdaman ang sakit ng bewang ko

4pm 5pm
at never pa akong naging ganito.

siguro nga kailangan nang lumipat ang headquarters.

mixed emotions.
sana kumpleto na bukas.
gusto ko nang umuwi.
sana wala nang langgam.
bakit may ganun.
and so?
mag-blog bakit ba.
dito lang.
pano ba gawing ako lang ang nakakaalam.
may nangyayari pala sa parking lot kapag 1am.
masaya sa belfield ng 1am na.
I HATE.
I LOVE.
$E%RF^G*JUHIKOP
OIULFJSDJFNMP(Y!N@C
IBALIK MO NA.
LOVE IS A CHOICE.

pagmahal mo talaga ang tao, tatanggapin mo pa rin siya kahit na may topak lang talaga siya minsan.

FINAL VOCABULARY! FINAL VOCABULARY! ITATAK MO YAN SA KUKOTE MO! TAKTE KA!

MAGPAKITA KA NA! SINUNGALING!

ANG BAGAL MO.

emotional suicide. MERON BANG GANUN?

PUBLIC ANNOUNCEMENT

SORRY NA.

---

THANK YOU LORD.
at yun ang una niyang sinambit nang maramdaman niya ang malambot na tela ng kamang hinihigaan niya.

Thursday, December 18, 2008

OK LANG AKO.

Katatapos lang ng Philo documentary presentation.

Two days na akong natutulog ng around 5am at nagigising ng around 7am.
Nakacut ako ng cellmol kanina kasi nagising na kami ni Pia ng around 745am for a 730am class.

Si Mama, na-admit na sa ospital. Tatlo ang attending doctors niya. Isang spine surgeon, isang cardiologist, at isang nagmomonitor ng kanyang diabetes. Sobrang kinakabagan daw siya dahil sa kaba. Sana maharap niya ito bukas ng matagumpay.

Narealize kong ang hirap palang malayo sa mga minamahal mo sa buhay in times like these. Gusto kong nandoon ako sa tabi ni Mama ngayon upang mahinahon lang siya sa kabang nararamdaman niya. Gusto ko nandoon ako sa kanyang tabi before siya mag-undergo ng surgery. Gusto ko nang umuwi. NOW NA.

Ang hirap magrelay ng message through text or through calls. Ako kasi yung type na medyo "touchy"---in a good way. Gusto kong i-hug si Mama. Di naman niya gets kung ano yung >:D< na HUG pala yun eh. Ang hirap.

Emosyonal pala talaga akong tao. Pero buti naman at di pa ako umabot (AT SANA NEVER) sa point of breaking down. Aminado akong di ko kayang gawin ang lahat pero alam kong may mga kaya akong gawin. Lagi ko ngang tanong sa sarili ko kung kailan ako titigil--kung kailan ako maglelet-go ng mga bagay-bagay. Sabi ng ibang tao, basta nagiging masaya ka sa mga ginagawa mo, kayang-kaya mong gawin ang lahat ng bagay na ito. Minamahal mo raw kasi yung ginagawa mo. PERO HELLO? What if hindi mo na talaga kaya---in a sense na super nafa-fatigue ka na dahil sa mga gawaing kailangan mong gawin dahil tinanggap mo itong gawin at binigay na sa'yo ng mga tao yung trust nila diba?

Ang bigat ng feeling ko ever since last week. Maybe its just due to the fact na sa Sunday pa ako makakauwi. NGayon yung mga panahon na parang wala na akong control sa mangyayari kay Mama bukas ng 9am. Ito maharil din ang dahilan ng tao kung bakit siya nakabuo ng konsepto ng DIYOS para lang di siya masiraan ng ulo dahil sa lupit at masakit na mga pangyayari sa kanyang buhay.

Lord, kailangan ka namin. Kailangan ka ni Mama. Di ko na alam kung ano pang gagawin ko, lalong higit na narito ako sa malayong lugar. Text/call at dasal na nga lang yung nagagawa ko.

Basta... alam kong I'll hug Mom as soon as I get back home.

'Til then.

Sunday, December 14, 2008

CHOP-CHOP

Paano ko ba hahatiin ang sarili ko?

May Theo project proposal.
May Philo documentary.
May possible quizzes at long tests.
May classes.
May rehearsals.
May surgery.
May kailangan akong bigyan ng regalo (at di pa ko bumibili!!!).

Lord. One more week to go. HELP ME!

Saturday, December 6, 2008

I NEED SLEEP

Napapagod ako.

Kahit weekend, 3am na ako nakakatulog.

I can't imagine what will happen to me the next two weeks... With all the quizzes, long tests, THE philo documentary, THE theo project proposal, UBL rehearsals, and of course ang nakakalokang mga liquidation reports ng XPRES.

Diyos ko...

Natatakot ako. Sana magawa ko nang mabuti ang LAHAT ng mga dapat kong gawin.

Nami-miss ko nang matulog ng 10pm. AS IN!

Thursday, December 4, 2008

GIFT BA?

gusto ko na ulit maging first honors. natikman ko lang to nung first two years ko ng college. humirap nga ang mga subjects. naubusan nga ako ng oras. mas marami na rin ang mga ginawa ko. do i really have to let some things go para ma-pursue ko 'to ulit? kinaya ko naman dati ah! oh well, iba yung mga sitwasyon noon sa ngayon. pero sobra. pasalamat nga ako sa qpi ko noong nakaraang sem, na inakala ko talagang di ako madi-DL eh (in fairness, nag-improve pa ako). pero Diyos ko... gusto ko talagang maka-first honors ulit. Ang sarap kasi talaga ng feeling! i really REALLY miss it.

pero ano nga ba ang mahalaga sa akin sa ngayon?

oh well... Christmas gift mo na Lord, maka-agpas sana si mama sa surgery niya. aminado naman akong sobrang risky ng procedure. alam kong ang dami rin naming dapat ipunin dahil na rin sa gagastusin para doon. basta lord, keep my family strong despite all these challenges. ito lang po talaga yung sobrang mahalaga sa akin as of now. i miss them. Sobra.

i do my best to separate all my "problems" from all the work that i do. pero alam niyo naman, tao rin ako--nakakadama ng emosyon, ng pain. umiiyak din ako guys. even though i manifest this superwoman sa harap ng ibang tao, nagiging vulnerable rin ako sa mga moments ko before i go to sleep. Di naman sa tinatago ko ang sariling "AKO," pero nakikita kong mas mapapadali ko ang mga ginagawa ko kung iseseparate ko yung emotions ko from the all the work that i do. ayun. nasanay na siguro ako. malaking emotional investment ang masisira kung bigla akong magshift ng perspective.

ayun. gusto ko ulit ng 3.75+++. ngunit higit sa lahat, gusto kong ma-ease ang pain ni mama through the surgery. alam ko namang matutupad ang mga ito Lord. tulungan mo lang ako Lord. tulungan mo po kami.

FINAL VOCABULARY PART 1 AT BLOGS

Life is Difficult. Ang hirap nga talaga ng Buhay. Kaya naman gumagawa ang tao ng lahat ng kaya niyang magawa upang makaraos sa paghihirap na ito. Gawa lang lahat ng tao ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan.

Etc. etc. Next time, aayusin ko ito.

- - -

Sabi ni Doc Sio, for plain vanity lang daw ang mga blogs.

Ayon sa observation ko (LALO NA SA MULTIPLY), I think I have to agree with him. Ewan ko ba kung bakit ang dami-daming tao na nagkukuwento ng mga nangyari sa buhay nila. Pati puro pictures na lang nila ang nilalagay nila upang makita ng ibang tao. Pati nga ako guilty sa pagcommit din ng ganitong gawain.

O ano? Natamaan ka ano?

YUN NA.

Update?

Wala akong internet at nakikigamit ako ng laptop ni Pia ngayon.
Gusto ko nang mag-blog ng maayos ulit.

Gusto kong mag-blog about Xpres.
Acads.
HSS.
HSc Night plans.
Enta.
UBL.
Family.
Mom.
Happiness.
Marginalization.
Rationalization.
Liberal Ironism.
Christmas.
Ateneo.
Final Vocabularies.

Ang dami kong dapat pagdaanan. Help me.

Friday, November 14, 2008

BUHAY KO.

readings.
homeworks.
projects.
plays.
surgeries.
threats.
hope.

Lord, help me.

Thursday, October 30, 2008

DEAREST LORD,

Mahal na mahal Mo talaga ako.
Pati pamilya ko mahal na mahal mo.

SALAMAT!!!
Sana magampanan ko ng mabuti ang pagiging tagalingkod Mo.

Ad Majorem Dei Gloriam!

Nagmamahal,
Gem-gem

Thursday, October 2, 2008

FINAL TASKS FOR THE SEM

SA 112 Paper
Hsc 55 Final Paper
Eco 185.7 Finals
Chem 35 Finals (PLEASE EXEMPT ME!)
Philo101 Final Orals
HSc 55 Finals
Photocopy Scripts
Binding of Scripts
PlevSem HSS
Intensive Workshop
Blockings (Day 1 & 2)
Breathe and Love Myself

Lord. Sorry.
Help ME.

Tuesday, September 30, 2008

ALAS DOS NA

Di ko na alam kung saan ako lulugar. Tulong.

Sabi nga ni Alec,

let's serve the lord first
let's strengthen our relationship with him before we embark on relationships with other people
danica you're a strong woman.
Strong women are tough (kumusta naman).
you have to separate your emotions from work
let it affect you
but let it affect you at the right moment
gets?
haha
sabaw
basta
idasal mo na lang yan kay lord
whatever that is letting you down right now

- - -

Wow public nga pala ito ano... I'm ok btw.

- - -

Finals week na next week. I CAN DO THIS.
Help me Lord.

Sunday, September 21, 2008

HALA

So little time, so many things to do:

Next week:
HSc55 Exercise on Epi Info
Eco185.7 Reflection Paper
LS 13 Reporting + Paper + Quiz
Philo101 possible Repetitio
Ch36 Reporting + possible LT
HSc55 meeting for Group Project
HSc55 possible quiz
Thesis
UAAP MEN'S BASKETBALL FINALS!!!

Next Next Week:
SA112 Final Paper
Eco185.7 Reflection Paper + Final Paper
Philo101 Group Presentation
Ch35 3rd LT
HSc55 3rd LT
Thesis submission

Next Next Next Week:
FINALS
HSc55 Final Paper deadline
Eco185.7 Final Paper deadline

Saturday, September 6, 2008

DAPAT TULOG NA AKO NGAYON.

Sabi nga ni Dad kagabi, he wants me to be asleep by 12midnight na. Pero di ko kaya kasi nagbago na talaga yung takbo ng katawan ko.

Sabi nga ni Dad kagabi, "it need it be" (na sobrang kinawindang ko dahil sa term niyang 'yan na sobrang nakakatawa), I have to let some things go.

Have I really accomplished enough?

If I did, why do I still feel this disappointment after I took that ch35 long test?

And why do I still feel that sadness whenever I think about the possibility that I wouldn't be able to act on stage for our newbie prod, Kwik-E?

Plus, I'm really scared of taking the cbc test tomorrow. Baka kasi kung anong madiscover about sa dugo ko diba.

I just miss the comforts of my own home. Sobra.

Sunday, August 24, 2008

NO INET LONG TESTS THESIS

Shucks. Ayon, title pa lang, parang descriptive na ng kung anong nangyayari sa akin ngayon.

Wala na naman akong internet sa dorm. Nandito ako ngayon sa internet cafe dito sa Katipunan (AT SHUCKS nakakaloka dahil ang layo nito sa dorm ko noh. PLUS, I have to walk here from the dorm kasi BAWAL na ang mga tricycle galing sa loob ng Ateneo towards Katipunan avenue. National Road na raw kasi yung Katipunan avenue so kung may mga tricycle roon, huhuliin 'yung mga driver ni Bayani Fernando.) Hassle pa kasi sobrang nangangailangan ako ng internet these days.

Sayang! Nakalimutan ko kasing magbayad last Friday for my internet. Sobrang feeling ko nauubusan ako ng oras. Kaya ayun, pinutol yung free internet namin nina Chicki at Mimi. Si Pia lang yung may internet sa room, at di naman siguro okay kung makigamit ako ng laptop niya ng matagal ano.

Long tests. NAkakainis lang. Dapat naglong test na sa CHEM 35 kahapon eh. Kaso, dahil sa pagka-cancel ng mga classes because of the heavy rains (na hinarap ko pa rin dahil kailangan kong pumunta for the elections that morning) and the holidays, na-move ang long test next Saturday (AUG 30) na kasabay din ng isa ko pang long test sa Epidemiology. Haaay. SO ayun, iniiwasan kong magpatong-patong ang lahat, kaya lang inuunahan ako ng pagkatamad. COMPLACENCY. SHET.

THESIS. Nagsimula na ang aming thesis-making. We are aiming for the WHO funding worth at least 10,000 US Dollars. Ang laki diba? Kaya naman kailangan naming magdevelop ng isang intervention method for Patient Safety. Balak naming mag-intervene ng monitoring system for health care-associated infections sa mga piling public hospitals dito sa Metro Manila. Sana may pumayag. At dahil sa sobrang short time, may deadline kami every Saturday na dapat i-fulfill. Oo nga, matrabaho pero gusto ko talagang maganda 'yung thesis namin! Sana mangyari ulit 'yung mga experiences ko sa research when I was in high school. Sana ngayon maitama ko na 'yung mga pagkakamali na nagawa ko noon. I believe I can do better this time! YEAH!

At tinanggap ko ang responsibility bilang pagiging Head Stage Manager para sa production namin this second sem, Ang Unang Baboy sa Langit. Mahal ko talaga ang Enta. Plus, Finance Officer pa ako sa 10x10x10 sa November. Nagtataka lang ako kasi hindi pa ako kinakausap ng maayos ng mga heads ng 10x10x10. Di ko nga alam kung nagmimeeting ba o hindi eh. Oh well... Kasama pa ako sa writers' pool ng Enta. Gagawa kami ng play from scratch. Plus, head pa ako ng Entayaw for RIB ng CADS. Sana masabay ko lahat.

Lord, sana masabay ko ang lahat. Sana kayanin ko. Go for A!!! Quatro na ito! HAAY.

Monday, August 18, 2008

LIPGLOSS DAW O.

So pretentious--'yun lang 'yung statement na nasabi ko out loud noong nakita ko ang video na ito sa YOUTUBE:



Takte naman o. Sobrang fan ako ng Gossip Girl, tapos ito ang igaganti ng Philippine Entertainment scene sa aming mga fans ng GG: Bibigyan kami ng Philippine VERSION ng GG?!

Wow naman. Nakakawindang naman ang concern ng mga nakapag-isip na ipalabas ang show na ito! Oh my God (forgive me Lord) pero sobrang nakakainis ang mga ganitong actions sa media. Oo, magandang gumawa ng show na oriented sa mga buhay ng teenagers ng ating bansa BUT why do they have to do this kind of shows na super panggagaya lang (AS IN TOTAL PHOTOCOPY OF) ng mga shows of the OTHER countries?! 'Yung mga tauhan (character-wise), sounds, wardrobe, school, screenplay-wise, yung sequences ng mga scenes from start to end ng shows, 'yung storyline! SHIIZ! Sampal talaga ito sa sining mga kaibigan!

Eh ano ngayon kung kumita at sumikat ang Gossip Girl? Hindi naman ibig sabihin nito na swaswak din sa panlasa ng Pinoy ang PINOY version ng Gossip Girl. 'Yung mga reality shows na inadopt natin from USA and the other European countries naiintindihan ko pa. Kasi 'yung mga buhay naman at KULTURA ng 'Pinas 'yung pinapalabas ng mga shows na ito. Pero mehn, may TRADEMARK ang Gossip Girl. At nakikita ko 'yung TRADEMARK na 'yon sa LIPGLOSS. Parang PLAGIARISM na 'to ng concept ng Gossip Girl TO THE HIGHEST LEVEL!

Kung ang mga kanta nga sinasampahan ng plagiarism case ng mga original writers nito (case in point: Cueshe na pawang pinapalitan lang nila yung lyrics ng mga kantang sumikat/di sumikat noon pa!; Salbakuta na sinampahan ng kaso ng paggamit ng chorus ng Stupid Love; etc), siguro kung malaman man ito ng writers and production team ng Gossip Girl, maaaring sampahan din nila ng kaso ang mga nagpasimuno ng PANGGAGAYANG ito.

At note lang ha, ang barok magenglish ng characters sa Lipgloss. Inaamin kong di ako ganon ka-fluent mag-english (as in with all the American accent and everything else that goes with it) at parang ang kapal naman ng mukha kong magreklamo. BUT, para naman sa ikakaganda ng show, huwag na kayong maging pretentious at mag-ingles ng mag-ingles na di naman talaga bagay sa inyong mag-ingles. Ang sama ko na, pero the heck... SAMPAL na talaga ito sa SINING.

Mas maayos pa ang pangongopya ng labreport kaysa sa show na ito. At least ang paraphrasing ng ibang lab reports di halata. ITO, sobrang nilantad pa.

Lastly, LIPGLOSS?! Parang spoof lang talaga ah. Dapat nang i-feature sa Bubble Gang 'to.

Saturday, August 16, 2008

I AM. I EXIST.

Oo. Binago ko na nga 'yung template ng blog ko. SA WAKAS! Natuto na kasi akong gumamit ng .xml files. And so ayun, napalitan ko na.

For three years, I've used luminescent as my blog name. I don't really know why I used that name. Siguro nabighani lang ako sa tagline na "glowing in the dark, shining when no one's around." But then ngayon, gusto ko kasing i-personalize ito. Buti na lang nakahanap ako ng template in the web, at ito ginagamit ko na. I'm planning on studying Adobe Photoshop soon (that is, if I ever have that chance to install the program in my computer) so that I would really be able to personalize my blog template.

AND NOW, what's up with I AM. I EXIST?

Nakuha ko ito sa PHILO101 (Philosophy of the Human Person I) namin with Sir Jope. Inaamin ko, from a scale of -10 to 10, nasa +2 pa rin ako sa paggrasp ng buong konsepto ni Rene Descartes. I was just amazed by how he thought of having the best way to think about things and to reflect upon it through the Universal Methodic Doubt---kung saan pinagdududahan niya ang lahat sa simula.

Ganito raw kasi 'yon. Isang gabi, nilamig si Descartes. Tapos tumabi siya sa isang umaalab na apoy para painitin 'yung nilalamig niyang katawan. Biglang naisip niya na maaaring 'yung nararamdaman niyang init na galing sa kanyang paligid ay parang panaginip lamang. Nagduda siya ngayon kung totoo nga ba ang pinararamdam sa kanya ng kanyang mga senses. And so ayon, tinanggal niya ang kanyang sarili mula sa kanyang katawan, so natira na lamang 'yung consciousness niya. Habang nagdududa siya, naisip niyang maaari 'tong gawa ng isang evil genius--na baka niloloko rin siyang maramdaman ang lahat ng gawa ng senses niya. So kung may evil genius, baka kalokohan na ang lahat (tama ba ito sir jope? naku... patay na sa repetitio.). Tapos natuklasan niya na sa proseso ng kanyang pagdududa, may lumilitaw na "AKO" na nagdududa--kung saan siguradong sigurado siyang mayroong AKO na nagdududa. Ito 'yung tinatawag nilang BEDROCK OF CERTITUDE--kung saan siguradong sigurado ka sa bagay na iyon. Ang Cogito Ergo Sum. I AM. I EXIST. Lumilitaw na mayroon pa ring AKO na nagdududa. I is delivered in the process of doubting (I AM) at totoo ngang nangyayari ito (I EXIST). Natuklasan ko lang sa philo na mali pa lang sabihin 'yung I think, THEREFORE I exist (or the other way around), kasi nga nagiging syllogism lang 'yung statement na 'yon. Eh di naman doon ang pinagugatan ng cogito ergo sum.

At dahil hindi immediate ang knowing ng isang tao, na kinakailangan pa niyang magduda, natuklasan ni Descartes ang kakulangan ng isang tao. "I AM IMPERFECT," ika nga niya. At mula roon, alam niya rin na may isang perfect na nageeksistensiya. The idea of perfect, of this, must come from someone greater than me, and plant it on me. Consequently, he came to the conclusion that GOD EXISTS. Isang hindi hahayaang lokohin tayo ng ating mga senses. At mula roon natuklasan na rin niyang OTHERS EXIST dahil hindi siya kayang lokohin ng mabuting Panginoon. Naku... sabog na sa philo.

That-then-which-nothing-can-be-thought talaga si God. Supersuperlative na 'yung meaning ng statement na 'yan.

Shucks. Parang nagrepetitio ako na worth C lang oh. Tsk tsk. Kailangan ko pang iclarify ito sa mga kaklase ko/prof ko. Well, para naman may connection sa blog kong ito, gusto ko rin kasing pagdudahan ang lahat. Ano nga ba ang katotohanan? Hindi ko rin alam. Basta ang bedrock of certitude ko, kung saan siguradong sigurado ako, ay ang katotohanang nagsusulat ako--na nandito akong nagmumuni, nag-iisip, nag-aaral, at nabubuhay--na merong AKO na nandito. Itong-ito. AKO. MERON.

At mula rito, nakikita ko ang mga imperfections ko--sa mga kakulangan ko sa paglikha ng mga magagandang blog entries, ng mga failures ko sa buhay, ng mga salat na aspeto ng buhay ko. At dahil doon, narerealize kong may DIYOS--na may isang PERPEKTONG nilalang na kailanma'y hindi ako lolokohin nor pababayaan sa paglakbay ko sa aking buhay. Consequently, I begin to recognize that there are the others--that they exist with me as a member of this society.

So ayon. Sana dito magsimula ang pamimilosopiya ko sa mga bagay-bagay. Haaay buhay, sa lawak mo sobrang di na kita mawari. Ngunit sana masabak kita ng kahit may pagaalinlangan ma'y maging matagumpay pa rin ako sa dulo ng paglalakbay na ito.

SOTGA

So I stated in my entry last time that I would be blogging about sotga soon. And since I'm still not in the mood to do my research, magkukuwento muna ako.

So ano ba 'yung SOTGA? Acronym ito ng State of the Taong Grasa Address. Parang satirical SONA ni GMA. Lightning rally ito na ginawa namin sa may Zen Garden ng Ateneo last Aug 13-15, 2008. Basically, mga taong grasa kaming lahat at nilahad namin 'yung maypagka-satirical na version ng SONA.

At dahil doon, nagkaroon ako ng chance na sumabak bilang Taong Grasang GMA at nilahad ko 'yung SONA ko sa mga tao na dumadaan sa Berchmans Hall kahapon. Sa totoo lang, nakakahiya 'yung ginawa namin, pero buti na lang naagapan ko 'yung hiya ko. INisip ko na para naman 'to sa welfare ng lahat para na rin mainform sila tungkol sa SONA. Moreover, ginagawa ko ito para sa org ko--para sa ENTA. And lastly, I'm doing this for myself--to prove to myself that I can be more than just dealing with my academics. Goal ko yatang maging excellent sa lahat ng aspects. Oo, medyo ideal but I really believe na kung magiging efficient and effective PERSON man ako, dapat di lang ako laging magfofocus sa career ko. Hello... Ang dami kayang mga factors na bumubuo ng TAO. At natuklasan kong dapat maging well-rounded ako kaysa naman maging isang super expert sa isang larangan lamang at naghihingalo naman ang pagiging makatao sa kabila. Nahihirapan yata akong maglahad ng mga thoughts ko ngayong gabi. Palibhasa nag-iisa lang ako ngayon sa dorm (Chicki--nasa Cavite. Mimi--nasa Cainta. Pia--somewhere with grandparents).

Mabuti naman at marami-rami rin ang mga taong nakahalubilo namin sa SOTGA. Sana nga lang naintindihan nila 'yung mensaheng nais naming iparating. Moreover, finally nabreak ko na 'yung ice ko sa pag-arte sa entablado. I know that hindi ito sa loob ng RMT, pero parang tanghalan na rin 'yung buong quad 1 para sa akin kahapon noh! At dahil doon sobrang salamat sa suporta ng lahat ng mga taong nakilahok, nakihalubilo, nanood, nakinig, at napalingon sa SOTGA.

And thank you LORD for not leaving my side. YOU keep my memory blazin' hot and energetic everytime I need it to be that way. THANK YOU! :)

Photoshoot sa Entaroom
Sa EDSA Walk at nakikipagkamay sa strangers. :P
With our bag. The best tayo ENTA!
Teri, Mimi (my alternate), Ako, Josh

BAGO.

And so ayon. Imbis na mag-epi, nagedit ako ng blog template. Gusto ko kasi ng bagong buhay. Gusto ko ring mag-update na lagi. Gusto ko nang ipost ang Illumina of the MOnth sa ILLUMINATE. Ang dami ko nang utang sa sarili ko. At kailangan ko pang i-CPR 'yung acads ko.

Lord Thank YOU.

I need your help... AGAIN. Well, always!

Thursday, August 14, 2008

CPR

I want to revive my academics.

I want to be the best that I can be.

I know I can.

I believe I can.

I love philosophy. Kailangan ko pa 'tong ligawan nang ligawan para sagutin na rin niya ako soon!

Pati Chem Lab kailangan kong irevive ang pag-ibig nito sa akin.

Medical Anthropology din.

Health Economics din.

Analytical Chemistry din.

Epidemiology din.

Leadership and Strategy din.

Lahat na!

Nakayanan ko na dati eh. Dapat squared ng lahat ng effort ang gagamitin ko para mas matindi 'yung tama ngayon.

MUST BEGIN NOW. SHUCKS.

Tuesday, August 12, 2008

AYOKO

Sa bilog namin sa enta last prod (tarong), nalaman ko na 'yung isa kong orgmate na si Dick na 5th year na niya ngayong magperform ay hindi pa nakita kahit minsan ng kanyang pamilyang magperform during his shows.

Maging ganon din kaya 'yung experience ko?

Sana hindi.

Ayoko.

Monday, August 11, 2008

ON MEMORIZING.

SOTGA na bukas.
It is now or never...

HELP ME LORD.

Sunday, August 10, 2008

AT DAHIL SOBRANG BAGAL KONG MAG-BLOG

at dahil super late na rin ng entry na ito, sasabihin ko na lang ang mga highlights ng mga events sa buhay ko from April hanggang August.

APRIL:
-pumunta ng Davao ang mga blockmates ko at dahil doon, na-tour namin sila. Ang saya ko dahil naappreciate nila 'yung lugar na kinalakihan ko.
-nagsimula ang summer sem: Biochem at Human Life Cycle, PLUS yung pagtuturo ko sa mga grade 5 kids ko sa HOPE ng Reading. Challenging sem, yet ayon, nag-enjoy pa rin ako.
-I turned 19. And sobrang hindi ko inaasahang bibigyan ako ng sorpresa ng mga blockmates ko, orgmates ko, coursemates ko, freshies ko, at ng mga close friends ko. GRABEH. nakakaloka. pero dahil doon, sobrang nasiyahan ako. Wala man 'yung pamilya ko dito sa Manila, naroon naman sila upang pasayahin pa rin ako.Blockmates sa DavaoBirthday ko
HOPE class

MAY:
-long tests at finals month. nagkandawerla ang schedules ko at dito nagsimula 'yung time na hindi na ako nakapag-update ng blog.
-nagaudition ako for TNTs.
-end of summer class
-nagmove ako sa bagong dorm (University Dorm-South na po ako!)
-ENTASportsfest project head ako.
-nagsimula ang preparations for TARONG

TNT 2nd Interviews
JUNE:
-ORSEM: LIYAB 2008. nakilala ko ang aking mga freshies na super the best! I'm so proud of them hanggang ngayon. Ang saya ko dahil ako 'yung naging TNT nila. Plus, nagkaroon ako ng artistang freshie--si Robi!
-Simula ng classes for first semester! WOHOO! HYPER ang mga subjects ko. nakakaloka.
-Simula na ng mga rehearsals for TARONG.XX2 Yahu! I love you guys!ako at si Robi after the mass
JULY:
-nakakaloka lang ang Philo class. nakakabore ang LS. I love Chemistry lecture forever, kaso 'yung chemlab nililigawan ko pa (hanggang ngayon!!).
-nagsimula na ang production na TARONG, kung saan naging parte ako ng production team. at nag-end din ito successfully. and I'm so proud to be part of this production. MABHAY ENTABLADO!
-nagsimula na rin ang mga iba't ibang activities namin sa Health Sciences Society. Ayun, since executive board member ako, naging sobrang busy din kami sa mga upcoming projects.
-long test weeks. hellish. lalo na sa EPI. nakakaloka.
Mga kasama ko sa Enta. HSc+Enta+Mia.Gala Night ng Tarong.

AUGUST:
-Midterms month. Halos every week may test kami
-may SOTGA kami. I'll tell the details next time.
-SOSE NIGHT. SAYA!

Ayun. MAg-aaral pa ako. 'Til next time guys. :)

Monday, August 4, 2008

AUGUST NA PALA, NANAMAN.

wala akong maisip na baong title, kaya dinagdagan ko lang from the previous entry.
- - -
I'm seeking for a blog change.
I'm looking for the right template.
For the right tagline/s.
And for the right color (or will i stick to this monochrome theme?).
Bakit kasi sa sobrang tagal na nito, parang ayoko nang baguhin dahil sa memories na naiblog ko.
Or do I need to change this to make something better?

Maybe I'm just waiting for the right time.

tapos biglang naalala ko yung sinabi ni Tiny sa Pobreng Alindanaw:

"Sometimes we search for the right choices, for the right paths to walk through, for the right time, for the right person, and for the right reasons, only to find out na dapat LEFT pala..."

May connection ba?

Parang wala.

Back to my SA paper due tomorrow, 5pm.

Sunday, August 3, 2008

AUGUST NA PALA.

ang tagal ko na ring hindi nakapagblog.

busy days.

o baka tinamad lang talaga ako?

expect an entry soon. flood na ito.

Saturday, May 17, 2008

NOTE TO THYSELF [DAPAT ISAULO]

Monday:
Biochem 3rd LT - 730-9
HOPE review session - 920-10
HSc 81 class - 1030-12
Study for Hsc81 LT - 1330 onwards.
do not be distracted.
if there's time, conceptualize for paper due on Friday

Tuesday:
Biochem class - 730-9
HOPE finals - 920-10 [which i'll probably not attend]
HSc 81 2nd LT - 1030-12
*MAKE PAPER DUE ON FRIDAY - 1330 onwards
*STUDY FOR BIOCHEM FINALS - 1330 onwards
*READ PAPERS FOR AVIAN FLU MUTATIONS - 1330 onwards


Wednesday:
is a day dedicated to BIOCHEM
make biochem ppt with groupmates (for reporting)
if there's time, make paper due on friday

Thursday:
BIOCHEM FINALS - 8-10AM, ESCALER HALL
remember: yakang-yaka mo 'yan neng!
practice with biochem groupmates for the reporting
finalize paper due on friday
isaulo ang avian flu.

Friday:
BIOCHEM REPORTING ON AVIAN FLU MUTATIONS - 730-9
pass the HSc81 paper (both hardcopy and softcopy)
BY 1800, RELAX
Meeting with J. Dennis Teodosio @ Superbowl (optional)

- - -

Nerd. OC.
I hope everything will go as planned.
Let God be by my side.
Last week. Last stretch.
I believe.
I can do this!

Monday, May 12, 2008

BROKE

So this is how it feels like...

- - -

I'm SUUPERR TANNED.
And I blame it to the sun sun sun...

Friday, May 9, 2008

KAILAN PA?

"BABAWI NA AKO"
"PERTEH... BABAWI NA AKO"

"!@^!%#& BABAWI NA TALAGA AKO..."


Biochemistry does make things a bit more complicated.

I believe I can do this.

The spirit is willing but the flesh is weak...

ENOUGH OF THIS.

STUDY. STUDY. STUDY.

- - -

Post-birthday entry postponed for next week (or the week after that). I can't believe how busy I am these days. I'm not using my free time efficiently. Magagalit na ang mga neoclassicals sa akin. Tsk.

Tuesday, April 29, 2008

NINETEEN

ayun. so,
sa lahat ng mga nagtext,
sa lahat ng mga nag-iwan ng mga offline messages,
sa lahat ng mga gumawa ng testi,
sa lahat ng mga tumawag,
sa lahat ng mga gumawa ng mini-message sa mga makukulay na papel,
sa lahat ng mga sumali sa "surprise,"
sa lahat ng mga sumulat ng mga mahahabang nakakaiyak na mga messages,
sa lahat ng mga nangakong magbibigay ng gift sa akin since last year na hindi ko pa natatanggap hanggang ngayon at nangako pang as SOON as possible nila ibibigay ang kanilang mga regalo sakin,
sa lahat ng mga nag-advanced/belated hpbd,
sa lahat ng mga fans ni juday,
sa lahat ng kumain ng cake,
sa lahat ng mga nag-iwan ng kanilang napaka"special" na regalo kay ate guard sa dorm,
sa lahat ng wala nang mga boses,
sa lahat ng mga lalaki sa kisses,
sa lahat ng mga bumati ng personal,
sa lahat ng mga nagprepare (nagcut, nagpaste, naglibot, everything!) ng kanilang mga regalo par
sa akin,
sa lahat ng mga di nakalimot at sa mga nakalimot na ngayo'y naalala na nila...

SALAMAT SALAMAT SALAMAT!

grabe... kung puwede ko lang ulit-ulitin ang april 28, 2008 gagawin ko.
pasensya at di ako nakapagTHANK YOU reply kaagad. wrong timing talagang mawalan ng load sa sariling birthday.

dahil kay juday, i'm suffering from cough and colds.

best greeting:
"gudmorning anak. HAPPY BIRTHDAY GEM! tsup! love, daddy, mommy, at cj"


sobrang di ako deserving mabigyan ng ganung "celebration." ang sama ko kasi pero mahal niyo pa rin ako. chos. :P

MARAMING SALAMAT!
MAHAL KO KAYO!


- - -

April 28, 2008 details to be blogged about in my next entry. I just have to deal with my two long tests first (ch151 + hsc81). Expect new blog entry by next week.

Monday, April 28, 2008

DANICA IS 19

Naghatinggabi na.
5 people greeted already.
I'm still hoping to be surprised later. :P

I'm really looking forward to a better year.

Happy birthday to me!

Sunday, April 27, 2008

ANOTHER YEAR

Ngayon ang huling araw ng pagiging-18 ko.

I need to study Biochemistry and Human Life Cycle.

Pray for me.

- - -

Excited na akong mag-October/November!!!
first time ko ito! FIRST TIME!!!
yehess!!!

Sunday, April 13, 2008

JUNIOR YEAR STARTS NOW

The title says it all.

I have two subjects this summer: Chemistry 151 (Biochemistry), and HSc 81 (The Human Life Cycle [elective]) which would run daily. Plus, I have EB duties in the Health Sciences Society, and Deputy duties in Entablado. I also have teaching duties for HOPE daily. Plus, I have plans to be a TNT again for OrSem 2008.

Yes. I know. Busy me. OA-busy na naman ba?

No. I would make it up this semester. Quatro semesterS coming up!

THANK YOU LORD!

7:30 classes daily. Kaya ko ito. Yes PERALTA beybeh! work with me!

- - -

wow! Three entries today? Naghahabol na talaga ako ano? Sana may nagbabasa pa rin. Sana. Sana.

ON DRIVING

Yey! Sa wakas nawala na rin 'yung fear ko of driving.

During the break, I made sure that I was able to drive the car throughout the village for at least an hour. Problema ko na lang is yung parking. Tsk. Sa ngayon, nahihirapan pa rin akong magdrive ng pabaliktad---in the sense na di ko pa naviview kaagad kung saan pupunta ang kotse papalikod kung ang manibela ay iikutin ko papakanan, etc. Hindi ko pa rin naipapark ng maayos ang kotse sa garahe. 'Yun kasi ang kundisyon ni Pare. Kailangan ko munang matuto magpark bago ko puwedeng ilabas ang kotse sa village. Hay naku. Sa October na nga lang ulit.

Ay oo nga pala. Nasabi ko na dati na may driver's license na ako. Yey! Non-pro driver na ako. BUT I still have this guilty feeling inside me (until now) dahil sabihin na natin na hindi ko tinake ang "usual" procedures of acquiring a new driver's license in our region's LTO. Medical exam pa lang, passed na ako kaagad sa urine & blood test. I passed the licensing exam easily, in contrary to a lot of others who failed it a number of times. I didn't touched the steering wheel, yet I was able to pass the practical driving exam. WHY? We had contacts, and ayun. They played their part so well that it was as if I really REALLY went through all the procedures fairly, just like the others.

Wala lang. Sabi ng iba, reality iyan na kailangan mo nang tanggapin. At least I got help from them daw. I've also learned that a lot of my friends also had the same "aid" from some officers in the LTO. Kasi kung wala sila, baka hanggang ngayon wala pa rin kaming (akong) driver's license.

Pero 'yun nga. Isa kasi ako sa mga taong gusto na ang lahat ay sumusunod ng maayos sa mga itinakdang patakaran ng mga nasa posisiyon. Lumaki akong tinuruan ng "magandang asal," ng mga iba't ibang rules and regulations na dapat nating alamin at sundin. Nahulma ng mga iba't ibang theories 'yung utak kong mag-isip ng isang idealistic space where I could live in. Sa sobrang idealistic ng mga paniniwala ko, nagiging impraktikal na ako minsan. Hay tama na ito. Nawawala ako sa main point ko. Basta, 'yung concern ko lang eh 'yung fact na ang daming nangyayaring pandadaya na nagaganap even at our local level. Ako mismo dumaan sa proseso ng pandaraya sa LTO ng aming region. Kawawa naman ang mga taong naghintay ng napakatagal na panahon para lamang makuha ang kanilang mga lisensya, to think na ako--AKO na super unexperienced-can't-even-park driver ay nabigyan na KAAGAD ng lisensya. Wala pa akong restriction that I need to have my glasses on when I drive to think that I've had astigmatism since prep. Tapos, agad-agad lang nilang pinapapass ito?

Di lang sa LTO ko ito napansin. Sa DFA rin. One day, my family went to the DFA to renew our passports and para na rin gawan ng passport si kapatid. Again, we had contacts. So, instead of the usual 12-hour tambay in the DFA, we were just there for two hours. Sobrang jampacked pa ng office with people trying to get their passports. Sobrang nakakaguilty kasi halata naman na ang late naming dumating, ngunit kami pa rin yung naunang matapos. Plus, we entered the office of the head pa! Tsk. Ano ba ito? People fall in line as early as 4am outside the DFA office. Some even sleep outside the office just to have their passports at least by the afternoon. Grabeh ito.

At malamang nagaganap din ito sa iba't ibang offices, mapa-government pa man ito o private company.

Hay naku. nagBLAH na naman Ako. Pero naman oh, sorry PARE kung sinasabi ko ito. Pero mali talaga 'yung ginawa natin. OO, mas naging "hayahay" tayo sa ginawa natin that time, BUT then we have to think of the others who followed the procedure well. Kaya nga nagkakaroon ng problema ang bansa. May mga taong nagtatakda ng mga patakarang kailangang sundin ng bawat mamamayan ngunit sila mismo (at ang mga taong close sa kanila) ay ang siyang mga taong di sumusunod dito. Wala ring efficiency. Tsk.

Bata lang ako. Wala pang pangalan. Wala pang ganun kalaking imlpluwensiya sa lugar na tinitirahan ko--moreover, sa region na ito, moreover sa bansa. Wala lang ako, pero at least nag-iisip ako ng ganito.

Narealize ko lang ngayon: ang olats ko pala. I'm criticizing the things I have observed in the LTO and DFA office. Yet still, I have my license securely placed in my wallet right now. Moreover, I would not like the feeling that my license would be taken away from me, because I didn't followed the licensing procedures fairly (to think that I'm able to drive NOW, well except park of course :P). I wouldn't like the feeling that we were prevented to go outside the country because we didn't follow the procedures well. I'm afraid that those people heading those government offices would lose their jobs because they may really be the ones who are worthy of those positions at least as of now (naging sobrang mabait lang sila kaya sila nagpapasingit ng ibang tao). Hay ewan. Too serious. I miss my highschool self.

The more we get to learn about things, the more we tend to feel unsatisfaction and depression as we realize that these events widely occur in our surroundings. Children view the world as an idealistic place full of fun, joy, and Santa Claus. Once they've learned the things about life. then their idealistic world slowly degrades into that sad reality. Parang yung mall na heaven para sa atin ay isa palang napakahigpit na lugar kung saan di mo malalasap ang lahat ng sarap ng buhay sapagkat ang lahat ng ito pala ay may kapalit. Everything is commodified, ika nga.

Shatap. Nonesense na ito. Forgive me for this. Ang pangit ng coherence + grammar. Parang di ako nag gradeschool + highschool + first year! Pero the fact na nag-iisip ako ng ganito makes me feel good. Mature.

Parang may wisdom na sinend sa akin from God above. Chos!

- - -

Classes na bukas.

GLAD TO POST THIS

THANK YOU LORD FOR ANOTHER SEMESTER.
thank you Lord for another CHANCE.
akala ko wala na... But You are just full of SURPRISES!
Doubting You would be the biggest mistake anyone would ever make.

I've worked hard, laughed, pined, cried.

and to all the people who helped me get through this semester, THANK YOU FOR BEING IN MY LIFE.

SOBRA. *iyak*

- - -

classes start tomorrow.
Quatro semesters coming up!

Tuesday, April 1, 2008

AYUN, BITTER.

DISCLAIMER: Sobrang pagrarant lang ang entry na ito. Hayaan niyo na ako. Minsan lang ito mangyari.

- - -

It all started with a certain "fear" that I've experienced as I was enlisting my subjects online last October 2007. Gahd. Ambeth Ocampo. Leland dela Cruz. ORGANIC CHEMISTRY. And then the entatext na nagproproclaim na ako na raw ang SM deputy for the production this semester. Oh God. How will I ever EVER survive this semester?

And so ayun. Sinabi ko na kay Mare at Pare na sobrang challenging ang sem ko. Honestly, natatakot akong bumaba ang grades ko. Nakakuha ako ng scholarship sa Ateneo dahil sa mga grades ko. At ang natatanging kundisyon lang ng OAA is to maintain my grades. So ayun, I already started nice and strong so far. Kaso when I started this second semester, I had this itchy feeling that 'yun nga---baka, BAKA maging loose yung grip ko sa standing na binuo ko for the past year + sem. AYokong mawala ang scholarship ko. Dahil kahit anong gawin ko, kahit na lumuhod pa ako sa harapan ng OAA at mismo kay Fr. Nebres, kapag di ko namaintain ang QPI requirement ko, goodbye scholarship na kaagad (and probably goodbye Ateneo). BUT NO! Of course hindi ko hahayaan yun ano. Like duh, ako kaya si Danica Pasia.

Ilang beses ko na ring naexperience yung magkaroon ng sobrang mabababang scores sa exam. Grade school struggle na ako sa reading (takte kang reading ka. tsk.). Highschool pa lang sobrang pinatikim na ako ng 2/30 sa Physics 3. Sa lahat ng mga math na tinake ko noong highschool, sobrang ang bababa ng mga nakukuha ko sa quarterly exams (quizzes lang ang pambawi ko). Nagstruggle ako sa English (kaya nagtataka ako HANGGANG NGAYON kung bakit sa akin binigay ang "proficiency" award for english, at HANGGANG NGAYON, i feel that I DON'T REALLY DESERVE IT). Pero sa bawat end ng mgan quarters na pinagdaanan ko, lagi akong nakakatanggap ng award/recognition. Hindi ko masasabing namaintain/napataas ko ang mga averages ko every quarter (kasi wala talagang trend at all). Pero yung katotohanan na may nakukuha ako every end of the quarter is the thing na sobrang naeexperience ko all my life--well at least, up to now (and hopefully in the future na rin! Lord sana).

Kaso iba ang feeling ngayong college. OO. inaamin ko ang hirap ng college. So basically binabaan ko ang expectations ko from myself. Pero ayun, nagsimula rin ako ng maganda in college. At ayun, nareach ko rin ang point na mataas na nga, at ayoko na ring bumaba. Masakit na kung bumaba pa ako kasi ang dami dami ko nang iiinvest na panahon upang ma-maintain yung qpi ko noh. So ayun, despite my OA-busy schedule this semester, inayos ko pa rin. I made it sure na nakakapagaral talaga ako ng husto. Umabot din sa point na 3am na ako natutulog at nagigising ng mga 7am for my class eh. Na-reach ko na rin ang point na 27 hours akong walang tulog (DAHIL SA STAT NA YAN). Naramdaman ko na rin yung feeling na nag-aral naman ako ng husto, pero bokya pa rin yung nakukuha ko. Naexperience ko rin yung MALI yung napag-aralan ko for a certain long test. Naexperience ko ring tumulong ng ibang tao, kaso noong ako na ang humihingi ng tulong, wala lang mang initiative na tulungan din ako ulit (bitter). Sino ba namang gustong makaramdam/makaexperience ng ganun diba? Ako, ayoko. Pero nangyari pa rin ang mga iyon.

Inaamin ko, nahirapan ako ngayong semester. Dahil siguro sa sobrang daming requirements at sa kulang na panahon dahil ginawa kong busy ang sarili ko para sa iba pang mga bagay. Yet I don't blame my other "activities" for this inexplicable lousiness that I have exemplified in my academic performance this semester. Irresponsibility lang at time-mismanagement ang nangyari sa akin this semester. At nadistract lang siguro ako. So ayun, yung takot na naramdaman ko noong online enlistment naging prominent throughout the sem. Nilalabanan ko yung takot na iyon, thinking na OO, kaya ko itong harapin at tapusin with flying colors.

Pero ano nga ba ang nangyari? All the while alam ko I'm doing well. May mga occasional na "babawi ako." Hanggang sa umabot sa mga panahon na "bumawi naman ako, kaso di lang talaga natamaan sa bulls eye." Sorry malabo. Malabo rin kasi ang pag-iisip ko nowadays. Hindi ko alma kung matutuwa ako o hindi. Of course dapat manghinayang ako sa mga sinayang kong panahon this sem. Sa totoo lang, ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon: sobrang uneasy ako sa performance ko.

Grade-conscious ba? OO. The time I felt that I wasn't in my game sobrang nabahala na ako. Ito lang ang paraan para matulungan ko somehow ang mga magulang ko sa pagpapaaral sa akin. Sa pagmemaintain lang ng grades ko sobrang dami ko nang natutulong. What more sa pagiging DL pa diba? Sobrang bonus na iyon para sa kanila. Ayoko kasing mabahala rin sila sa kalagayan ko sa college. Ang dami na ngang ginagastos para sa akin plus ganito pa ang performance ko? Please naman Danica Pasia--umayos ka naman.

Alam kong advanced ito na pagblablog about my performance this semester. Hindi pa out ang mga grades as of now. So far ang alam ko lang na grade is from DS. Honestly sad ako, pero there's a part of me na nasisiyahan sa fact na napasaya at naimpress ko somehow si Leland during the orals.

Haaay Lord. Heto na naman ako, sasabihin ko na namang "Babawi ako."

Totohanin na natin ito. Yes. OO. Quatro sems coming up.

- - -

I got my license today. I'll blog all the gate-keeping activities that happened earlier. Sobrang form of corruption na ito. Government offices talaga. Tsk. Kawawa naman ang 'Pinas.

Saturday, March 29, 2008

MAKE IT OR BREAK IT

After approximately eleven hours and forty-seven minutes after I publish this entry, I'll be making it or breaking it in my last DS orals. I believe I can really do this.
Relax lang Danica, yakang-yaka mo 'yan!
Kk. I just need to get some sleep.
Thank You Lord for everything. :) I know that You will never forsake me in times of need. Kaya ko ito. Kaya natin ito. And it is good as done! :)

Thursday, March 20, 2008

160

This is my 160th entry for this blog.

Tiningnan ko muli 'yung mga entries na sinulat ko from the start. Grabeh. Ang laki pala ng pagbabago ng paraan ng pagsusulat ko / paglahad ko ng mga pananaw ko ukol sa mga bagay-bagay. 'Yun nga, mas naging seryoso ako simula noong nagcollege ako. Halos lahat ng entries tungkol sa acads: kung gaano ako naghihirap, mga listahan ng mga long tests, org activities, etc. Namimiss ko tuloy 'yung paraan ng pagbla-blog ko noong highschool = hindi gaanong seryoso. OO nga, busy nga minsan sa acads pero 'yung katotohanan na nakakapagblog ako tungkol sa mga nakakatuwang moments ko noon ay isang napakatinding bagay na di ko na nabla-blog ngayon. Hindi naman sa sinasabi kong boring ngayong college--as a matter of fact, sa sobrang daming nangyayari araw-araw, di ko na natatrack ang lahat ng ito at di ko mahaka ang lahat ng mga bagay-bagay para maisulat ko dito sa blog na ito. Everything seems to go so fast that its as if nothing happened at all. Yak. Inappropriate statement. I knew it.

Bakit ba hindi ako nakakapagblog ng mas madalas? In addition to my claim na "busy" ako, napapansin ko rin kasi na wala na yatang nababasa pa ng blog ko [well compared to my audiences/readers na sobrang dami before diba...]. Ayun, parang tinatamad na rin akong magsulat. Siguro mas gusto ko ng mas malaking audiences. Kaso yun nga. Di ko naman maiiwasan yung fact na baka magsawa sila, or baka busy rin sila sa kanilang mga buhay-buhay. Next, naexpose ako sa sobrang tinding pag-eenglish at sobrang tinding pananagalog ngayong college. Gusto kong makapagsulat ng isang napakagandang essay on development, poverty issues, current public health situation of our country, my views on some profound subjects, etc. Basta something na deep, may dating, nakaka-tama, at profound talaga. All throughout the years I kept on blabbing only about myself, my rants, my whats, whys, and other what nots. Eh sobrang minamaliit ko yata yung kakayahan kong magsulat kasi sa tingin ko, kung magsusulat man ako ng article na maganda, baka magtunog-jologs pa yun at maging sobrang uncool, sobrang pointless = pangit. Ewan ko ba.

- - -

O, so ano na ba talaga ang nangyayari sa akin ngayon? Aside from struggling in my acads, naging minor in org works din ako for the past months. Of course, naging SM deputy ako sa successful production ng Entablado na Tanikalang Guinto. Dahil sa experience na ito, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga katoto. Sobrang ang dami ko ring natutunan tulad ng mga gawain ng mga SMs hanggang sa mga views ng mga iba't ibang tao ukol sa mga issues na hinaharap ng ating bansa. At oo nga pala, naging active din ako sa health sciences society through the FGDs = study sessions na inaarrange namin ng isa ko pang blockmate for everyone. Nagpapanggap pa nga kami bilang sina jothe at rithal para matago yung identities namin. At ayon, tumakbo ako bilang executive board member ng HSS, at ayon, nanalo ako. Sana nga lang magampanan ko ng maayos ang responsibilidad na ito. Of course, gusto kong matatag ang HSS bago ako grumaduate.

Next, naging host/emcee ako during our Health Sciences night. Sobrang kinabahan ako kasi naman hindi kami ganoon ka-handa ni Kuya Lorenz sa kung ano ang mga dapat gawin/sabihin. Basta, nagsalita lang kami ng nagsalita that night. At buti na lang somehow napasaya rin namin ang HSc community. Salamat naman at hindi naging boring ang event kagabi. At salamat din sa fact na ang ganda ko kagabi [dahil sa tulong ng room 107 sa eliazo--ang aking hair & make-up team, at siyempre nina nina, luis, at pao --- ang aking wardrobe team]. Ang sayang makitang nagbabonding ang lahat ng mga HSc majors kagabi. Pati mga profs naki-sayaw din. Ang saya.

Nadiskubre ko ring may potential ako sa larangan ng JUDO. 'Yun kasi ang kinuha ko for my PE this semester. At during the finals, ayun, nanalo ako. CHAMPION na naman [with a gold medal this time]. Siguro gifted talaga ako sa larangan ng martial arts. This body is built for martial arts. Too bad I have to do other stuff at isinasatabi ko na lang ang gift na ito. Tsk. Sayang.

- - -

So Danica what's up after 159 entries?
Ayun, eto pa rin ako. Masayahin. Corny pa rin. Nakikidrama. Artista. Lumalaban. Walang inaatrasan. Tumatawa. Lumuluha. Kumakain. Nakikinig. Naglalakad. Nag-iisip ng iba't ibang mga bagay. Gumaganda sa pagsikat ng araw. Gumaganda sa pagmulat ng buwan. Nagsusulat for herself, hoping to touch others as well.

Hay naku. sa susunod na nga lang.

- - -

Next Picture:
Monday - ORGANIC CHEMISTRY FINALS, NIHONGO FINALS
Thursay - DS 3rd Long TEST
Saturday - DS FINALS [Lord, sana di na ako magtake PLEASE!!!]
Sunday - I'm going back home... finally!

- - -

...I'm not afraid of FAILURE
because, it is NOT an option
and it will NOT HAPPEN...
and I'm PREPARED to be TIRED EVERYDAY of MY LIFE
in my quest for EXCELLENCE...

Lord, guide me. Help me. It is good as done.

Tuesday, February 26, 2008

ANG BUHAY NI DANICA PASIA

Ito na 'yung isa sa mga linggong nakakapagpakaba sa akin.
Bukas, may Organic CHemistry 3rd long test ako.
Sa wed naman, Orgchem lab graded recitation.
Sa thurs, DS [OH MAY GAHD] 2nd long test.
show din ng TG sa thurs.
Sa fri, Sci 10 3rd long test.
show din ng TG sa fri.
Sa sat, 7:30am NSTP {last na}
last two shows na ng TG (fulfilling, parang ang saya na at the same time ang lungkot...)

Gagawa na ng projects/papers, dahil papalapit na ang mga deadlines.
Next week, ORGCHEM LAB long test.
Papalapit na ang finals.

LORD. TULUNGAN NIYO PO AKO.
hindi ko na kaya ito nang mag-isa.
Kayo na po ang bahala sa lahat.

Sunday, February 17, 2008

On Confessions

I had a confession yesterday during our NSTP recollection.

And I just realized that ang emosyonal ko palang tao.

'Yun lang.

Busy Busy Busy Me.

- - -

Lord, Help ME.

Friday, January 25, 2008

UPDATE

HAPPY BIRTHDAY MA.
you know you love me,
you know i love you too!
you're the bestEST. :p

---

I've been busy after recovering from the gastroenteritis and the intestinal amoebiasis I got from eating too much buko during the holidays. Well, I've been back to school since the 7th and had been sleep-deprived ever since.

Chem, DS, Stat, History, Sci 10, Jap, at Judo surely stresses me out.
Enta plays are fun but really, nakapapagod din.

But then again, this is my life.

And I love this playing field I got myself into.

So for now, I'll be on blog leave.

And with the Lord by my side, I believe that all things are possible.

I still have a game to win, a goal to achieve, a life to live...

God bless everyone!

Saturday, January 5, 2008

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!

acute gastroenteritis second-degree to intestinal amoebiasis...

so much to start 2008 with!

***

I'm hopefully going back to manila tomorrow.

Stomachaches, calm down please.

Study. Study. Study.