Wednesday, September 30, 2009

RESPONSE

I know makakabawi ang lahat. makakabawi. makakabawi.

COOR RANT #2

IF I COULD JUST MAKE THINGS THE WAY THEY SHOULD BE SOBRANG DAMING MAGIGING MASAYA.

PERO SOBRANG HIRAP N'UN. AT NAKAKAINIS KUNG INIISIP NG IBANG TAO NA 'DI NAKIKITA/NAA-APPRECIATE/NAKAKATANGGAP NG SUPPORT MULA SA AKIN ANG MGA GINAGAWA NILA.

LORD PLEASE KEEP ME SANE. IN THESE TIMES OF TRIALS, WHEN MOST OF THE PEOPLE AROUND ME ARE STILL RECOVERING FROM THE WRATH OF THE TYPHOON, PLEASE KEEP ME SANE. PLEASE GIVE ME THE PATIENCE THAT I NEED TO THINK ABOUT HOW THINGS WOULD GO ABOUT DESPITE THE HEAVY RAIN. LORD PLEASE HELP ME.

I DON'T WANT TO DIE BECAUSE OF A NERVOUS BREAKDOWN. I DON'T WANT TO DIE NOW BECAUSE I KNOW I CAN STILL DO SOMETHING... IF ONLY OTHERS WOULD ALSO DO THE THINGS THAT THEY OUGHT TO DO DURING THESE TIMES. LORD TULONG!!!

+++

I SUPER HATE ARROGANT PEOPLE. PLEASE PUWEDE BA?! LAHAT TAYO TAO. LAHAT TAYO NAKAAPAK SA LUPA. HUWAG NAMAN TAYONG MAGMAYABANG! NAKAKAINIS! SOBRA! OO MAGALING KA PERO DON'T PUSH IT TO OUR FACES IT TENDS TO BE ANNOYING AS HELL. AT HINDI NA KAPURI-PURI ANG MGA GINAGAWA MO KUNG GANYAN LANG NAMAN ANG UGALI MO! GUSTO KITANG MURAHIN PERO 'WAG NA LANG. MATANDA KA NA PARA ALAMIN ANG TAMA SA MALI. AT MARAMI PA AKONG BAGAY NA PUWEDENG PAG-UKULAN NG PANSIN KAYSA MURAHIN KA NANG TODO.

+++

THE POLITICS OF ALL OF THESE CAN DROWN YOU. PUWEDE KANG LAMUNIN NG SISTEMA. HINDI AKO PINALAKI NG MGA MAGULANG KO NANG GANITO. HINDI AKO MAGPAPATALO.

Thursday, September 24, 2009

ONE SECOND LAPSED

and it's done.
and it's hurting.. shit.

Monday, September 21, 2009

LET IT GO

nalulungkot ako.

hindi ko naiiwasang isipin na oo may panahon pa para magbago ng desisyon.

pero hindi. hindi hindi hindi!

napagdesisyunan ko na na ito na ang ikabubuti ng nakakarami... at pati na rin ng sarili ko.

nakakahiyang naiyak ako sa foh table kakaisip nun! ay naku.

gaganda rin ang bukas. magiging masaya rin ako dahil dito.

Wednesday, September 16, 2009

JOKE

I think I must really learn how to articulate my issues that have been building up for the past few days. Sometimes I tend to feel so empty, as I try to fill up others' problems and demands as I go along this thing called life. And as I try to recall how easy the situation was before, I have deduced that yes, I think I need a break. I need to relax. I need an immersion weekend again. I need my family. I need my friends. I need to be back to my happy-go-lucky self, getting the highest grades anyone could ever imagine though I do not spend that much time studying. I need to be in high school again. I miss the simplicity and humility of our home. I miss my sister. I miss my parents. I miss 134 Aster street. I miss chemistry. I miss my high school friends. I miss commuting. I miss fudge. I miss my cousins. I miss everything that I've been "giving up" ever since I entered college.

But if I go back to be the way I was before and give up everything that's on my hands right now, I believe a lot would be pained. A lot would be wounded. Betrayed. I don't want that to happen. I really don't.

Thinking about it, I believe I must really find something or some way to articulate everything beyond this blog that I have been maintaining for the past four to five years. Blog lang ito, baka ma-misinterpret pa ng ibang tao kung ano talaga 'yung sinasabi ko rito.

Sabihin na lang nating joke lang ang lahat ng ito. Kunwari wala akong sinabi. Chengkeh lang ang lahat. Echos lang.

Makapag-philo na nga lang!!! ORALS ko na bukas!

BASO BA TALAGA?

Mukhang shot glass lang yata.

Ang hirap magpaka-timba, lalo na sa larangan na ito, lalo na kung wala naman akong suportang nakukuha mula sa iba.

Ang hirap magbigay ng positive reinforcement sa ibang tao, lalo na kung wala naman akong nararamdaman na gan'un mula sa kanila.

Makasarili ba? Ewan. Ewan. Ewan is the word of the season.

Hindi na ako sigurado dahil sa lahat ng mga ito. Minsan nawawalan na ako ng tiwala sa sarili. Siguro ako 'yung tipo ng tao na kailangang makarinig ng feedback mula sa iba. Hindi sapat sa aking pinapabayaan lang ako kasi talagang mapaglaro ang buhay... Ang unpredictable ng mga mangyayari. At ayokong masaktan. Ayoko na. Ewan...

Higit sa lahat, ayokong makaapekto ng iba dahil sa mga maling akala ko. Yes, people are social beings. I am immersed into situations where I MUST work with people, share them my thoughts and ideas. Pero baka pinipilit ko nga lang ang sarili ko at baka di ko lang matanggap na 'yun nga... Na shot glass lang ako. Or lalagyan ng sawsawan. Ewan...

Misplaced ba? Pinipilit ko ba talaga ang sarili ko? EWAN!!!

BASO.

I just realized na sobrang nega ng previous entry ko.

So anyway, I remember my mom telling me to never skip meals. Mababaliw daw ako kung di ako kakain.

Last week, I had only one meal per day. Kinaya naman. At di naman ako nagkaka-ulcer (THANK GOD!). Minsan kinakabahan ako kasi baka maging anorexic ako. Buti na lang na-maintain ko pa rin ang shape (SHAPE?!) ng katawan ko. At contrary to what people may think, HINDI PO AKO NAGPAPAPAYAT. Kailangan ko lang magtipid. Siguro somehow (but not totally) due to my previous entry. Pero nagtatabi talaga ako ng at least 2,000PhP per month. At hinding-hindi ko gagastusin 'yun kasi kung hindi, hindi ko na naman matutupad 'yung goal ko.

Anyway, kaka-stress test ko lang. Results show that I efficiently handle all the situations I am in. Hay naku ewan ko ba kung maniniwala ako diyan sa stress test results na 'yan. Minsan iniisip ko na baka pinipilit ko lang 'yung sarili kong maging parte ng isang situation. Na minsan, compelled to do things lang ako, though talagang matitindi 'yung hesitations ko sa paggawa ng mga bagay-bagay na 'yun.

Nalulungkot ako kasi minsan, hindi ko naipapakita 'yung galing na gusto kong mapakita kasi inuunahan ako ng takot at pagaalinlangan. May isang paparating na bagay na gustong-gusto ko talagang gawin (kahit ngayon lang last na kasi.. as in, huling-huli nang pagkakataon... at sigurado ako doon) pero inuunahan ako ng mga bagay na iniisip kong baka mas makabubuti sa mga tao, para sa lahat... at para na rin sa sarili ko.

Paano ko ba titimbangin ang mga bagay? Ano ba dapat 'yung pipiliin ko: 'yung bagay na gusto ko? o ile-let go ko na naman 'to na baka mas ikabuti pa ng lahat, kasama na ang sarili ko?

Siguro nakakaramdam lang ako ng ganito dahil wala akong naririnig na tulak mula sa ibang tao na sumabak ako dito sa bagay na gusto ko talagang gawin. 'Yung dating pa nga ako pa 'yung tumutulak sa ibang subukan ito. Baka nakikita nilang mas nararapat ngang gawin ko na lang 'yung commitment ko kaysa sumabak pa sa isang bagay na di naman ako siguradong kaya ko ngang gawin nang mabuti. Ewan. Insecurities. Oras. Pagaalinlangan. Competition. Responsibilities... Lahat 'yan tila pumipigil sa aking umagpas mula sa estadong kinalalagyan ko.

Naaalala ko tuloy 'yung sabi sa Philo102 namin. May mga tao talagang baso lamang. May mga taong timba naman. Kung baso siya, kailangan niyang i-aim ang pagiging baso. Huwag dapat siyang mag-aim na maging timba dahil sa kalagayan at pagkabigay niyang maging baso lamang. 'yung timba naman, huwag dapat siyang makuntento sa pagiging baso lamang dahil timba siya. Hindi maaabot ng baso ang pagka-ganap kung sosobra o kukulang siya sa kanyang pagiging baso. Likewise, hindi magiging ganap ang timba kung makukuntento siya sa pagiging salat o sa pagiging sobra ng kanyang pagiging timba.

Ano kaya ako? Baso o timba? Gustuhin ko man maging timba, mukhang baso lang yata ako. Itulak ko man ang sarili ko, wala ring mapaglalagyan 'yung kung ano pa mang merong katas na mapipiga ko pa mula sa sarili ko. ewan ko ba...


Ay naku... Enough of all these drama shiiiz. Baka magka-period lang ako. Hormonal.

AMA, INA, ANAK

May hangganan nga ba ang pagiging kapamilya? May hangganan ba ang pagiging anak sa ama't ina?

Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga yung gagawin namin sa ngayon. Ang controversial naman kung ibo-broadcast ko pa dito yung mga nangyayari sa amin ngayon. Ewan ko ba... Oo, apektado ako. Aaminin ko 'yun. Hindi naman ako isang manhid na tao, porke't dito ako nakatira sa Manila at nandoon silang lahat na nagkakagulo sa Davao. Naiinis ako na parang wala akong magawa. Ito na 'yung bagay na kumukulit sa isip ko araw-araw--na bakit gan'un 'yung nangyayari ngayon? Bakit maraming nasasaktan?

Siguro kung nandito pa si Papalo ngayon, di siguro kami nagkakagulo ng ganito. Nakakainis.

Masaya naman kami dati... Pero ngayon, di ko man lang namamalayang nagbabago talaga 'yung panahon. Kung kaya ko lang bumuhay at sumuporta ng pagpapalaki ng ibang tao, ginawa ko na. Pero hindi ko pa kakayanin.

Naiinis ako sa'yo. Nasisira 'yung buhay namin dahil sa'yo. Sana matauhan ka na mali--TALAGANG MALING MALI 'YUNG GINAGAWA MO! TAKTE KA! Ayokong may nasasaktan sa pamilya natin pero IKAW ANG PASIMUNO NG LAHAT NG ITO!

Akala ko we really have a very happy family... But then again, REALITY BITES.

But then again, we must maintain respect. Respect. Kahit gaano pa man siya kagago, kadugo mo pa rin siya. Respeto pa rin. Respeto.

Sana tunay pa rin 'yung respetong ipinapakita natin sa isa't isa. Hindi lang dahil KAILANGAN kitang irespeto dahil ikaw IKAW. Ang dami mong sinasaktan. Sana matauhan ka na.

Sana bumalik na 'yung taong nakilala ko mula noong bata pa ako. Hindi pa sila nawawalan ng pag-asa sa'yo, though honestly ako, medyo nawawalan na. MAGPAKATINO KA. MAY PAMILYA KANG DAPAT SUPORTAHAN, AT NAGHIHIKAHOS AT NAGHIHINGALONG MABUHAY! TAKTE!

Sunday, September 6, 2009

MAY SAKIT PERO DAPAT WALANG SAKIT

Maaga akong nagising ngayong araw. 7am, gising na gising na ako. Pero hindi ako makagalaw. Di ako makagawa ng kahit ano!

Nilabanan na ako ng sakit. Ay naku. Nakakainis lang 'yung katotohanan na habang nagtatype ako, di tumitigil 'yung tulo ng sipon ko!! Kadire.

At natatakot akong uminom ng gamot. May iba pa kasi akong gamot na iniinom. Baka kumontra ay naku! Ayokong magka-LBM dahil lang dito.

***

Ngayon - Distinction dinner (DL daw kasi ako. nakakainis na kinalimutan ako n'ung arsa acadcom whatever shiiz. kung di pa sinabi ni chicki, eh di talaga nila ako iimbitahin.. hmph! waley!!! nagtampo?! ahahah). may paper na sisimulan. two messages to write. preparation ng calendar + email para sa PD. org works. read physio. leadership training module. PANEL PRESENTATION!!! REST.REST.REST DAHIL NAGKAKASAKIT NAAA!!!
Bukas - Diba bida rehearsals 10am - 4pm (siyempre may break! di ko kakayanin ang tuloy-tuloy! 4:30pm onwards ay Magis rehearsals sa Henry Lee Irwin.
Tuesday - 7:00am pilahan para sa theo immersion presentation. mag-aaral para sa physio long test. Rehearsals ng diba bida at magis
wednesday - 7:00am pilahan para sa philo104 orals! target date thursday next next week!!!
thursday - deadline ng pos100 paper tungkol sa "what is peace?" dahil na-miss daw namin ang forum ni Gilbert Teodoro noong nag-immersion kami. read physio!!!
friday - whole day dedicated to physiology. 1230pm BIDA Voter finale. critic's night. tssss..
saturday - physiology 2nd LT (BAWI BAWI BAWI!!!). LTS1. gawa ng presentation para sa pms midyear report.
sunday - read philo. dedicated to panel presentation

ANG DAMI..

dahil dito sa pagsusulat ko, naaalala ko ang mga dapat kong gawin and at the same time, nare-realize ko na ang dami pala ng mga ito!

PROCRASTINATION

Bakit nagpo-procrastinate ang mga tao?

Kasi lagi nating iniisip na may mamaya. Na huwag muna ngayon kasi merong mamaya.. Na huwag muna ngayong araw kasi may bukas pa.

Eh paano kung wala na pala 'yung bukas? Eh paano kung ngayon na pala 'yung huling araw mo para magawa mo 'yon? Di mo alam, baka bukas patay ka na..

Hay naku..

MUST.NOT.PROCRASTINATE.

***

Tapos ngayon nagkasakit pa ako. Ang dami ko pa namang dapat gawin ngayong linggo!! HAAAY!!!

Friday, September 4, 2009

FACEBOOK

May facebook account na si daddy!

Bakit nag-iinvade ang mga 1959 people sa facebook?!

Ayokong i-approve! waahahhaah!