Monday, October 17, 2005

FUNDADOR...

Today is the 63rd birthday of pisay's dear mother, Mama Rosita V. Fundador.

Grabehh, ang tanda na niya, pero, masasabi mo talagang 'di siya masyadong matanda tingnan. Heh.

Kaya naman, tulad ng mga nangyari noong mga nakaraang taon, nagselebrate kami para maging masaya siya. Moreover, nagselebrate kami para naman wala kaming pasok.

Wow ha. Sa CAT namin, sinayaw nina Jules si Mama Rosita. Kaming 6 girls (Ate reys, jei, haz, sar, cia, at ako) sumayaw habang naka-kalis ng sword. Lingaw. At least, nag-enjoy ang may bertday.

Sunud-sunod ang mga presentations ng iba't ibang year levels. Sa amin naman, mga seniors, eh sumayaw sina Becky ng swing gamit ang kanta na laging pinatutugtog every flag ceremony (...you're just too good to be true, can't take my eyes off you..."). After noon, kami nina ANJ, JOANE, AT MARIAN, ang nagpresent. GRABEH, nag-cram kami to the max. Buti nalang talented mga kasama ko, at kami ay nag-RAP. As in, todo na RAP. Ang audience rin grabeh makacheer sa amin. Ang sarap ng feeling na ang saya-saya ni MAMA ROsita. Char.

After ng aming presentation, nagbeso-beso pa kami kay Mama Rosita. Aba, kilala pala niya ako (as in, my name). Lingaw kasi dati, tawag niya lagi sa akin eh, "PASIA!!!." May pighati pa yatang nakadikit sa pagsasabi niya ng pangalang ito. Pero kanina, "Danica" na. WAAAHHAhaha..

Kinommend nga kami ni Mama Rosita dahil sa Rap namin eh. Waaahahhaha...

Kaya ngayon. eh alas-dos kami pinauwi. At nakapag-blog pa ako.

>>>

Kaya, dahil walang magawa kanina, eh di nagpicture-picture kami. Eto ang mga classmates ko, sina Ruth, Mara, KayBo, at Marian. Dapat sa picture na ito, sinapian sila ng masamang espiritu. Tingnan niyo kung ano ang nangyari:

nasapian ba talaga?
Sa tingin ninyo, nasapian nga ba talaga itong mga babaeng ito?

>>>

Dati ko pa gustong i-develop ang story na ito sa blog. This story is about the crush ng bayan, Cozing behbeh. The title of the story is: COZING GONE WILD.

ETO ANG PART 1:
part 1

ETO ANG PART 2:
part 2

ok ba?

>>>

May bago akong tagboard dyan. Gusto ko sanang sagutin ninyo ang mga tanong ko dito sa blog ko. 'Yung gray na tagboard ang gagamitin kung baga. Eto ang una kong tanong para sa inyong lahat.

guess who by the smile

Sino ba ang may pinakamagandang smile? Paki-post lang ng mga sagot. SALAMAT!

Sunday, October 16, 2005

Ga-insboro, Pro-pro-protista... YEAHH!

Salamat sa Diyos, at nakamit namin ang tagumpay sa scicamp.

Pagkatapos ng lahat ng hirap at pagod, salamat sa DIyos at kami ang nagtagumpay sa huli.

Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng mga civis ng Gainsboro Protista. Thank you for your cooperation. Salamat at ginawa niyong makulay ang aking buhay.

First time ko 'tong manalo sa scicamp... Ang sarap pala ng feeling...

Salamat sa lahat ng tao. SALAMAT, SALAMAT!!!

Pi-pipipo, Pro-pro-protista, Ga-insboro, Pro-pro-protistaPi-pipipo, Pro-pro-protista, Ga-insboro, Pro-pro-protista
Ang aking GAINSBORO PROTISTA
>>>

Eto nga pala ang mga epekto ng SCICAMP sa ibang mga taga-protista:

reyanciaraaubreyamed at reyan

Grabeh talaga ang STRESS...

grabe ha...

>>>

Ang mga taong sobra ang stress:

pamilya

share ko lang. ala-family pic kasi. Sina INday at Dodong ang nanay at tatay.

>>>

Stress... kakapoy ba...

Noong nakaraang linggo, sunud-sunod ang mga events sa pisay. Lunes hanggang Miyerkules, exams namin. Huwebes hanggang Biyernes, Scicamp.

BOSES KO... bumalik ka sa akin!!!

>>>

Kumain kami sa bahay ni Hubs last friday kasi sinelebrate namin ang kaarawan niya. Enjoy. ANG sarap ng pagkain... At muli na naman kaming nagpresent sa THe Force. Rap/Song/Tae-Bo. Lingaw.

Belated ulit HUBS! DAKILA KANG BIG BRODER!!

>>>

Oo nga pala mga tao, nag-upload na ako ng mga bagong pictures sa album ko. Pictures sa scicamp, at revelations (1 at 2). Click niyo lang 'yung link diyan.

Pinagaaralan ko pa ang photoshop. May balak kasi akong mag-post ng isang kontrobersyal na kwento. Komiks-style kung baga.

>>>

BUKAS, haharapin ko na naman ang mga grado ko. Sana ok... Perteh!