It's been two weeks... Dalawang linggo akong wala dito sa Davao. Dalawang linggo rin akong 'di nakakapag-blog. Perteh.
As in... Na-miss ko talaga ng sobra itong blog ko.
Kaya ngayon, babawi ako. Medyo MAAAAAhaaaaaBaaaaa itong entry ko na 'to.
Pasensya na. Bumabawi lang...
>>>
Magsimula tayo sa mga naganap noong Feb. 6 - 10, 2006... Our trip to Bacarra, Ilocos Norte.
Pumunta kami ng Ilocos Norte para sumali sa 3rd National Science Fair, Science Quiz, and Sci-Dama Competitions. Tama ba 'yung name? Basta, ganun.
6:30am palang, nagkita-kita na kami nina mam tavs, mam dejarme, nerdy, mamapeh, jei, at ces sa may airport. Perteh. wala pa talaga si kamille. Samok man gud mga matatanda na mga tao ba... palibhasa nahihirapang gumalaw ng panga... waaaah...
Ang aga ano? Tapos, na-shock pa kami dahil sa suot ni mam tavs...naka-jumper ba... heheh.
Ang ganda ng araw ko nun... Biruin ninyo, nakakita ako ng sobrang pogi na lalaki sa may airport?! As in... pogi talaga. Heheheh. 'Yun na 'yung soulmate ko, i know it.
So ganun, pumasok na nga kami sa airplane. Malaki 'yung eroplano kasi biyahe namin papuntang Maynila. Aguy, napadpad sa dulo ng eroplano sina mam tavs at nerdy. Kami nina jei bandang gitna ng eroplano. Tapos, kasama pa namin 'yung ibang mga region 11 delegates (char...). Enjoy rin kasi naman, nagkita kaming muli nung teacher ko nung grade six, si mrs. montecillo. Perteh... Para talaga siyang si mam papasin. AS IN! Kung kumilos, magsalita, mukha... Papasin ang dating.
Nakarating narin kami sa Naia II.. Ayun, may bus na pala para sakyan ng mga taga-Davao. So, pinauna namin si Mamapeh sa loob ng bus para magreserve ng mga upuan, at kami na 'yung nag-ayos ng mga bagahe. PERTEH! Ang bastos ng ibang mga tao dun. Kinawawa at inalipin ba naman si Mamapeh. Kaya naman, dalawang upuan lang 'yung nareserve para sa'ming pito. PERRRTEH! 'yung ibang mga delegates kasi, sinamahan pa ng kanilang mga nanay. Tapos, 'yung mga nanay nila 'yung umupo sa mga upuan DAPAT namin.
Buti nalang nagkaroon ng upuan silang lahat... except ako. PERTEH yung spare driver. dalawa pa naman yung upuan eh, dun pa ako pinaupo sa white chair--banda pa talaga sa CR! SHHHHUCKS! PERTEH! am bahO pa naman ng CR nila, palibhasa 'di marunong mag-flush ng toilet ang mga tao (sino kayang natamaan diyan? waaah..). Tapos, umaalog-alog pa 'yung upuan ko. shAAACKS...
Buong trip around Metro Manila, ganun 'yung sitwasyon ko. Nakakainiss!!! Buti nalang nung lumabas na kami ng Metro Manila, pinaupo na nila ako sa maayos na upuan.
Eto lang talaga 'yung ayaw ko sa trip namin from Manila to Bacarra: ANG DAMING HINTO. HINDI KASI ALAM NUNG DRIVER NG BUS KUNG SAAN 'YUNG TAMANG ROUTE PAPUNTANG BACARRA!!! SHAKS... NAGING DRIVER PA SIYA!!! alam niyo ba, muntik na kaming mapadpad ng Baguio imbis na papuntang Ilocos norte?! perteh talaga 'yung driver na 'yun... kaya naman, imbis na 10 hours lang 'yung biyahe, naging 12 hours.... shucks... halos kalahating araw akong nakaupo sa upuan sa bus... PERRTEH!
MGa around 2am, nakarating narin kami sa venue... May mga banners pa ngang nakalagay doon: "welcome delegates..." waaah... Tapos, sabi pa ng mga tao dun, wala na raw room para sa amin!!! Pero, buti nalang, meron pang isang school... 'yung San Agustin Elementary School. Dun 'yung naging headquarters naming mga research girls. Ang CR pa talaga, walang ilaaaw!!! haaay naku... ang saklap ng mga naranasan namin. Pero at least, makakatulog narin kami.
Nung umaga na, naglibot muna kami ng Laoag City. Kasi naman, gabi pa magsisimula 'yung opening nung aming sasalihang contest. As in, nakatry na ako ng mga bagaybagay na 'di ko pa nagagawa before... katulad nang sumakay sa kalesang may kabayo na naglalaway... pagkamalang bilang isang foreigner (si jei kasi ba!)... kumain ng marami kahit na busog pa... malasing ng lipovitan... bumili nang bumili... uminom ng walang katapusang C2 (botomless... every meal merong C2)... magtipid ng battery ng cellphone... matawag na "ading"... haaay basta, ang dami-dami. Hindi ko masabi ang lahat-lahat.
Nung gabi, opening na nga. ANG DAMING MGA PULITIKO. Basta, highlight doon eh sina Bongbong Marcos at si Angara. Si Angara... Alam niyo ba, inakbayan niya si cecile at sila'y nagpapicture? waaah.. mga pulitiko talaga...
sina edgardo, bongbong, at imee
Ang tagal ng opening. kaya, nauna nalang kami uwi. Shucks. kakapoy... kaya, tulog na kami kaagad.
The next day... Contest na. Ayun, naghintay kami sa place namin, pero wala namang judge na bumisita eh. Kaya, nagsight-seeing nalang kami. Nandun kasi si Enrique Yap... Ang pogi na lalaki since Sibol days. Waaah talaga. Ang pogi to the highest level. Eto lang talaga 'yung grabeh. Si Mamapeh, may crush na taga-BAGUIO. Hindi pa niya alam 'yung name nung lalaki that time. Tapos nakilala niya na sa Vigan. Basta... Magkatabi kasi sila. Tapos, lagi pa silang nagkikita all throughout the day. Hanggang gabi. Soulmates? waaah...
Perteh ang mga judges... Nilagay ba naman 'yung entry nina Nerdy sa :Life Sciences? Shaks! Di hamak na Physical Sciences naman 'yung study nila. Mga perteh.
Nakasali kami ng Science Congress. Diniin kami ng mga judges. Pero, halatang kinakampihan kami nung judge na nasa right side. Sina Mamapeh, Nerdy, tavs, dej, nandun para sumuporta... Shaaaks...
Pero after the congress, ok na... hayahay.
Nung gabi, nagstory-story yan sina mam tavera at mam dejarme tungkol sa kanilang mga first love. Inisip ko na dapat matulog na ako kasi usapang matatanda naman 'yun eh. Si Jei rin, medyo napaidlip na. Si Nerdy medyo tulog. Si Mamapeh, HARDCORE NA TULOG. Si Ces, text nang text. Tapos biglang may ______. Tapos bigla niyang prinoclaim na ________ siya. shaaaks... Eh di tawa kami ng tawa... As in, SUPER TAWA. NAWALA ANG ANTOK NAMIN NINA researchmates (jei at ces). AS IN, FOR 5 MINS YATA, TAWA LANG NANG TAWA... gets niyo? kung gets niyo, makitawa narin kayo... waaaaaaahahaha!
The next day, thursday, awarding. ANG TAGAL NAGSIMULA. Kaya, kumanta muna sina jei at nerdy sa harap mismo ng lahat ng mga tao. Ako naman, nagmeet kami ng tita ko. Tapos nun, binigyan niya ako ng sangkatutak na BAWANG. Perteh...
Biglang dumating si Imee Marcos. AS in, gwapa tapos ang galing pang magsalita. Extemporaneous talaga 'yung dating. Ang galing. Nakamayan ko pa siya... Waaah... Mga pulitiko talaga...
Awarding na nga. Ang tagal. Inisa-isa kasi ang mga winners from grade 3 hanggang 4th year. Wala pa talagang klaro... Shaks... tapos, Nahati pa sa dalawang cluster 'yung contest namin. Life science pa talaga kami. Tapos, 4th year pa talagaa!!! WAAAH! Around 10am nagsimula... Natapos mga 4:30pm. SHAAAAAAKS!!!!! PERRRTEH!
Pero, worth-it parin. Nanalo kami. 1st place sa buong pilipinas. Wow noh? Salamat talaga sa Diyos.
Dumiretso na kami sa bus para magsimula na 'yung trip papuntang Maynila. Ayun... Mas enjoy. Kasi naman, nagsta-stop over kami sa mga landmarks ng ilocos norte at ilocos sur. Ang ganda ng mausoleum ni Ferdinand E. Marcos. As in... Nakita ko na si Marcos sa kanyang kabaong na glass... Ang sosyal! pero hindi kasi pwedeng magpicture sa loob ng mausoleum. Form of respect daw kasi 'yun. kaya, 'dun kami sa labas nagpapic.
Pumunta rin kami sa BALUARTE NI SINGSON. AS in, ang daming mga hayop.. Ang laki ng lugar. Ang sabi nga ni Mrs. Montecillo, "ANG DAMING ANIMALES!!!" As in, ang laki ng lugar. Ang ganda talaga. Babalik ako 'dun kung may pagkakataon ulit.
Pumunta rin kami sa street ng mga old houses sa Vigan. As in, parang bumalik kami sa Spanish era... ganda...
Eto 'yung mga landmarks kung saan kami nakapasyal during our stay in Ilocos Norte...
WOW... DIBA?
for more pictures sa aming ILOCOS ADVENTURE, please click this LINK.
At nakarating narin kami sa Maynila around 5am. Naghintay, kumain ng breakfast sa airport (ANG MAHAL... SOBRAA!) at ayun... around 1pm, pumunta narin kami sa Davao!
At ayun, nagpraktis para sa prom...
Hahaaay... Kakapoy... sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...
>>>
PRom night... Saturday, Feb. 11, 2006. Formal ang dating ng mga tao. Ang galing..
OK ang prom.
Ok na ok ang partner ko... si Marvin. Ang bait. Salamat pala marviN! galing ng oda mo. astig. nakakatawa.
enjoy ang aming hotseat session. Ibang klase talaga si ciara. Lalo na si Hadi at Renz. Kutz... ang drama mo.
si Marian... haaay naku.
Mga tao sa Men Seng... nakakatakot.
At nung monday, lumipad naman kami papuntang MAynila para sa IPSF.
>>>
Mga narealize ko:
Ang mahal ng mga bilihin sa La Union. Sobra. 'yung meal namin na kakarampot lang, umabot ng 170 pesos. As in, PERTEH! taking advantage. PERTEH talaga.
Sosi ang NAIA. Maganda ang restrooms nila. Nakakainis lang kung 'di madetect ng sensor 'yung katawan mo kung gusto mo nang magflush ng toilet.
Lingaw ang mukha ni Mamapeh kung bagong gising.
MASAMANG MAGTSINELAS O KAYA'Y MAGSLEEVELESS SA LOOB NG AIRCONDITIONED BUS LALO NA KUNG ANG BIYAHE AY MANILA TO ILOCOS NORTE.
Enjoy tingnan si Mam tavs matulog... as in.
Pwede pala kaming maging paparazzi.
Soulmates... totoo yan. As in.
Ang mga tao, pwede talagang magbago. Lalo na kung nagbago 'yung buong katauhan niya dahil umiibig na siya sa'yo.
Huwag dapat iiwanan lang ng basta-basta ang mga babae sa dance floor. Naaawa ako sa kanila.
Kung mahal mo siya, sabihin mo na.
Naghuhuling-hirit na ang mga kabatch ko. As in.
>>>
'YUN NALANG MUNA. GABI NA. NEXT WEEK KO NALANG IPOPOST 'YUNG ABOUT SA TRIP SA UP DILIMAN... salamat sa lahat ng sumuporta sa amin!
SALAMAT. SALAMAT. SALAMAT!