Tuesday, March 28, 2006

BUKAS NAAAAA...

Oo... Bukas na nga ang graduation day namin.

Perteh, ang bilis ng panahon... Super bilis.

Kailangan ko nang imulat ang aking mga mata sa katotohanan na magkakalayu-layo na kami ng mga batch mates ko.

Perteh... Pisay will never be the same again.

Pipigilin ko muna ang mga luha sa ngayon... Bahala na kung anong mangyayari bukas.

Sunday, March 26, 2006

TATLONG ARAW NA LANG

Oo, tatlong araw na nga lang... Graduation day na namin sa Pisay.

Perteh... Ano ba 'to?! Dapat maging masaya ako dahil at last, nasurpass namin lahat ng mga challenges sa Pisay.

Hindi ko talaga maiwasang 'di malungkot habang papalapit na ang graduation day. Untiunting napupukaw ang isipan ko sa katotohanang hindi na kami magkakasama-sama sa college. Ang iba sa UPD, 'yung iba sa ADMU, iba sa UPMani, iba sa UPLB, sa MSU, iba naman dito lang sa Davao.

HINdi ko maiwasang 'di malungkot kung pinag-uusapan namin ni Marian 'yung topic about college. Perteh.

Nakuu...Perteh talaga.

Kagabi, nag batch party kami. Sponsored by Jason.

Halos lahat ng Illumina, pumunta. Perteh... Busaw masyado dating ko ba.

NAgbonding-bonding kami. Parang hotseat ang dating.

Alam niyo, naiinis ako ng konti sa mga taong parang walang pakialam sa mga taong nagsasalita sa hotseat. Kung baga eh, parang wala lang sa kanila. Sana naman, nagshow lang sila ng kahit konting respeto, ano? Last bonding session kasi 'yun. Gusto ko sana at least, makinig ang lahat.

'yun kasi 'yung pagkakataon na pwede naming i-fix ang mga problema sa batch, or iclear-out lang 'yung mga issues na nabuo sa batch. Konti lang din kasi siguro 'yung panahon na inilaan para doon, at masyadong maliit 'yung lugar para sa amin lahat...

Pero ipagpapatuloy naman 'yun sa lunes eh. Perteh... sana maging maayos na ang lahat.

Practices sa graduation day ang inaatupag ko ngayon... And also, masyado rin akong preoccupied sa clearances...

Perteh... the clearances... I LOATHE her... perteh siya... PERRRTEH!!!!!!!!

Haay nakuu Lord... Tabang... dapat matapos ang clearances by march 31... LORD... nakuuu...

Monday, March 20, 2006

RETREAT AT INTRAMS

ILLUMINA '06

Image hosting by Photobucket
Illuminate Illumina

PERTEH! Inflamed ang left cheek ko ba. Perteh kasi. Intrams kasi kanina. Tapos, participant ako sa Agawan ng Buko. SHAKS BAH!!! na-slide pa naman ako... nauntog ako sa sahig ng GYM. ayun, inflamed. Halos lahat ng mga batchmates ko nakapalibot sa akin kanina. I feel so helpless... Perteh.

"Dan, okey ka lang...?" -> ilang beses ko 'to narinig buong araw.

Hindi ako OK, ok?! Ang sakit kaya. HUBAAAAG!!!

Pero, kahit naaksidente ako kanina, parang ang ganda parin ng flow ng mga events since friday.

>>>

RETREAT! sa Benedictines sa may Ulas. March 17-18, 2006.

Dehado... Nag-take kasi kami ng Singapore entrance exams nung 17. Kaya naman, na-miss namin 'yung hapon session ng retreat (sumali ang iba sa amin nung umaga eh). Perteh ang Singapore scholarship exams... Super PERTEH!!!

anyway, Nakahabol din kami. Roomate ko si KLO at KBO. Room 19...

NUng gabi na, senti moment. BASTA... Ang alam ko lang eh, umiiyak na ako ng todo. Nakaririnig na ako ng mga humahagulhol na mga klasmeyts ko. As in, super iyakan. Mga thank you's, mga sorry, at mga i lab you... Hagulhol talaga. GRABEH!

The next day, nagpa-thank you kami kay Father Jerry ('yung speaker namin). As in, na-touch niya buhay namin. Especially 'yung family life namin.

THe best sa Benedictines!!! LIMANG BESES pa naman kami kumakain sa isang araw. Breakfast, snack, Lunch, snack, Dinner.

ILLUMINA
Illumina '06 with Father Jerry

Comment ko lang eh, sana nag-focus din sila sa relationship namin with each other sa batch. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ok 'yung pag-usapan 'yung pamilya. Kaso lang, ga-graduate na kami sa March 29 (ang lapit na pala). Tapos, 'yung iba sa amin, 'di parin nagrereconcile. Walang balak magreconcile. Parang 'di kami nakapag open up with each other masyado.

kbo
Si KBo nasapian during the retreat

pero, as a whole, ang ganda ng retreat. Feeling sinless after the confession, kung baga. Heheheh.

Pero kanina, sa totoo lang, nagkasala ulit ako.

MORE RETREAT PICTURES AVAILABLE ONLINE!

JUST CLICK THIS LINK



>>>

TODAY, March 20, 2006. Culminating activity ng year-round intramurals.

For the past few days, todo ang practice namin for the cheerdance. As in, last na rin kasi ito. Dapat i-todo na namin.

Kanina, cheerdance. Nakuu... Kinabahan talaga ako kasi naman hindi ko kabisado 'yung Psychosomatic na part ng aming cheerdance. Perteh.

Pero in fairness, mas ok pa sa olrayt ang aming cheerdance. W-O-W. Bilib na bilib si Trifonia.

Agawan ng Buko... NADISGRASYA AKO. HANGGANG NGAYON, MAY ICE PACK PARIN SA MUKA KO.

haaay buhay talaga...

PERTEH. KAHIT na maraming nangyari kanina, happy parin ako kasi namain champion kami sa cheerdance. Champion kami sa halos lahat ng mga events. So, without a doubt, OVER-ALL CHAMPIONS KAMI!

the best
Ang aming Trophy

Go Seniors! GO ILLUMINA!!!

MABUHAY ILLUMINA OLE OLE OLEYY!!!

CHAMPIONS
Illumina... Ang mga champions!!!

MORE INTRAMS PICTURES AVAILABLE ONLINE!

JUST CLICK THIS LINK

>>>

Ang tagumpay na ito ay 'di makakamit kung hindi kami nagtulungan sa batch. As in... United. Yes, we are UNITED. Kung may nasasaktan, lahat nasasaktan. Kung may malungkot, lahat naghahanap ng paraan para maging masaya ang lahat. Kung may masaya, lahat nagsasaya.


Illumina... simply amazing.

Illuminate Illumina '06!

Tuesday, March 7, 2006

WAAAAH... SIKAT EH...

NA-SHOCK AKO NUNG NAKITA KO ITO SA NET:

http://www.sei.dost.gov.ph/intel-philsciencefair/ipsfcc2005.html#


pambihira... sikat kami eh... waaaah...

Monday, March 6, 2006

HOLD YOUR HEAD UP HIGH

Ayoko nitong araw na 'to.

Puro drama... Hindi ko na nakayanan... Stress.kills.me...

Paasahin ba naman kami sa wala? PERTEH! Sino ba naman ang 'di masasaktan niyan?!

Hindi naman ako 'yung ganung tipong tao na umiiyak dahil lang sa ganun... Pero ibang-iba na talaga ito eh. Sobra... ang sakit...

Sino bang 'di mabubuwisit? Sino bang 'di masasaktan? Sino bang hindi maiinis doon?

HINDI AKO MANHID! kaya inilabas ko na ang lahat-lahat kanina...

Putik...

Perrteh!!!


Pasensya sa ibang mga tao na hindi ko masyadong pinansin kanina. Kung nainis man kayo sa pinagaasta ko, pasensya na. Epekto lang ng kaputikan ng iba't ibang bagay na inihaharap ko ngayon. Pasensya kina mam betchay at mam go... hindi ko na kasi kayang magsalita habang pinipilit kong 'di umagos ang aking mga luha...

Salamat kina Cecile at Jeijei... Kalbaryo natin ito. Patuloy parin nating pinapasan ang mga events kanina. Kahit anupaman ang mangyari, nandirito parin tayo sa isa't isa. Sign natin ito... Naghihirap muna... Pero alam naman natin na sa huli, magtatagumpay din tayo. "time won't flow, everyone knows when the pain fades away... dreams won't die, tears in our eyes, you've got to hold your head up high..." pambansang awit natin 'yan...

MARAMING SALAMAT sa aking mga tunay na kaibigan... the force... Salamat. you people always make me feel better... the best talaga kayo...

kbo, cj, mitz, rain, yan... mga kasama ko kanina habang matindi pa 'yung mga nararamdaman ko... salamaaaaaat!

Hay
naku... when will this end? Kailan pa kaya ako makakangiting muli? Lagi nalang bang mabigat ang mga mata ko sa kapapasan ng 10000000 liters ng luha? 'Di na ba mawawala itong sipon ko na laging kaakibat ng luha kong ito?

Hinding-hindi ko makakalimutan itong araw na 'to for the rest of my life... Ngayon lang ako umiyak ng todo sa harapan ng kaibigan ko sa loob mismo ng klasrum ko dahil lamang sa kaputikan ng isang bagay. putik talagaaaa... PUUUUUUUUUUTIIIIIK!!!

Perteh...

Help me lord... patawarin mo ako sa lahat ng masamang iniisip ko...

Saturday, March 4, 2006

NAKU

grabeh... tatlong sunud-sunod na mga entries...

Perteh. Tapos na nga ang mga exams. Lumalabas na ang mga grades. Wala na kami masyadong ginagawa...

OMG... ga-graduate na kami...

Naku Illumina... Grabeh ang hagulhol sa darating na March 29... Mami-miss ko kayong lahaaaat! Alam naman nating hindi tayo magsasama-sama lahat sa college, pero kahit papaano, panatiliin natin 'yung bond na binild natin sa isa't isa.

Ang galing ng Batch natin. Hindi sosyal, hindi mayabang, Nagke-care sa sitwasyon sa Pisay, united against all odds, WAHAS, at super saya. MGA PERTEH TALAGA TAYONG LAHAT!

>>>

Tense na ako. Over fatigued. feeling super down nowadays.

pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na talaga ako...

hahaaay buhay... Ang saklap... Pero kailangan talaga nating harapin ito. SUGOD MGA KAPATIIID!!!

lord, help me talaga... 'di ko na kayaaaaa...

O AYAN NA HAA!!!

PROM PICTURES AVAILABLE ONLINE!

SA INTEL AT UP DIL

Ito ang part II ng aming adventure.

Last February 13-17, 2006, pumunta kami ng UP Diliman para maka-join sa National Intel Philippine Science Fair 2k5-2k6. Kasama ko sina Jei, Ces, at Dejarme.

Nakakapagod ang biyahe. Kapoy. Perteh PA KASI NAMan NA-sLASH 'YUNG MALETA KO SA MAY AIRPORT NA HINDI KO NAMAMALAYAN... AS IN, MUNTIK NA AKONG MANAKAWAN, PERO BUTI NALANG DOBLE-DOBLE 'YUNG MGA COVER NA NILAGAY KO SA BAG KO. 'YUNG NA-SLASH PA NA PORTION EH BANDA KUNG SAAN KO NILAGAY 'YUNG MGA TOILETRIES KO... BASTA, ANG LAKI NG BUTASSS.... hugis "L" pa nga. Ginamitan talaga ng blade...

Eto 'yung mga pictures o:

Mga napicturan namin
Ang Aming Adventure

AS IN... Amazing talaga ang UP DILIMAN. SUUUPER GANDA. Parang city na 'yung dating sa loob ng campus. May mga shopping centers, jeep (ikot at toki), vendors, atm machine, church... Perteh. Luluwa ang mata mo sa sobrang ganda ng campus.

Image hosting by Photobucket
Perteh... I can't believe I'm in UP...

Pero, 'di rin natin makakaila na sa iba't ibang sulok ng campus, may mga "oust gloria!" na mga signs. Gusto nila ng mga rallies... Hhehehe...

Napansin ko rin, wala silang pakialam sa kahit anumang suot mo doon. May nakita nga kami na nakadaster lang papunta sa klase, at 'yung isa pa eh nakabathrobe at may dala pang balde habang naghihintay ng jeep.

Okokok... Balik tayo dun sa aming Intel Adventure. Sa una, nagcheck-in kami sa University hotel ng UP Diliman. Pero after a day, lumipat kami sa GRH ng Pisay Diliman.

Iang univ hotel
Eto ang University Hotel ng UP Diliman

Pisay main grh annex
Feeling at home sa GRH ng Pisay Diliman

'Yung venue ng Intel science fair eh sa Ang Bahay ng Alumni. Ganda ng Place na 'yon. Malaki. Tapos sangkatutak pa 'yung mga donors ng building na 'yon. Basta, ang ganda. Harapan pa nga 'yun ng Film Theatre ng UP... tama ba?

dito 'yung Intel
Ang Bahay ng Alumni

Nakakainis... Ang laki-laki kasi ng aming tarpaulin, tapos hindi inaaprove nung babae doon sa Intel kasi super laki raw. Kung hindi raw namin gagawan ng paraan eh madidisqualify kami. Kaya naman, kahit na masakit sa aming mga damdamin, ginunting-gunting namin 'yung aming pinakamamahal na tarp... PERTEH! As in, total transformation talaga ang nangyari sa aming tarp; parang mansion na naging squatters area.

tarp
Ang aming booth

Tapos may pumuntang babae dun. Professor daw siya ng UP. Nakakainis. Basta, ayokong manira ng tao.

Ang galing ng Intel kasi naman, sumusunod talaga sila sa tamang oras. As in, conscious sila masyado sa time, kaya walang nalelate, tapos natatapos sa tamang oras 'yung mga events. Lingaw din kasi 'yung dalawang head ng Intel eh sina Cecile at si Maris. gets niyo?

Basta, ang lupit ng mga judges. Nabilib din ako sa kanila kasi sila lamang 'yung mga nanatanging panelists na nakapagtanong sa amin tungkol sa mechanism ng aming active ingredient sa aming extract. As in... 'yun kasi 'yung pinaghahandaan naming tanong since 3rd year first panel defense namin. Tapos at last! Tinanong na rin!!! Galing talaga ni Treyes...

Tapos 'yung isa pang judge, parang si Ma'am V... As in... super ma'am v ang dating niya. Dati raw siyang nagtuturo sa Pisay davao. Pero ngayon, UP Professor na. 'Yung isang judge, namigay ng Intel na pin.

mga judes
eto mga judges namin. From left to right: Treyes, Joaquin, at si Rabago(ma'am V)...

As in... Buti nalang nasali kami sa Science Congress. Doon, nakilala namin 'yung mga taga-iba't ibang Pisay Campus. Diliman, western visayas, nueva ecija, central mindanao... as in. At naging friends pa namin.

Si Cecile may more than just a friend na nakilala. Si Timothy. Taga-bAguio.

Si Jei... May uyab... Si Ace. Ewan ko kung taga-saan 'yun. Basta 'yun pogi.

Ako naman, haaay basta...

Grabe 'yung congress namin. Ang LUPIT! Masasabi ko talaga na ang galing namin. heheheh...

Sumali kami sa Pinoy Sci-tek Challenge. Isang quiz bowl tungkol sa physics, chem, at IT. Grabeh... Hindi ko naman ineexpect na mananalo kami. Grabeh talaga. Pinaglaruan lang kasi namin 'yung contest, tapos it turned out na kami pa 'yung nanalo. As in, sponsored pa naman 'yun ng Intel, ABS-CBN, DOST, at Dep.Ed... Kaya naman, nagkaroon kami ng jacket ng Intel na parang felt paper ang texture, cap ng intel, at tshirt ng DZMM na ibinigay ko kay Pare. feeling Dorky na artista na talaga kami. Sobrang dami kasi ng mga paparazzi. Picture ng picture... Naaalala ko pa nga 'yung mukha ng kalbong photographer. Ang buhok kasi niya, imbis na tumubo sa tuktok ng ulo niya, tumubo nalang sa kanyang baba.

Ang quiz bowl
Ang Pinoy Sci-Tek Challenge

So, awarding na nga... Doon kami sa Economics building ng UP. Ang gandaaa...

Nashock ako kasi nagkaroon kami ng special award. Best Science Project. Kuyaw noh? Parang ang dorky ng dating, pero lingaw. Eh di umakyat kami ng stage para makuha 'yung aming Unilever na mga gift packs, at nagpapicture na naman sa kalbong photographer.

After some moments, Ayun, inanounce na nanalo kami ng Second Grand Award para sa Life Science Team Category. Grabeh... Hanep... Todo na itooo...

waaaaaah
waaaaah!!!

After nun, bumalik kami sa Ang Bahay ng Alumni para makuha 'yung mga certificates and other prizes.

The next day, Friday na 'yun, naglibot kami around UP Diliman. Todo ang mga pictures. Kung gusto niyo makita, click this LINK.

Nung tanghali, pumunta kami ng Makati. Humiwalay kami nina Jei at Ces kina Dejarme. As in, naglakad-lakad lang kami sa Greenbelt, Glorietta, Landmark, at SM. Feeling mayaman, kung baga. Hahaha. Ayoko nung isang store doon bah. 'Yung LUSH. As in, ANG BAHO!!! Nagbebenta kasi sila ng mga beauty products na SOBRANG BAHO! waaaaaah!!! asthma ang makukuha ko sa store na 'yun!

Nung gabi, dun na kami nagstay sa bahay ng tita ni Dejarme, sa may Taguig. Sinundo ako ng dalawa kong mga tito: sina Tito Et at si Kuya Jon. Perteh. Niligaw pa naman ng mga lokolokong mga lalaki sina Tito Et doon sa Taguig. Buti nalang may cellphone. Kaya ayun, nagkita rin kami. Gusto sanang isama nina Tito Et sina Jei at Ces. Pero perteh... Nahihiya naman 'yung dalawa. Ang dami pang mga rason... Sayang...

Kaya ayun, nilibot ako nina Tito Et sa QC... Perteh ang traffic!!! Halos 10pm na nung nakakain kami sa may Eastwood City. Doon sa Heaven and Eggs. MGa sosyalista talaga ang mga tao doon sa Eastwood... As in... SUUPERR!

kuya jon, ako, tito et
Picture-picture sa may Eastwood. From L-R: Kuya Jon, Ako, Tito Et

Lingaw din kasi dinala ako nina tito Et sa may Big Brother House. Waaaw... As in... Hehhehe... Lingaw...

pbb
I'm a Fan... Ang Big Brother House!

with the stars
Kaming dalawa ni Kuya Jon... Parang Artista! Waaaah!!!

Doon na ako natulog sa apartment nina Tito Et. WAAAAAAAAH! Kung nakita niyo lang, ay sus nakuuu!!! Livable pa siguro ang kuweba... Lalaki talaga sila... grabeh! They need help from people. nasa Poverty lines sila. 1 year na yatang 'di nalilinis ang room nila.

8am, saturday, nagmeet kami nina Jei sa airport. At ayun, by 10am, bumalik na kami sa Davao.

At nung monday, May PAGpamatbat '06 pa... Pero gikapoy na ako oi... Wala pa talaga akong boses... Ginugulo pa ako ng SEVERE cough and colds. But I did make it.. :D

Naghabol na kami sa mga lessons... kaya nga ganito na ang mga nangyari.

salamat kay God talaga... He definately makes ALL THINGS POSSIBLE...