At least, I'll have a break from all of these things... Pero di parin eh. I still have 4 homeworks to do when I arrive in Davao.
Hassle.
Anyway, dapat mag-uupdate na ako ng mga pangyayari.
Naku. Pumunta nga pala kami ni Rae at Ciara sa BelField. May mga Christmas lights kasi sa BelField sa gabi. Eto tingnan niyo:
Ang ganda, diba?
>>>
UP OBLATION RUN.
December 15 'yon. Sabi sa'kin ni Bex, 12 noon magsisimula. Hanggang 11:30 lang ang class ko last friday.
Dinismiss kami ni Ma'am Tulao ng mga around 11:20. KAso, hindi ako nakaalis kaagad. Pinabura pa kasi sa'kin ni ma'am 'yung mga nakasulat sa board. Perteh. Then, traffic pa pagsakay namin ng trike.
So, naisipan naming sumakay ng taxi.
Luckily, nakasakay kami. Mga around 11:45 na 'yon. Traffic. Perteh.
Binaba kami ng taxi sa opposite side ng Palma hall ng UP. As in, sa other side ng Sunken Garden. Mga 11:55 na 'yon.
Halfway papuntang Palma Hall, nagtext sa'kin si Bex:
"Dan, nagsimula na..."
Perteh.
Binilisan namin 'yung paglalakad.
Malapit na kami sa Palma Hall. Biglang nagtext si Bex:
"Tapos na..."
Perteh. Perteh. Perteh. Perteh.
WAA...
Badtrip. Pero may susunod pa namang taon. And I'll make it sure na next year, nasa FRONT ROW TALAGA AKO.
>>>
Christmas party namin sa block last friday.
Doon ko talaga na-realize that I've been so blessed to be in block XX! Ang saya-saya.
The best damN freakiN' blocK evahh!
Mga babae ng block XX
Kate, thanks for the graphic novel. ANG GANDA NG SANDMAN! YEAAH!
>>>
Naku. MAy ishe-share pala ako sa inyong lahat.
Ang kinuha ko na PE for this sem is ARNIS; the filipino martial-art. Parang fencing ito with sticks. Instructor namin si Sir Gialogo--6-time national champ ng Arnis.
Ang saya ng arnis. Promise.
Last, last thursday, nagkaroon kami ng prelims for arnis. Lahat ng 8 patterns ipeperform sa harap ni sir.
After ko magdemo, eto ang nangyari:
Sir: "Pasia, Pasia, halika nga..."
Ako: "Sir..?'
Sir: (hawak-hawak pa 'yung index card ko) "Anong province mo?"
Ako: "Davao CITY po sir..." (HINDI NAMAN PROVINCE ANG DAVAO EH! PERTEH!)
Sir: "May varsity team ka na..?"
PErteh. At that moment, parang natulala lang ako. PRAMIS!
Ako: "Sir..?"
Sir: "Sali ka sa varsity team ng Arnis! Sige na!"
Ako: "aaah..."
Sir: "Sige na..."
Ako: "pag-iisipan ko muna sir. kakausapin ko muna parents ko..."
PErteh...
Kaya naman, ginugulo ako ng pangyayaring 'yon. Nakaka-overwhelm lang 'yung feeling na narealize ng isang all-time champ ng arnis na may potential akong maging magaling sa arnis. Goodness... Sobrang saya ng feeling. At the same time, nakakaconfuse.
Hmmm...
Magvavarsity team ba ako o hindi? Gaaaaahh...
Help me Lord.
>>>
UUWI NA AKO BUKAS!!! YEAAAAH!