Hay naku. Di ko talaga alam kung anong ibla-blog. Si
Pare kasi eh, nag-email na sakin. Hindi na raw kasi ako nagpopost ng entry dito sa blog
(yeahs, binabasa po ng ama ko ang blog ko--opo, marunong pong mag-internet / gumamit ng computer ang ama ko--mas matindi pa nga yung laptop niya kaysa sa'kin eh).So napagisipan ko na magsulat na lang tungkol sa mga naganap sa araw na ito.
Oo nga pala, ang lakas ng buhos ng ulan dito sa Katipunan. Lalo na kanina. 9am kasi ang class ko, so ng mga 8am, ready na ako for school (perteh, ang aga!). Tapos sobrang tindi ng bagyo! Ang lakas pa ng hangin! Ang nakakainis lang eh wala pang official announcement ang admin ng Ateneo regarding the suspension of classes.
Paglabas ko pa lang ng room eh sobrang binaha na yung pathway namin palabas ng dorm! At since nakatsinelas ako, ayun, dinive ko na lang yung paa ko sa tubig--mababasa naman talaga yung paa ko kahit anong mangyari eh.
Takte, ang tindi pa ng current ng baha sa labas ng dorm! Ang lamig-lamig pa (and to think na naka-shorts, jacket, at payong ako ha--Muay-Thai kasi PE ko). Nakaiinis yung mga tricycle driver na yan ha! May mga piling trike driver lang na mababait. Since nakita nilang traffic sa may ateneo, ayun, hindi na sila nagpapasakay!
So ayun, naghintay ako ng ilang minuto para sa trike. At habang naghihintay ako, sobrang nababasa ako ng ulan. Buti na lang may dumaan na trike na pinasakay ako.
Habang papasok ako ng trike, of course, dinive ko yung paa ko sa rumaragasang baha. PERTEH! Biglang naputol yung (something) ng tsinelas ko! Putol na yung tsinelas ko!!! At takte, di na maaayos kasi putol talaga!!! Irrepairable!!! HAVAIANAS PA NAMAN YON!!!! Regalo pa naman yun ni Tito Et! PERTEH!!!
ARGH. So ayun, wala na akong Havs.. :(
Useless pa yung pagtatrike ko, sobrang pinasok pa ng ulan yung loob ng trike. So basa ako, plus basa rin si Manong driver ng trike. Feeling ko nga pati underwear ko basa eh! Waa...
So ayun, drinop na ako sa CovCourts. Perteh! Sobrang nahirapan kaya ako kasi putol nga tsinelas ko. Buti na lang nakita ako ni
Mars at hinanapan niya ako ng tsinelas (tsinelas ni
Anna!) para makapunta sa Martial Arts area for my PE.
After a while biglang inannounce na SUSPENDED ANG CLASSES! HUWAAW DIBAH?! PERTEH! Naligo na nga ako sa ulan, basang-basa pa ang mga damit na suot ko, naputulan pa ako ng tsinelas, NAGISING PA AKO NG MAAGA!
Aaaah.. Life. It tends to be unpredictable.
Sana may magregalo ulit sa akin ng new pair of Havaianas. Wala na akong tsinelas... :(
(Pare, nagpaparinig ako... Sana pakinggan mo.)So ayon, may bagyo nga.
So paano ako nakauwi? Buti na lang pinahiram ako ng napakalaking sapatos ni
Aaron. Isipin niyo, size 9 lang paa ko. Size 11 yung sapatos na sinuot ko kanina! Sobrang barko na yata yung suot ko kanina eh! Tapos pinasabay pa niya ako sa kanilang kotse pauwi! Salamat!
At bukas... Bukas walang pasok! Lalakas pa raw ang ulan eh!
Anyway, yun lang po.
Yun lang.
>>>
Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi.
Bumawi ka beybeh! Bumawi ka!
Kaya mo yan! Alam kong kaya mo!
Kaya mo yan beybeh! Kaya mo!
Yakang-yaka mo yan beybeh!
YEAHzz!
God bless everyone!