Saturday, December 15, 2007

ON HELL WEEKS AND JAPANESE

Only one hell week left.
And then, it's Christmas time!

***

I've learned a lot of Nihongo lately. It's because I'm taking up Japanese for my foreign language course.

Hajimemashite! Watashi wa Danica desu. Watashi wa jyuu hassai desu. Davao City karakimashite. Wakarimasu wa Nihongo desu ka? Hai, wakarimasu wa Nihongo desu. Watashi wa genki desu. O sewa ni narimashita.

Neto, arigatou gozaimasu! Ai shiteru. :)

those sentences mean:

Pleased to meet you! I am Danica. I am 18 years old. I came from Davao City. Do you understand Japanese? Yes, I understand Japanese. I am fine. Thanks for everything!

Hmmm, thank you very much! I love you. :)

Hahaha.. I really need to learn more Japanese. I'm getting the hang of it! Ang saya!
Gusto ko ring mag-French! Hahaha!

***

Next week! I'm off to Davao City!
Yey! Home!

***

God bless everyone!

Sunday, December 2, 2007

ON BLUE CHRISTMAS

I'm truly honored and blessed to be part of the Ateneo Blue Christmas 2007.

mga kids ko tumatakbo para makipila sa inflatables

Blue Christmas is that time of the year where we spend one whole day with the kids (630am - 700pm) and just take care of them, play with them, talk to them. Basta, para siyang napakalaking Christmas party na sobrang daming freebies for the kids.

Actually, I planned this for our whole block (na sana kaming lahat makasama this year) since late August. Last year kasi, two of my blockmates lang ang sumali. This year, marami-rami na rin kaming sumali bilang mga facilitator volunteers para sa mga bata.
A kid from the other group, Catherine, and Colleen

'Yung mga naassign sa group ko eh mga batang ages 6-10, most of them boys, from GK Talanay, QC. Dadalawa lang 'yung naassign sa aking mga girls noh. Ang kukulit nilang lahat kasi naroon sila sa age na kunwari nagbibinata/nagdadalaga na sila. 'Yung mga buhok ng mga lalaki sa mga kids eh panay nakatayo't pununung-puno ng gel noh! 'Yung mga babae naman, nasa corner lang, kunwari nahihiya sa mga lalaki. Hahaha!

Nakatutuwa kasi noong sinundo namin (with Chicki, my blockmate) sila sa barangay nila, sobrang excited nilang lahat! Panay kaway ng mga kamay at 'yung iba pa sumisigaw ng "ateee!! kuyyaaaa!!". Grabeh, hindi ko inimagine na ganoon lang pala talaga 'yung excitement nila for Blue Christmas.

At noong patapos na 'yung araw, sobrang hinahug na nila kami ng mga kagrupo ko. 'Yung iba naman nagpapakarga. Haay naku! Sobrang saya pa kasi sabi nila hindi nila kami malilimutan, at most of all, mamimiss nila kami.

With Father Ben Nebres (President ng AdMU) and Bosing Marian (senior ng HSc)

Kahit isang araw lang 'yun, sobrang nasiyahan pa rin ako dahil napasaya ko ang mga batang 'yon. Pero, oo nga pala, hinding-hindi ko malilimutan ang batang si Peter. Sobrang payat niya, at sobrang liit to be considered a 6-year-old boy.

Habang kumakain sila ng lunch (c/0 McDo), isang kagat lang ng manok at isang kutsara lang ng kanin ang kinain niya. Tapos sabi niya sa amin, ayaw na raw niya. Akala namin gustong magpasubo, kaya sinubukan kong subuan si Peter. Kaso, ayaw na raw talaga niya. Ibabaon na lang daw niya. Hmmm... At dahil doon, napaisip kami ng mga groupmates ko.

Obvious naman kasing gutom siya, kaso gusto pa rin niyang ibalot yung mga pagkain niya. Sinabi nung kapitbahay ni PEter, na kid din namin, na 6 na magkakapatid sina Peter. Ika-3 si Peter sa kanilang magkakapatid. Dahil doon, napagisipan namin na baka gusto ni Peter iuwi ang mga pagkain na 'yon para maibahagi sa kanyang mga kapatid--sa kanyang pamilya. Moreover, pati yung mga snacks (c/o McDo, Del Monte, Coke) ay iniuwi lang ni Peter. 'Yung juice na nasa plastic cup, nilipat niya sa boteng dala-dala niya para maiuwi sa bahay nila! Grabeh! Even at the tender age of 6 (in fairness, ka-edad lang niya kapatid ko!!!), may concept na siya na naghihirap talaga sila ng pamilya niya at kailangan niyang makatulong by just bringing food given to him during Blue Christmas in their house so that he could share it with his family. Ni hindi nga mapagbigay 'yung kapatid ko eh. Tsk. Tsk. Tsk. Pinoy nga naman... Vicious circles of poverty [DS! DS! DS!!!].
Gabi na, at umilaw na ang mga lights sa Bellarmine Field!

Hindi lang 'yon ang mga dahilan kung bakit di ko talaga makalilimutan si Peter. Siya kasi 'yung biglang napatae sa kanyang shorts habang naglalaro kami. Bigla na lang akong napalingon sa kanya noong sinabi nung isa pa naming kid na "aaay! ang baho! tumae siya!" Sobrang nahiya siya from that point onwards. Hindi na masyadong nagsasalita eh. Tapos, ayaw pa niyang magpalinis kay Chicki. Kaya, buong hapon, sobrang ang baho niya. Moreover, habang naghihintay kami ng group na pumila kay Korina Sanchez, biglang umihi sa harap ng sandamakmak na tao sa gitna mismo ng Bellarmine Field si Peter. Shucks! Bigla ko siyang nilapitan at sinabi na dapat sabihan niya kami kung naiiihi na siya. Grabeh! Adventure itong batang ito! Siya na nga ang pinakamaliit sa kanilang lahat, siya rin ang pinaka-unpredictable! Hahaha! I'll never forget him.

So ayun, nakuwento ko na. Ateneo Blue Christmas is LOVE.

Totoo 'yan. It's not just being men and women for others. It's so much more than that.

Until next year guys! Magblu-Blue Christmas kami ulit!

- - -

Kk... Study time!!!
Help me LORD!