Sunday, August 24, 2008

NO INET LONG TESTS THESIS

Shucks. Ayon, title pa lang, parang descriptive na ng kung anong nangyayari sa akin ngayon.

Wala na naman akong internet sa dorm. Nandito ako ngayon sa internet cafe dito sa Katipunan (AT SHUCKS nakakaloka dahil ang layo nito sa dorm ko noh. PLUS, I have to walk here from the dorm kasi BAWAL na ang mga tricycle galing sa loob ng Ateneo towards Katipunan avenue. National Road na raw kasi yung Katipunan avenue so kung may mga tricycle roon, huhuliin 'yung mga driver ni Bayani Fernando.) Hassle pa kasi sobrang nangangailangan ako ng internet these days.

Sayang! Nakalimutan ko kasing magbayad last Friday for my internet. Sobrang feeling ko nauubusan ako ng oras. Kaya ayun, pinutol yung free internet namin nina Chicki at Mimi. Si Pia lang yung may internet sa room, at di naman siguro okay kung makigamit ako ng laptop niya ng matagal ano.

Long tests. NAkakainis lang. Dapat naglong test na sa CHEM 35 kahapon eh. Kaso, dahil sa pagka-cancel ng mga classes because of the heavy rains (na hinarap ko pa rin dahil kailangan kong pumunta for the elections that morning) and the holidays, na-move ang long test next Saturday (AUG 30) na kasabay din ng isa ko pang long test sa Epidemiology. Haaay. SO ayun, iniiwasan kong magpatong-patong ang lahat, kaya lang inuunahan ako ng pagkatamad. COMPLACENCY. SHET.

THESIS. Nagsimula na ang aming thesis-making. We are aiming for the WHO funding worth at least 10,000 US Dollars. Ang laki diba? Kaya naman kailangan naming magdevelop ng isang intervention method for Patient Safety. Balak naming mag-intervene ng monitoring system for health care-associated infections sa mga piling public hospitals dito sa Metro Manila. Sana may pumayag. At dahil sa sobrang short time, may deadline kami every Saturday na dapat i-fulfill. Oo nga, matrabaho pero gusto ko talagang maganda 'yung thesis namin! Sana mangyari ulit 'yung mga experiences ko sa research when I was in high school. Sana ngayon maitama ko na 'yung mga pagkakamali na nagawa ko noon. I believe I can do better this time! YEAH!

At tinanggap ko ang responsibility bilang pagiging Head Stage Manager para sa production namin this second sem, Ang Unang Baboy sa Langit. Mahal ko talaga ang Enta. Plus, Finance Officer pa ako sa 10x10x10 sa November. Nagtataka lang ako kasi hindi pa ako kinakausap ng maayos ng mga heads ng 10x10x10. Di ko nga alam kung nagmimeeting ba o hindi eh. Oh well... Kasama pa ako sa writers' pool ng Enta. Gagawa kami ng play from scratch. Plus, head pa ako ng Entayaw for RIB ng CADS. Sana masabay ko lahat.

Lord, sana masabay ko ang lahat. Sana kayanin ko. Go for A!!! Quatro na ito! HAAY.

Monday, August 18, 2008

LIPGLOSS DAW O.

So pretentious--'yun lang 'yung statement na nasabi ko out loud noong nakita ko ang video na ito sa YOUTUBE:



Takte naman o. Sobrang fan ako ng Gossip Girl, tapos ito ang igaganti ng Philippine Entertainment scene sa aming mga fans ng GG: Bibigyan kami ng Philippine VERSION ng GG?!

Wow naman. Nakakawindang naman ang concern ng mga nakapag-isip na ipalabas ang show na ito! Oh my God (forgive me Lord) pero sobrang nakakainis ang mga ganitong actions sa media. Oo, magandang gumawa ng show na oriented sa mga buhay ng teenagers ng ating bansa BUT why do they have to do this kind of shows na super panggagaya lang (AS IN TOTAL PHOTOCOPY OF) ng mga shows of the OTHER countries?! 'Yung mga tauhan (character-wise), sounds, wardrobe, school, screenplay-wise, yung sequences ng mga scenes from start to end ng shows, 'yung storyline! SHIIZ! Sampal talaga ito sa sining mga kaibigan!

Eh ano ngayon kung kumita at sumikat ang Gossip Girl? Hindi naman ibig sabihin nito na swaswak din sa panlasa ng Pinoy ang PINOY version ng Gossip Girl. 'Yung mga reality shows na inadopt natin from USA and the other European countries naiintindihan ko pa. Kasi 'yung mga buhay naman at KULTURA ng 'Pinas 'yung pinapalabas ng mga shows na ito. Pero mehn, may TRADEMARK ang Gossip Girl. At nakikita ko 'yung TRADEMARK na 'yon sa LIPGLOSS. Parang PLAGIARISM na 'to ng concept ng Gossip Girl TO THE HIGHEST LEVEL!

Kung ang mga kanta nga sinasampahan ng plagiarism case ng mga original writers nito (case in point: Cueshe na pawang pinapalitan lang nila yung lyrics ng mga kantang sumikat/di sumikat noon pa!; Salbakuta na sinampahan ng kaso ng paggamit ng chorus ng Stupid Love; etc), siguro kung malaman man ito ng writers and production team ng Gossip Girl, maaaring sampahan din nila ng kaso ang mga nagpasimuno ng PANGGAGAYANG ito.

At note lang ha, ang barok magenglish ng characters sa Lipgloss. Inaamin kong di ako ganon ka-fluent mag-english (as in with all the American accent and everything else that goes with it) at parang ang kapal naman ng mukha kong magreklamo. BUT, para naman sa ikakaganda ng show, huwag na kayong maging pretentious at mag-ingles ng mag-ingles na di naman talaga bagay sa inyong mag-ingles. Ang sama ko na, pero the heck... SAMPAL na talaga ito sa SINING.

Mas maayos pa ang pangongopya ng labreport kaysa sa show na ito. At least ang paraphrasing ng ibang lab reports di halata. ITO, sobrang nilantad pa.

Lastly, LIPGLOSS?! Parang spoof lang talaga ah. Dapat nang i-feature sa Bubble Gang 'to.

Saturday, August 16, 2008

I AM. I EXIST.

Oo. Binago ko na nga 'yung template ng blog ko. SA WAKAS! Natuto na kasi akong gumamit ng .xml files. And so ayun, napalitan ko na.

For three years, I've used luminescent as my blog name. I don't really know why I used that name. Siguro nabighani lang ako sa tagline na "glowing in the dark, shining when no one's around." But then ngayon, gusto ko kasing i-personalize ito. Buti na lang nakahanap ako ng template in the web, at ito ginagamit ko na. I'm planning on studying Adobe Photoshop soon (that is, if I ever have that chance to install the program in my computer) so that I would really be able to personalize my blog template.

AND NOW, what's up with I AM. I EXIST?

Nakuha ko ito sa PHILO101 (Philosophy of the Human Person I) namin with Sir Jope. Inaamin ko, from a scale of -10 to 10, nasa +2 pa rin ako sa paggrasp ng buong konsepto ni Rene Descartes. I was just amazed by how he thought of having the best way to think about things and to reflect upon it through the Universal Methodic Doubt---kung saan pinagdududahan niya ang lahat sa simula.

Ganito raw kasi 'yon. Isang gabi, nilamig si Descartes. Tapos tumabi siya sa isang umaalab na apoy para painitin 'yung nilalamig niyang katawan. Biglang naisip niya na maaaring 'yung nararamdaman niyang init na galing sa kanyang paligid ay parang panaginip lamang. Nagduda siya ngayon kung totoo nga ba ang pinararamdam sa kanya ng kanyang mga senses. And so ayon, tinanggal niya ang kanyang sarili mula sa kanyang katawan, so natira na lamang 'yung consciousness niya. Habang nagdududa siya, naisip niyang maaari 'tong gawa ng isang evil genius--na baka niloloko rin siyang maramdaman ang lahat ng gawa ng senses niya. So kung may evil genius, baka kalokohan na ang lahat (tama ba ito sir jope? naku... patay na sa repetitio.). Tapos natuklasan niya na sa proseso ng kanyang pagdududa, may lumilitaw na "AKO" na nagdududa--kung saan siguradong sigurado siyang mayroong AKO na nagdududa. Ito 'yung tinatawag nilang BEDROCK OF CERTITUDE--kung saan siguradong sigurado ka sa bagay na iyon. Ang Cogito Ergo Sum. I AM. I EXIST. Lumilitaw na mayroon pa ring AKO na nagdududa. I is delivered in the process of doubting (I AM) at totoo ngang nangyayari ito (I EXIST). Natuklasan ko lang sa philo na mali pa lang sabihin 'yung I think, THEREFORE I exist (or the other way around), kasi nga nagiging syllogism lang 'yung statement na 'yon. Eh di naman doon ang pinagugatan ng cogito ergo sum.

At dahil hindi immediate ang knowing ng isang tao, na kinakailangan pa niyang magduda, natuklasan ni Descartes ang kakulangan ng isang tao. "I AM IMPERFECT," ika nga niya. At mula roon, alam niya rin na may isang perfect na nageeksistensiya. The idea of perfect, of this, must come from someone greater than me, and plant it on me. Consequently, he came to the conclusion that GOD EXISTS. Isang hindi hahayaang lokohin tayo ng ating mga senses. At mula roon natuklasan na rin niyang OTHERS EXIST dahil hindi siya kayang lokohin ng mabuting Panginoon. Naku... sabog na sa philo.

That-then-which-nothing-can-be-thought talaga si God. Supersuperlative na 'yung meaning ng statement na 'yan.

Shucks. Parang nagrepetitio ako na worth C lang oh. Tsk tsk. Kailangan ko pang iclarify ito sa mga kaklase ko/prof ko. Well, para naman may connection sa blog kong ito, gusto ko rin kasing pagdudahan ang lahat. Ano nga ba ang katotohanan? Hindi ko rin alam. Basta ang bedrock of certitude ko, kung saan siguradong sigurado ako, ay ang katotohanang nagsusulat ako--na nandito akong nagmumuni, nag-iisip, nag-aaral, at nabubuhay--na merong AKO na nandito. Itong-ito. AKO. MERON.

At mula rito, nakikita ko ang mga imperfections ko--sa mga kakulangan ko sa paglikha ng mga magagandang blog entries, ng mga failures ko sa buhay, ng mga salat na aspeto ng buhay ko. At dahil doon, narerealize kong may DIYOS--na may isang PERPEKTONG nilalang na kailanma'y hindi ako lolokohin nor pababayaan sa paglakbay ko sa aking buhay. Consequently, I begin to recognize that there are the others--that they exist with me as a member of this society.

So ayon. Sana dito magsimula ang pamimilosopiya ko sa mga bagay-bagay. Haaay buhay, sa lawak mo sobrang di na kita mawari. Ngunit sana masabak kita ng kahit may pagaalinlangan ma'y maging matagumpay pa rin ako sa dulo ng paglalakbay na ito.

SOTGA

So I stated in my entry last time that I would be blogging about sotga soon. And since I'm still not in the mood to do my research, magkukuwento muna ako.

So ano ba 'yung SOTGA? Acronym ito ng State of the Taong Grasa Address. Parang satirical SONA ni GMA. Lightning rally ito na ginawa namin sa may Zen Garden ng Ateneo last Aug 13-15, 2008. Basically, mga taong grasa kaming lahat at nilahad namin 'yung maypagka-satirical na version ng SONA.

At dahil doon, nagkaroon ako ng chance na sumabak bilang Taong Grasang GMA at nilahad ko 'yung SONA ko sa mga tao na dumadaan sa Berchmans Hall kahapon. Sa totoo lang, nakakahiya 'yung ginawa namin, pero buti na lang naagapan ko 'yung hiya ko. INisip ko na para naman 'to sa welfare ng lahat para na rin mainform sila tungkol sa SONA. Moreover, ginagawa ko ito para sa org ko--para sa ENTA. And lastly, I'm doing this for myself--to prove to myself that I can be more than just dealing with my academics. Goal ko yatang maging excellent sa lahat ng aspects. Oo, medyo ideal but I really believe na kung magiging efficient and effective PERSON man ako, dapat di lang ako laging magfofocus sa career ko. Hello... Ang dami kayang mga factors na bumubuo ng TAO. At natuklasan kong dapat maging well-rounded ako kaysa naman maging isang super expert sa isang larangan lamang at naghihingalo naman ang pagiging makatao sa kabila. Nahihirapan yata akong maglahad ng mga thoughts ko ngayong gabi. Palibhasa nag-iisa lang ako ngayon sa dorm (Chicki--nasa Cavite. Mimi--nasa Cainta. Pia--somewhere with grandparents).

Mabuti naman at marami-rami rin ang mga taong nakahalubilo namin sa SOTGA. Sana nga lang naintindihan nila 'yung mensaheng nais naming iparating. Moreover, finally nabreak ko na 'yung ice ko sa pag-arte sa entablado. I know that hindi ito sa loob ng RMT, pero parang tanghalan na rin 'yung buong quad 1 para sa akin kahapon noh! At dahil doon sobrang salamat sa suporta ng lahat ng mga taong nakilahok, nakihalubilo, nanood, nakinig, at napalingon sa SOTGA.

And thank you LORD for not leaving my side. YOU keep my memory blazin' hot and energetic everytime I need it to be that way. THANK YOU! :)

Photoshoot sa Entaroom
Sa EDSA Walk at nakikipagkamay sa strangers. :P
With our bag. The best tayo ENTA!
Teri, Mimi (my alternate), Ako, Josh

BAGO.

And so ayon. Imbis na mag-epi, nagedit ako ng blog template. Gusto ko kasi ng bagong buhay. Gusto ko ring mag-update na lagi. Gusto ko nang ipost ang Illumina of the MOnth sa ILLUMINATE. Ang dami ko nang utang sa sarili ko. At kailangan ko pang i-CPR 'yung acads ko.

Lord Thank YOU.

I need your help... AGAIN. Well, always!

Thursday, August 14, 2008

CPR

I want to revive my academics.

I want to be the best that I can be.

I know I can.

I believe I can.

I love philosophy. Kailangan ko pa 'tong ligawan nang ligawan para sagutin na rin niya ako soon!

Pati Chem Lab kailangan kong irevive ang pag-ibig nito sa akin.

Medical Anthropology din.

Health Economics din.

Analytical Chemistry din.

Epidemiology din.

Leadership and Strategy din.

Lahat na!

Nakayanan ko na dati eh. Dapat squared ng lahat ng effort ang gagamitin ko para mas matindi 'yung tama ngayon.

MUST BEGIN NOW. SHUCKS.

Tuesday, August 12, 2008

AYOKO

Sa bilog namin sa enta last prod (tarong), nalaman ko na 'yung isa kong orgmate na si Dick na 5th year na niya ngayong magperform ay hindi pa nakita kahit minsan ng kanyang pamilyang magperform during his shows.

Maging ganon din kaya 'yung experience ko?

Sana hindi.

Ayoko.

Monday, August 11, 2008

ON MEMORIZING.

SOTGA na bukas.
It is now or never...

HELP ME LORD.

Sunday, August 10, 2008

AT DAHIL SOBRANG BAGAL KONG MAG-BLOG

at dahil super late na rin ng entry na ito, sasabihin ko na lang ang mga highlights ng mga events sa buhay ko from April hanggang August.

APRIL:
-pumunta ng Davao ang mga blockmates ko at dahil doon, na-tour namin sila. Ang saya ko dahil naappreciate nila 'yung lugar na kinalakihan ko.
-nagsimula ang summer sem: Biochem at Human Life Cycle, PLUS yung pagtuturo ko sa mga grade 5 kids ko sa HOPE ng Reading. Challenging sem, yet ayon, nag-enjoy pa rin ako.
-I turned 19. And sobrang hindi ko inaasahang bibigyan ako ng sorpresa ng mga blockmates ko, orgmates ko, coursemates ko, freshies ko, at ng mga close friends ko. GRABEH. nakakaloka. pero dahil doon, sobrang nasiyahan ako. Wala man 'yung pamilya ko dito sa Manila, naroon naman sila upang pasayahin pa rin ako.Blockmates sa DavaoBirthday ko
HOPE class

MAY:
-long tests at finals month. nagkandawerla ang schedules ko at dito nagsimula 'yung time na hindi na ako nakapag-update ng blog.
-nagaudition ako for TNTs.
-end of summer class
-nagmove ako sa bagong dorm (University Dorm-South na po ako!)
-ENTASportsfest project head ako.
-nagsimula ang preparations for TARONG

TNT 2nd Interviews
JUNE:
-ORSEM: LIYAB 2008. nakilala ko ang aking mga freshies na super the best! I'm so proud of them hanggang ngayon. Ang saya ko dahil ako 'yung naging TNT nila. Plus, nagkaroon ako ng artistang freshie--si Robi!
-Simula ng classes for first semester! WOHOO! HYPER ang mga subjects ko. nakakaloka.
-Simula na ng mga rehearsals for TARONG.XX2 Yahu! I love you guys!ako at si Robi after the mass
JULY:
-nakakaloka lang ang Philo class. nakakabore ang LS. I love Chemistry lecture forever, kaso 'yung chemlab nililigawan ko pa (hanggang ngayon!!).
-nagsimula na ang production na TARONG, kung saan naging parte ako ng production team. at nag-end din ito successfully. and I'm so proud to be part of this production. MABHAY ENTABLADO!
-nagsimula na rin ang mga iba't ibang activities namin sa Health Sciences Society. Ayun, since executive board member ako, naging sobrang busy din kami sa mga upcoming projects.
-long test weeks. hellish. lalo na sa EPI. nakakaloka.
Mga kasama ko sa Enta. HSc+Enta+Mia.Gala Night ng Tarong.

AUGUST:
-Midterms month. Halos every week may test kami
-may SOTGA kami. I'll tell the details next time.
-SOSE NIGHT. SAYA!

Ayun. MAg-aaral pa ako. 'Til next time guys. :)

Monday, August 4, 2008

AUGUST NA PALA, NANAMAN.

wala akong maisip na baong title, kaya dinagdagan ko lang from the previous entry.
- - -
I'm seeking for a blog change.
I'm looking for the right template.
For the right tagline/s.
And for the right color (or will i stick to this monochrome theme?).
Bakit kasi sa sobrang tagal na nito, parang ayoko nang baguhin dahil sa memories na naiblog ko.
Or do I need to change this to make something better?

Maybe I'm just waiting for the right time.

tapos biglang naalala ko yung sinabi ni Tiny sa Pobreng Alindanaw:

"Sometimes we search for the right choices, for the right paths to walk through, for the right time, for the right person, and for the right reasons, only to find out na dapat LEFT pala..."

May connection ba?

Parang wala.

Back to my SA paper due tomorrow, 5pm.

Sunday, August 3, 2008

AUGUST NA PALA.

ang tagal ko na ring hindi nakapagblog.

busy days.

o baka tinamad lang talaga ako?

expect an entry soon. flood na ito.