Thursday, December 18, 2008

OK LANG AKO.

Katatapos lang ng Philo documentary presentation.

Two days na akong natutulog ng around 5am at nagigising ng around 7am.
Nakacut ako ng cellmol kanina kasi nagising na kami ni Pia ng around 745am for a 730am class.

Si Mama, na-admit na sa ospital. Tatlo ang attending doctors niya. Isang spine surgeon, isang cardiologist, at isang nagmomonitor ng kanyang diabetes. Sobrang kinakabagan daw siya dahil sa kaba. Sana maharap niya ito bukas ng matagumpay.

Narealize kong ang hirap palang malayo sa mga minamahal mo sa buhay in times like these. Gusto kong nandoon ako sa tabi ni Mama ngayon upang mahinahon lang siya sa kabang nararamdaman niya. Gusto ko nandoon ako sa kanyang tabi before siya mag-undergo ng surgery. Gusto ko nang umuwi. NOW NA.

Ang hirap magrelay ng message through text or through calls. Ako kasi yung type na medyo "touchy"---in a good way. Gusto kong i-hug si Mama. Di naman niya gets kung ano yung >:D< na HUG pala yun eh. Ang hirap.

Emosyonal pala talaga akong tao. Pero buti naman at di pa ako umabot (AT SANA NEVER) sa point of breaking down. Aminado akong di ko kayang gawin ang lahat pero alam kong may mga kaya akong gawin. Lagi ko ngang tanong sa sarili ko kung kailan ako titigil--kung kailan ako maglelet-go ng mga bagay-bagay. Sabi ng ibang tao, basta nagiging masaya ka sa mga ginagawa mo, kayang-kaya mong gawin ang lahat ng bagay na ito. Minamahal mo raw kasi yung ginagawa mo. PERO HELLO? What if hindi mo na talaga kaya---in a sense na super nafa-fatigue ka na dahil sa mga gawaing kailangan mong gawin dahil tinanggap mo itong gawin at binigay na sa'yo ng mga tao yung trust nila diba?

Ang bigat ng feeling ko ever since last week. Maybe its just due to the fact na sa Sunday pa ako makakauwi. NGayon yung mga panahon na parang wala na akong control sa mangyayari kay Mama bukas ng 9am. Ito maharil din ang dahilan ng tao kung bakit siya nakabuo ng konsepto ng DIYOS para lang di siya masiraan ng ulo dahil sa lupit at masakit na mga pangyayari sa kanyang buhay.

Lord, kailangan ka namin. Kailangan ka ni Mama. Di ko na alam kung ano pang gagawin ko, lalong higit na narito ako sa malayong lugar. Text/call at dasal na nga lang yung nagagawa ko.

Basta... alam kong I'll hug Mom as soon as I get back home.

'Til then.

No comments: