Monday, August 18, 2008

LIPGLOSS DAW O.

So pretentious--'yun lang 'yung statement na nasabi ko out loud noong nakita ko ang video na ito sa YOUTUBE:



Takte naman o. Sobrang fan ako ng Gossip Girl, tapos ito ang igaganti ng Philippine Entertainment scene sa aming mga fans ng GG: Bibigyan kami ng Philippine VERSION ng GG?!

Wow naman. Nakakawindang naman ang concern ng mga nakapag-isip na ipalabas ang show na ito! Oh my God (forgive me Lord) pero sobrang nakakainis ang mga ganitong actions sa media. Oo, magandang gumawa ng show na oriented sa mga buhay ng teenagers ng ating bansa BUT why do they have to do this kind of shows na super panggagaya lang (AS IN TOTAL PHOTOCOPY OF) ng mga shows of the OTHER countries?! 'Yung mga tauhan (character-wise), sounds, wardrobe, school, screenplay-wise, yung sequences ng mga scenes from start to end ng shows, 'yung storyline! SHIIZ! Sampal talaga ito sa sining mga kaibigan!

Eh ano ngayon kung kumita at sumikat ang Gossip Girl? Hindi naman ibig sabihin nito na swaswak din sa panlasa ng Pinoy ang PINOY version ng Gossip Girl. 'Yung mga reality shows na inadopt natin from USA and the other European countries naiintindihan ko pa. Kasi 'yung mga buhay naman at KULTURA ng 'Pinas 'yung pinapalabas ng mga shows na ito. Pero mehn, may TRADEMARK ang Gossip Girl. At nakikita ko 'yung TRADEMARK na 'yon sa LIPGLOSS. Parang PLAGIARISM na 'to ng concept ng Gossip Girl TO THE HIGHEST LEVEL!

Kung ang mga kanta nga sinasampahan ng plagiarism case ng mga original writers nito (case in point: Cueshe na pawang pinapalitan lang nila yung lyrics ng mga kantang sumikat/di sumikat noon pa!; Salbakuta na sinampahan ng kaso ng paggamit ng chorus ng Stupid Love; etc), siguro kung malaman man ito ng writers and production team ng Gossip Girl, maaaring sampahan din nila ng kaso ang mga nagpasimuno ng PANGGAGAYANG ito.

At note lang ha, ang barok magenglish ng characters sa Lipgloss. Inaamin kong di ako ganon ka-fluent mag-english (as in with all the American accent and everything else that goes with it) at parang ang kapal naman ng mukha kong magreklamo. BUT, para naman sa ikakaganda ng show, huwag na kayong maging pretentious at mag-ingles ng mag-ingles na di naman talaga bagay sa inyong mag-ingles. Ang sama ko na, pero the heck... SAMPAL na talaga ito sa SINING.

Mas maayos pa ang pangongopya ng labreport kaysa sa show na ito. At least ang paraphrasing ng ibang lab reports di halata. ITO, sobrang nilantad pa.

Lastly, LIPGLOSS?! Parang spoof lang talaga ah. Dapat nang i-feature sa Bubble Gang 'to.

No comments: