Wednesday, September 16, 2009

BASO BA TALAGA?

Mukhang shot glass lang yata.

Ang hirap magpaka-timba, lalo na sa larangan na ito, lalo na kung wala naman akong suportang nakukuha mula sa iba.

Ang hirap magbigay ng positive reinforcement sa ibang tao, lalo na kung wala naman akong nararamdaman na gan'un mula sa kanila.

Makasarili ba? Ewan. Ewan. Ewan is the word of the season.

Hindi na ako sigurado dahil sa lahat ng mga ito. Minsan nawawalan na ako ng tiwala sa sarili. Siguro ako 'yung tipo ng tao na kailangang makarinig ng feedback mula sa iba. Hindi sapat sa aking pinapabayaan lang ako kasi talagang mapaglaro ang buhay... Ang unpredictable ng mga mangyayari. At ayokong masaktan. Ayoko na. Ewan...

Higit sa lahat, ayokong makaapekto ng iba dahil sa mga maling akala ko. Yes, people are social beings. I am immersed into situations where I MUST work with people, share them my thoughts and ideas. Pero baka pinipilit ko nga lang ang sarili ko at baka di ko lang matanggap na 'yun nga... Na shot glass lang ako. Or lalagyan ng sawsawan. Ewan...

Misplaced ba? Pinipilit ko ba talaga ang sarili ko? EWAN!!!

BASO.

I just realized na sobrang nega ng previous entry ko.

So anyway, I remember my mom telling me to never skip meals. Mababaliw daw ako kung di ako kakain.

Last week, I had only one meal per day. Kinaya naman. At di naman ako nagkaka-ulcer (THANK GOD!). Minsan kinakabahan ako kasi baka maging anorexic ako. Buti na lang na-maintain ko pa rin ang shape (SHAPE?!) ng katawan ko. At contrary to what people may think, HINDI PO AKO NAGPAPAPAYAT. Kailangan ko lang magtipid. Siguro somehow (but not totally) due to my previous entry. Pero nagtatabi talaga ako ng at least 2,000PhP per month. At hinding-hindi ko gagastusin 'yun kasi kung hindi, hindi ko na naman matutupad 'yung goal ko.

Anyway, kaka-stress test ko lang. Results show that I efficiently handle all the situations I am in. Hay naku ewan ko ba kung maniniwala ako diyan sa stress test results na 'yan. Minsan iniisip ko na baka pinipilit ko lang 'yung sarili kong maging parte ng isang situation. Na minsan, compelled to do things lang ako, though talagang matitindi 'yung hesitations ko sa paggawa ng mga bagay-bagay na 'yun.

Nalulungkot ako kasi minsan, hindi ko naipapakita 'yung galing na gusto kong mapakita kasi inuunahan ako ng takot at pagaalinlangan. May isang paparating na bagay na gustong-gusto ko talagang gawin (kahit ngayon lang last na kasi.. as in, huling-huli nang pagkakataon... at sigurado ako doon) pero inuunahan ako ng mga bagay na iniisip kong baka mas makabubuti sa mga tao, para sa lahat... at para na rin sa sarili ko.

Paano ko ba titimbangin ang mga bagay? Ano ba dapat 'yung pipiliin ko: 'yung bagay na gusto ko? o ile-let go ko na naman 'to na baka mas ikabuti pa ng lahat, kasama na ang sarili ko?

Siguro nakakaramdam lang ako ng ganito dahil wala akong naririnig na tulak mula sa ibang tao na sumabak ako dito sa bagay na gusto ko talagang gawin. 'Yung dating pa nga ako pa 'yung tumutulak sa ibang subukan ito. Baka nakikita nilang mas nararapat ngang gawin ko na lang 'yung commitment ko kaysa sumabak pa sa isang bagay na di naman ako siguradong kaya ko ngang gawin nang mabuti. Ewan. Insecurities. Oras. Pagaalinlangan. Competition. Responsibilities... Lahat 'yan tila pumipigil sa aking umagpas mula sa estadong kinalalagyan ko.

Naaalala ko tuloy 'yung sabi sa Philo102 namin. May mga tao talagang baso lamang. May mga taong timba naman. Kung baso siya, kailangan niyang i-aim ang pagiging baso. Huwag dapat siyang mag-aim na maging timba dahil sa kalagayan at pagkabigay niyang maging baso lamang. 'yung timba naman, huwag dapat siyang makuntento sa pagiging baso lamang dahil timba siya. Hindi maaabot ng baso ang pagka-ganap kung sosobra o kukulang siya sa kanyang pagiging baso. Likewise, hindi magiging ganap ang timba kung makukuntento siya sa pagiging salat o sa pagiging sobra ng kanyang pagiging timba.

Ano kaya ako? Baso o timba? Gustuhin ko man maging timba, mukhang baso lang yata ako. Itulak ko man ang sarili ko, wala ring mapaglalagyan 'yung kung ano pa mang merong katas na mapipiga ko pa mula sa sarili ko. ewan ko ba...


Ay naku... Enough of all these drama shiiiz. Baka magka-period lang ako. Hormonal.

AMA, INA, ANAK

May hangganan nga ba ang pagiging kapamilya? May hangganan ba ang pagiging anak sa ama't ina?

Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga yung gagawin namin sa ngayon. Ang controversial naman kung ibo-broadcast ko pa dito yung mga nangyayari sa amin ngayon. Ewan ko ba... Oo, apektado ako. Aaminin ko 'yun. Hindi naman ako isang manhid na tao, porke't dito ako nakatira sa Manila at nandoon silang lahat na nagkakagulo sa Davao. Naiinis ako na parang wala akong magawa. Ito na 'yung bagay na kumukulit sa isip ko araw-araw--na bakit gan'un 'yung nangyayari ngayon? Bakit maraming nasasaktan?

Siguro kung nandito pa si Papalo ngayon, di siguro kami nagkakagulo ng ganito. Nakakainis.

Masaya naman kami dati... Pero ngayon, di ko man lang namamalayang nagbabago talaga 'yung panahon. Kung kaya ko lang bumuhay at sumuporta ng pagpapalaki ng ibang tao, ginawa ko na. Pero hindi ko pa kakayanin.

Naiinis ako sa'yo. Nasisira 'yung buhay namin dahil sa'yo. Sana matauhan ka na mali--TALAGANG MALING MALI 'YUNG GINAGAWA MO! TAKTE KA! Ayokong may nasasaktan sa pamilya natin pero IKAW ANG PASIMUNO NG LAHAT NG ITO!

Akala ko we really have a very happy family... But then again, REALITY BITES.

But then again, we must maintain respect. Respect. Kahit gaano pa man siya kagago, kadugo mo pa rin siya. Respeto pa rin. Respeto.

Sana tunay pa rin 'yung respetong ipinapakita natin sa isa't isa. Hindi lang dahil KAILANGAN kitang irespeto dahil ikaw IKAW. Ang dami mong sinasaktan. Sana matauhan ka na.

Sana bumalik na 'yung taong nakilala ko mula noong bata pa ako. Hindi pa sila nawawalan ng pag-asa sa'yo, though honestly ako, medyo nawawalan na. MAGPAKATINO KA. MAY PAMILYA KANG DAPAT SUPORTAHAN, AT NAGHIHIKAHOS AT NAGHIHINGALONG MABUHAY! TAKTE!

Sunday, September 6, 2009

MAY SAKIT PERO DAPAT WALANG SAKIT

Maaga akong nagising ngayong araw. 7am, gising na gising na ako. Pero hindi ako makagalaw. Di ako makagawa ng kahit ano!

Nilabanan na ako ng sakit. Ay naku. Nakakainis lang 'yung katotohanan na habang nagtatype ako, di tumitigil 'yung tulo ng sipon ko!! Kadire.

At natatakot akong uminom ng gamot. May iba pa kasi akong gamot na iniinom. Baka kumontra ay naku! Ayokong magka-LBM dahil lang dito.

***

Ngayon - Distinction dinner (DL daw kasi ako. nakakainis na kinalimutan ako n'ung arsa acadcom whatever shiiz. kung di pa sinabi ni chicki, eh di talaga nila ako iimbitahin.. hmph! waley!!! nagtampo?! ahahah). may paper na sisimulan. two messages to write. preparation ng calendar + email para sa PD. org works. read physio. leadership training module. PANEL PRESENTATION!!! REST.REST.REST DAHIL NAGKAKASAKIT NAAA!!!
Bukas - Diba bida rehearsals 10am - 4pm (siyempre may break! di ko kakayanin ang tuloy-tuloy! 4:30pm onwards ay Magis rehearsals sa Henry Lee Irwin.
Tuesday - 7:00am pilahan para sa theo immersion presentation. mag-aaral para sa physio long test. Rehearsals ng diba bida at magis
wednesday - 7:00am pilahan para sa philo104 orals! target date thursday next next week!!!
thursday - deadline ng pos100 paper tungkol sa "what is peace?" dahil na-miss daw namin ang forum ni Gilbert Teodoro noong nag-immersion kami. read physio!!!
friday - whole day dedicated to physiology. 1230pm BIDA Voter finale. critic's night. tssss..
saturday - physiology 2nd LT (BAWI BAWI BAWI!!!). LTS1. gawa ng presentation para sa pms midyear report.
sunday - read philo. dedicated to panel presentation

ANG DAMI..

dahil dito sa pagsusulat ko, naaalala ko ang mga dapat kong gawin and at the same time, nare-realize ko na ang dami pala ng mga ito!

PROCRASTINATION

Bakit nagpo-procrastinate ang mga tao?

Kasi lagi nating iniisip na may mamaya. Na huwag muna ngayon kasi merong mamaya.. Na huwag muna ngayong araw kasi may bukas pa.

Eh paano kung wala na pala 'yung bukas? Eh paano kung ngayon na pala 'yung huling araw mo para magawa mo 'yon? Di mo alam, baka bukas patay ka na..

Hay naku..

MUST.NOT.PROCRASTINATE.

***

Tapos ngayon nagkasakit pa ako. Ang dami ko pa namang dapat gawin ngayong linggo!! HAAAY!!!

Friday, September 4, 2009

FACEBOOK

May facebook account na si daddy!

Bakit nag-iinvade ang mga 1959 people sa facebook?!

Ayokong i-approve! waahahhaah!

Sunday, August 30, 2009

BACK FROM IMMERSION BUT.

kagagaling ko lang pong immersion. pero bakit po ganito?!

akala ko naman magiging SUPER SAYA ako pagbalik ko.. panay problema naman yung nag-welcome sa akin.

dapat ba talaga ako maging masaya? parang maling ideya yatang mag-online ako. wala lang mang nagsabi ng "na-miss kita!" o "kumusta ka?" panay "nagawa mo na ba ito?" o "i have a complain" o "sorry kasi ganito..."

i always try to see the glass half full. pero minsan, narerealize ko rin na may tendency talaga akong mag-break.

kailangan ko ng mahabang pasensya... lalo na sa mga panahon ngayon.

baka malapit na akong maka-period. baka lang dahil doon naiinis ako. sana nga 'yun ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

* * *

on the other hand, nakaka-miss ang pamilya ko sa Bilad. Ang saya kasama ng mga Aeta.

to follow na lang siguro yung blog ko tungkol dito. kailangan ko munang harapin yung ibang mga tao. haay.

Thursday, August 27, 2009

MAY NAGBABASA PALA

gumawa si daddy ng FRIENDSTER account. Nainggit na talaga siguro sa mga lola ko at mga pinsan niyang may FACEBOOK.

ang labo.. Bakit friendster pa yung ginawang account ni daddy. tsk.tsk.tsk...


+ + +

Noong high school ako, sobrang daming taong nagbabasa ng blog kong 'to. Siguro uso lang ang blogspot noon, at mahilig lang talaga akong manggago ng mga kaklase ko sa internet. Nagc-cbox pa ako dati, at laging may new update sa cbox kasi hindi marunong mag-comment 'yung mga kaklase ko. Nagpatuloy yung blog fever until first year college namin. After that, siguro na-distract lang ang marami sa multiply, facebook, plurk, twitter, etc. Nakalimutan na ang mga blogger, LJ, xanga (xanga?! ang luma!!), etc.

Kaya akala ko, wala nang nagbabasa ng blog na 'to.

Noong first year ako sa college, laging binabasa ni dad ang blog kong 'to. Miss na miss na siguro nila ako ng mga panahon noon (ngayon ok na kami sa pag-uusap namin every sunday night). Kaya panay ang pagfi-filter ko ng bawat blog entry ko. Baka ma-misinterpret ni dad. Mahirap na. Eh since sophomore ako, nawawala na sa isip ni dad 'yung tamang URL ng blog na 'to. Sabi ko sa kanya, i-search na lang niya sa Google yung pangalan ko. Baka lumabas lang 'yung link. Eh hirap din si dad sa internet (kahit nga sinasabi niyang "proficient" siya dito kasi nakakapag-online booking siya ng plane ticket ko at nakakagawa ng FRIENDSTER account. tsk). Pero sa ngayon, sa pagkakaalam ko, di na niya 'to nabibisita.

Kaya akala ko, wala na TALAGANG nagbabasa ng blog na 'to.

Late last year and earlier this year, nalaman ko na naman na meron pa palang nagbabasa ng blog na 'to. Pero ewan ko kung binabasa pa nila 'to. Pero kebs lang. Espasyo ko 'to eh. Feeling ko hindi na. Sana hindi noh.

Anyway, so ayun. Nagiging honest talaga ako sa blog na 'to. Kasi lagi kong iniisip na may kinakausap lang akong stranger o wala at all... 'Yung tipong kinakausap ko lang 'yung sarili ko. Kaya ang dali lang mag-address ng concerns dito, ang daling magreklamo, ang daling mag-type ng mga bagay na ayaw at gusto kong mangyari sa buhay ko.

Apparently, may nagbabasa pa pala ng blog na 'to. Nakakahiya na tuloy!

Hello sa'yo!

Wednesday, August 26, 2009

AGAIN. PARA KAY H.

so pinagpapalit mo na TALAGA ako ngayon..?

masakit. tss.

+ + +

mustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpain

KAY H AT TUNGKOL SA IDS

So, pinagpapalit mo na ako ngayon..?

haaay... ganyan lang talaga ang buhay. tsk.

+ + +

BAKIT ko iniwan ang ID ko sa BERCH BANYO?! ()*&^%$#%^&*(

sana sana sana nandoon pa rin 'yun bukas!!!

baka di ako makatulog dahil dito... NOOO!!

Saturday, August 22, 2009

LIST.

Things to do:

1. POS 100 LT on thursday, Aug 27
2. HSc 83 Proposal -- Project: Familial Dysautonomia
3. Immersion weekend in Bilad, Capas, Tarlac -- Aug 28-30
4. PMS phase 2 - Sept 1
5. PMS panel meeting - Sept 14
6. PMS EB Meetings - Aug 27 and Aug 31
7. DIBA BIDA Rehearsals - ongoing, 6-8pm everyday
8. Theo readings
10. Philo Readings
11. Thesis data gathering!!! 730am please someone wake me up!!
12. Magis Rehearsals - Sometime next week
13. Venue Meetings - Tuesday
14. Sa Tahanan ng Aking Ama meetings - Monday.
15. Eat. Rest. Sleep.

Ang dami ko pang di nailagay dito, like family shiiz, friendship shiiz, health shiiz...

Kayo na po ang bahala sa akin.

APPREHENSION IS THE WORD OF THE DAY

Apprehension. Madalas ko na 'tong sinasabi sa mga panahon ngayon. Sa klase, sa org, sa lahat na... Nakakalungkot. Nawawalan na ba ako ng tiwala sa ibang mga tao?

Hindi ko malaman kung bakit ko ba kailangang ilabas ito. Pero oo, noong natanggap ko ang message na 'yon, nakaramdam ako ng kaunting sakit. Oo, maka-qualify ko ngang masakit 'yun kasi hanggang ngayon, di ko pa rin matanggal 'yun sa isip ko. Patuloy pa ring naka-open 'to sa Preview ng laptop ko, kasabay ng pagsulyap ko rito kung ginagamit ko yung application na puwedeng tingnan ang lahat ng open windows sa laptop ko. Nakakainis isipin na oo, MERONG iba... Na ngayon, kilala ko pa. At ngayon, competitive pa.

Hindi ko rin maamin sa sarili ko kung "GO" nga ba ako o hindi. Prevention is better than cure, ika nga nila. Pero minsan kailangang masaktan ang tao para maramdaman niya mismo yung karanasan na 'yun na siyang humuhubog sa kanyang pagkatao--na mismong nagpapakatao na rin sa kanya. Ewan ko ba!

Nawawalan na ba ako ng tiwala sa'yo? Nawawalan na ba ako ng tiwala sa sarili kong di ako mahuhulog sa infinite pit of no-thingness? Baka nga ito na 'yung sinasabi ni Pao, na org-mate ko na magaling mag-Tarot card reading, na "No-Thingness" na kinatatakutan ko.

I supress the no-thingness daw.

EWAN KO BA.

Basta, apprehension is the word of the day.

Sana maging "HOPE" or "TRUST" is the word of my life.

Thursday, August 20, 2009

TUMOR AND THANK YOU'S

Lagi kong nakakalimutang uminom ng gamot. 'Yon tuloy, nahihilo ako sa mga panahon na nagko-commute ako. Feeling ko may tumor na ako sa utak kaya ganito yung nararamdaman ko. Ewan ko ba. Baka kulang lang ako sa tulog.

Masaya ako ngayong araw. At nais kong magpasalamat sa Diyos dahil sa mga sumusunod:
1. Mimi, Aneka, Pam, Jen, Jerold, Janine, Mara, and Luis--dahil sa isang nakakalokang gabi. Sa uulitin! Napasaya niyo ako ng todo dahil sa mga kalokohan niyo.

2. Bianca at Say na hinintay ako bago mag-8am at sinamahan ako hanggang CCP ngayong araw. Hindi tayo naging masyadong matagumpay ngayong araw. Pero nararamdaman ko, magagawan natin 'to ng paraan.

3. Cast ko, na talagang bigay na bigay sa rehearsals. Sana mapagpabuti pa natin ito. Prologue, Epilogue, at Polishing + Tech na lang!

4. Sa dalawang taong kasama kong manood ng play. NakakatUwa kayo. Sana malaman niyo na never kayong nag-fail to make me smile.

5. Sa mga yakap at *****. Masaya? HAHA. OO!

SALAMAT LORD!

***

Then again, I pray na sana hindi ako magkasakit. Please remove the brain tumor.

Thursday, August 6, 2009

ON CORY'S DEATH: IPA

The Issue and Policy Analysis Cluster’s Statement
on Cory Aquino’s Death

We, The Issue and Policy Analysis Cluster, mourn with the nation for the passing of one of the most selfless and commendable leaders ever to change the face of Philippine History – our icon for democracy, Former President Corazon C. Aquino.

President Cory lived all her life in the service of the Filipino. Upholding the values of generosity, love and faith in God, she led the Philippines in its fight for freedom and the restoration of its democratic institutions. She helped rebuild a country distraught and scarred by corruption, and regained the trust of a people fatigued by all the violence and dishonesty. Even after her term as president, she continued serving the Filipino nation through her active participation in socio-political events, as she continued to fight for the welfare of the Filipino people.

Cory will be remembered forever, for her legacy and for the values she lived by. Her spirit will continue to inspire us to serve this country and fight for a better nation.

Wednesday, August 5, 2009

COOR RANT #1

MINSAN lang akong mag-blog tungkol sa aking pagiging Coordinator ng ENTA. Oo, sobrang masaya maging ENTADIR. Masaya at mahirap maging Coordinator. Mahirap talaga, pero ibang klaseng saya naman ang kapalit sa tuwing nakikita kong sobrang humihiyaw sa ligaya yung mga members namin sa organisasyon.

Pero ay naku.. Haay naku.

Hindi ko inaasahang makakaencounter ako ng ganitong challenge sa pagiging coordinator ko. ito na yata so far ang pinakamatinding challenge na sinet para sa akin sa taong ito: how would you convince someone to hold on--lalong higit na nararamdaman niyang wala naman siyang kakapitan--kahit na sabihin mo ilang beses na NANDITO AKO para kapitan mo?

Lord, I'm coming humbly to you, please help me in this situation. Minsan iniisip ko wala na talaga akong magagawa. But I really have to force myself NOT TO LET GO kasi yung mere act of giving up in this situation suggests na hindi ako stable na kakapitan ng taong gusto kong kumapit pa rin nang mahigpit sa akin mga kamay. God, sobrang impossible na!

Naaalala ko yung sinabi ni Ma'am V noong 1st year HS ako... With God all things are possible. I'm not yet giving up.. NO. I'M NEVER GIVING UP. No matter how hard this may seem to be, I won't let go.

isa lang itong challenge lord.

+++

Bakit kasi inimbento ang LOVE LIFE?!

Tuesday, July 21, 2009

BUHAY PA AKO.

Ang daming mga nangyari for the past few weeks.

Mahirap na tuloy balikan ung bawat isang mga nangyari since March (siyempre ang daming mga significant things na nangyari). Gustuhin ko mang i-blog ang lahat ng 'yon, di ko magawa--dahil na rin sa kakulangan ng oras (hello, 12:22am na at kailangan kong magising ng maaga dahil may flight ako nang madaling araw).

Naku Lord, maraming salamat at hindi niyo po ako pinababayaan.

Pati sa aking mga support group. salamat.

Patapos na ang July. haay..

Gusto kong mag-update tungkol sa ff:
1. MARCH.
2. Seniors' Party
3. COA formsem
4. ENTA PLEVSEM
5. NMAT
6. SUMMER PLANNING and several EB MEETINGS ng ENTAEB
7. my personal insights sa mga bagay from 1-6
8. END OF MAY
9. ANG HENERALA REHEARSALS
10. ORSEM 2009
11. ANG HENERALA SHOWS and PROD PARTY
12. VENUE SCHEDULING MEETINGS
13. FAMILY
14. LOVE LIFE
15. ACADS
16. lahat ng insights ko tungkol sa 1-15.

HAAAY BUHAY..

sabi nga ni sir lagliva.. ganyan lang talaga ang buhay..

sana makaraos pa ako... kami..

Tuesday, July 7, 2009

OO BUHAY PA AKO

I never really imagined that it would be this hard.
Siguro kailangan ko lang magpakatatag.

Breathe in. Breathe out.

Shucks Lord, huwag niyo po kaming pabayaan... Huwag niyo po akong pabayaan.

8 more days, then reloaded na naman ako. As for now, I'd have to live with the choices I've made so far. Di na ako natuto. Nakakainis. Pweh!

+++

Kinakabahan ako sa kung anong puwedeng mangyari six months from now. Sana Lord matuloy ang mga plano namin at sana maging in accordance to your will ang lahat ng mga ito. Maraming salamat. Patuloy po kayong magbigay ng gabay sa aming lahat.

+++

Last two weeks na lang ng Ang Henerala!!! Manood kayo!!!

Friday, June 12, 2009

ISA, DALAWA, TATLO! HANDA!!!




I'm currently part of the play, Ang Henerala. Target dates of the shows will be on June 30 - July 18, 2009, at the Rizal Mini Theater in Ateneo de Manila.

Malapit na! Lord gabayan niyo kami mula sa A H1N1!!!

Please support!!!

Monday, June 8, 2009

OPISYAL NA POSISYON NG ENTABLADO UKOL SA HR 1109




ANG OPISYAL NA POSISYON NG ENTABLADO UKOL SA HR 1109

Kami sa ENTABLADO, ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs, ay tuwirang tumututol sa madalian at kaduda-dudang pagpapasa ng House Resolution 1109 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na bumuo ng isang Constituent Assembly. Naninindigan kami na salungat ang mapusok, pabaya, at mabugsong prosesong pinagdaanan ng pabubuo at pagpapasa ng HR 1109 sa aming paniniwala bilang isang organisasyong minimithi ang isang sambayanan na tumutubo at kumikilos sa loob ng sistema na nagtataguyod ng karapatan ng bawat tao na magsulong ng katarungang panlipunan. Tinitingnan ng ENTABLADO ang HR 1109 bilang isang paglabag sa likas na katangian ng ating Konstitusyon, at higit sa lahat, sa karapatang pantao.

Naniniwala kami na hindi napapanahon ang pagpapasa ng HR 1109 sapagkat nasa karurukan na ang sambayanan sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon. Tuwirang di maiiwasang magpaliyab pa ng iba’t ibang isyu tulad ng pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng administrasyong Arroyo ang mabilisang pagpapasa ng HR 1109, na hindi tumutulong sa pagtataguyod ng isang malayang lipunan, bagkus, sadyang nakakapagbukas pa sa isang nakahahambal na hinaharap para sa ating bayan. Sa halip na mang-udyok ng tiwala sa ating mga mambabatas, sadyang nakakapambuyo pa sa mga mamamayan na pagdudahan ang aksyon sa likod ng pagpasa ng HR 1109.

Bukod sa madaliang pagpapasa ng HR 1109, hindi rin sang-ayon ang ENTABLADO sa sinsasabi mismo ng resolusyon na iisa at sabay ang pagboto ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Constituent Assembly. Mawawalan ng kapangyarihan at boses ang ating Senado dahil malulunod ang kanilang 24 na boto sa boto ng 238 na kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Malinaw na isa itong pagbabaliwala sa kapangyarihan ng ating Senado, ng ating Konstitusyon, at higit sa lahat, isa itong pagdusta sa katarungang panlipunan. Naniniwala kaming nararapat na maging bicameral ang pagboto ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas sa isang Constituent Assembly. Kumbaga, hiwalay dapat ang pagboto ng dalawang nasabing kapulungan.

Bagaman kinikilala namin ang posibilidad na maaaring magbunga ng mga mabuting pagbabago ang pagkakaroon ng susog sa Konstitusyon, naniniwala kami na hindi ngayon ang tamang panahon upang itaguyod ang ganitong pagbabago. Inililihis ng mismong pagpapasa ng HR 1109 ang pansin ng mga mambabatas at pati na rin ng mga mamamayan sa mga isyu na higit na kinakailangang tugunan sa panahon natin ngayon—mga isyung patuloy na bumabagabag sa ating lipunan tulad ng CARPER at extrajudicial killings na lubusang magtataguyod ng karapatang panlipunan kung lulutasan.

Nilalabag ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang likas na katangian ng Kongreso batay sa ating Konstitusyon sa kanilang pabaya, maragsa, at mabugsong pagpapasa ng HR1109. Bilang isang organisasyon, naniniwala ang ENTABLADO sa pagsasakatuparan at sa pagpapalaganap ng katarungang panlipunan at nagsisimula ito sa pangangalaga sa halaga at sanktidad ng pinakamataas na halahay ng mga batas ng sangkapuluan. Samakatuwid, naninindigan ang ENTABLADO sa paniniwalang kahangalan at hindi naaayon sa kapakanan ng taong-bayan ang mapusok na pagpapasa ng HR 1109.

Monday, June 1, 2009

KONSEPTO NG VENN DIAGRAMS

Base sa sariling karanasan.

Ang daming pinagkakaabalahan ng tao,
Andiyan yung mga gawain sa pamilya,
pananampalataya, academics, org works,
love life...
Lahat ng mga 'yan nagsisilbing mga circles o sets ng ating sariling Venn Diagram.

Sa bawat set, may mga makikita tayong mga "taong naging parte na ng ating buhay"
yung tipong masasabi mong "ay si ganito, tinulungan niya ako sa acads.."
o "ay si ganyan, muntik nang mahulog ang loob ko sa kanya"
"ay si eto, sinaktan niya ako dati..."

Nakakaramdam tayo ng iba't ibang mga emosyon kung nakikita o nakakasama natin sila.
Lungkot, Saya... lahat na dahil lang sa simpleng partisipasyon nila sa ating mga sets.
Pagka-buo, Pagka-salat... lahat ng mga 'yan narerealize natin sa pagtingin kung nandoon pa ba o wala yung mga tao sa mga sets ng ating venn diagram.

Minsan nasasabi nating nawawala na tayo dahil sa dami ng mga sets ng ating buhay.. sa dami na rin ng mga kailangan nating gawin.
Minsan nala-lock tayo sa nosyon na dapat tugunan lang natin ang isang set.. dahil dito mo nararamdaman yung lubos na saya.
o sa dahilan na nandito yung taong iniisip nating sobrang mahalaga sa atin... yung "mahal" natin... tapos in the end, sasaktan lang pala niya/nila tayo.
Kaya minsan, nagiging lost ang tao.
Minsan, nakakalimutan natin na mayroon pang ibang sets.
Kaya naman, tulad din ng mga math problems, di natin nasosolve yung mga problema ukol sa venn.
lost sets. lost life. sad life. denial. doomed to a dull ordinariness.

pero ito, kahit sabihin mong "lost na ako".
kahit na sabihin mong "wala na akong pag-asa",
kahit na sabihin mong "I'm all alone,"
oh well... di mo lang siguro nakita yung pinakastable part ng venn...

'yung intersection of sets.

Minsan di to naiintindihan ng tao...
Yun nga yung sakit natin eh.
Lagi nating kinakalimutan na mayroong intersection ang lahat ng sets ng ating venn.
At nandirito yung taong/mga taong laging andiyan para sa atin sa bawat set.
Nandiyan para magparamdam ng suporta,
ng saya sa mga panahong akala mong di ka na tatawa,
at ng pagmamahal kahit na sa tingin mong di ka karapat-dapat na mahalin ng iba.

Kaya di mo dapat itong kalimutan. Si/sina intersection of sets.
Hindi ka niya gagawing others. Hindi ka niya gagawing huda.
Tutulungan ka niyang iparamdam at ibalik sayo kung sino KA.
Sa mga panahong "lost ka," "malungkot ka dahil sinaktan ka niya",
"nawawalan ka na ng pag-asa,"

at kung nararamdaman mong "you're all alone"
Dahil siya/sila yung nagpapastable ng venn mo.
Nandiyan lang siya/sila. Magpakailanman.

. . .

ikaw, sinong nasa intersection mo?


***

PS. miss na kita.