Saturday, May 30, 2009

ON HUGGING

I'm applying deep pressure here to relax your sympathetic nervous system. It'll decrease your metabolic rate. You'll try to resist it but eventually you will feel your pulse rate slow. You'll breath will come easier.

Cows are squeezed tightly in the shoot before they are slaughtered. The shoot applies intense pressure to decrease pulse rate, metabolic rate, and muscle tone. It calms them down. The same principles apply to me--a hugging machine is used to relax the sympathetic nervous system. It slows the heart.

- grey's anatomy s5e14

PAGSUSULAT AT SWINE FLU

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang Coordinator's Message. Pero kailangan ko na itong gawin. Kailangan ko nang gumawa ng tatlong messages para sa Ateneo/Entablado community, at may isang proposal pa akong kailangang gawin.

Haaay... Hindi ito stressful. Kailangan ko lang siguro ng inspiration pa para makagawa ng isang magandang/motivating essay.

Nakakalungkot dahil mapo-postpone ang ORSEM ngayong taon--dahil na rin sa takot ng administrasyong kumalat ang Swine Flu A(H1N1) virus. Ito pa naman sana ang hardcore year ko sa pagiging TNT, pero 'yon, mauuna ang pasukan kaysa sa ORSEM. Mabuti na ito kaysa baguhin pa nila ang petsa ng pasukan. Naku, talagang masisira ang mga kalendaryo ng lahat ng mga organisasyon kung gagawing late ang petsa ng pasukan. Pero talagang magbabago kami ng scheduling kapag tinapat ng ORCOM ang ORSEM sa unang linggo ng July. Naku, shows pa naman namin 'yon! Ayoko namang maapektuhan kami noh! BORLOG pa ng July 4! NAKU!

Bakit naman kasi nagkaroon pa ng Swine Flu. Last year, sinasabi pa namin ni Chicki sa Biochem prof namin na hindi pa nagkakaroon ng transmission ang "avian" flu sa tao. Ayun, after a year eto na--kalat na ang swine flu. Dala ba ito ng globalization? Dahil sa mga kinakain natin? Ano na naman kaya ang nag-mutate ano?

Haay. So much for just updating my blog. Ang waley kong magsulat nowadays.

---

Oo, binago ko ang template ng blog. Para maiba naman. Senior na ako eh. Hopefully, I'll enter a very very good medical school by next year.

---

Student. Daughter. Coordinator. Actor. Director. Friend.

Lord, help me.

Wednesday, May 20, 2009

REALITY

so many things to do,
with so little time.

God have mercy.

Sunday, May 10, 2009

PROCRASTINATION

grabe ang dami kong ginagawa sana kayanin ko pa. grabe.

Tuesday, April 28, 2009

APRIL 28, 2009

bente na ako.

sana may magandang mangyari mamaya. but then again, don't expect a lot of things danica.

salamat Lord sa isa pang taon. I'll live this to the fullest.

Saturday, April 25, 2009

TATLONG ARAW NA LANG

At magtu-twenty na ako.

Shux, ang bilis nga naman talaga ng panahon. Approximately 11-12 years na lang, lagpas na yung edad ko sa kalendaryo.

Sana naman matupad 'yung wish ko. Ang hirap nang di nag-eexpect ng mga regalo/surprises lalo na noong nakita ko 'yung mga kapwa ko celebrants ng April na binibigyan ng surprise. Ay basta, di na lang ako aasa para walang expectations.

Magkakaroon ba ako ng surprise? If ever meron, cake lang ba ang ibibigay sa akin? Ewan. Ako kasi napaka-radical kong mag-isip ng mga surprises para sa ibang tao, pero minsan ayokong gawin sa akin yung mga ginagawa kong surprise para sa iba--like hello, parang walang marka ng originality na kung gagawin na yun sa akin eh nagawa ko na nga sa iba diba? Ay ang labo!

Anyway, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa isa na namang tagumpay. Maraming salamat Lord dahil hindi niyo talaga ako pinapabayaan.

- - -

APRIL 14, 2009 --- Naramdaman ko na rin yung panahong parang gusto ko na lang tumalon mula sa taas ng building--yung tipong panahon na parang gusto kong takasan yung lahat ng mga hinaharap ko just to end that enormous feeling of incapability as insecurities continue to build up in me as I try to hide all these feelings from others. I try to be strong, PERO ANG HIRAP! I like to show that I'm exhausted and incapacitated, but I must be strong for them.

Sabi sa amin sa Philo dapat yung pundamental na opsyon ng tao ay di dapat nakakabit sa fear--dahil magiging lock lang kami sa isang polarity in all situations. May 4 daw kasing polarities ang tao: Anger, Fear, Strength, at Love. Kapag naka-lock sa Anger polarity ang tao, galit lang siya lagi, inuuna ang galit sa lahat ng mga bagay. The same goes for Fear, Strength, and Love. Pinakadelikado raw ang Love polarity dahil nagkakaroon ng tendency ang tao na magbigay na lang ng magbigay--tipong mga martyr na wala naman talagang natatamo. May tendency na maabuso ng ibang tao.

Sa kabilang banda, sinabi ng Philo prof ko na mas mabuti kung ang pundamental na opsyon ng tao ay nakabatay sa Love--dahil nakakapag-adjust ang tao sa iba't ibang polarity DEPENDING on the situation that s/he is in.

In line with what I stated earlier --- na kailangan kong maging strong for them, nagiging lock ba ako sa fundamental option of fear kaya doon ako sa stregth polarity? Naku ang delikado naman noon. Pero di ko rin kayang magpakita ng vulnerability kasi ako yung magsisilbing pillar nila. Kapag nilet-go ko ang firm grip ko roon, naku, baka gumuho yung ginawa ng mga kasama ko for the past 27 years. Hay naku. Ang hirap namang mapaliwanag -- mapaliwanag man ito sa ibang tao o mismo sa sarili ko. Nalilito na rin kasi ako eh. Basta sa ngayon, FOCUS lang at TIWALA sa sarili! Kakayanin ko ito!

Situational Leadership. Yes. Go Sir Chris! Maraming salamat sa lahat nang mga naghanda ng formsem. Dahil dito'y ang dami kong natutunan na maaaring gamitin sa aking paglalakbay. Patatawirin ko sila hanggang sa kabilang dulo (o kahit higit pa) ng football field. Yeah!

- - -

You're so full of dreams, Danica. Sana di ka mag-break.

- - -

Yet may tendency ka pa ring mag-break/pumutok. Ibsan mo na ang galit. Lalo na ngayon na kinakailangan mo na talagang ibsan 'yon. Makakasakit ka pa lalo ng kapwa mo, sige ka!

- - -

It is good as done!

Tuesday, March 31, 2009

RANDOM

nagkakaroon ng mga panahon na di ko na alam kung ano ang gagawin ko.
sana tulungan mo ako Lord para di ako maligaw sa landas ko.
haay buhay.

SUNDAY

is THE day.

+++

COA formsem tomorrow until friday.
ENTA plevsem on Apr12-15.
NMAT. SUNDAY.

+++

LORD, HELP ME.

Sunday, March 8, 2009

PAALAM

Ang tagal na rin ng panahon noong huli akong humagulhol nang matindi sa harap ng maraming tao.

Entaseniors, sobrang mamimiss ko kayo.

Wednesday, February 18, 2009

LAPTOP.

At 'yon na nga. Ipinadala ko ang aking laptop sa Davao last Monday.

Eh hello... nasira kasi ang laptop ko that fateful morning ng January 17. At wow na wow, noong Monday ko lang nadala sa PC express para macheck na rin. Eh sira na pala yung hard disk ko. Kailangan palitan. Naku... around 3thou din yon.

Eh wala akong installer ng OS at ng MS Office. So sabi nila na bumili na lang daw ako ng licensed. So ayon, pinacalculate ko. Naku! 10,650php ang gagastusin without the labor ha!

Kaya ayun, sabi ni Dad, ipadala ko na lang daw sa Davao yung laptop.

Sana bumalik na yung laptop ko in good condition. Or if ever, sana bilhan na rin ako ng bagong laptop (given the fact na kay Mama yung laptop na ginagamit ko). Kasi naman, panel defense na namin sa Wednesday!!! Plus ngayon, gumagawa na ako ng paper for theology regarding the couples' sharing that occurred last Feb8. Plus, may mga philo papers pa akong kailangang gawin.

Basta, KAILANGAN KO NG LAPTOP.

Sana naman dad.... Mapadala niyo na!

Friday, February 13, 2009

PRESENCE IS VERY OVERWHELMING

ewan ko kung bakit pero sa tuwing nagpaparamdam ka nang biglaan sadyang bumibilis yung tibok ng puso ko.

alam mo ang dami kong gustong sabihin sa'yo. di ko maaamin man dati sa sarili ko pero sa totoo lang, di ko inaasahang masisiyahan ako sa piling mo--kasi nga dahil na rin siguro sa impluwensiya ng ibang tao, mga sinasabi ng ibang tao, mga personal debates ko, etc. But then no, nahulog ako at inaamin ko 'yon.

pero ayun, di ko rin alam kung anong eksaktong nangyari kung bakit na naging ganito. basta, nawala na ang mga bagay na binuo natin. ang hirap balikan ang mga nangyari dati lalo nang hinarap tayo ng tila bagyong mga pangyayari sa ating buhay.

naiinis ako dahil ang super idealistic ko. i hate myself kasi sobrang ayokong magkamali sa choices ko. kaya dahil doon, i stopped it already. buti nga nacocontrol ko pa. pero sa mga ginagawa mo lately, shux. di ko na alam kung ano pang magagawa ko.

- - -

ang pangit lang ng blog entry na ito.

di ko feel.

Monday, February 9, 2009

FEB82009

Today, I begin a new life.

- - -

Kasama nito, may nag-snap na. Oo, alam kong kasama ang absence ko sa mga dahilan kung bakit may nag-snap na. Patawad. Hindi ko akalaing hindi ko masasabay ang lahat ng ito mula nang nagsimula ang second semester. Patawad muli. Akala ko kasi kakayanin niyo na nang kayo-kayo na muna, bilang may bagong set ng mga taong pumasok sa grupo at willing na magtaya nang buong-buo.

Alam kong sobrang iniintindi niyo na lang akolagi. Nakakahiya. Oo, nahihiya na ako sa inyo. Hindi ko tuloy alam kung karapatdapat pa akong bumalik muli sa seca117 kada Miyerkules ng hapon. Di ko rin kasi inakala na bubuhusan ako ng sandamakmak na acad works (na group works pa kung tutuusin, na kumakain talaga ng mga oras ko).

Ang dami kong shineshare na ideas, hindi man lang ako nakikibahagi sa pagimplement nito. Patawad. Aminado akong ang dami kong na-miss. Patawad.

Saturday, February 7, 2009

BUTI NA LANG

wow. buti na lang nag-online si aileen. Nakakuha na rin ako ng kopya ng mga requirements for the proposal. At buti na lang nakita ko kung ano pa yung kulang namin. or else magpapasa kami ng proposal na super wala pa masyadong laman.

Thank you Lord for those simple blessings.

Tulungan mo akong tanggalin ang bigat na nararamdaman ko sa aking puso.

Friday, February 6, 2009

PANGIT NG GISING

Ang dami kong nagawang mali ngayong araw.

Sana makabawi ako ng big time.

Sunday, February 1, 2009

HEADQUARTERS

Naku. Di ko na tuloy alam kung papalitan ko ito o hindi. Akala ko kasi wala nang nagbabasa nito. Pero apparently, meron pa pala.

Sa ngayon ito na lang muna siguro:
What you see here, what you do here, what you hear here, when you leave here, leave it here.

Salamat.

Sunday, January 18, 2009

PLATFORM? PLATFORM?!

this isn't just for the sake of running for an org.
all i care about is making a difference for the org--for you, and for myself.

BUKAS NA DAPAT.

BAKIT NAGHAHANG YUNG LAPTOP NA GINAGAMIT KO?
NGAYON PA NA SUPER KAILANGAN KO NA TALAGA GAMITIN YUNG MGA FILES KO.
back-up! back-up!

TAKTEEE!

Saturday, January 10, 2009

CANDIDACY

Alam mo, iniisip ko na kung puwede lang sana, tanggalin na talaga kita sa buhay ko. Pero para yatang imposible 'yon. Di ko naman kayang mag-pretend pero ang dami mo na kasing nasaktan eh. Minamarginalize kita ngayon tulad nang pagmamarginalize mo ng halos lahat ng mga kakilala natin dati. Kaya ako naiinis dahil di kita matanggal sa buhay ko, gustuhin ko man ito.

- - -

At ngayon parang napepressure ako. Gusto kong gawin 'yon dahil alam kong kakayanin ko 'yon. Pero ayoko namang makasakit ng iba. Inilalagay niyo ako sa pedestal mga kaibigan at napakatinding pressure nito para sa akin. Sabi nga ni Mimi kagabi, baka ako lang yung pumipigil sa sarili ko. Nakakaloka ring kasing isipin na ang layo-layo ng bagay na ito sa kurso ko. Sayang. Plus sobrang di ako sigurado kung husto lang yung background ko upang i-engage ko ang sarili ko sa committment na ito. Diyos ko. Ewan ko ba, pero natatakot ako.

As for now, may thesis deadline at philo midterm orals sa monday at accounting long test sa tuesday. Dagdag pa rito ang org works dahil magoopening night na sa January 19! Haaay buhay... Nakakalokang isipin ang lahat ng mga bagay-bagay. Sana naman di ako maloka ano?

- - -

Gusto kong magblog tungkol sa aking 2008. Pero to-follow na lang muna siguro. Priorities. Priorities.

Monday, December 29, 2008

MERRY CHRISTMAS 2008

Naiinis ako sa'yo. Lalo na kung lasing ka. Akala mo kasi kung sino ka kung makapagsalita. Ang daming nababastusan sa mga sinasabi mo---kasama na ako doon. Akala ko dati nagiging wiser ka kung lasing ka, oh well, napapanahon lang pala 'yon. Ngayon akala mo ang galing mong magtago ng bisyo. Takte lang. Huli ka na since October.

I don't care kung sasabihin mong ginawa mo yon dahil sa stress, dahil sa mga problema, dahil sa urge or whatever reasons you may develop. The fact is, you are doing it. AND IT'S HURTING US---LALO NA AKO. Grabe. Proud na proud sana ako sa'yo. Pinagmamalaki kita sa lahat ng mga kakilala ko kasi super ang taas ng tingin ko sa'yo. Ang dami mong pinagdaanan pero malinis ka pa rin. PERO SHIT HAPPENS, ika nga nila. Lahat ng akala mong puro, laging may dumi na tinatago. Ngayon di ko alam kung ano yung dapat kong gawin. Nagiging manhid na ako dahil sa'yo.

Ang lakas ng loob mong magcorrect ng pagkakamali ng iba pero ikaw din mismo mali yung ginagawa mo. NAKAKAINIS magising nang umaga nang may naninigaw sa'yo. Sira ang buong araw ko dahil sa sigaw mo. Nagiging bayolente ang bata dahil sa'yo.

Alam kong mali ito, pero ginagawa ko pa rin. At least meron akong pinagbubuhusan ng galit. Sana di mo ito mabasa. Sana wala nang nagbabasa nito.

Bulag na nga ako, manhid pa. Saan ka pa?

Saturday, December 20, 2008

BUMAWI KA NA LANG.

napakataas ng expectations ko maging sa ibang tao man ito, sa trabaho, sa eskwelahan, sa profs, sa mga gamit, sa mga pangarap na ninanais kong maabot, sa mga hiling na ninanais kong makamit, at lalong higit na sa ibang taong tinuturi kong tunay na nariyan para sa akin at sa sarili ko.

kaya madali akong madisappoint, kahit na di ko 'to pinapakita nang napaka-obvious (magaling akong magtago, as in.).

kay naman, huwag na dapat magtaka kung bakit ganun.

hindi ko na iisipin kung sino nga ba ang nauna.

basta nangyari na yon.

at sa ngayon, kailangan na lamang nating harapin ang bukas--na sana'y maliwanag at maginhawa ito diba.

tama na.
tama na ang drama. imsosickofit.

MAY KARAPATAN AKO RITO.
mahirap bang tanggapin yun?

ANG DAMI NANG NAHAHASSLE. 2WEEKS!!!
dapat mong tanggapin ang pagkakamali mo. HUWAG MONG BALIKTARIN ANG MESA. IKAW ANG NASASAKDAL! AT MAY KASALANAN KA---AMININ MO YUN!

---
DAGDAG (DEC29)

WALANG NADADALA SA PAGSAMBIT MO NG SORRY SORRY NA YAN.
IPAKITA MO SA AKIN.