Tuesday, July 26, 2005

comlab na naman

katatapos lang naming mag-quiz dito sa computer lab. Buti nalang, nakapag-aral ako.

Ang daming dapat habulin ngayon. Research, projects, application forms... Perteh naman noh...

Pero dapat hindi sumuko... hindi dapat... HINDI!

>>>

Nakakapagod... Gusto kong matulog... Pero, hindi pwede...

Kawawa naman ako.

>>>

Volleyball... Kickball... Ang saya-saya!

>>>

Hindi na ako nakakapag-internet sa bahay. Dito nalang sa school every comsci period. Buti nalang mabait ngayon si Sir Beduya at pinagamit kami ng mga units.

Maingay ngayon sa Neutron. Yaks si Casas.

>>>

TULUNGAN NIYO AKO!

Monday, July 18, 2005

mga nangyari

Hello blog people! Ang dami na palang naganap... 'Yung iba masaya, 'yung iba naman, nakakalungkot.

So, natuloy na nga 'yung foundation day celebration ng Pisay last July 8. Marshall pa ako during the ecumenical service. Grabeh, sabi kasi ni Sir Angel 'yun ang dapat naming gawin eh. Kaya, tumambay lang ako sa post ko the whole time. Nakakainis nga rin si Sir Lotero. Okay lang naman na ico-commend niya ako sa harap ng konting tao. Pero, that time, nananahimik lang ako sa post ko. Bigla pa naman ako pinatayo during his homily. Perteh, naghehesitate pa nga akong tumayo eh. Basta, perteh, pereteh, PERTEH!

Tapos, opening program na... Ang mga seniors nagpalit na ng mga t-shirts nila na sobrang ganda. Haay. pero naman, halos tulog ang mga studyante noong nagsalita na si Emerson. Ewan ko kung bakit. Nabighani yata silang lahat kasi kamuka ni Emerson si Jules. Kaso lang, lamang si Jules sa muka. Agree ba kayo?

Nag-oath pa kami sa SG. Wahas pa naman kaming mga pink brothers and sisters. Minsan lang kasi 'yon mangyayari, kaya, itotodo na namin. Goal kasi this year is to live life to the fullest (connection pls.).

Community lunch. Creative ang mga seniors, nag-ala choir ang itsura naming lahat sa bleachers. Next is the activity... Wala akong masasabi tungkol doon. Wala... as in wala...

FUN FAIR 2K5... LOVE BOOTH NG MGA SENIORS. e- love knot. p+ blind date, n0- annulment/ice candy. Tulungan kaming lahat to the max para lang kumita ang aming booth. Enjoy tingnan ang mga taong nalo-love knot/blind date. Kasi, pilit nilang ipinakikita na AYAW NILANG MALAGAY SA POSISYON NA IYON. Pero, kitang-kita parin sa mga mata nila na kilig na kilig sila sa mga pangyayari. As if naman noh, if I know, gi-ganahan ang mga tao.

At pumunta kaming lahat sa NCCC Mall para sa cultural night show. Sumakay kami sa bus ng freshie. Enjoy kasi sama-sama kaming lahat. At noong nakarating na kami sa NCCC Mall, naku... Panic na ako noh. Kasi naman, 'di pa na prepare ang mga gamit. Ang make-up, costume, props... PERTEH! Grabe ang pressure sa amin noh.

Kinabahan pa ako kasi, 6:30pm magsisimula ang program. PEro, 6pm pa lang, wala pa ang mga PROPS! Perteh!!! Pero, buti nalang, by 6:10pm, nakarating na rin sila. Inayos pa namin ang mga props backstage. Naku... Naku... WAAh!!!

Nagsimula na ang program. OVER ang mga emcees ha. As in, scripted to the max! Kulang ng adlib. Para sa akin, sana lang naging mas-open sila sa mga new ideas. Scripted talaga sila. Sayang ang costume nila.

Of course, naging masaya ako kasi, kahit papaano, nandoon ang pamilya ko sa audience, para sumuporta. Nandoon din ang aking mga tapat na kaibigan since grade school (Kamille, Francelle, Irish) na handang sumuporta sa amin. Inspired ang dating naming lahat.

EVENT 1: NEO-EthniC DAnce. ('yun ba? o ethno-jazz parin)
AS IN! ang GALING NG MGA DANCERS NAMIN!!! Nakakapanindig-balahibo ang presentation. Obvious na grabe ang kaba ni Ate Reys kasi nanginginig siya habang sumasayaw. Si Lloyd, OVER ang pagkaWAHAS! Akala ko, kakainin talaga ng buo ang manok. Si Adonis naman, grabeh, macho man... SI Em, ang makabagong Darna. Synchronized ang mga movements, maayos ang pagkakasayaw. At with JoanE as the narrator pa! ANG GANDA NG PERFORMANCE! Bilaan the best!

EVENT 2: SONG-Solo and MTV (kasama ako!)
Teetin the BEST! Ang galing kumanta, next diva na! PErteh, si Mitzi nakakatuwa. Bagay siya sa kanyang role na kuba. Si Renel, over ang wahas ha. Baka totohanan na ang kanyang crush kay Mitzi (peace bai!). Ang mga taga Dodong's Piggery (Renz, Luis, Andy, Renel, Tal) lingaw tingnan. Litsunan ang dating! ANg mga farmers at ang pambansang hayop (Jules, Sigfred, at Maynard) feel na feel ang presentation! Si Nanay (Ayesha) sobra ang lungkot na nadama noong natumba at nagiba ang bahay niya. Si Engkantada (Davie) ala ballet dancer ang dating. Ang mga walisers (Kat, Yba. Ciara, JoanE) na sobra kung gumiling. At ang mga kontrabida (Yan, Anj, Jacques) na grabeh kung maka-act! Si Archie, ala-teacher and dating!, Todo ang performance namin sa MTV. MAsaya ako at maganda ang kinalabasan ng performance.

FIRST kami sa Neo-ethnic Dance. 2nd sa Song solo (conspiracy, may ORIGINALITY ang boses ng singer namin.). At tie kami sa first place with the juniors sa MTV (look at the props).

Wala lang... Disappointed lang ako kasi naman, halos buong batch ang tumulong sa props. Todo ang binuhos namin para sa MTV. Gabi-gabi, lahat pumupunta sa gym para lang tapusin ang mga props. Kahit umuulan, nagpapaulan pa ang iba para lang tumulong at tapusin ang aming barrio. Hindi lang ba nila icoconsider ang aming mga props? The story? The actors? The singer? The narration? The SONG??

Whatever. Nangyari na ang nangyari. Basta, FIRST PLACE PARIN KAMI SA MTV.

AT OF COURSE! OVER-ALL CHAMPION KAMI SA KADI!

Wow diba?

>>>

Of course, may celebration kami sa batch noh! Thanks to the cash prize, the booth fair money, and Marian's Company, Nakakain at nakapagcelebrate kami last Tuesday sa canteen. Simpleng handaan lang, para naman masuklian din ang lahat ng tumulong during the foundation day.

eto pa nga 'yung mga pictures eh:




si jason ang nagtake

Image hosted by Photobucket.com

ako nagtake



si Jobo nagtake. Pasmado ang kamay. obvious naman, diba?


o, diba? Happy at Enjoy talaga.

>>>

Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng tumulong sa Ethno-Jazz, Song-solo, at MTV. Kung wala kayo, hindi natin makakamit ang tagumpay. Salamat po!

Tuesday, July 12, 2005

COmsCi Period

Comsci period ngayon. Habang naghihintay ako sa turn ng group namin upang magbaklas ng CPU, nandito ako sa harapan ng monitor at nagta-type ng mga kung anu-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Heto ako, katabi ko si Tifanny na nagki-Kings of Chaos. Naaalala ko ang aking nawalang account sa Kings of Chaos. Nawala pa talaga ang bwisit na account na 'yon. Si KBO kasi, binalewala lang ang account ko! Siya pa naman commander ko. Perteh.
Si Yba, abalang-abala sa pag-Fre-Friendster, sabay kunot pa ang kanyang noo habang klini-click ang faulty mouse ng comlab 2.

Dumating si Sir Beduya... bYE!!

Monday, July 4, 2005

STRESS

I don't like being stressed. It gives me back pains and muscle spasms. But now, I just can't avoid being stressed. Perteh! 5 tulog nalang, foundation day na ng Pisay! NAku... Napapaos na nga ako. Boses ko ngayon para nang bakulaw. Umiinom na nga ako ng salabat para maging buo ang boses ko.

Medyo nahirapan ako ngayong linggo. Panay practice kasi kami sa mtv the whole week--except noong thursday kasi may club ( and that reminds me about the action-filled icebreaker/skit that the Pink Sisters and Brothers club presented during the SG aquaintance party). Anyway, at least ngayon, meron na kaming story/choreography. Kulang nalang ang mga props (CECILE!). Bukas, patuloy na sa paggawa ng props.

Bakit pa kasi NCCC Mall? Nakakapagod pumunta doon. Nagpapakahirap pa ang Pisay. Kay ganda ng gym, kahit na may mga ibong mahilig dumumi, accomodating at malamig pa doon. OVER kasi naman sa NCCC Mall. Pati siguro ang mga naggro-grocery eh madi-distract sa mga pinaggagagawa namin.

Pero, 'di bale. Yakang-yaka namin 'yan.

>>>

AKALA ko madali lang gawin ang labs sa physics. Kasi naman, simple lang itong tingnan. PERO, noong nagsimula ako, PERTEH! Nakakalito naman. Don't you agree my fellow classmates? Hindi pa talaga sinauli ang data...

>>>

Nami-miss ko na ring makita mga dear cousins ko. Alangan, dati-rati halos kada linggo kami kung magkita. Ngayon, ewan ko na. mga 3 linggo na yata. Naku...

Nakakainis ang makulit na bata. May bata rito sa bahay namin. Nakakainis kasi sobrang kulit niya. Pero enjoy din kasi meron din palang natututunan sa school. Kumakanta na ng mga nursery rhymes ngayon. DAti, puro "TOMORROW" lang ang kinakanta. Buti ngayon, varied songs na.

>>>

Ang gitara. Ito ang buhay ko.

Nakakapaggitara lang ako kung mag-isa lang ako. Parang "senti" moment ko, kung baga.

Wala lang...

>>>

Nakakapagod maging 4th year. Ang daming kailangang ma-achieve. Dapat laging handa.

Naku...

>>>

'Wag nang pa-shy shy.

>>>

May mga kanya-kanyang buhay tayong lahat. Kailangan natin itong pangalagaan at dapat bigyan ng tamang direksyon. PEro, anong gagawin mo kung meron kang problema na di mo mahanap-hanapan ng sagot?

Ako, pag-iisipan ko pa.

>>>

Pasensya na kung minsan nauubos ang pasensya ko. PAtawad.