I don't like being stressed. It gives me back pains and muscle spasms. But now, I just can't avoid being stressed. Perteh! 5 tulog nalang, foundation day na ng Pisay! NAku... Napapaos na nga ako. Boses ko ngayon para nang bakulaw. Umiinom na nga ako ng salabat para maging buo ang boses ko.
Medyo nahirapan ako ngayong linggo. Panay practice kasi kami sa mtv the whole week--except noong thursday kasi may club ( and that reminds me about the action-filled icebreaker/skit that the Pink Sisters and Brothers club presented during the SG aquaintance party). Anyway, at least ngayon, meron na kaming story/choreography. Kulang nalang ang mga props (CECILE!). Bukas, patuloy na sa paggawa ng props.
Bakit pa kasi NCCC Mall? Nakakapagod pumunta doon. Nagpapakahirap pa ang Pisay. Kay ganda ng gym, kahit na may mga ibong mahilig dumumi, accomodating at malamig pa doon. OVER kasi naman sa NCCC Mall. Pati siguro ang mga naggro-grocery eh madi-distract sa mga pinaggagagawa namin.
Pero, 'di bale. Yakang-yaka namin 'yan.
>>>
AKALA ko madali lang gawin ang labs sa physics. Kasi naman, simple lang itong tingnan. PERO, noong nagsimula ako, PERTEH! Nakakalito naman. Don't you agree my fellow classmates? Hindi pa talaga sinauli ang data...
>>>
Nami-miss ko na ring makita mga dear cousins ko. Alangan, dati-rati halos kada linggo kami kung magkita. Ngayon, ewan ko na. mga 3 linggo na yata. Naku...
Nakakainis ang makulit na bata. May bata rito sa bahay namin. Nakakainis kasi sobrang kulit niya. Pero enjoy din kasi meron din palang natututunan sa school. Kumakanta na ng mga nursery rhymes ngayon. DAti, puro "TOMORROW" lang ang kinakanta. Buti ngayon, varied songs na.
>>>
Ang gitara. Ito ang buhay ko.
Nakakapaggitara lang ako kung mag-isa lang ako. Parang "senti" moment ko, kung baga.
Wala lang...
>>>
Nakakapagod maging 4th year. Ang daming kailangang ma-achieve. Dapat laging handa.
Naku...
>>>
'Wag nang pa-shy shy.
>>>
May mga kanya-kanyang buhay tayong lahat. Kailangan natin itong pangalagaan at dapat bigyan ng tamang direksyon. PEro, anong gagawin mo kung meron kang problema na di mo mahanap-hanapan ng sagot?
Ako, pag-iisipan ko pa.
>>>
Pasensya na kung minsan nauubos ang pasensya ko. PAtawad.
No comments:
Post a Comment