Saturday, July 22, 2006

NEOFIGHT...at si PARE

Wala na naman akong internet sa dorm. Perteh talaga oh. Baka sa Monday pa ako. Puno na raw kasi 'yung mga slots sa dorm. Gagawa sila ng new line sa monday, kaya sa monday pa ako magkakaroon ng internet sa dorm. Sa ngayon, I'm stuck with using either the computer in the Rizal Foyer, or in the internet cafe here in Katipunan.

Ay tama, enjoy pala kanina. Umattend ako ng NeoFight kanina. Isang seminar para makatulong sa aming makasurvive sa AdMU.

Handa na ako
NeoFight... Handa na akong makipagsapalaran sa buhay-Ateneo

Ang galing talaga ng mga speakers kanina. Lalo na si Queena Lee-Chua, Ph.D ng Math department. Ang galing talaga niyang magexplain at sobrang talino pa. Parang si Ma'am Tench sa Pisay. Parang better pa nga si Ms. Queena eh. Sana siya na lang 'yung Math teacher ko. Perteh kasi 'yung teacher namin ngayon sa Math11 ba. Si Ray. Parang tamadertz na ewan. Foreigner kasi, baka ganun lang talaga magturo ang mga Kano... waaa... Pero sana, si Ms. Queena ang magiging prof ko sa Psy101 sa summer. Lord, sana SIYAA!!!

Time Management, stress, at Org Life... 'Yun ang mga topics kanina. Basta, ang saya. Kwela kasi ang lahat ng mga speakers...

Kaya ngayon, handang-handa na ba talaga ako sa buhay 'Teneo?

OO, HANDANG-HANDA NA!!!

yahoo!!! quatro... here I come! well, hopefully...

>>>

Lord, tulungan niyo po ako sa Math11 LT on Thursday. Salamat po.

>>>

JULY 22, 2006 NGAYON... Isang napakaimportanteng araw sa buhay ko. Dahil sa araw na ito, forty-seven years ago (waa, bistado), iniluwal sa mundo ang napakaresponsable, napakasipag, at napakagwapong lalaki sa balat ng lupa... At lugod akong nagpapasalamat sa Diyos at binigyan niya ako ng isang amang tulad niya na patuloy na nagmamalasakit at nagmamahal sa akin ng tuwina.

Ipinagmamalaki ko na ama ko si Danilo... Pare, you're the MAN!

MALIGAYANG KAARAWAN DAD!!! Pare, you're the best!

Sinacrifice ni Dad ang kanyang birthday party para mabilhan ako ng bagong cellphone... Kitams? Blessed talaga ako.

I love you Pare!

No comments: