Saturday, September 2, 2006

IKALAWANG KWENTO

O eto na ang aking ikalawang kwento. Para malaman niyo ang unang kwento, scroll down...

Ang biolab talaga... Sa Pisay kasi, ang mga data namin dinodrawing. Pero ngayon, kelangan na jpeg images ang mga data namin. Kaya naman, good use itong cellphone ko (salamat dad!) at nakakapagtake ako ng mga pictures for my bio lab.

Dissection kami. Yahoo!!! Gusto ko sana pusa na. Kaso, frog pa raw muna kami.

Kami na naman ni Nina (pronounced as NINYA) ang partner sa frog dissection. Pinangalanan naming si Diego ang aming palaka, kahit na babae ito, in honor of Nina's boylet. In depth study kami ng frog eh... Sobrang detailed ang pagmememorize namin ng bawat muscle ng palaka. Good thing dinaanan ko na 'to noong third year kami sa Pisay. Somehow, nakatulong ito ng malaki!

Eto nga pala ang pinagdaanan ni Diego sa aming mga kamay:

frog dissectiong
Ang Pakikipagsapalaran ni Diego, ang Babaeng Palaka

Hindi maskulado ang palaka namin... Nakakainis. Hindi ko tuloy matukoy ng maayos ang muscles ng frog kung nagrereview.

Basta, don't mix the blood of the frog with formalin. Perteh ang baho ng labas niyan. Ang palaka kasi nina Pancho at TJ (my blockmates sa Bio/Biolab) eh may lacerated vein. So, umapaw ang dugo at humalo sa formalin solution. Kaya naman, after one week, wasak at durog ang mga internal organs ng palaka nila. At siyempre, sobrang baho nito. SOBRAA... the stench... AAAA!!! it HAUNTS ME.

Buti nalang, medyo may pagka-magis itong prof namin sa BioLab. Pinahawak din niya kami ng porcine heart at lungs at esophagus. Ay naku Perteh! Ngayon lang ako nakakita at nakahawak ng totoong heart at lungs at esophagus... Ibang-iba pala talaga ang lungs ng frog sa pig. 'Yung sa pig daw kasi parang sa tao na rin. Malaman kasi ang lungs ng pig, at sobrang laki pa nito! Ang sarap hawakan kasi ang lambot! ang taba!!!

Ang laki-laki rin ng porcine heart. Parang may hypertrophy yata 'yung baboy na 'yon eh. Sobra sigurong cholesterol kaya strenuous ang pagpapump ng heart niya, thus producing enlarged cardiac muscles.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang puso, esophagus, at baga ng baboy na mataba.

Wow naman... Naeenjoy ko talaga ang BioLab. Kaso, nakakapagod din ito. Biruin mo, 4 hours 'yan every thursday? Pero worth-it naman eh.

Baka nga sa Sept.13 eh cadaver na talaga ng tao ang titingnan namin. Sana matuloy!!! parang kinakabahan/natatakot/naeexcited ako eh. Hindi ko matukoy. Wala akong mahanap na salita that completely describes that feeling. Basta, perteh!

And speaking of BioLab, I still have a report to do. Pero, tatapusin ko muna 'to.

At 'eto ang end ng ikalawang kwento ko.

No comments: