Tuesday, October 24, 2006

DAVAO BEYBEH

Yes! Nandito na nga ako sa Davao.

Hilong-hilo talaga ako during our flight from Manila to Davao. Ang daming turbulence na pinagdaanan ng eroplano. Grabeh. Na-delay din ang flight namin for almost an hour. Sabi nga nila, 90% on time raw ang flights ng Cebu Pacific. Sa tingin ko naman, naexperience namin 'yung 10% of that last Saturday. Gabi na kami nakarating nina Kbo--mga around 6:10pm yata 'yon.

Haai naku. At nakita ko na rin ulit ang pamilya ko. Napakasaya! Grabeh.

The food... Ang kare-kare my goodness... Ang sarap! Baka tumaba na naman ako nito.

>>>

Naku. 'Di na yata ako nasanay sa weather ng Davao.

Alam niyo bang nagkasakit ako kaagad yesterday (hanggang ngayon actually). Severe cough and colds. Pramis. Sayang nga hindi ako makalabas ng bahay dahil dito. Ang dami ko pa namang plans. Kaso, hindi natuloy.

*cough* *cough*

Naku. Tatlong tablets na ang iniinom ko three times a day. Perteh talaga. Niresetahan na naman ako ni Mare.

Sana maging ok na ako bukas.

>>>

Bukas, magkakaroon ng Batch Party sa bahay ni Jason. Sana naman maging successful ito. Sana makapunta ang 95% ng batch namin. I can't wait for the blue berry cheesecake at lasagna na unlimited.

Tataba na naman ako. WEH!

>>>

Nagimprove ang bahay namin. Finally, tapos na rin ang lahat ng construction.

>>>

Pumunta sina Marian, Izy, at Kbo dito sa bahay kahapon unexpectedly. Nanood kami ng My Super Ex-Girlfriend. Long-haired na si Marian.

Ang babaw ng My Super Ex-Girlfriend. SOBRANG BABAW. Hindi sulit panoorin sa sinehan. Mas ok na kung bibili ka ng pirated DVD nito. Makakatulog ka sa pagkababaw nito. Horny pa ang mga characters sa film. Kaya siguro nagustuhan ng konti ni Kbo. Waaa... Just.Kidding.

>>>

The best show on earth is Grey's Anatomy.

At nagmamarathon ako dito sa bahay these days. Ang ganda-ganda talaga! Astig. Eto ang karamay ko sa aking cough and colds. Somehow, this show makes me feel better.

>>>

Kelangan ko ng cuban attire by november 25. Dapat inspired ng 50's. Help me. I'm not good at this stuff.

>>>

I'm worried about my grades. Sana naman pumasa ako. Ayoko rin 'yung feeling na "konti nalang madi-DL na sana." Ayoko rin 'yung feeling na "perteh, paano na ang scholarship ko?"

God, I just want everything to be all right. I did what I had to do.

But still, it's probably not my best. Haai...

Basta, sana... Alam mo na.

Haaaai...

2 comments:

Cecile said...

hi dan. :)
sarap ng feeling to be back home. :)
la lng.
feel ko lahat tayo may sakit.
sobrang nanibago. :)
get well soon. :)
punta ka sa bday ni sar?
punta ako davao bukas.
punta ka skul?
hehe :)

sorry makulit. :)
hi ke cj. :)

danica said...

ces! nagkita tayo!

YEY!

ang saya nating tatlo ni jeijei...

thepowerof3...

HOLD YOUR HEAD UP HAAAI!