When: January 5, 2007, 8-11pm
Where: SM Mall of Asia, Pasay City
Biglaan lang naman ang lahat ng mga pangyayari kagabi. Inimbita ako ni Ciara na pumunta sa pyro olympics. Sumama naman ako, ngunit di ko inakala na sobrang tagal at nakakapagod 'yung biyahe patungong MOA at pabalik dito sa dorm ko.
So ayun, pumunta kami ng Kalai nina Bex at Cia para makipagkita kay Jason. Sabay-sabay kaming tatlong sumakay ng jeep patungong Taft to meet up with Hubs and Jacques. Sa loob ng MRT, tila nahilo ako sa napakaanghit na amoy na nanggagaling sa isang mama na nasa tabi ko. Sobrang anghit ng amoy ng kilikili niya. Nalanghap din yata ni Bex yung tilang nakakamatay na amoy. Buti na lamang at naroon pa sa bag ko ang lollipop na binigay sa akin ni NiƱa. Pagkarating sa Taft station, tila sinusupsop ko ng walang hanggan ang lollipop na iyon. Akala ko mahihimatay na ako sa sobrang sangsang ng amoy na iyon.
Nabulok kami sa kahihintay ng jeep/taxi/bus sa may Taft avenue patungong MOA. After 48 years, nakasakay na rin kami nina Bex at Hubs ng taxi. Sumunod din sina Cia, Jac, at Jay sa amin. Nakikita na namin ang napakagandang fireworks display ng Pyro Olympics habang nasa taxi pa kami. Dahil sa sobrang excitement, bumaba na kami nina Hubs at Bex sa may daan (na sobrang malayo pa sa MOA) upang mahagilap ang napakagandang fireworks display.
Ang ganda talaga. As in, sobra.
Ngunit, biglang nag-end ang show.
Nagtanong kami sa guard ng McDonalds kung kelan ulit magreresume ang fireworks display. Sabi ng guard na iyon, tapos na raw.
PERTEH. 9PM pa lang!!! TINAHAK PA NAMIN ANG 0128093172847kilometers para lang makahagilap ng 5 mins worth of fireworks display! And to think, hindi pa kami nagdidinner!!!
Namumula na ang mata ni Bex sa gutom. Kaya, kumain nalang kami.
Napagdesisyonan naming kumain na lamang sa Rai Rai Ken. Kumain kami doon ng mga isa at kalahating oras dahil honestly, sobrang bagal ng service doon. Sa sobrang kabaitan ni Jason, nasikmura pa niyang magbigay ng tip na worth 20 pesos.
10:30 na. Paglabas ng Rai Rai KEn, nakarinig ako ng mga paputok na nagpuputukan.
OMG!!! MERON PANG FIREWORKS DISPLAY!!! (perteh na guard ng McDO!)
So sumugod kami sa waiting area ng MOA. At ayun, nakita namin ang tilang 20 minutes worth of beautiful and astounding fireworks display. Eto ang excerpt: 10 minutes... Pasensya na kung mabagal mag-load.
Kung gusto niyo ng mas mabilis na video, eto ang FINALE:
So worthwile pala talaga ang adventure namin. Nakauwi na ako ng bahay ng mga around 1:10am after that bus ride. Sobrang traffic plus, ang layo pa ng Pasay sa QC!
Pero at least, I had fun being with my friends (Bex, Cia, Jay, Hubs, Jak). Ang Saya-Sayaa!!!
After 48 years, nakakita na naman ako ng fireworks, live!
YEAH!!!
No comments:
Post a Comment