Saturday, July 7, 2007

UPDATE!!!

Yey! Saya. Ngayon na ako muling makakapagblog!

Hurray for me!

So, let's start off with this event: ORSEM 20007 : Soundcheck

Last Apr-May, I auditioned to be a TNT (Talk and Tours) for the orsem. Sila yung mga naghahandle ng mga freshies during the orsem. After two interviews and three training days, yey, TNT na talaga ako! Sobrang nakapapagod, pero hindi mapapalitan ang saya na binigay ng event na ito sa akin. It was such a GREAT way to start this school year! I'm glad I started this out RIGHT.

Naging partner TNT ko si Kuya Nonon (3-BS Psy) at naging Sec-Mob Log ko si Nicole. Sobrang saya ng trio namin, kaso sayang nga lang noong na-late si Kuya Nonon noong first day ng Orsem. So, naging solo-TNT muna ako for that day. Tinulungan naman ako ng ibang mga TNT volunteers (salamat nga pala kay Aids). Hinandle ko pala ang block XX1. Block 'yan ng health sciences majors kaya naman hindi na ako masyadong nahirapang i-handle sila. Mababait naman silang lahat. May mga makukulit, medyo may mga mabagal maglakad... The usual freshmen. May mga magaganda, pogi (:P)... At marami pang iba. Masaya nga ako kasi naging close ako sa mga freshies ko. Sana somehow na-touch ko ang mga buhay nila... Sana nga...

Nakapapagod talaga, pero yun nga, masaya! Oo nga pala! Starstruck ako noong Orsem!!! Haay naku, kasi naman oh, pumasok sa Ateneo si Rica Peralejo!!! Oo! Sobra! Ang bata kaya niyang tingnan. Lunch show noon, kaya naman naisipan kong magpa-picture with Rica. Buti na lang nandoon si Faller kaya naman nakapag-pic ako with Rica. Mukha talaga siyang college student. Hindi halata na medyo may edad na siya! Ang bait pa niya!

Wow! Thank God for giving me the courage and the energy to become a TNT! Mago-audition ulit ako to become a TNT next orsem! TNT now, TNT forevaah!!! haahah!!!

Okay... So next update! DEBUT NI TAL!!!

Oh my oh my! Sobra kaya ito! Ang tindi talaga ng pagmamahal ng Illumina kay Tal! Biruin mo, sobrang pinaghandaan talaga ang dance performance at ang skit presentation. Naging emcee nga pala kami ni Kbo sa kanyang debut. Of course, habang nageemcee kami ni Kbo, may mga sinisingit kaming mga jokes--as usual. hehehe... May mga iniignite kaming mga tuksuhan--mga Dodong-Inday, KaMor, etc. Kaso di pwedeng tuksuhin si Tal with her lovitoots na si Ching. Hehehe.. Mahirap nang mabisto nina Fedeserio at Lea eh. Hahaha! Napressure ako ng konti kay Granny Gloria ha. In fairness, medyo demanding siya (peace, TAL) hehehe. But then, over-all, ok naman siya. Mabait na rin. Sabi nga ni Tal, intindihin na lang daw siya. Hahaha...

Ang masaya pang bagay tungkol sa debut ni Tal is the fact that it serve as a semi-reunion to most of the Illumina people! As in!!! FIRST TIME KONG NAKITA ULIT SI AIKO AFTER ONE WHOLE YEAR!!! As in, sobrang saya ko kaya!!! Idol ko siya sa pagkanta eh. SObrang nabighani na naman ako sa kanilang song number nina Hubs at Ttn! Nakameet pa ako ng new friends like Kitty and Jayce (tama ba ang spelling?). Ang saya talaga ng debut ni TAAL! And of course, how could I forget Tal's cousins? Cuzinz talaga niya sobrang ang tindi ng mga genes! The Camarao blood was reigning that night! Lalo na yung si Kuya Odjie ba yun? ahahah! Joke lang Tal!

Sayang nga lang kasi na-lowbat ako. NiyaH!! Hindi tuloy ako nakapagkuha ng mga pictures. Sayang tuloy! Ang gaganda't gagwapo pa naman namin that night. Cocktail + Long sleeves na black or white. Oh Yes. And Crystal was at her best that night! Ang ganda talaga ng friend ko... Mana sa the Force. Hahaha! June 16 was the best!

Next update: 2nd year na kami! SOPHOMORES NAA!!!

Yes mga kaibigan. Time really flies so fast that we couldn't keep track of everything! And now, I have an extra busy schedule. Yeah, my English and Filipino life in Ateneo was over. Pero naman oh! Perteh! Pinalitan ito ng Theology and Sociology and Anthropology (ang nakababaliw na Philosophy and more Theology ay darating pa next year!). Basa. Read. Basa. Read. HAAAAAAH! I have to give extra effort in the readings!

Hah! May Economics na naman kami! Naku Ma'am Muico, sapian mo ako! Ang tindi pa ng prof namin ngayon. He worked with Pres. Ramos before--si Dr. Cielito Habito. Kasabay pa namin ang mga Eco-H at Eco majors sa Eco102! Nakuu... Plus Chem... CHEM!! Sobrang gusto ko pa naman ng Chem... Kaso ang chem namin ngayon sobrang pinahirap! May mga prelab na ngayon sa chem, plus may postlabs pa! Extra-strict din sila ngayon. You really can't predict everything in Chem nowadays, unlike what it was in high school. College na talaga!!! COLLEGE!

Sa Orgs naman. I've decided that I have to be at least active in one of my orgs and join some orgs para naman magkaroon ako ng maraming kaibigan at mahasa pa ang mga kakayahan ko. COA-ExTeam member na ako since summer. Of course gusto ko ring magpaka-active sa other orgs. So, I joined the Pre-Med Society of the Ateneo, Ateneo Comelec, and of course, Enterteynment Para sa Tao, Bayan. Lansangan, at Diyos (ENTABLADO). Sobrang nasiyahan ako sa Enta! Ang saya-saya ng mga tao doon, plus I really love to act. Kahit na magtrabaho lang sa production ok lang. Socio-Political Org pa ito. Naghahayag sila ng mga isyu na kailangang harapin nating mga Pilipino sa paraan ng teatro (yesss...). I do hope I will be able to do a good job for my orgs this year. I want to strive harder. I don't want to blow these orgs off this year. Yes! Kaya ko ito!

Hala, sobrang tindi naman nito. Nag Muay-Thai pala ako for my PE! Sobrang nakapapagod! Pamatay! Buong katawan ko nanginginig at naninigas sa sakit ng mga pamaol! Pero, ang saya ng Muay-Thai. Kasama ko kasi mga kablock ko sa PE eh. Kaya naman nagiging masaya ang lahat ng mga ginagawa namin. :) The best talaga ang XX(2010)! The BEST DAMN FREAKIN' BLOCK EVAAH!

Stress. That's the word for the year guys! Yes. This year would be one of the most challenging years in HSc. Haaay naku. Kakayanin namin itong lahat! Baka matae kami nang wala sa oras pero ok lang! Game pa rin!

Oo nga pala, I moved to Room 1-C since May 1! Simula noong June naging kumpleto na kami rito sa room. Kasama ko si Gemma (1 BS AMF) at si Sherry (1 BS HSc). Yey! Masaya! Hehehe. Haay naku. But then again, nami-miss ko pa rin ang the one and the only, the most emo person I've ever known--si Ate Mian!!! Kung nasaan ka man ngayon Ate Mian, I wish you all the best in life! I miss you roommate! Sana makahanap ka ng pogi sa Canada! That's the spirit!!! Hahahaha!!!

***

Haaay Naku Lord. That was such a long entry. Anyway, at least you had a glimpse of my life nowadays. Sorry kung minsan di na muna ako nakakapagblog mga readers. Busy ang buhay college eh. Priorities first, ika nga. And I want to make this year a memorable one. Yes.... Ang saya-saya!!!

Lord, help me..

***

Tama, all of the pictures I took recently are available in my multiply site. But then again, you still have to add me before you can view the pictures. Of course, sabi nga ni Pare, mahirap nang kumakalat ang mga pics sa net! Hahaha! Privacy! Privacy!

but then again i guess not all people care about the privacy of another in this generation. rubbish.

***

God bless everyone!!!

No comments: