Friday, September 7, 2007

BREAK MUNA

Actually, siningit ko lang itong pagbla-blog sa schedule ko. Sa totoo lang, may nakapila pa akong theology report, chem prelab at postlab, at long test sa chem. Gusto kong magblog ngayon kasi... Masaya ako.

Hehehe... Oo! Despite all the stresses, masaya pa rin ako.

Sobrang dami nga naming ginawa sa acads pati na rin sa org ko. Oo, katatapos lang ng unang produksyon na sinalihan ko sa theater org kong Entablado last September 1. Naging masaya ako sapagkat kahit na sobrang tindi ng mga rehearsals gabi-gabi, nagkakaroon pa rin ako ng tamang oras para sa aking mga academics. And to think that despite all the demands of being a stage manager / front-of-house / promotions member for the production, Buwan at Baril, sobrang ok pa ang mga nakuha kong grado sa mga long tests ko! Thank God talaga at nakabawi ako sa lahat ng academics ko!

Tapos na nga ang production, kaso, nagkaroon kami ng acting workshops last wednesday at kaninang hapon. Ang saya-saya ng mga acting workshops kasi nadidiscover ko yung mga kakayahan ko iba't ibang mga exercises na pinagawa sa amin ng mga facilitators. Sobrang nakatutuwa rin ang mga kasama ko sa org--siguro dahil the same ang aming passion sa buhay--ang theater. Sobrang nakatutuwa pa kasi pagkatapos ng acting workshops, sinabi ng mga facilitators namin na kami ay mag-aact sa NEWBIE play ng ENTABLADO sa susunod na semestre -- sa NOVEMBER!!! November 25, 26, at 27 ata... basta ayun!

OHMAYGAAAHS! Makakapag-perform ako sa totoong play ng isang theater org sa Ateneo!!!

Sana nga lang matuloy yun... Sana!

Hindi pa nagtatapos doon yung kwento ko kung bakit ako masaya. NAgkaroon kami ng "contest" sa chemistry last wednesday. 135 students ang sumali sa nasabing contest. Eh kasi naman noh, may nakaakibat na bonus na makakamit namin sa chemistry class kung sasali kami sa nasabing contest. Actually, hindi ko plinanong manalo o makapasok sa next round ng kumpetisyon. Iniisip ko kasi may mas nangangailangan pang tao ng bonus sa chem kaysa sa akin (choz!). Kaya naman, hindi ko sineryoso yung test. First test yon in my life na hindi ko nireview ng todo. Wala akong binurang sagot sa test na iyon. Kung anong natipuhan kong sagot, iyon ang sinulat ko sa papel.

Pero perteh. Nakatanggap ako ng e-mail kanina mula sa mga coordinators ng nasabing contest.

Oo... Nakapasok ako sa susunod na round ng chem contest na iyon. 21 kaming nakapasok. Perteh. Hindi ko alam kung ano talaga ang aking nararamdaman. Oo, masaya ako pero noong naisip kong may mas nangangailangan pa ng bonus points kaysa sa akin, ayun parang nakonsensya ako. Sana hindi na lang ako nag-isip during the competition. Hay naku... ewan.

Ayun, so magcocontest na naman ako sa September 12. Amazing race daw yung gagawin namin that day. Sana hindi ako mapagod ng husto... May chem long test pa ako sa darating na Biyernes noh.

Tapos ngayong gabi, nagluto ako ng carbonara for my roommates! I just loooove cooking! Ang tagal ko nang di nagluto eh. Ang saya! I still have that touch in my specialty. But next time, hindi ko na lalagyan ng all-purpose cream. And plus, dadagdagan ko ng mas marami pang recado para masaraaap!!

Anyway, ayun. BUkas, tatawagan ko sina Mare, Pare, at Olot bukas sa bahay ni Kuya Jon. Tito Et is in town... Sana may pasalubong ako from him!

Oh sige... I think I'm going to be busy this month, until October! Huling pasabog na ito before the sem ends! Seseryosohin ko naaa!

God bless everyone!

---

Oct 14 -- UUWI NA AKO SA DAVAO!!! YEAAH!

No comments: