Thursday, March 20, 2008

160

This is my 160th entry for this blog.

Tiningnan ko muli 'yung mga entries na sinulat ko from the start. Grabeh. Ang laki pala ng pagbabago ng paraan ng pagsusulat ko / paglahad ko ng mga pananaw ko ukol sa mga bagay-bagay. 'Yun nga, mas naging seryoso ako simula noong nagcollege ako. Halos lahat ng entries tungkol sa acads: kung gaano ako naghihirap, mga listahan ng mga long tests, org activities, etc. Namimiss ko tuloy 'yung paraan ng pagbla-blog ko noong highschool = hindi gaanong seryoso. OO nga, busy nga minsan sa acads pero 'yung katotohanan na nakakapagblog ako tungkol sa mga nakakatuwang moments ko noon ay isang napakatinding bagay na di ko na nabla-blog ngayon. Hindi naman sa sinasabi kong boring ngayong college--as a matter of fact, sa sobrang daming nangyayari araw-araw, di ko na natatrack ang lahat ng ito at di ko mahaka ang lahat ng mga bagay-bagay para maisulat ko dito sa blog na ito. Everything seems to go so fast that its as if nothing happened at all. Yak. Inappropriate statement. I knew it.

Bakit ba hindi ako nakakapagblog ng mas madalas? In addition to my claim na "busy" ako, napapansin ko rin kasi na wala na yatang nababasa pa ng blog ko [well compared to my audiences/readers na sobrang dami before diba...]. Ayun, parang tinatamad na rin akong magsulat. Siguro mas gusto ko ng mas malaking audiences. Kaso yun nga. Di ko naman maiiwasan yung fact na baka magsawa sila, or baka busy rin sila sa kanilang mga buhay-buhay. Next, naexpose ako sa sobrang tinding pag-eenglish at sobrang tinding pananagalog ngayong college. Gusto kong makapagsulat ng isang napakagandang essay on development, poverty issues, current public health situation of our country, my views on some profound subjects, etc. Basta something na deep, may dating, nakaka-tama, at profound talaga. All throughout the years I kept on blabbing only about myself, my rants, my whats, whys, and other what nots. Eh sobrang minamaliit ko yata yung kakayahan kong magsulat kasi sa tingin ko, kung magsusulat man ako ng article na maganda, baka magtunog-jologs pa yun at maging sobrang uncool, sobrang pointless = pangit. Ewan ko ba.

- - -

O, so ano na ba talaga ang nangyayari sa akin ngayon? Aside from struggling in my acads, naging minor in org works din ako for the past months. Of course, naging SM deputy ako sa successful production ng Entablado na Tanikalang Guinto. Dahil sa experience na ito, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga katoto. Sobrang ang dami ko ring natutunan tulad ng mga gawain ng mga SMs hanggang sa mga views ng mga iba't ibang tao ukol sa mga issues na hinaharap ng ating bansa. At oo nga pala, naging active din ako sa health sciences society through the FGDs = study sessions na inaarrange namin ng isa ko pang blockmate for everyone. Nagpapanggap pa nga kami bilang sina jothe at rithal para matago yung identities namin. At ayon, tumakbo ako bilang executive board member ng HSS, at ayon, nanalo ako. Sana nga lang magampanan ko ng maayos ang responsibilidad na ito. Of course, gusto kong matatag ang HSS bago ako grumaduate.

Next, naging host/emcee ako during our Health Sciences night. Sobrang kinabahan ako kasi naman hindi kami ganoon ka-handa ni Kuya Lorenz sa kung ano ang mga dapat gawin/sabihin. Basta, nagsalita lang kami ng nagsalita that night. At buti na lang somehow napasaya rin namin ang HSc community. Salamat naman at hindi naging boring ang event kagabi. At salamat din sa fact na ang ganda ko kagabi [dahil sa tulong ng room 107 sa eliazo--ang aking hair & make-up team, at siyempre nina nina, luis, at pao --- ang aking wardrobe team]. Ang sayang makitang nagbabonding ang lahat ng mga HSc majors kagabi. Pati mga profs naki-sayaw din. Ang saya.

Nadiskubre ko ring may potential ako sa larangan ng JUDO. 'Yun kasi ang kinuha ko for my PE this semester. At during the finals, ayun, nanalo ako. CHAMPION na naman [with a gold medal this time]. Siguro gifted talaga ako sa larangan ng martial arts. This body is built for martial arts. Too bad I have to do other stuff at isinasatabi ko na lang ang gift na ito. Tsk. Sayang.

- - -

So Danica what's up after 159 entries?
Ayun, eto pa rin ako. Masayahin. Corny pa rin. Nakikidrama. Artista. Lumalaban. Walang inaatrasan. Tumatawa. Lumuluha. Kumakain. Nakikinig. Naglalakad. Nag-iisip ng iba't ibang mga bagay. Gumaganda sa pagsikat ng araw. Gumaganda sa pagmulat ng buwan. Nagsusulat for herself, hoping to touch others as well.

Hay naku. sa susunod na nga lang.

- - -

Next Picture:
Monday - ORGANIC CHEMISTRY FINALS, NIHONGO FINALS
Thursay - DS 3rd Long TEST
Saturday - DS FINALS [Lord, sana di na ako magtake PLEASE!!!]
Sunday - I'm going back home... finally!

- - -

...I'm not afraid of FAILURE
because, it is NOT an option
and it will NOT HAPPEN...
and I'm PREPARED to be TIRED EVERYDAY of MY LIFE
in my quest for EXCELLENCE...

Lord, guide me. Help me. It is good as done.

No comments: