DISCLAIMER: Sobrang pagrarant lang ang entry na ito. Hayaan niyo na ako. Minsan lang ito mangyari.
- - -
It all started with a certain "fear" that I've experienced as I was enlisting my subjects online last October 2007. Gahd. Ambeth Ocampo. Leland dela Cruz. ORGANIC CHEMISTRY. And then the entatext na nagproproclaim na ako na raw ang SM deputy for the production this semester. Oh God. How will I ever EVER survive this semester?
And so ayun. Sinabi ko na kay Mare at Pare na sobrang challenging ang sem ko. Honestly, natatakot akong bumaba ang grades ko. Nakakuha ako ng scholarship sa Ateneo dahil sa mga grades ko. At ang natatanging kundisyon lang ng OAA is to maintain my grades. So ayun, I already started nice and strong so far. Kaso when I started this second semester, I had this itchy feeling that 'yun nga---baka, BAKA maging loose yung grip ko sa standing na binuo ko for the past year + sem. AYokong mawala ang scholarship ko. Dahil kahit anong gawin ko, kahit na lumuhod pa ako sa harapan ng OAA at mismo kay Fr. Nebres, kapag di ko namaintain ang QPI requirement ko, goodbye scholarship na kaagad (and probably goodbye Ateneo). BUT NO! Of course hindi ko hahayaan yun ano. Like duh, ako kaya si Danica Pasia.
Ilang beses ko na ring naexperience yung magkaroon ng sobrang mabababang scores sa exam. Grade school struggle na ako sa reading (takte kang reading ka. tsk.). Highschool pa lang sobrang pinatikim na ako ng 2/30 sa Physics 3. Sa lahat ng mga math na tinake ko noong highschool, sobrang ang bababa ng mga nakukuha ko sa quarterly exams (quizzes lang ang pambawi ko). Nagstruggle ako sa English (kaya nagtataka ako HANGGANG NGAYON kung bakit sa akin binigay ang "proficiency" award for english, at HANGGANG NGAYON, i feel that I DON'T REALLY DESERVE IT). Pero sa bawat end ng mgan quarters na pinagdaanan ko, lagi akong nakakatanggap ng award/recognition. Hindi ko masasabing namaintain/napataas ko ang mga averages ko every quarter (kasi wala talagang trend at all). Pero yung katotohanan na may nakukuha ako every end of the quarter is the thing na sobrang naeexperience ko all my life--well at least, up to now (and hopefully in the future na rin! Lord sana).
Kaso iba ang feeling ngayong college. OO. inaamin ko ang hirap ng college. So basically binabaan ko ang expectations ko from myself. Pero ayun, nagsimula rin ako ng maganda in college. At ayun, nareach ko rin ang point na mataas na nga, at ayoko na ring bumaba. Masakit na kung bumaba pa ako kasi ang dami dami ko nang iiinvest na panahon upang ma-maintain yung qpi ko noh. So ayun, despite my OA-busy schedule this semester, inayos ko pa rin. I made it sure na nakakapagaral talaga ako ng husto. Umabot din sa point na 3am na ako natutulog at nagigising ng mga 7am for my class eh. Na-reach ko na rin ang point na 27 hours akong walang tulog (DAHIL SA STAT NA YAN). Naramdaman ko na rin yung feeling na nag-aral naman ako ng husto, pero bokya pa rin yung nakukuha ko. Naexperience ko rin yung MALI yung napag-aralan ko for a certain long test. Naexperience ko ring tumulong ng ibang tao, kaso noong ako na ang humihingi ng tulong, wala lang mang initiative na tulungan din ako ulit (bitter). Sino ba namang gustong makaramdam/makaexperience ng ganun diba? Ako, ayoko. Pero nangyari pa rin ang mga iyon.
Inaamin ko, nahirapan ako ngayong semester. Dahil siguro sa sobrang daming requirements at sa kulang na panahon dahil ginawa kong busy ang sarili ko para sa iba pang mga bagay. Yet I don't blame my other "activities" for this inexplicable lousiness that I have exemplified in my academic performance this semester. Irresponsibility lang at time-mismanagement ang nangyari sa akin this semester. At nadistract lang siguro ako. So ayun, yung takot na naramdaman ko noong online enlistment naging prominent throughout the sem. Nilalabanan ko yung takot na iyon, thinking na OO, kaya ko itong harapin at tapusin with flying colors.
Pero ano nga ba ang nangyari? All the while alam ko I'm doing well. May mga occasional na "babawi ako." Hanggang sa umabot sa mga panahon na "bumawi naman ako, kaso di lang talaga natamaan sa bulls eye." Sorry malabo. Malabo rin kasi ang pag-iisip ko nowadays. Hindi ko alma kung matutuwa ako o hindi. Of course dapat manghinayang ako sa mga sinayang kong panahon this sem. Sa totoo lang, ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon: sobrang uneasy ako sa performance ko.
Grade-conscious ba? OO. The time I felt that I wasn't in my game sobrang nabahala na ako. Ito lang ang paraan para matulungan ko somehow ang mga magulang ko sa pagpapaaral sa akin. Sa pagmemaintain lang ng grades ko sobrang dami ko nang natutulong. What more sa pagiging DL pa diba? Sobrang bonus na iyon para sa kanila. Ayoko kasing mabahala rin sila sa kalagayan ko sa college. Ang dami na ngang ginagastos para sa akin plus ganito pa ang performance ko? Please naman Danica Pasia--umayos ka naman.
Alam kong advanced ito na pagblablog about my performance this semester. Hindi pa out ang mga grades as of now. So far ang alam ko lang na grade is from DS. Honestly sad ako, pero there's a part of me na nasisiyahan sa fact na napasaya at naimpress ko somehow si Leland during the orals.
Haaay Lord. Heto na naman ako, sasabihin ko na namang "Babawi ako."
Totohanin na natin ito. Yes. OO. Quatro sems coming up.
- - -
I got my license today. I'll blog all the gate-keeping activities that happened earlier. Sobrang form of corruption na ito. Government offices talaga. Tsk. Kawawa naman ang 'Pinas.
No comments:
Post a Comment