gusto ko na ulit maging first honors. natikman ko lang to nung first two years ko ng college. humirap nga ang mga subjects. naubusan nga ako ng oras. mas marami na rin ang mga ginawa ko. do i really have to let some things go para ma-pursue ko 'to ulit? kinaya ko naman dati ah! oh well, iba yung mga sitwasyon noon sa ngayon. pero sobra. pasalamat nga ako sa qpi ko noong nakaraang sem, na inakala ko talagang di ako madi-DL eh (in fairness, nag-improve pa ako). pero Diyos ko... gusto ko talagang maka-first honors ulit. Ang sarap kasi talaga ng feeling! i really REALLY miss it.
pero ano nga ba ang mahalaga sa akin sa ngayon?
oh well... Christmas gift mo na Lord, maka-agpas sana si mama sa surgery niya. aminado naman akong sobrang risky ng procedure. alam kong ang dami rin naming dapat ipunin dahil na rin sa gagastusin para doon. basta lord, keep my family strong despite all these challenges. ito lang po talaga yung sobrang mahalaga sa akin as of now. i miss them. Sobra.
i do my best to separate all my "problems" from all the work that i do. pero alam niyo naman, tao rin ako--nakakadama ng emosyon, ng pain. umiiyak din ako guys. even though i manifest this superwoman sa harap ng ibang tao, nagiging vulnerable rin ako sa mga moments ko before i go to sleep. Di naman sa tinatago ko ang sariling "AKO," pero nakikita kong mas mapapadali ko ang mga ginagawa ko kung iseseparate ko yung emotions ko from the all the work that i do. ayun. nasanay na siguro ako. malaking emotional investment ang masisira kung bigla akong magshift ng perspective.
ayun. gusto ko ulit ng 3.75+++. ngunit higit sa lahat, gusto kong ma-ease ang pain ni mama through the surgery. alam ko namang matutupad ang mga ito Lord. tulungan mo lang ako Lord. tulungan mo po kami.
No comments:
Post a Comment