Thank God, I'm back here. Finally, my Dad gave me an internet card. Pinsan ko kasi nakalimutan niyang bigyan ako ng inet card, utang pa naman niya 'yun sakin. Pero ngayon, makakapag-blog na naman ako.
There are lots of things to tell. Ang problema lang eh, nakakalimutan ko 'yung mga bagay na dapat ko talagang sabihin.
PEro, mahaba itong post na 'to.
Naku... Tumatanda na nga talaga ako.
>>>
Naging busy kami sa batch last summer. Biruin mo ba naman, summer pa lang eh bumibisita na kami sa Pisay para lang paghandaan 'yung presentation namin sa freshmen orientation. Sa pagkarami-raming roles na dapat pagpilian, binigay pa sakin 'yung role na parang ala "Mom V"--Teacher/Mother/Terror/Lingaw... Basta ganun. Napaka-challenging ng role (char). Pinaghirapan talaga naming lahat 'yung presentation. KAhit nga noong enrollment eh, nagrehearse parin kami.
At noong May 28 ng umaga, doon na kami nagpresent. Akala ko na nga na ma-lelate ako noon kasi nagtext na si Teetin, sabay tawag ni Tal. Kaya tumakbo ako mula sa mga bulletin board ng mga clubs papunta sa gym. Nagmadali akong magbihis ng costume ko. Akala ko na kami na ang next na magprepresent.
PERTEH naman o, akala ko kami na. Pero naghintay pa kami mahigit sa 30 minuto bago pa kami makapagpresent. PERTEH naman 'to oH!
At nung nakapagpresent na kami. aba'y todo WAHAS kami lahat. Walang hiya sa stage, kung baga. Pero perteh na naman, walang reaction 'yung mga first year. Ang napansin ko lang na sobra kung tumawa eh 'yung kapitbahay ko kasama ang kanyang nanay na tinuturo pa ako. Para silang sHOCKED na shocked na akala mo nakakita ng alien.
Pagkatapos nun, dumiretso kami nina Yan & company sa SM. Biruin mo, nilapitan kami ni Yan nung tindera ng POND's at niyayaya kaming maging model, kung baga. Ganun na ba ako kaganda para maging model? Waaaahaha... Si Yan, dali-daling pumirma doon sa papel, eh ako naman, inunahan ng hiya. Biruin mo, kitang-kita ka ng lahat ng tao mula sa 3rd at 4th floor?! Aba, walang privacy!!!
Kaya, huwag nalang. Bahala nang 'di ako maging model NGAYON. NExt time nalang... waaa...
Bumalik kami sa school at sinimulan ang Field Day ng mga Freshies. Enjoy ha, parang Amazing Race. Nakakatuwa tingnan 'yung mga first year na nagkakandarapang tumakbo at gawin 'yung mga tasks na ibinigay sa kanila. Enjoy ako nung araw na 'yon. Happing-happy kaming lahat.
Ate Gem pa nga tawag sakin ng mga freshies... heheheh...
>>>
Pasensya na nga pala sa mga matatalik kong kaibigan. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataong magkita muli nung summer. Hebigatin kasi ang schedule ko, nag 40 days na kasi si Papalo, eh kailangang nandun lahat ng pamilya. Nawalan pa ako ng load kaya 'di ako nakapagtext. Ang laki-laki na ng atraso ko sa inyo mga mahal kong kaibigan. Pero, 'di bale, magkikita tayong muli. Malapit na malapit na...
Muli, nais kong humingi ng tawad sa inyo.
>>>
Neutron ako.
Haaayy... Neutron...
Na-elect na naman ako bilang President. OO, gagawin ko ang aking mga tungkulin. At ngayon, wala nang sablay. Enjoy naman din pala ang adviser namin, si Mam Dejarme. Kahit bago palang, sige nag hangyo sa amua. Lingaw, mabait... Sana nga lang maging enjoy ang year na 'to. OO, alam kong magiging enjoy ang last year ko sa Pisay. Magiging masaya kaming lahat!!!
>>>
Grabeh ha, first week palang, parang na-shock na ako sa mga lessons. May economics na kami, at may calculus na. TC7 pa ang libro namin. Dalawang units ng Physics 3, dinagdagan pa ng Bio 3, at Chem 3. May CAT pa. At least, elective ko ay FOODCHEM. So, magluluto kami. Dagdag na naman 'yan sa weight ko. Waaa...
Pero, sa tingin ko, ENJOY maging SENIOR.
>>>
Sobrang new pa pala ngayon sa Pisay. Mga new students, new look, newly-painted walls, newly-appointed heads, new teachers, new lessons, newlyweds... Ang daming new.
Pati nga ako, nakiBAGO rin. Buhok ko ngayon, flawless... Heheheh...
>>>
LAst friday, June 10, celebration namin ng 107th independence day ng bansa. Monday palang, sinabihan na kaming dalawa ni Renz na kami raw ang gaganap na mga emcee sa nasabing okasyon. Naku, emcee... Nagisip-isip na ako kung anong dapat gawin. KAya, humingi kami ng tulong mula kina Mitzi, JonE, at Migz. Haaay naku! Buti nalang go na go si Renz. Buti nalang, napakanta ko siya sa stage. Buti nalang, sumuporta ang audience. Buti nalang tumawa silang lahat sa bawat joke na dineliver namin. BUti nalang...
OKay naman talaga siguro ang program. GrabeH ang Oasioas. Si MAncao na kasi ang adviser kaya, maganda talaga ang kanilang sayaw. Iniisip ko ngang sumali sa dance troupe, pero siguro, kung sasayaw ako sa stage, baka lang gumuho ang buong gym. Heheheh...
Sinuot ko pa ang kimona na pinahiram sakin. Naku, nangangamoy matanda talaga 'yon. Tiniis ko nalang kasi wala na akong ibang costume eh.
After the program, they gave us a positive feedback. So that assured me that everything went well as planned.
>>>
Bukas, may balak ang batch sa NCCC mall. Sana magenjoy kami...
>>>
Sa tingin niyo, mananalo kaya kami nina Yan at Tal kung sasali kami sa Adidas Streetball Challenge?
>>>
Ang haba-haba na pala ng na-post ko. Ganito lang talaga ako kapag walang magawa. Salamat nga pala sa bumibisita sa blog ko.
No comments:
Post a Comment