Sunday, June 26, 2005

o, mga pamaol

Isang linggo na naman ang nakalipas. Naku, naku... Nakakapagod talaga ang week na ito. Monday palang, bothered na ako sa mga inassign sa'kin for the UPCAT forms, Research, at CAT. As in, grabeH!

Buti nalang, mababait ang mga classmates ko. They submitted on time. Tinulungan pa ako ni Ciara sa pag-organize ng mga papers.

Our research! Camellia sinensis... Maraming tao kasi ang nakapila for the Soxhlet apparatus. Friday pa kami nakapagsimula eh. Nabasag pa nga ng konti ang extractor.

Sana makabawi ako next week.

>>>

About CAT, sa tingin ko kailangan mo talagang maging matibay para pumasa sa training.

Last Tuesday, around 4:15pm, we had our reception. Grabeh, unang pinagawa ang duckwalk. Kailangang makarating sa finish line within 3 minutes. Akala ko madali lang, 'yun pala nakakangalay ng hita. Perteh nalang noh. Pag-abot ko sa finish line, parang di na ako makatayo. Perteh! Then, nag-sack racing. Ok lang naman 'yun kasi hindi time-pressured. Next na ginawa 'yung spider web. We have to cross the "spider web" through its holes. Gawa pa naman 'yun sa tie box( tama ba ang spelling?) nina Kutz, Ching, & co. Naku, ako ang pinauna sa butas. Buti nalang, nakayanan akong i-support ni Jules. Ayun, teamwork talaga kami. Then, tinali-tali ang aming mga wrist gamit ang mga panyo. We ran towards the other side of the CAT field. Naku, noong mga oras na 'yun, 'di pa tinabas 'yung mga damo. Eh di, habang tumatakbo kami eh, tumalon-talon din. At doon, akala ko pagpapahingahin pa kami ni Ma'am Pagalan. May juice kasing nakahanda para sa'min. 'Yun pala, magshe-share kami sa isang baso ng maligamgam na juice, gamit ang aming mga bibig. Perteh. Pero buti nalang, naubos namin ang juice. Ok lang kahit may mga konting damo sa juice, basta it quenched our thirst, fights na! Pero, 'di lang 'yun. Wais kasi si Ma'am kaya pinatakbo kami sa starting position namin at pinakain sa'min 'yung mga biscuits, korniks, green peas, atbp. May halo ngang damo ang iba eh. Ang last piece ng biscuit, na-soak na sa juice. Eh color brown pa naman ang biscuit! Para nang solid waste ang itsura. Pero, bawal may matira na pagkain. Wala na kasing may gustong kumain niyon eh. Kaya, sinubo nalang sa'min ni Ma'am ang soaked biskwit. Kawawa naman kami nina Ate Reys, at Luis. Perteh, lasang juice talaga ang biskwit. Akala ko, tapos na ang lahat. Meron pa pala. Pina-crawl kami, tapos dumaan sa gitna ng mga rifles. Pinaulit kami kung mababagsak ang mga rifles noh. Ang laki ko pa naman. Pero, buti nalang, 'di bumagsak nung ako na ang nag-crawl. Pumayat yata ako that moment. At pagkatapos naming lahat, pinaroll-roll kami sa trapal na may tubig. Sa totoo lang, para kaming mga barbecue na reading-ready nang i-grill.

Akala ko, 'yun na 'yun. Pero, may pahabol pa si Ma'am.

30 push-ups sa mga lalaki. 30 pumps sa amin.

Nauna kami sa mga lalaki matapos, pero dinagdagan pa ni Ma'am ng 20 ang pumps namin.

Perteh, perteh! Nagtre-tremble na 'yung hita ko that time. Pinapala pa kami para sa reception for the following day.

'Yun ang nangyari noong June 21 sa training namin.

>>>

Kahit na naghirap kami nung June 21, ok lang sa'kin kasi na-fulfill ang isa ko na namang goal sa Pisay.

NAKAPASOK NA AKO SA GIRLS DORM!!!

As in, buti nalang mabait 'yung dorm reliever. Wala kasi si Ma'am Des. Heheheh... Nakaligo pa ako doon. Nakapasok sa bawat kwarto. Jan Jenny and Crystal toured us. Kahit newbie pa si Tal sa dorm, alam na alam na niya ang bawat lugar doon. Grabeh pala noh. Accomodating talaga sila doon. Parang "at home" kaming dalawa ni Ate Reys sa girl's dorm.

Salamat sa lahat ng mga DORMERS! Secured kami sa piling ninyo!

>>>

Gi-pamaol ako kinabukasan noH! As in, ang sakit sakit umupo. Ang sakit mag-stretch. Ang sakit kung bababa sa stairs. As in, kasakit!

Last Wednesday, reception ng iba kong batchmates. Since kami ang assined mag-officiate ng "advancement exercises", aguy! Gikapoy ako noh! Ako kasi ang sa Alpha 1 & 2. Si Anj sa Bravo 1, at si Hazel sa Bravo 2. Patas lang kami lahat sa hirap.

Natutunan nila ang aking akda na tungkol sa BUHAY NI NENA na resulta ng limang minutong pagmumuni-muni ko sa aking kwarto.

Pumunta si Nena banda sa bahay ni Nenang papunta sa Nanay's store.
Inutusan siya ng kanyang Mamah na ang pangalan ay Nadya na bumili ng mangga.
Habang papunta si Nena sa tindahan ni Nanay, kumakanta siya ng himig na 'di niya alam.
Nananana,nana... nang bigla siyang madapa dahil sa asong nakahimlay.
Naku, naku, naku. Nakalimutan pala ni Nena ang pera.
Kawawang Nena. Ano nang gagawin niya?

O, 'di ba? 26 times nabanggit ang pantig na, "NA".

Noong hapon ding 'yon. Nalaman ko na "gahi" pala talaga ang mga batchmates ko. Ang gagaling, kung baga.

O ano na mga batchmates? Call ba kayo sa BATCHOLYMPICS?

>>>

Kagabi, pumunta kami sa bahay nina Teetin kasi birthday niya. Grabeh, nagpresent ang mga groups of friends. Of course, kung meron ang Boys next Dorm, ang Nameless, Ellipses, at Wildboyz, meron din kami sa The Force (hehehe, kasi nagmarathon kami nung summer ng episodes 1-6 ng starwars sa loob ng isang araw). Aba, since that time, kumpleto kami, nagisip-isip kami kung anong pwedeng i-present bilang regalo namin kay Teetin.

Naku. Creative talaga.Sina Kbo, CJ, at Rain ang mga narrator. Si Mitzi as Nimfa. Si JoanE as Noel. Si Tal as Valencia. Si Anj si Ding2. Ako si Ding1. Si Yan si Darna. Izy as audience(hehe). Full force nga!

Kung baga, noong pinanganak si Teetin, kinuha siya ni Valencia. Pero sinave siya sa kapahamakan ni Darna with Ding1 at Ding2.

Title pa nga namin eh, Star Wars episode 16: Teetin at Sixteen, Stone Wars.

Yan:"Dapat nating i-save si TTn sa kapahamakan! Ding1, Ding2, ang mga bato!"
Anj at Ako:"Ito na ang bato" (joins ang mga bato) (subo kay yan)
Yan: "Darna!"

Ay basta, ok ang performance para sa'kin. Lingaw, dabah?

>>>

Babawi ako sa Physics.

>>>

Next week, plano na for MTV. May naiisip na ako. Waaaaah!!!

No comments: