Before you start reading, I have to warn you: this is a very long post. Kung meron kang ibang mas importante pang gagawin, 'wag ka nang magpatuloy. Pero kung gusto mo maging masaya, hala, at magbasa KA!
>>>
Wow, bongga diba? bagong bago ang template. Simple lang, at ngayon, feminine. Nababasa na ang lahat ng mga pinagsusulat ko dito, at ngayon, may halong drama na!
Meron pang "I can't stop them, they keep coming back", "go away, leave me alone". Grabeh noh? pinapakita kasi ng blog ko ang buhay ko sa bahay, sa eskwelahan, at sa lipunan. Ito ang "drama" ng buhay ko... char.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ko binago ang aking layout? Ganito kasi yon:
Last last week, pagkatapos ng mga exams, pumunta kami sa comlab para makapagpractical exam. Habang naghihintay ako sa turn ko, sinabihan ako ni Sir Beduya na pwede daw mag-inet. Aba, free inet na, kaya pinagsamantalahan ko na ang pagkakataon. Ang mga klasmeyts ko rin, pinagsamantalahan narin ang pagkakataon. Tapos non, tiningnan ko ang aking blog, at pinakita ko rin kay Migz ang blog ko.
Perteh man 'yan si Migz oi. Good mood na sana ako noong mga oras na 'yon nang bigla niyang sinabi na "gubot" daw ang blog ko. Perteh... Nasaktan ako... Nasaktan ako to the max! (ka-OA noh?)
Kaya naman, ngayon, inayos ko na ang blog ko. Feminine na ang dating ano? Puting-puti!
Bagong template... Bagong mga drama sa buhay.
>>>
Naku naman ngayong linggong ito noh! Grabe sa pagka-over ng mga damdamin ng mga tao! Ganito na ba talaga kapag senior ka na sa high school? Ang mga tao nga ba talaga'y sobrang concerned tungkol sa love?
Naging "Love Doctor" (ang diri pakinggan) ako ng aking good friend na si Anj. As in, todo kami sa Micro Girls (MG) kung makapag advice sa kanya. With Bex and Davie, grabe ang tinira namin kay Anj. At dahil din sa aming mga meetings, narealize ko na sobra ko palang corny when it comes to talking about love. Yaks kadiri.
Lalo na 'yung concept ko about "TUBIG at COKE", nakU. Kung narinig niyo lang 'yon, baka mabaog pa kayo sa sobrang pagka-corny.
Pero happy ako kasi somehow, natulungan namin si Anj. At alam ko ngayon, matatag na ang babaeng 'yon.
>>>
Si Mare kasi last summer, binilhan ako ng Secosana na bag. Ilang beses ko 'yon ginamit sa internship ko sa BFAR, pero last monday ko lang ginamit sa school.
Mga perteh man ang mga tao sa school oi. As in, sabihin ba namang "bayot" ang bag ko. Wala na kasi akong ibang bag na pwedeng gamitin. Hindi ko pa kasi nilabhan ang iba kong bag. Eh di, 'yon nalang ginamit ko.
Feminine ang dating ng bag ko. As in, sky blue ang kulay at kadalasang ginagamit ng mga kolehiyala. NExt time, ipopost ko ang picture ng bag kong 'yon.
Kahit ano mang sabihin nila, gagamitin ko parin ang bag ko. Bayot na kung bayot, basta alam kong binigay sakin ni mare, gagamitin ko parin. Alangan noh, si mare pa, eh mahal na mahal ko 'yon!
Oist, si mare ang mama ko ha. Baka kung anong isipin ninyo.
>>>
Kanina lang, inayos namin ang HQ bulletin board. Napansin ko, may talent pala akong dumikit ng mga bears sa bulletin. Nakapasok na rin ako sa Boy's CR. Nalaman ko na mas maganda at maayos pa pala ang Girl's Cr kesa sa Boy's CR. At least sa Girl's CR, palmolive ang panghugas ng kamay. Sa Boy's CR naman, Joy dishwashing liquid.
Narealize ko rin na swerte at tama pala ang pagpili ko sa aking mga kaibigan dito sa Pisay. Akala ko kasi iiwan na nila ako dahil may ginagawa pa ako sa HQ.
Pero na-"surpirse" nalang ako kanina. Mahal pala talaga nila ako kaya naghintay silang lahat for almost 2 hours!
Mga THE FORCE. Kahit minsan may mga problema, nandito parin tayo sa isa't isa. At dahil doon, lubos akong nagpapasalamat dahil itinuri niyo akong 'di lamang kaibigan, kundi kapamilya narin. Sana matuloy ang Samal escapade natin.
>>>
Namimiss ko na ang mga kaibigan ko sa Ateneo... sobra na talaga. Bakit kasi ang busy-busy namin?!
Sa UPCAT nga, nakita ko si Francelle, pero pagka, bakit ba naman kasi 6pm na natapos? Pinauwi na kaagad ako ni Pare, kaya after ng UPCAT, umalis na ako kaagad. PErteh!
Kelan kaya kami ulit magkikita? Kung magtetake kami ng ACET? Sana...
>>>
Wala pa akong essay sa ADMU!!! Gagawin ko pa bukas. Si Ciara kasi, laging wala. Magpapatulong sana ako.
Speaking of Ciara, siya ang naging "punching bag" ko ngayong week. Punching bag kung baga, kasi naman siya lang lagi ang tinutukso ko at inaaway ko buong linggo. Kanina nga, binasa ko siya sa Boy's CR eh. Todo pa ang tukso ko sa kanya kay Luis.
Pero, kahit ganoon ako, friends parin kami. Kasi naman, sobrang bait ni Ciara. As in, friends!
Ginagantihan ko naman ang kabaitan niya sa pamamagitan ng pagiging "alarm clock" niya everytime natatakdan siya ng sakit niyang "Tulogsinensis". At least, nakakabawi ako sa kanya doon. Simple lang, pero nakakapagbag ng buhay.
Kung mababasa man ito ni Ciara, sigurado akong tatawa 'yon. Corny kasi eh.
>>>
Ang haba naman ng post na ito. Ang dami kasing nangyari eH!
No comments:
Post a Comment