Wednesday, May 31, 2006

PITONG TULOG NALANG...

Oo, pitong tulog nalang... Pitong tulog nalang bago ako lilipad patungo sa Maynila.

Perteh... Nagda-drama na sina Mare at Pare.

"Nak, isang linggo nalang..."

Perteh talaga oh...

Well, I'll just make the most out of it.

>>>

Nakanood na ako ng The Da Vinci Code. Oo, 17 pa ako. Pero perteh... Sa tangkad ko pa ba namang ito, ique-question pa ba nila ang age ko? Perteh...

Honestly, hindi ako saludo sa pagkakagawa nito. 'Di hamak na mas maganda talaga ang libro kesa sa pelikula.

>>>

Tapos na ang American Idol Season 5. I was really hoping that Katharine Mcphee will win. But then, nung kinanta niya 'yung My Destiny... Haay naku... Perteh. SINIRA NUNG KANTA SI KAT! Perteh... Kaya ayun, si Taylor Hicks ang nanalo. Haaay naku perteh. They should've sang the same song (just like what they did during the past seasons). But then ayun... Gusto ng mga producers na lalaki na naman ang maging American Idol. As a fan, nasaktan ako. =((

Dapat kasi sina Chris Daughtry at Katharine Mcphee ang kumanta sa finale. Noong natanggal si Chris, Elliott - Kat naman ang gusto ko sa finale. Perteh. Gusto yata ng mga 'Kano ng epileptic na singer, kaya nanalo si Taylor.

Perteh... Sour graping na naman ako.Perteh...

But then, I will definately buy Kat's single... Kahit online pa. Hindi ako humanga ng ganito katindi sa isang singer.

Mcpheever bai...

>>>

O, yan na muna. Sige, babay.

Wednesday, May 24, 2006

BIDLISIW

Mga ka-tropa! Our yearbook is now available!

Bidlisiw
Illumina 2006

Ma-bOang ako sa mga pictures natin. Sangkatutak ang mga group pics... Grabeh. Hindi ko rin inexpect na meron akong hagok pic. Perteh... Feeling ko si Jeijei ang nagtake nun.... Basta mga tao, check it out! Lalo na 'yung nasa page 59 -- baby pic ni Xt. Perteh.

Kudos to the Bidlisiw staff... Ang galing ninyo. Salamat din sa Illumina... Dahil kung 'di tayo nagtulong-tulong, hindi sana magiging ganito kaganda ang ating yearbook. Kung hindi tayo naging united, siguro hanggang ngayon wala pa rin tayong yearbook.

O, sa lahat ng mga hindi pa nakakuha ng yearbook... Grab your copies NOW! Punta lang kayo kay Sir Calacar.

Ingat!

Monday, May 22, 2006

AFTER 48 YEARS...

AT LAST! Nakapag-update na ako! Waaaaah...

MARIPOSA'S DEAR DOCTOR LOVE...

Sige, basahin niyo! Isang kontrobersyal na kwento na naman.

Siguradong makakarelate kayo. Pramis.

Monday, May 15, 2006

NAPAKSAYA

Bago magtapos ang araw na 'to, gusto kong batiin ang isa sa mga taong malapit sa puso ko ng isang maligayang kaarawan...

KAMILLE COMILANG...
HAPPY BIRTHDAY BAAI!!!

Salamat sa enjoy na araw kaibigan... Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba sa panonood ng Poseidon. Perteh... Salamat din sa napakasarap na french fries... Waaaheheheh... At higit sa lahat, salamat sa friendship!!! Mag-enjoy ka sa bakasyon mo sa Maynila... You deserve it!

Haaai nakuu... Perteh talaga. Ang saya-saya!!!

Tuesday, May 9, 2006

ETO AKO NGAYON, NAG-IISA...

Haai buhay... Nandito ako ngayon sa bahay, as usual. Si Mare kasi on-leave sa trabaho, kaya naman, sinasamahan namin siya ngayon dito sa bahay. Halos lahat ng corners ng bahay nililinis ni Mare. Bilib talaga ako sa babaeng 'yon. Parang 'di napapagod.

Perteh... Hindi parin tapos ang bahay namin ngayon. Perteh talaga ba. Wala rin kasi kaming pera para mapadali ang construction sa likod ng bahay eh.

Oo nga pala, last sunday nagkaroon ng Family Day 'yung Mercury Drug Davao branches sa Malagos Garden. Haai perteh noh. Excited talaga ako nun kasi at last, pupunta kami ng resort at makakapagrelax ng todo.

ako, cj, mare
Mga Babae sa Gubat

Mga dalawang oras pa yata akong nandon. Nagsisimula na akong mag-enjoy kasi pumayag si Mare na magkalesa ride kami. Haai naku... Buhay naman talaga, unpredictable. Alam niyo ba, biglang sumakit 'yung tiyan ko? Haai perteh. Ang lamig na nung pawis ko nun eh. Uncomfortable ako sa lahat ng mga inuupuan ko. Kaya naman, nagpahatid nalang ako kay Pare sa bahay (hindi ko kasi kayang "magbawas" sa mga public areas. hanggang kaya ko pang pigilin, pipigilin ko talaga... exception na 'yung sa naia noh...).

Kaya ganon... Si Mare at si CJ nalang 'yung nagkalesa ride. Perteh, bumili pa kami ng Loperamide ni Pare para kumalma 'yung bituka ko sa may Calinan, para naman i-delay ng konti 'yung paglabas... Ang layo kaya ng Calinan sa bahay namin noh...

kalesa ride for the first time
First time ni CJ sumakay sa kalesa

Laking gulat ko nalang nung pag-uwi nila sa hapon. Sumali pala 'tong si CJ sa Miss Cute 2006 ng Mercury Drug. Perteh. Nanalo pa siya. Sa tingin ko, may future 'tong bata na 'to sa showbusiness. Nanalo na ng pageant noh.

Miss Cute 2k6
Si CJ/Annika... Ang Ms. Cute 2006

Haai buhay talaga...

Napansin ko lang noh... After my 17th birthday, lagi nalang sumasakit 'tong tiyan ko. As in, super sakit. Baka may sakit na ako... Waaah...

Meron akong ishe-share sa inyo:

Nakatikim na ba kayo ng GREEN TEA ICE CREAM? As in, Camellia sinensis ice cream bai...

nestle green tea ice cream
Bai... Pwede 'tong pang-research

Nasasarapan ako dito. As in... Sobrang milky, na medyo matabang ng konti... Katakamtakam... Basta, one thing's for sure... Lasang tsaa... Hihihih...

O sige, busy pa ako sa pagsusulat ng bagong edisyon ng Dear Doctor Love para naman mabuhay ulit ang SG Forum. Waaah... Baka ipo-post ko 'to sa weekend or next week. Bigatin kasi ang story eh.

Oo nga pala... Pasensya na sa mga nagte-text ha--ever since my birthday. Wala parin kasi akong load. Kung 'di ko man kayo nareplayan, pasensya na ha. Lubos ang pasasalamat ko sa inyong lahat. Salamat. Salamat. Salamat.

Sige, babay...

Monday, May 1, 2006

NAGDADALAGA

Oi... Labimpitong taong gulang na ako. Isang taon nalang, dakilang babae na talaga ako.

At ngayon, kailangan kong magpasalamat--sa lahat ng mga taong nag-touch ng aking buhay sa loob ng labimpitong taon, vice-versa.

Hindi ko mararating ang puntong ito sa buhay ko kung wala kayo upang damayan ako sa lahat ng mga malabagyong panahon ng buhay ko. Hindi ko sana makakamit ang mga pagpupuri at ng iba pang mga magagandang bagay kung 'di niyo ako sinusuportahan sa lahat ng mga ginagawa ko. Salamat sa trust, sa oras, sa friendship, sa love... Salamat din sa mga problema, eto ang mga bagay na nagpapatatag sa'kin. Hindi ako magiging "Si Danica" kung wala kayo. Salamat.

And thank you for showing me that you care. Sa simpleng text niyo lang na "hapi bday" hanggang sa isang napakaengarbong regalo ay napasaya niyo ako ng todo... Salamat.

>>>

Kahapon, April 30, nagpa-blessing kami ng bahay. Pumunta mga pinsan ko sa bahay.

Ako ang naging photographer ng nasabing "event." Ipo-post ko ang mga pictures baka bukas o sa susunod pang mga araw kung tatamarin ako. Waaah...

Nagpa-thanksgiving handaan kasi si Pare kagabi. Thanksgiving para sa aming unfinished house, my graduation, at sa isa pang taon na inilaan ng Panginoon sa'kin. Kaya naman, pumunta ang mga Pasia dito sa bahay kagabi at kami'y nagcelebrate.

Medyo naging maganda ang mood ng mga ninong at mga ninang ko kagabi. Marami akong na-collect, in fairness.

Naki-bonding din ako sa mga bata kong pinsan. Sa pamilya kasi, halos bata lahat ang mga pinsan ko. Mga around 3 to 12 years old sila. Konti lang kaming mga teenagers. Bilib din ako sa isa kong pinsan. Pitong taong gulang pa yata 'yun si Nicole. Pero perteh... May boyfriend na. Humingi pa sa'kin ng advice kung paano niya bre-breakan ang stupidong si Reggie na may gusto rin sa isa pang classmate ni Nicole. Char ano? Ang bata pa, pero nagkanda-werla na ang buhay dahil sa pag-ibig.

Around 11pm, sina Trisha nalang ang naiwan dito sa bahay. Si Pare, sobrang lasing na talaga. Sa sobra niyang kalasingan, binigyan pa naman niya ako ng isang lata ng SanMigLight. Ay perteh. Sa totoo lang noh, hindi ko alam kung tatanggihan ko ba o ano. Kung maayos lang ang pag-iisip ni Pare ng mga oras na 'yun, hinding-hindi talaga niya ako bibigyan ng beer. Pero tinanggap ko ang lata... Oras na 'yun para matikman ang pinagbabawal na serbesa.

Nag-share kami ng mga pinsan ko. Ang goal lang talaga namin kagabi eh makatikim lang ng beer. Tikim lang. PEro, ewan ko ba kung anong nangyari. BAsta itong pinsan kong si Trisha, palibhasa eh nakakatanda sa aming lahat, go na go pang uminom ng pangalawang lata ng SanMigLight. Perteh. Eh anong magagawa ko, diba? Susundin ko nalang siya. (As if, gusto ko man din... waaah)

So ayun, meron nang pangalawang lata. Naubos... Nagbiro ako na tikman namin 'yung SanMig na Pilsen. Perteh... Ewan ko kung anong nangyari. Basta pinakuha ko nalang si Ate Belinda ng isang lata ng Pilsen at binuksan ito ni Jappy (ang cute ko na pinsan). Perteh... Basta, ininom nalang ng ininom...

PEro, hindi ako nalasing ha! Lasing na ba 'yung tumawa ako ng tumawa ng bigla nalang? At naaalala ko pa naman ang mga nangyari kagabi ah.

Basta, eto ang alam ko: lasing si Pare at si Ninang Jing.

Alam niyo ba, sa sobrang kalasingan ni Pare, nabunggo niya ang kotse namin sa isang mound ng buhangin sa labas ng bahay? Sa sobra ring kalasingan, halos umiidlip na siya habang lumalakad papunta sa kwarto nila.

Ay perteh... Ako naman, sumakit ang sikmura ko pagkagising ko kaninang tanghali. Tanghali na 'kong nagising dahil sobra rin naman kasing late akong natulog. Wala rin naman akong hangovers kaya, hindi talaga ako nalasing.

>>>

Isang taon na pala ang nakalipas noong nawala na si Papalo sa piling namin.

April 26, 2005 will always be a day to remember. I witnessed death, and I lost someone so dear and special to me. Yet I never really had that chance to show him how important he is, how much I appreciate everything that he does for the family, and I haven't got that chance to show how much I love him.

Ni-recall namin ng mga pinsan ko 'yung event na 'yun after lunch last wednesday. PErteh... Ang bilis talaga ng panahon. Sobrang bilis na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nagpaparamdam daw si Papalo sa mga pinsan ko... Waaaah... Pine-pray ko talaga na hindi ako gaganunin ni Papalo. AS in, hindi ko talaga 'yun kakayanin!!!

Prayer really works... As in... Take it from me.

>>>

Ang ganda ng birthday gift sa akin ng Ateneo... Scholar na nila ako!!! WAAAAAH!!!

Sinulatan nila ako ng letter dated last April 27... Na-receive ko ang letter last April 29... Tapos, April 28 'yung birthday ko... Basta, timing lang talaga.

At least, nakuha ko ang isa sa mga wishlist ko, diba?

Ay tama, dalawa na nga pala ang nakuha ko sa wishlist ko.

'Yung isa pang bagay eh 'yung personalized something... Perteh talaga itong mga trip ng mga kaibigan ko. Akala ko ang daming basura ng kwarto ko, 'yun pala'y mga papel na may mga messages from everyone. Kinalat nila 'yung mga maliliit na papel na 'yun sa loob ng kwarto ko... Perteh... Noong nakita ko 'yun, akala ko maiiyak na ako sa tuwa... Pero, pinigilan ko. Waaah...

Pero nung binasa ko na 'yun ng isa-isa, at dinagdagan pa ng mga thoughtful letters from other people, ay perteh. Napaluha na ako oi... Hindi naman kasi ganun ka-tigas ang damdamin ko ano. Senti rin akong tao.

Oi, naghihintay pa ako ng mga regalo ha... As in...

>>>

Haaai naku... DALAGA NA AKO. As if ngayon ko lang na-realize ano? Waaaah...

O sige na... matutulog na ako.