Perteh... Hindi parin tapos ang bahay namin ngayon. Perteh talaga ba. Wala rin kasi kaming pera para mapadali ang construction sa likod ng bahay eh.
Oo nga pala, last sunday nagkaroon ng Family Day 'yung Mercury Drug Davao branches sa Malagos Garden. Haai perteh noh. Excited talaga ako nun kasi at last, pupunta kami ng resort at makakapagrelax ng todo.
Mga Babae sa Gubat
Mga dalawang oras pa yata akong nandon. Nagsisimula na akong mag-enjoy kasi pumayag si Mare na magkalesa ride kami. Haai naku... Buhay naman talaga, unpredictable. Alam niyo ba, biglang sumakit 'yung tiyan ko? Haai perteh. Ang lamig na nung pawis ko nun eh. Uncomfortable ako sa lahat ng mga inuupuan ko. Kaya naman, nagpahatid nalang ako kay Pare sa bahay (hindi ko kasi kayang "magbawas" sa mga public areas. hanggang kaya ko pang pigilin, pipigilin ko talaga... exception na 'yung sa naia noh...).
Kaya ganon... Si Mare at si CJ nalang 'yung nagkalesa ride. Perteh, bumili pa kami ng Loperamide ni Pare para kumalma 'yung bituka ko sa may Calinan, para naman i-delay ng konti 'yung paglabas... Ang layo kaya ng Calinan sa bahay namin noh...
First time ni CJ sumakay sa kalesa
Laking gulat ko nalang nung pag-uwi nila sa hapon. Sumali pala 'tong si CJ sa Miss Cute 2006 ng Mercury Drug. Perteh. Nanalo pa siya. Sa tingin ko, may future 'tong bata na 'to sa showbusiness. Nanalo na ng pageant noh.
Si CJ/Annika... Ang Ms. Cute 2006
Haai buhay talaga...
Napansin ko lang noh... After my 17th birthday, lagi nalang sumasakit 'tong tiyan ko. As in, super sakit. Baka may sakit na ako... Waaah...
Meron akong ishe-share sa inyo:
Nakatikim na ba kayo ng GREEN TEA ICE CREAM? As in, Camellia sinensis ice cream bai...
Bai... Pwede 'tong pang-research
Nasasarapan ako dito. As in... Sobrang milky, na medyo matabang ng konti... Katakamtakam... Basta, one thing's for sure... Lasang tsaa... Hihihih...
O sige, busy pa ako sa pagsusulat ng bagong edisyon ng Dear Doctor Love para naman mabuhay ulit ang SG Forum. Waaah... Baka ipo-post ko 'to sa weekend or next week. Bigatin kasi ang story eh.
Oo nga pala... Pasensya na sa mga nagte-text ha--ever since my birthday. Wala parin kasi akong load. Kung 'di ko man kayo nareplayan, pasensya na ha. Lubos ang pasasalamat ko sa inyong lahat. Salamat. Salamat. Salamat.
Sige, babay...
No comments:
Post a Comment