Monday, May 1, 2006

NAGDADALAGA

Oi... Labimpitong taong gulang na ako. Isang taon nalang, dakilang babae na talaga ako.

At ngayon, kailangan kong magpasalamat--sa lahat ng mga taong nag-touch ng aking buhay sa loob ng labimpitong taon, vice-versa.

Hindi ko mararating ang puntong ito sa buhay ko kung wala kayo upang damayan ako sa lahat ng mga malabagyong panahon ng buhay ko. Hindi ko sana makakamit ang mga pagpupuri at ng iba pang mga magagandang bagay kung 'di niyo ako sinusuportahan sa lahat ng mga ginagawa ko. Salamat sa trust, sa oras, sa friendship, sa love... Salamat din sa mga problema, eto ang mga bagay na nagpapatatag sa'kin. Hindi ako magiging "Si Danica" kung wala kayo. Salamat.

And thank you for showing me that you care. Sa simpleng text niyo lang na "hapi bday" hanggang sa isang napakaengarbong regalo ay napasaya niyo ako ng todo... Salamat.

>>>

Kahapon, April 30, nagpa-blessing kami ng bahay. Pumunta mga pinsan ko sa bahay.

Ako ang naging photographer ng nasabing "event." Ipo-post ko ang mga pictures baka bukas o sa susunod pang mga araw kung tatamarin ako. Waaah...

Nagpa-thanksgiving handaan kasi si Pare kagabi. Thanksgiving para sa aming unfinished house, my graduation, at sa isa pang taon na inilaan ng Panginoon sa'kin. Kaya naman, pumunta ang mga Pasia dito sa bahay kagabi at kami'y nagcelebrate.

Medyo naging maganda ang mood ng mga ninong at mga ninang ko kagabi. Marami akong na-collect, in fairness.

Naki-bonding din ako sa mga bata kong pinsan. Sa pamilya kasi, halos bata lahat ang mga pinsan ko. Mga around 3 to 12 years old sila. Konti lang kaming mga teenagers. Bilib din ako sa isa kong pinsan. Pitong taong gulang pa yata 'yun si Nicole. Pero perteh... May boyfriend na. Humingi pa sa'kin ng advice kung paano niya bre-breakan ang stupidong si Reggie na may gusto rin sa isa pang classmate ni Nicole. Char ano? Ang bata pa, pero nagkanda-werla na ang buhay dahil sa pag-ibig.

Around 11pm, sina Trisha nalang ang naiwan dito sa bahay. Si Pare, sobrang lasing na talaga. Sa sobra niyang kalasingan, binigyan pa naman niya ako ng isang lata ng SanMigLight. Ay perteh. Sa totoo lang noh, hindi ko alam kung tatanggihan ko ba o ano. Kung maayos lang ang pag-iisip ni Pare ng mga oras na 'yun, hinding-hindi talaga niya ako bibigyan ng beer. Pero tinanggap ko ang lata... Oras na 'yun para matikman ang pinagbabawal na serbesa.

Nag-share kami ng mga pinsan ko. Ang goal lang talaga namin kagabi eh makatikim lang ng beer. Tikim lang. PEro, ewan ko ba kung anong nangyari. BAsta itong pinsan kong si Trisha, palibhasa eh nakakatanda sa aming lahat, go na go pang uminom ng pangalawang lata ng SanMigLight. Perteh. Eh anong magagawa ko, diba? Susundin ko nalang siya. (As if, gusto ko man din... waaah)

So ayun, meron nang pangalawang lata. Naubos... Nagbiro ako na tikman namin 'yung SanMig na Pilsen. Perteh... Ewan ko kung anong nangyari. Basta pinakuha ko nalang si Ate Belinda ng isang lata ng Pilsen at binuksan ito ni Jappy (ang cute ko na pinsan). Perteh... Basta, ininom nalang ng ininom...

PEro, hindi ako nalasing ha! Lasing na ba 'yung tumawa ako ng tumawa ng bigla nalang? At naaalala ko pa naman ang mga nangyari kagabi ah.

Basta, eto ang alam ko: lasing si Pare at si Ninang Jing.

Alam niyo ba, sa sobrang kalasingan ni Pare, nabunggo niya ang kotse namin sa isang mound ng buhangin sa labas ng bahay? Sa sobra ring kalasingan, halos umiidlip na siya habang lumalakad papunta sa kwarto nila.

Ay perteh... Ako naman, sumakit ang sikmura ko pagkagising ko kaninang tanghali. Tanghali na 'kong nagising dahil sobra rin naman kasing late akong natulog. Wala rin naman akong hangovers kaya, hindi talaga ako nalasing.

>>>

Isang taon na pala ang nakalipas noong nawala na si Papalo sa piling namin.

April 26, 2005 will always be a day to remember. I witnessed death, and I lost someone so dear and special to me. Yet I never really had that chance to show him how important he is, how much I appreciate everything that he does for the family, and I haven't got that chance to show how much I love him.

Ni-recall namin ng mga pinsan ko 'yung event na 'yun after lunch last wednesday. PErteh... Ang bilis talaga ng panahon. Sobrang bilis na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nagpaparamdam daw si Papalo sa mga pinsan ko... Waaaah... Pine-pray ko talaga na hindi ako gaganunin ni Papalo. AS in, hindi ko talaga 'yun kakayanin!!!

Prayer really works... As in... Take it from me.

>>>

Ang ganda ng birthday gift sa akin ng Ateneo... Scholar na nila ako!!! WAAAAAH!!!

Sinulatan nila ako ng letter dated last April 27... Na-receive ko ang letter last April 29... Tapos, April 28 'yung birthday ko... Basta, timing lang talaga.

At least, nakuha ko ang isa sa mga wishlist ko, diba?

Ay tama, dalawa na nga pala ang nakuha ko sa wishlist ko.

'Yung isa pang bagay eh 'yung personalized something... Perteh talaga itong mga trip ng mga kaibigan ko. Akala ko ang daming basura ng kwarto ko, 'yun pala'y mga papel na may mga messages from everyone. Kinalat nila 'yung mga maliliit na papel na 'yun sa loob ng kwarto ko... Perteh... Noong nakita ko 'yun, akala ko maiiyak na ako sa tuwa... Pero, pinigilan ko. Waaah...

Pero nung binasa ko na 'yun ng isa-isa, at dinagdagan pa ng mga thoughtful letters from other people, ay perteh. Napaluha na ako oi... Hindi naman kasi ganun ka-tigas ang damdamin ko ano. Senti rin akong tao.

Oi, naghihintay pa ako ng mga regalo ha... As in...

>>>

Haaai naku... DALAGA NA AKO. As if ngayon ko lang na-realize ano? Waaaah...

O sige na... matutulog na ako.

No comments: