Haai nakuu... College na ako mga kaibigan. At balik Ateneo na ako! Waaah... Ateneo de Manila University na nga lang. I'm taking up BS Health Sciences (char) kasi naman gusto kong maging doctor. Haai nakuu...
Last last week, June 13, OrSem namin sa Ateneo. Actually, tatlong araw ang OrSem, nagsimula lang noong June 13. Doon, nakilala ko ang mga bago kong mga ka-block. Block XX nga pala ako (the best damn freakin' block evahh). Lahat kami mga HSc majors. Galing sila sa iba't ibang dako ng Pilipinas. Pero halos lahat naman eh mga taga-Metro Manila. Every time na sinasabi ko na galing ako sa Davao City, most of them say "Davao? ang layo ah!"
As in, ladies and gentlemen... SObrang layo nga talaga ng Davao from Metro Manila.
Masasabi ko talaga na sobrang saya ng OrSem. Viaje ang title ng OrSem kasi sabi nila 'yun daw ang simula ng journey namin sa Ateneo. Char ano? During the OrSem, inorient kami ng mga upperclassmen tungkol sa culture ng Ateneo, sa mga buildings, sa mga important people (president, deans, etc.), sa mga orgs, sa mga tambayans, at kung anu-ano pa. About Ateneo itself, ika nga. 'Yun ang time na nag-bonding kami ng mga ka-block ko. At least, meron akong na-meet na new friends.
Ang 3rd day ng OrSem ang pinaka-enjoy! Nagkaroon kasi kami ng OrSem Night. Nagsimula around 5:00pm at nag-end around 8:00pm. Haai naku... Sinimulan ng isang banda ng Ateneo na hindi ko naman kilala. Kaya, parang wala lang kaming pakialam ni Rae (Red na pala ngayon) sa banda na 'yon. Pero noong nakita ko na si Rico Blanco sa stage, ay sUS... Lumapit na kami sa stage noh. As in, parang two meters away lang siguro ako sa stage that time. I have never been that close to the stage during concerts before... Basta, tumalon na kami ng tumalon habang kumakanta ng mga hits ng Rivermaya. Nandoon din ang Urbandub, Parokya ni Edgar (ASTIG KA CHITO!), Spongecola (okay ang Jeepney na song), at ang simply the best -- Kamikazee! Bumili kayo ng album ng Kamikazee, mga kaibigan. Bawat album na bibilhin niyo ay may one peso donation para sa pagpapagawa ng pustiso ng mga bungi sa Marikina. Tulungan natin sila.
OrSem Night.. with Miggy and Rae
OrSem Night... with Irish and France
First week ng class, puro diagnostic tests. As in. Pwede pa akong ma-demote ng class kung hindi ko aayusin ang paga-answer ng mga ito. Akala ko nga babagsak ako sa Fil 11 na test, buti nalang nakapasa ako (YEY!). Ang kailangan kong ipasa eh 'yung Math 11 na diagnostic test on July 3. Kung 'di ako papasa doon, balik ako ng Math 1. Ay perteh noh! I WON'T LET THAT HAPPEN! Kaya mga kaibigan, do your part... Pray for me.
Magagaling ang mga teachers ko. Professional/Casual ang dating nila -- parang mga Pisay teachers. Ang ganda rin ng environment ng school -- ang ganda ng landscape, ng mga buildings, ang babait pa ng mga tao. Kaso lang nga, hindi ko made-deny na may mga sosyal talaga. Sosyal nga, pero mababait. It's either mayaman ka OR scholar ka. At least ako, scholar (char!). In some way, pinagaan ko na 'yung load nina Mare at Pare.
Dito na nga pala ako nakatira sa Dormitoryana ngayon. Masasabi ko na maganda 'tong all-girls dorm na ito. Tahimik, at ang ganda ng veranda. May garden pa kami at may prayer room. Ang babait pa ng mga tao dito. Comfortable... May direct access sa Rustan's Supermarket. Ok ang security (parang PBB house, ang daming security cameras). Pero, sa totoo lang ha, nakukulangan ako. Iba na rin kasi kung kasama ko 'yung mga kaibigan ko. Kaya naman Ciara... Lilipat na si Becky next month diyan sa inyo... USAP NAMAN TAYO MINSAN.... Baka pwede akong humabol next sem.
4th Floor ako, ito ang view at night sa veranda
room ko...
So, ano pa ba? Ay tama! Pumunta pala kami ng UPdil recently. Na-miss ko na rin kasi ang mga kaibigan ko doon, and to think na halos lahat ng mga close friends ko eh doon nag-aaral. Kaya ayun, pagdating namin doon, kulitan. As in, parang na-feel ko na ulit 'yung mga days spent in Pisay. Basta... ang hirap i-explain. Ang alam ko lang talaga eh ito: ang saya-saya!!!
Kulitan sessions with Illumina in Peyups
Tama... Anim (6) lang kaming mga Illumina sa AdMU ngayon: sina Rae, Alec, Miggy, Jason, Howie, at yours truly. Only girl lang ako, kaya naman feeling protected ako ngayon. Ang babait talaga nila eh. Merong one time na hinahatid nila ako dito sa dorm pauwi. Sinasamahan akong kumain... Tinuruan pa nila akong mag-DOTA (oi, one time lang...'di na siguro mauulit). Ang sweet-sweet talaga nila...
Haai naku... Ok lang naman ang buhay dito sa Manila, kaso hindi ko talaga maiwasang 'di maramdaman 'yung loneliness... Waaa... Drama nasad... Nami-miss ko na sina Mare, Pare, at CJ... Mga pinsan ko... Si MARIAN... Si KAMILLE... Haai nakuuu.... Basta, alam niyo na 'yon.
O sige, ito nalang muna. Magpapa-picture pa ako ng 2x2 para sa aking Pinoy 11 assignment.
Pray for me mga tao ha. Sana maging successful tayong lahat!
No comments:
Post a Comment