Ang una kong ginawa ay magdasal sa Diyos. Ipinagdasal ko ang aking pamilya, ang aking mga kaibigan, si Pipo, ang aking pag-aaral, ang aking ID (i NEED an ID), ang aking trip bukas, ang aking page-empake (sana matapos na), at ang aking buhok (perteh, nagpaputol na ako ng buhok!), at last but not the least, ang aking minamahal... char. Sana maging ok ang lahat.
Gusto kong manood ng The Omen ('yung remake starring Julia Stiles, etc.). Napanood ko na kasi ang orig na version. Kahit hindi ko pa masyadong naiintindihan noon, hindi ko makakaila na halos mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang takot habang nanonood nito kasama sina Mare at Pare. Gusto kong makita kung mas nakakatakot ba 'tong remake na movie na 'to. Dinagdagan pa 'to ng drama na ipapalabas ngayong araw, 6-6-6. Kaya, gusto ko talagang manood. Siguro, papanoorin ko nalang 'to sa Maynila. Sana meron akong free time. Heheheh...
>>>
Haaai nakuu... Ang bilis talagang lumipas ang panahon. Perteh. Bukas ng 7:45 ng umaga, lilipad na ako papuntang Maynila.
Nag-e-empake pa ako ng mga gamit ko ngayon. Perteh. Nilagay ko na rin ang mga files ko sa mga CDs para naman ma-install ko sa pc ko sa Manila. Sana lang nga bilhan ako ng maayos na pc ni Pare. Binigyan kasi ako ng konting pabaon ng Ninang ko; gift daw niya sa'kin for my graduation at birthday na rin. 'Yon ang gagamitin ko pambili ng bagong desktop pc. Hindi kaya ng powers ko ang isang laptop eh. Natatakot ako't baka mawala o masira. Kaya ganun...
Kanikanina lang, pumunta kami ni Marian sa Pisay. Available na kasi ang Alumni ID. Kailangan ko kasi talaga ng ID para sa aking registration sa Ateneo. Nakakainis kasi 'tong PAL ba. Ni-reject pa naman 'yung application ko for Flying student kasi hindi pa raw ako officially enrolled sa Ateneo. Halos mangiyak-ngiyak na ako that time eh. Desperado akong magka-ID. Buti nalang, nagkita kami kahapon ni Ma'am Daryl sa Mister Donut. At laking tuwa ko noong sinabi niya na available na raw ang Alumni IDs... Waaah... Kaya ayun, pumunta kaagad ako sa Pisay!!!
ALUMNI ID... Get yours now!
Haaai naku perteh. Nakakamiss na nakakailang. Iba talaga ang pakiramdam na parang hindi na ako nag-aaral doon. Ang saya-saya nung nakausap ko ang mga teachers ko. Hindi ko akalain na magcha-China na si Ma'am Tavera; chem teacher ko. Ibang klase na ang dating. Marunong na raw siyang magchinese... Ang laki pa ng sahod! Heheheh... Si Jayme, naggawad-kalinga. Char ano? Sir Angel -- NS/Math coordinator na! PErteh. Bago na ang Guidance office. WAW... Sobrang puti. Ang dami talgang nagbago.
Maraming bagong teachers. Nakakamiss 'yung mga teachers tulad nina Ma'am Betchay at Sir Sultan. Sila kasi talaga 'yung natatanging mga guro (kasama na si Ma'am Narita) na nagbibigay-buhay sa faculty center/annex. Halos buong umaga, dun kami tumambay sa BioLab, kasama si Ma'am Sarabillo... Airconditioned kasi sa office niya. And of course, nakakamiss ding makachika si Sarabs... Nakita namin ang mga freshmen... As usual, mukhang inosente. Naninibago, ika nga.
Kailangan ng mga Chem3 at Physics3 na mga teachers sa Pisay. Kaya kung sino man ang interesadong maging guro ng mga subjects na ito, mag-apply na sa lalong madaling panahon! Malaki ang sahod dito... Waaah.
>>>
Kahapon, gumimik kami ng aking bestfriend na si Kamille. Haai nakuu... Nanood kami ng Silent Hill -- I tell you, OA ang mga effects... Kaderder na perteh. Maganda naman 'yung story, lalo na yung part na sinasabi na dun sa bidang babae 'yung tungkol sa history ng kanyang inampon na anak. Sus nalang... Hindi ko talaga nagets ang ending.
After watching the movie, kumain kami sa Mister Donut. Haai nakuu... Nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay na "nagbo-bother" sa mga buhay namin. Halos lahat na ng mga topics eh napagusapan na! Pamilya, highschool life, college life... Ang kinagigiliwan ko lang talaga eh 'yung topic tungkol sa "sawing pag-ibig." Waaah... Doctor Love, here we go again...
Eto talagang si Kamille... T*ng*!!! Pero sa tingin ko naman eh, ginagawa niya 'yung tamang bagay. Sabihin na natin na parang maypagtingin na rin siya sa isa niyang kaibigan na si DutchChoco. Torpe rin kasi itong si DutchChoco eh. Pajoke-joke pa ang dating niya kay Kams... Waaah... MU na 'yun silang dalawa ano! Halos the same ang dating nilang dalawa sa pagsusulat. The way they think... Ay perteh. MAgkatugma talaga. Hindi pa nila ma-amin sa isa't isa... Pero ayun nga, pinili ni Kamille na gawin 'yung tamang bagay. Char... Kung sila nga ang inilikha para sa isa't isa, eh 'di sila talaga in the future. 'Di naman dapat magmadali diba?
Pero natuklasan ko na mas t*ng* ako kesa kay Kamille. Waaah... PErteh oh... Shinare ko kasi 'yung natatanging sikreto ko kay Kamille. 'Yung sikretong tinatago ko at 'di ko masabi-sabi sa ibang tao since I was a freshman in high school. Haay perteh talaga oh! Alam niyo ba kung anong unang sinabi niya? "Ayy, ang t*ng* mo..." Waaah... Tama naman 'yung paratang na 'yun sa akin eh. Nasasayangan din ako, pero ayun nga. Haaai basta, ang hirap i-explain ng maayos. Let's just say that I chose the right path kaya naging maayos ang sitwasyon ngayon... Pero ang t*ng* ko.
Sayang naman na sa sobrang ganda ng usapan, 'di na namin namalayan na halos 7pm na pala! Kaya ayun, picture-picture muna, at umuwi na kami.
I will miss you Kams...
Haai nakuu Kams... Mami-miss kita ng sobra bai! Waaah... Enjoy ang Mister Donut conversation natin. At oo nga pala, i love ButternutChoco... waaah...
>>>
Marian, aalis na ako bukas.... Mami-miss kita bai... Keep in touch ha.
Ako with Mrs. Jusayan... Waaah...
Bakit kasi over-protective si Mario ba... Nasa LB ka na siguro!
I lab you bai... =)
>>>
Reflection:
Doctor Love nga ang tawag nila sa'kin... Pero bakit ba hindi ko magamut-gamot 'tong dilemma kong 'to?! PErteh.
Naku Kamille... 'Yun ang ating munting sikreto.
>>>
Illumina, available na ang Alumni IDs. Get them now!
1 comment:
DANICA T_T Gusto na kita makitaaa. Nasa SM kami kanina pagbuzz mo
Naks may love problem(s) ka rin pala. ahaha
Post a Comment