ANG UNA, IKALAWA, AT IKATLONG KWENTO AY NASA BABA... JUST SCROLL DOWN.
Wala lang... Gusto ko lang ibahagi sa inyong lahat itong message sa akin ni Pare regarding my entry last 08.11.06:
message niya ito sa ym:
Ate, nag-online ako sa blog mo. ang ganda ng kuha ng pic nyo ng barkada mo. nakakamiss talaga ang HS life especially sa early part ng college life but then you can over come it as you go along. just remember you are now starting to shape your future so just relax and have faith and pray for blessing and grace. below that pic nabasa ko yung tanong mo na "sinong na ang pwersa ng buhay mo" ang sagot ko dyan ay simple lang kundi KAMI na pamilya mo ang pwersa ng buhay mo at sa ngayon ay wala nang iba. in the future it will be your own family. kaya don't worry too much, di ba ang sabi ko sa iyo as long as ma-maintain mo lang ang required qpi mo masaya na kami. just pray and lagi mong tatandaan na we will always support you bcoz we love you. okidoki..... how was your mid term?
wow naman Pare! HANEP KA TALAGA! Na-touch ako dun ah...
Ang saya namang malaman na may pamilya akong nagmamahal sa akin.
Salamat Dad at Ma at CJ. I love all of you.
I'm not afraid of challenges because I believe that you'll be there.
Because of you, I learned to be in a good relationship with God.
And because of you, I have this will and strength to go on in my college life.
Salamat Pare at Mare! You're the best.
>>>
Math Midterms results coming up sa Tuesday.
Second half of Lit long test results coming up on Monday. Read Ryunosuke Akutagawa's "In a Grove."
Read Chronicles of a Death Foretold by Gabriel Garcia Marquez.
BioLab report due on Thursday.
Basahin at intindihin ang lahat ng mga tula sa moderno at postkolonyal na panahon sa Hulagpos.
Health Sem readings.
Read Bio Book... 4 chapters.
Answer all the exercises in Math.
Prepare my answers for English feature article consultation. Folio due on Sept. 6.
YES!!! KAYANG-KAYA KO 'TO!!!
4 comments:
wow. nakakatouch nga ang sinabi ni pare mo. :) tama talaga siya, yan din sinabi ng parents ko saken, they will always be there for me. awwww. nakakamiss tuloy. boohoo.
nabasa ko ang mga kwento mo. buti naman masaya ka. goodluck sa studies mo. kaya mo yan, ikaw ang dakilang danica pasia. :) hell week ko din ngayon. godbless sa atin.
oo nga pala. mahilig din ako sa mga foodtrip. kakainggit kayo. gusto ko sumama sa mga ganyan. konti lang kasi ang game samin dito. sana next week makasama ako. birthday kasi ni carl ngayon. we're throwing a party for him. la lng. visit naman kayo dito. :)
wow naman ces... magpasalamat tayo't may mga mapagmahal tayong mga magulang.
happy birthday ompoc! naks naman...
visit naman kami? same lang din kasi tayong hell week. at tska napapansin ko lang, lagi nalang kami ang dapat bumisita diyan.
bakit ganon? porke't marami kayo diyan ganon na ba talaga ang susundin nating patakaran kung sino ang magbibisita?
wala lang... nag-iisip lang ako.
its your turn. lagi nalang kami ang gumagawa ng paraan para mapreserve itong bond nating lahat. kayo na naman.
'wag niyong sabihin na malayo ang katips. mas malayo pa nga ang sm north, pero dinadayo niyo parin kahit paano.
i believe in this concept: makakapunta kayo sa isang lugar kung ninanais niyo talagang pumunta rito... kaya nga nakakapunta kayo ng sm north kahit na ganon 'yon ka-layo.
what more kung sa katips, diba? mas malapit kaya.
wala lang... nagwa-wonder lang ako kung bakit ganon ang mga pangyayari... haai nakU...
ingat ces.
actually, madalas ako sa katips. kaso may class ata kayo pagpumupunta ako.
dan, punta ka sa UAAP diba?
la lang. kita tayo dun ha! :)
promise. kami nanaman dadayo sa inyo next time.
after this hell week. :)
oo nga pala, carl's party was a blast.
we're planning for the succeeding birthdays,
yung kasama na tayong lahat.
so we could have the chance to bond as illumina,
kahit kulang. :(
dan,
kelan uwi mo? batchparty tayo.
la lng ulet.
ingat!
madalas ka sa katips? Ba't di mo kami tinetext na nandito ka nga sa katipunan?
alam mo ba sked namin? hmm... parang nasabi ko before noh?
from there, we can infer na pumupunta ka lagi sa katips, pero hindi kami 'yung punong dahilan kung bakit ka pumupunta sa katips.
uaap? hmm... no. i'll have my bio lt on monday. so, i'll devout myself in studying bio rather than joining the cheer rally. hindi rin naman ganun katindi ang paghanga ko sa aming B**e B*b**e. waa
oo nga raw, masaya nga raw ang birthday ni carl. sana naman sinabihan niyo kami na meron pala talaga kayong pinaplano before, para naman kahit paano eh meron kaming naiambag sa celebration na 'yan. pero anyway, tapos na rin 'yan eh. so, next time nalang.
uwi ko? most probably sa oct 21 kaagad. miss ko na ang davao eh. as in.
kung gusto niyo, batch party tayo sa november na. ang dami kasing uuwi. tapos, makakabalik naman tayo kaagad because of our registration. so, mga week 'yon before ng 1st day of classes diba? so magkakaroon parin tayo ng oras para makapagbonding.
sana nga lang matuloy na. this time, sana nga.
i hope all of us will invest all of our efforts to actually fulfill this thing. sana tayong lahat ay may effort sa pagpaplano ng bagay na 'to. magagawa lang natin ito kung tayong lahat talaga ay may "will" na matupad ang mga ninanais natin.
ika nga ng someone, "if there's a will, there's a way.'
kahit gaano pa man kahirap ang isang sitwasyon o ang isang pangarap, maaabot at maaabot mo rin ito lalo na kung gustong-gusto mo talaga itong abutin.
haaai nakU... epekto ng hell week talaga oh... perteh.
Post a Comment