Saturday, September 2, 2006

UNANG KWENTO

Salamat!!! I can finally post another entry here in my blog.

ANG DAMI KAYANG NANGYARI AFTER ALL THESE WEEKS.

Sige, iisa-isahin ko ang mga ito.

Una sa lahat, bakit nga ba ang tagal kong nakapagupdate kahit na 24/7 'tong internet connection ko? Ang sagot diyan mga kaibigan ay masyado akong naging abala sa academics ko. Midterm/Long test week kasi 'yung nagdaang dalawang weeks, at dahil doon, hindi na muna ako nakapag-update.

Natanggap ko na ang mga advisory grades ko. Midsem grades, ika nga. Perteh... Nakukulangan ako... Nakakainis pa 'yung iba kong prof... Kulang ang batayan nila sa advisory grades. Sabi nga nina Tito Et at Kuya Jon, sinasadya raw ng mga prof na babaan ang mga advisory grades para hindi maging complacent ang mga students sa subject nila... Kaya naman mabababa 'yung mga nakuha kong grado... Huhuhuhu... =(

Dagdag pa ni Kuya Jon na tataas daw talaga ang mga grado pagdating ng final grades. Ang D mo pwede pang maging B+...

And with that in mind, I know I will achieve what my heart desires. I know I can, and I know that I will... Kaya ko 'to!!!

Oo nga pala... Hindi ako bumagsak sa Fil... pasado lang... PERO KULANG PARIN!!!

Anyway, tama na muna 'yon... Let me talk about other things.

One wednesday afternoon, pumunta kami ni Nina (pronounced as NINYA) ( ang aking friend/blockmate/laging kasama/same sched partner ) sa Moro Lorenzo Complex para hanapin si Laur (my blockmate na ka-group namin ni Nina ) na kabilang sa badminton varsity at para makahiram na rin ng mga photocopied papers sa kanya for our BioLAb. Moro Lorenzo Complex is a gymnasium sa Ateneo kung saan nagpapraktis ang Blue Eagles ng Ateneo. Malapit din 'tong gym na ito sa High School. Pagpasok namin ni Nina, nagpapraktis ang highschool basketball team. Perteh... highschool pa, kaya umalis nalang kami.

Magpapaphotocopy sana kami, kaso sirado na ang library sa highschool. Napagdesisyunan namin na mag-aral nalang sa benches ng high school para sa aming long test for the next day. As we were studying, parang may narinig akong familiar na boses sa likod ko. Pero, 'di ako lumingon kasi nga, nag-aaral ako. Tinatawag na pala ako ni Nina (dahil siya'y nasa harapan ko as in face to face kami), pero 'di ko siya pinansin. Nag-aaral nga ako eh.

Patuloy parin ang pag-uusap ng dalawang tao sa likod ko. Mga piling salita lang naman ang natatandaan ko.
Someone: "pare..."
Familiar Voice: "...oo nga eh.."
Somerone: "si neri..." "kim.."
Familiar voice: "...oo nga pare eh.."

Napagisip-isip ko na maka-showbiz yata ang pinag-uusapan ng mga taong nasa likod ko. Pero hindi ulit ako lumingon kasi nag-aaral ako.

After some time, kumuha ako ng ballpen sa bag ko. Habang kinukuha ko ito, nakita ko ang likod ng taong nasa likod ko (ang labo) using my peripheral vision. Gets?

Aba... Aba... Perteh talaga oh! Si Mikee pala. 'Yung Mikee ng Pbb! Naalala ko tuloy 'yung pinsan kong si Trisha. Patay na patay 'yon ke Mikee eh.

Sinabihan ko si Nina na nasa likod ko pala si Mikee nang pabulong. Sabi niya, kanina pa raw niyang gustong sabihin sa akin, kaso 'di ko raw siya naririnig.

Ay oi, basta. Ang pogi pala ni Mikee up-close. Matangkad. Broad shoulders. waaa...

Kaya kayo, kung gusto niyong makita si Mikee, tumambay kayo sa high school benches around 6pm at siguradong uupo siya sa likod niyo. Naghihintay kasi 'yon ng sundo eh.

Anyway, so ayun. Bumalik kami ng Moro Lorenzo Complex ni Nina. Pagpasok namin doon, aba! Nagpapraktis na ang Blue Eagles! Perteh. Ang galing ni Doug Kramer. PEro the best parin si Chris Tiu. Waaa... LAgi kong nakakasalubong si Chris Tiu sa harap ng Schmitt Hall. Waaa... ang galing talaga niyaaaa...

So ayon... Unang kwento palang 'yon.

1 comment:

Anonymous said...

Yucksih danica!!! si Mikeee pogi?! ewan ko lang!!! ARgsh!