Friday, November 30, 2007

ON SLEEPING HOURS

Most people in our course gets a maximum of 4 hours of sleep.
Some HSc majors I know, gets around 2 hours of sleep every day.
While others, don't sleep at all (ginagawang tubig 'yung kape... 10 apples a day, makes even the night a day).

At least I get at most 5 hours... I just really hope Memo plus and Enervon C works. It keeps me alive.

I can't even imagine myself not getting any sleep at all.

- - -

Stat 100 - spss data
Sci 10 - read.
OrgChem lec - READ. answer the problem sets for chapters 3 and 4.
OrgChem lab - do the post lab report. do the prelab for wednesday.
Judo - practice the art of falling. hehe.
Jap - memorize the hiragana. review katakana.
DS - STUDY! REVIEW! READ!!!
Hi 165 - go to the national museum and metropolitan museum. do the 2 papers assigned. read.
Enta - review the blockings. reserve venues. familiarize the script.

20 units this sem... tsss..

- - -

Lord help me!!! x_x

Saturday, November 24, 2007

SECOND WEEK OF CLASSES PA LANG

PERO BAKIT GANITO?!

Sobrang nakapapagod na... Feeling ko end of the sem na.

LORD HELP ME!!!

Sunday, November 11, 2007

SECOND SEM NA NAMAN

Oh yes... Pasukan na naman bukas.

Bring it on beybeh! Bring it on!

- - -

God, Help ME!

Thursday, November 8, 2007

ON RESERVING VENUES

Haay naku. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano magpareserve ng mga venues. Alam ko kung paano magpareserve for a certain class. Pero, kung org activities na, oh well... Di ko alam. Wala akong idea. As in, nada.

I'm supposed to know that! Umattend kaya ako ng Sec-Gen seminar last summer! HAaaaah... Nada na naman... Nada!

Perteh naman talaga oh. And now, I'm supposed to reserve venues for rehearsals that will begin next next week and will run until January 2008. Hmph... I must get through this. I need to find a way.

Honestly, I have issues when talking to someone (especially kung sa isang office--na kung saan nag-iinquire ako about a certain thing). I can't really point out what that certain issue is, but then I always see myself stepping away from that situation every time I can. Ayokong kumausap sa stranger. Siguro hanggang ngayon narito pa rin 'yung "hiya" factor sa akin. Maniwala man kayo o sa hindi, lack of self-confidence kung baga.

DO I REALLY LACK SELF-CONFIDENCE? Most of my high school batch mates (or school mates) may disagree. Basta Danica, makapal ang mukha. Eh kasi naman noh, comfortable na ako with them kaya ako confident sa mga ginagawa ko. Eh ngayon, kaharap ko na ang halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas. Nasa harap ko na 'yung semi-real world. And I suddenly feel my tongue getting smaller and smaller and smaller until it disappears.

(nail biting childhood years playing in my head)

I hope I can get through this.

I know I will.

Wednesday, November 7, 2007

FIRST SEM ASSESSMENT

Hay naku. Tapos na nga ang first semester. Buti na lang I've managed to go this far in college. Tiring, but very fulfilling.

First of all, I'd like to say na sa simula ng sem na ito, sinet ko na ang sarili ko na kakayanin ko ang sem na ito dahil sa sociology&anthropology, theology, at economics na talagang pinapakaba ang bawat parte ng aking pagkatao. Bagong-bago kasi ang theology sa buhay ko--hindi kasi ako nakinig ng "ganoon" sa mga CLE classes namin noong grade school. Bago rin ang SA. Sobrang baba pa ng mga grado ko sa economics noong 4th year high school. Hindi ko kinaya ang economics kung hindi dahil kaya Mara my seatmate (miss na kita Changmin!). I was quite confident about Chemistry (dahil sabi nina Alec madali lang) at lalong lalo na sa Environmental Science (which i really really love sa high school).

Haay naku. sa gitna ng sem, akala ko babagsak na ako sa ENVIRONMENTAL SCIENCE at sa ECONOMICS. Sobrang ang bababa (as in!!!) kasi ng mga una kong mga long tests at quizzes. On the other hand, I was doing well in other subjects. Sobrang binuhos ko ang lahat ng oras ko sa mga subjects na 'yan. Buti na lang, nakabawi ako sa economics. Pero pertehng tkte talaga oh! Perteh talaga ang prof ko sa environmental science! I can't help it! He's really so hard to please (oh, euphemism na 'yan ha). First time ako nakaencounter ng ganyang klaseng professor sa buhay ko. Akala ko 'yung magiging hatest prof ko eh 'yung isa from high school. Tsk tsk tsk... It turns out that this environmental science professor would be such a big bad surprise after all.

"We are sacrificial lambs--because life is unfair." "If I had to be the unfair guy, I would be the unfair guy..." -- quotable quotes from the ES prof himself.

Hay naku. At least noh, kahit isa ako sa 11 na nagfinals PA, I still managed to increase my grade in the end. Sayang nga lang naman oh. I might have had a quatro sem if my ES grade turned out to be an A. ES lang eh! ES LANG!!!

"ES?! Di ba, A-able 'yan?!" -- ilang beses ko itong narinig sa mga taong tumingin ng grade ko sa OAA last november 6 habang nagpapa-stamp ako ng registration form ko.

Haay naku. I guess it just wasn't meant to be. Kulang pa siguro ako sa effort. Plus, me hating the professor might have had an added effect in my whole performance in the subject. Baka nawalan ako ng gana, kaya ganun.

- - -

Evals:

Theology 121: Get Ray Aguas. I really learned a lot from him, plus he is really a fun/funny guy. He'll explain "God" to you through Kim Possible/Roadrunner/his magic tricks. He also loves debates. Our group nailed our report about being Pro-embryonic stem cell research. Naging masaya siya that day because of that! :P
Chemistry 7: You want to learn and at the same time be relieved that your prof is such an understanding person? Get Helen Cativo. You'll be so lucky/blessed to have her.
Chem 8: Ok lang naman si Ms. Terrado. Masaya ang lab kapag kasama siya. You'll experience the unexpected. Promise. ;)
SA 21: Hmmm... Read. Read. Read. Read. Understand. Understand. Understand. You'll pass.
Economics 102: GET CIELITO HABITO AND TAKE THE FINAL EXAM!!! He is the best! You can also opt to take SIMON-KING. Younger Habito 'yung dating niya--mas malakas pa ang boses.
Environmental Science 10: Get all the other ES Profs except some long-haired dude (mr. d*** f***** clue: family name lang 'yan). But then again, 'wag dapat mawalan ng gana mag-aral. Fight pa rin! Kaya natin ito.

- - -

Sa Orgs naman, I've been active sa Entablado at sa HSc-core group. Nagkaroon kasi ng play ang entablado. Kaya ayon, sumali ako sa production team para naman ma-expose ako sa theater. Gusto ko kasing umarte someday, at somehow I see that being a stage manager would help me reach that stage. I hope that I would be a better stage manager in our next production (Tanikalang Guinto).

Sa other orgs ko naman, well... I'll do my best to participate. But then, as of now, since first priority ko ang academics ko, nasa second na ang org work ko sa Enta. Ang saya kasi doon eh.

- - -

So ayun, nakapag-register na nga ako last november 6. Naku, may 7:30am classes na naman ako!!! Tapos may mga araw ding hanggang 6:00pm ang classes ko. Ambeth Ocampo, Leland dela Cruz, Apolonio at Doc Sio pa ako ngayon! Japanese pa FLC ko! Plus, deputy for stage management pa ako for the next play! PERTEH!

Haay naku Lord, I offer it to all of you na lang. Ikaw nang bahala sa akin... Sa aming lahat.

Huwag na huwag niyo po kaming pababayaan ngayong semestre. Magsilbi po sanang Gabay ang inyong mga kamay sa aming paglalakbay.

(Dr. Jugo's poem whispering in my head)

- - -

God bless everyone!

TUNGKOL SA SEMBREAK

Opo, I am back in Manila.

Haay naku, I already miss Davao City. Ang sarap kasi ng pakiramdam na wala akong binabahala (acads, org works, rent, money, food, etc.). Ang fulfilling ng buhay ko sa Davao.

Anu-ano nga ba ang mga ginawa ko sa Davao? To shorten it, nagpaka-bum ako sa bahay. As in! Imagine mo, tinapos ko ang Friends series--ALL 10 seasons mehn! Sobrang nakakaaddict kasi. Ang ganda talaga ng series na iyon. Plus, I got to cook there in the house (at in addition, overflowing pa ang ingredients doon!). Tumambay pa sina Marian sa bahay (of course, kakain kami diba). Ayun eh, wala akong oras magwork-out (as if naman nagwowork-out ako noh).

Of course di lang naman nood ng tv (dvds), kain, tulog, at pagbubum ang mga ginawa ko noong break ano! Basta, eto 'yung productive na mga ginawa ko during the break:
1. I really learned how to drive. And, I already have a license (and I prefer power-steering cars)!
2. I tutored CJ about their lessons in school.
3. I taught CJ how to sing very well. (ehem... nasa tono po ang boses ko.)
4. I asked Mare and Pare if our family is of Chinese descent. At 'yun nga... Nalaman ko na lang that my great-great grandparents were indeed pure Chinese. Chinese mehn! Chinese! Hahahaha! Plus, may Spanish/Malay blood pa kami noh.
5. I got a new-do (char). Thanks to my cousin, my ninang, at kay Mare at Pare for their support.

Oo nga pala, pumunta ako sa office ni Pare. At shucks, na-expose na rin ako sa trabaho niya. Sangkatutak na mga trucks my goodness! Buti na lang, nasa may tabing-dagat 'yung opisina niya. Mediyo nakakapag-relax na rin 'yon ng workload niya sa opisina.

Oo nga pala, nagkasundo na nga pala kami ng aso namin sa bahay, si Fudge. Buti na lang ano! Haay naku! Asar na asar ako sa asong 'yon pagdating ko sa bahay! Walang tigil 'yung pagtahol niya. Pero pagkaraan ng isang linggo, well well well--ayon, maamo na. Sobrang cute lang talaga ni Fudge, tuwang-tuwa ako sa kanya.



- - -

Last October 30, pumunta ang Illumina sa Top of the Apo sa Apo View Hotel upang ipagdiwang ang 18th birthday ni Teetin. Ang saya-saya kasi lahat kami (except for Marl dahil naka-jeans+shirt lang siya!) nagformal attire. It was just like it was prom again. Ang ganda ng reception, ang sarap ng food, at most of all, ang sayang makasamang muli ang Illumina. Ang gaganda't gaguwapo naming lahat that night. Tuwang-tuwa pa ako dahil hayok pa rin sa camera ang Illumina. We are really Camwhores--but in a good way. At of course, nadiscover ko rin ang potentials ko sa photography.

for more pictures, just visit my multiply site. Of course, you have to add me first as a contact before you could view the pictures.

Belated happy birthday ttn! We love you!

- - -

After Ttn's debut, nagsleep-over sina Marian, Ceejay, Kbo, at Rain sa bahay namin. As usual, nanood muna kami ng movie (kung saan nakatulog si kbo at ako). After that. chikahan (kung saan tinulugan kami ni kbo... tsktsktsk). Pero the next day, nag-magic sing kami at kinantahan pa kami ng kapatid ko. In fairness ha, we had fun! Sa December na ulit! Yehey! I can't wait to come back home!

MARIAN GWAPA NA KAAYO KA!

- - -

Driving is easy. Yes it is. You just have to have the proper mind set and the courage in order to drive well. Watch out for taxis and motorcycles though--oh yes, they can really be tricky.

Huwag kang unahan ng kaba kung bigla kang huminto sa gitna ng crossing. Promise. Handbreak + hazarding will do the job for you.

The handbreak, break, clutch, and hazard button are my bestfriends in the car. Seatbelt din pala.

I can't wait to drive again! Sobraaa!

- - -

Ano pa bang sasabihin ko dito? Hmmm... Well well well... Oo nga pala, tumaba kapatid ko. What an achievement! Hehehehe. Ang tindi na kasing kumain ng kanin at ulam ngayon eh. Sobrang tindi ring kumain ng mga cupcakes (lalong lalo na kung ube flavor). Wala lang, natutuwa lang ako kasi nagiging matabang malusog na bata na siya. Ang cute cute pa!






- - -

Haay naku.. 4 more days before the semester starts. Rest days muna please.

Monday, November 5, 2007

OH HAPPY DAAY!

THANK YOU FOR EVERYONE WHO HELPED ME GET THROUGH THE FIRST SEMESTER.

I can't possibly thank you enough.

I LOVE ALL OF YOU.

Thank you God. :)