Wednesday, November 7, 2007

FIRST SEM ASSESSMENT

Hay naku. Tapos na nga ang first semester. Buti na lang I've managed to go this far in college. Tiring, but very fulfilling.

First of all, I'd like to say na sa simula ng sem na ito, sinet ko na ang sarili ko na kakayanin ko ang sem na ito dahil sa sociology&anthropology, theology, at economics na talagang pinapakaba ang bawat parte ng aking pagkatao. Bagong-bago kasi ang theology sa buhay ko--hindi kasi ako nakinig ng "ganoon" sa mga CLE classes namin noong grade school. Bago rin ang SA. Sobrang baba pa ng mga grado ko sa economics noong 4th year high school. Hindi ko kinaya ang economics kung hindi dahil kaya Mara my seatmate (miss na kita Changmin!). I was quite confident about Chemistry (dahil sabi nina Alec madali lang) at lalong lalo na sa Environmental Science (which i really really love sa high school).

Haay naku. sa gitna ng sem, akala ko babagsak na ako sa ENVIRONMENTAL SCIENCE at sa ECONOMICS. Sobrang ang bababa (as in!!!) kasi ng mga una kong mga long tests at quizzes. On the other hand, I was doing well in other subjects. Sobrang binuhos ko ang lahat ng oras ko sa mga subjects na 'yan. Buti na lang, nakabawi ako sa economics. Pero pertehng tkte talaga oh! Perteh talaga ang prof ko sa environmental science! I can't help it! He's really so hard to please (oh, euphemism na 'yan ha). First time ako nakaencounter ng ganyang klaseng professor sa buhay ko. Akala ko 'yung magiging hatest prof ko eh 'yung isa from high school. Tsk tsk tsk... It turns out that this environmental science professor would be such a big bad surprise after all.

"We are sacrificial lambs--because life is unfair." "If I had to be the unfair guy, I would be the unfair guy..." -- quotable quotes from the ES prof himself.

Hay naku. At least noh, kahit isa ako sa 11 na nagfinals PA, I still managed to increase my grade in the end. Sayang nga lang naman oh. I might have had a quatro sem if my ES grade turned out to be an A. ES lang eh! ES LANG!!!

"ES?! Di ba, A-able 'yan?!" -- ilang beses ko itong narinig sa mga taong tumingin ng grade ko sa OAA last november 6 habang nagpapa-stamp ako ng registration form ko.

Haay naku. I guess it just wasn't meant to be. Kulang pa siguro ako sa effort. Plus, me hating the professor might have had an added effect in my whole performance in the subject. Baka nawalan ako ng gana, kaya ganun.

- - -

Evals:

Theology 121: Get Ray Aguas. I really learned a lot from him, plus he is really a fun/funny guy. He'll explain "God" to you through Kim Possible/Roadrunner/his magic tricks. He also loves debates. Our group nailed our report about being Pro-embryonic stem cell research. Naging masaya siya that day because of that! :P
Chemistry 7: You want to learn and at the same time be relieved that your prof is such an understanding person? Get Helen Cativo. You'll be so lucky/blessed to have her.
Chem 8: Ok lang naman si Ms. Terrado. Masaya ang lab kapag kasama siya. You'll experience the unexpected. Promise. ;)
SA 21: Hmmm... Read. Read. Read. Read. Understand. Understand. Understand. You'll pass.
Economics 102: GET CIELITO HABITO AND TAKE THE FINAL EXAM!!! He is the best! You can also opt to take SIMON-KING. Younger Habito 'yung dating niya--mas malakas pa ang boses.
Environmental Science 10: Get all the other ES Profs except some long-haired dude (mr. d*** f***** clue: family name lang 'yan). But then again, 'wag dapat mawalan ng gana mag-aral. Fight pa rin! Kaya natin ito.

- - -

Sa Orgs naman, I've been active sa Entablado at sa HSc-core group. Nagkaroon kasi ng play ang entablado. Kaya ayon, sumali ako sa production team para naman ma-expose ako sa theater. Gusto ko kasing umarte someday, at somehow I see that being a stage manager would help me reach that stage. I hope that I would be a better stage manager in our next production (Tanikalang Guinto).

Sa other orgs ko naman, well... I'll do my best to participate. But then, as of now, since first priority ko ang academics ko, nasa second na ang org work ko sa Enta. Ang saya kasi doon eh.

- - -

So ayun, nakapag-register na nga ako last november 6. Naku, may 7:30am classes na naman ako!!! Tapos may mga araw ding hanggang 6:00pm ang classes ko. Ambeth Ocampo, Leland dela Cruz, Apolonio at Doc Sio pa ako ngayon! Japanese pa FLC ko! Plus, deputy for stage management pa ako for the next play! PERTEH!

Haay naku Lord, I offer it to all of you na lang. Ikaw nang bahala sa akin... Sa aming lahat.

Huwag na huwag niyo po kaming pababayaan ngayong semestre. Magsilbi po sanang Gabay ang inyong mga kamay sa aming paglalakbay.

(Dr. Jugo's poem whispering in my head)

- - -

God bless everyone!

No comments: