So I stated in my entry last time that I would be blogging about sotga soon. And since I'm still not in the mood to do my research, magkukuwento muna ako.
So ano ba 'yung SOTGA? Acronym ito ng State of the Taong Grasa Address. Parang satirical SONA ni GMA. Lightning rally ito na ginawa namin sa may Zen Garden ng Ateneo last Aug 13-15, 2008. Basically, mga taong grasa kaming lahat at nilahad namin 'yung maypagka-satirical na version ng SONA.
At dahil doon, nagkaroon ako ng chance na sumabak bilang Taong Grasang GMA at nilahad ko 'yung SONA ko sa mga tao na dumadaan sa Berchmans Hall kahapon. Sa totoo lang, nakakahiya 'yung ginawa namin, pero buti na lang naagapan ko 'yung hiya ko. INisip ko na para naman 'to sa welfare ng lahat para na rin mainform sila tungkol sa SONA. Moreover, ginagawa ko ito para sa org ko--para sa ENTA. And lastly, I'm doing this for myself--to prove to myself that I can be more than just dealing with my academics. Goal ko yatang maging excellent sa lahat ng aspects. Oo, medyo ideal but I really believe na kung magiging efficient and effective PERSON man ako, dapat di lang ako laging magfofocus sa career ko. Hello... Ang dami kayang mga factors na bumubuo ng TAO. At natuklasan kong dapat maging well-rounded ako kaysa naman maging isang super expert sa isang larangan lamang at naghihingalo naman ang pagiging makatao sa kabila. Nahihirapan yata akong maglahad ng mga thoughts ko ngayong gabi. Palibhasa nag-iisa lang ako ngayon sa dorm (Chicki--nasa Cavite. Mimi--nasa Cainta. Pia--somewhere with grandparents).
Mabuti naman at marami-rami rin ang mga taong nakahalubilo namin sa SOTGA. Sana nga lang naintindihan nila 'yung mensaheng nais naming iparating. Moreover, finally nabreak ko na 'yung ice ko sa pag-arte sa entablado. I know that hindi ito sa loob ng RMT, pero parang tanghalan na rin 'yung buong quad 1 para sa akin kahapon noh! At dahil doon sobrang salamat sa suporta ng lahat ng mga taong nakilahok, nakihalubilo, nanood, nakinig, at napalingon sa SOTGA.
And thank you LORD for not leaving my side. YOU keep my memory blazin' hot and energetic everytime I need it to be that way. THANK YOU! :)
2 comments:
yeah! its much better,
What a great moment of reading blogs.
Post a Comment