Sunday, August 24, 2008

NO INET LONG TESTS THESIS

Shucks. Ayon, title pa lang, parang descriptive na ng kung anong nangyayari sa akin ngayon.

Wala na naman akong internet sa dorm. Nandito ako ngayon sa internet cafe dito sa Katipunan (AT SHUCKS nakakaloka dahil ang layo nito sa dorm ko noh. PLUS, I have to walk here from the dorm kasi BAWAL na ang mga tricycle galing sa loob ng Ateneo towards Katipunan avenue. National Road na raw kasi yung Katipunan avenue so kung may mga tricycle roon, huhuliin 'yung mga driver ni Bayani Fernando.) Hassle pa kasi sobrang nangangailangan ako ng internet these days.

Sayang! Nakalimutan ko kasing magbayad last Friday for my internet. Sobrang feeling ko nauubusan ako ng oras. Kaya ayun, pinutol yung free internet namin nina Chicki at Mimi. Si Pia lang yung may internet sa room, at di naman siguro okay kung makigamit ako ng laptop niya ng matagal ano.

Long tests. NAkakainis lang. Dapat naglong test na sa CHEM 35 kahapon eh. Kaso, dahil sa pagka-cancel ng mga classes because of the heavy rains (na hinarap ko pa rin dahil kailangan kong pumunta for the elections that morning) and the holidays, na-move ang long test next Saturday (AUG 30) na kasabay din ng isa ko pang long test sa Epidemiology. Haaay. SO ayun, iniiwasan kong magpatong-patong ang lahat, kaya lang inuunahan ako ng pagkatamad. COMPLACENCY. SHET.

THESIS. Nagsimula na ang aming thesis-making. We are aiming for the WHO funding worth at least 10,000 US Dollars. Ang laki diba? Kaya naman kailangan naming magdevelop ng isang intervention method for Patient Safety. Balak naming mag-intervene ng monitoring system for health care-associated infections sa mga piling public hospitals dito sa Metro Manila. Sana may pumayag. At dahil sa sobrang short time, may deadline kami every Saturday na dapat i-fulfill. Oo nga, matrabaho pero gusto ko talagang maganda 'yung thesis namin! Sana mangyari ulit 'yung mga experiences ko sa research when I was in high school. Sana ngayon maitama ko na 'yung mga pagkakamali na nagawa ko noon. I believe I can do better this time! YEAH!

At tinanggap ko ang responsibility bilang pagiging Head Stage Manager para sa production namin this second sem, Ang Unang Baboy sa Langit. Mahal ko talaga ang Enta. Plus, Finance Officer pa ako sa 10x10x10 sa November. Nagtataka lang ako kasi hindi pa ako kinakausap ng maayos ng mga heads ng 10x10x10. Di ko nga alam kung nagmimeeting ba o hindi eh. Oh well... Kasama pa ako sa writers' pool ng Enta. Gagawa kami ng play from scratch. Plus, head pa ako ng Entayaw for RIB ng CADS. Sana masabay ko lahat.

Lord, sana masabay ko ang lahat. Sana kayanin ko. Go for A!!! Quatro na ito! HAAY.

No comments: