Tuesday, December 1, 2009

Opisyal na Pahayag ng ENTABLADO ukol sa Pagpaslang na naganap sa Maguindanao.

Kami sa ENTABLADO, ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs, ay kinokondena ang naganap na pagpaslang sa 64 katao noong ika-23 ng Nobyembre sa Ampatuan, Maguindanao. Naniniwala kami na ang kahindik-hindik na pagpaslang na naganap ay isang kawalang-hiyaan at pagbabaliwala sa karapatang pantao dulot ng sariling kasakiman at interes na matagal nang laganap sa bansa. Bilang isang organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng bawat tao na magsulong ng katarungang panlipunan, naniniwala kami na ang pangyayaring ito ay isang pagkitil sa karapatan ng tao na makisangkot sa pagpapaunlad ng demokrasiya at sa pagpapasulong nito patungo sa pagbabago.

Kinikilala ng organisasyon ang kasaysayan ng bansa ukol sa mga dinastiya at sa mga laganap na pagpaslang dahil sa pulitika, ngunit nakakahiya na matagal nang lantarang nangyayari ito. Matagal na itong nangyayari sa bansa at ngayon lamang “kumikilos” ang gobyerno. Pinapatunayan lamang nito ang kawalan ng pag-unlad sa bansa dulot ng isang pamahalaan na walang ginawa kung hindi isulong ang pansariling interes lamang. Nakakalubag-loob ito lalo na at palapit na ang eleksyon kung saan umaasa tayo sa malaking pagbabago para sa kabutihan ng bansa. Dahil dito, nananawagan kami sa pamahalaan na kalasin ang mga pribadong hukbo sa bansa. Nagbibigay lamang ito ng kapangyarihan sa mga “dinastiya” na mang-abuso at mangahas ng ordinaryong mamayan.

Nakikiisa kami, bilang isang organisasyong isinusulong ang katarungang panlipunan, sa mga humihingi ng hustisya hindi lamang para sa mga napaslang noong ika-23 ng Nobyembre kung hindi pati na rin sa kanilang pamilya at sa iba pang naging biktima ng karahasan mula sa mga may kapangyarihan na nasa itaas; mga tao na siyang inihalal upang magtaguyod ng katarungan. Humihingi kami ng mabilisang aksyon mula sa gobyerno sa pagiimbistiga at pagbibilanggo ng mga may sala. Naniniwala kami na hindi sapat ang pagbibiit sa iisang tao lamang, datapwat isama ang mga opisyales ng gobyerno, mga sundalo, at mga pulis na walang ginawa upang pigilan ang pangyayaring ito.

Ang ENTABLADO, bilang isang organisasyong naniniwala sa karapatang panlipunan, ay nakikiramay sa mga biktima ng mga taong marahas, sakim, at mapang-abuso. Naniniwala ang organisasyon na ang ganitong mga pangyayari ay nagpapatibay lamang sa pangangailan ng bansa ng isang eleksiyong magdadala ng pagbabago. Isang pagbabagong idudulot ang tinatanaw naming pagbubuklod ng mamamayan laban sa abuso at pang-aapi, at sa pagiging isa ng bansa upang itaguyod ang karapatang pantao at panlipunan.

DEC.12.

12 days of Christmas.
12 days left before I make it... or break it.

GOD BE WITH ME. This will be my path for the years to come.

Help me help me help me!!!

Monday, November 9, 2009

PHONECALL.

NAG-AWAY na naman tayo.

at umiyak ako.

Sana makakuha ako ng scholarship.

Sunday, November 8, 2009

SEMBREAK = MEDSCHOOL PREP

Sa susunod na ako magkukwento in detail kung anong nangyari sa akin n'ung sembreak. Pero goodness... Since october binu-bug na ako ng mga medschool preparations/applications.

Mag-aapply ako sa ASMPH, UP-CM, UST-med, UERM, ST. LUKE's, at Davao Med.

Sabi ni Pare kung di raw ako mabigyan ng scholarship sa Ateneo, then it's going to be goodbye Ateneo.

Lord... sana mabigyan ako ng scholarship. I really need it.

Monday, October 26, 2009

PARA SA UNANG SEMESTRE NG AKING HULING TAON...

Sobrang di ko ma-describe ang pakiramdam. Pero nais kong magpasalamat sa inyong lahat na tumulong sa akin ngayong first sem.

Salamat sa iyo, sa iyo, at sa iyo.

Salamat LORD! I didn't expect this, pero SOBRANG SALAMAT!!!


***

LAST SEM OF MY LAST YEAR IN COLLEGE... BRING IT ON!!! GO go go 4.0!!!

Thursday, October 8, 2009

REUNION

Pupunta sina mama dad at cj bukas dito sa Manila. Sina angel jappy at ninang naman sa Friday. Tapos kasal sa saturday.

WOW FAMILY REUNION! Exciting.

Pero di ko mapigilan 'yun takot.. Ewan. Sana matanggap nila yung sitwasyon ko ngayon...

At fresh pa 'yung sugat. Sana maghilom na bukas.

Tuesday, October 6, 2009

4.0

Masaya ako ngayon. Lalo na dahil dito. Hindi ko akalaing makakagawa ako ng A-paper sa Philo. Sa tingin ko, ito ang una at huling pagkakataon kong magkaroon ng A-paper sa Philo. Gustong-gusto ko talaga itong subject na ito. Siguro kung nag-pursue ako for law, magphi-Philo major ako.

Kaya ishe-share ko na lang. Ang saya ko! :) At last!!!

***
Agosto 13, 2009

Sinususbukan ni Platon na maglaan ng rasyunal na saligan para sa moralidad sa pamamagitan ng pagsasabi na nagmumula ang kabutihan ng buhay-tao at ng mga kilos-tao sa harmonia na nagpapatubo ng tao sa kanyang psyche at sa kanyang polis. Ang eidos ng Mabuti ang nagsisilbing gabay at layunin ng katwiran ng tao. Higit na kapaki-pakinabang daw, kung gayon, ang pagiging makatarungan kumpara sa pagka-hindi-makatarungan.

Maiuugat ang paglalaan ni Platon ng rasyunal na saligan para sa moralidad sa kanyang tuwirang pagpapahalaga sa pangangalaga ng mga kalakaran ng polis, kung saan sadyang binibigyang-pansin ang pagtugon ng bawat miyembro ng polis sa kanilang mga tungkulin, at kung saan ang lahat ay tinatamasang magkaroon ng tanyag na kagalingan sa pulitika, upang mapanatili ang pamamaraan ng kanilang buhay sa polis. Kasabay ng pagtanggi sa hedonismo at relatibistikong pag-iisip na naghahayag na sadyang magkakaiba ang pagtugon ng tao sa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama base lamang sa “sarap” na nakukuha sa paggawa na base rin sa sariling paniniwala ng tao na siyang laganap sa polis, tuwirang hinayag ni Platon ang kanyang paniniwala na maaaring magkaroon ng tiyak at obhetibong mga batayan ng etikal at moral na paggawa na mismong hinahabi ng mga gawain at mga paniniwalang naaayon sa katarungan—mga kalakaran at ang mismong pamumuhay na makatarungan. Hindi maaaring maging pansariling isyu lamang ang mga gawain ng tao sapagkat ang mismong aksyon ng tao ay ginagawa niya sa lipunan, bilang siya ay nakapabilang sa lipunan. Ang mga gawain ng indibidwal ngayon ay maituturi na ring usapin ng lipunan—na mismong humihikayat na ang mga pamamaraan ng tao sa buhay ay kailangan niyang ganapin lalong higit alang-alang sa kapakanan at kabutihan ng kanyang polis. Ayon kay Platon, ang katarungan ngayon ang magsisilbing pinaka-esensyal na katangian ng tao—ang paggawa ng aksyon ng tao ayon sa dike sa polis—na mismong magiging batayan niya sa kanyang paggawa, pagbatid, at pag-unawa nang may etikal na pagpapahalaga upang mapalaganap ang kaayusan sa polis. Ang katarungan ngayon ay itinatalaga di lamang dahil sa kumbensyon o dahil sa mga batas o kalakaran na posibleng makita sa isang lugar, kundi ito ay maituturing isang kaayusan o harmoniya ng iba’t ibang mga grupo sa lipunan.

Sa pagpapatupad ng mga aksyon ng tao ayon sa dike, naghahagad na rin ang mismong aksyon na ito ng mabuti sa pagganap ng kaayusan. Datapwat sa mga argumentong inihayag ng mga Sopistang tulad nina Glaukon, Thrasymachus, at Callicles, na mas maraming matatamasa ang tao kung hindi aayon sa makatarungang paggawa at di hamak na mas pipillin ng taong pumanig sa di-makatarungang paggawa kapalit ng mga pagkakataong makakuha ng mas maraming mga bagay na magdudulot ng saya tulad ng kuwento ng Singsing ni Gyges, binigyang-diin ni Platon ang nosyon na ang maaaaring maging ganap na makatarungan ang gawain ng tao at tunay na makakapagbigay ng mabuti sa polis kung aalamin lang ng tao ang istruktura ng kanyang psyche—na ang kung ano mang kuwan na malinaw na nagbibigay ng pagkakaiba sa isang bagay na buhay sa bagay na patay—ang mismong prinsipyong nagbibigay buhay sa lahat ng mga pangyayari. Ito ang mismong maaaring magtakda ng kung anong klase ng buhay ang mararanasan ng indibidwal—at pati na ng kanyang polis.

Mayroong tatlong elemento na makikitang nakaayos sa hirarkiya ang psyche. Isa na rito ang nasa, ang bahagi ng psyche na ukol sa natural na pangangailangan ng katawan upang mabuhay na kung wala ay maaaring ikahamak pa ng katawan. Ang gana naman ay maituturing isang matinding tulak ng loob upang makamit o magawa ang isang bagay. Ang panghuli ay ang elemento ng rason o katwiran, na para kay Platon ay nagsisilbing pinakamahalagang elemento ng psyche na nagpapapaka-tao sa Tao, sapagkat ito ang gumagabay, sa pamamagitan ng pagpigil o pag-udyok, sa nasa at gana ng tao sa kanyang buhay. Sa paggabay ng katwiran, nagkakaroon ng kagalingan sa nibel ng nasa, kung saan nagkakaroon ang tao ng kasanayan sa sarili na pangasiwaan ang pagnanasa. Bukod pa rito, sa pagdikta ng katwiran sa nibel ng gana, nagkakaroon ng isang uri ng kagalingan sa pagtitimpi ng gana o paghihimok ng gana tuwing kailangan. Dahil sa balanseng nagagawa ng katwiran na mismong nagpapabukod-tangi sa tao, nagagawa ng taong maging magaling na mismong nagiging hudyat sa kanyang umabot sa nibel ng pagkakaroon ng arete—o kagalingan ayon sa katangian ng tao—nagagawa niya ng mahusay ito.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng balanse ng mga elemento ng psyche ayon sa gabay ng katwiran, nagkakaroon ng kagalingan ang tao na pangasiwaan ang kanyang nasa at gana na magdudulot ngayon ng isang kagalingan na rin sa dako ng kagalingang moral. Sapagkat nagiging katotohanan ang arete, masasabing may kagalingan nga ang tao sa paggamit ng kanyang katwiran lalo na sa mga panahong nakabatay ang pagkilos niya sa etikal na pamamaraan. Hindi hahayaan ng isang makatarungang tao ang iba’t ibang elemento ng kanyang psyche na magkagulo o tumugon sa masidhing tawag ng nasa o gana sapagkat siya na mismo ang magpapalaganap ng kaayusan ng kanyang buhay sa panahon na mahabi na niya ng tama ang mga hirarkiya ng mga elementong ito, na may paggabay ng katwiran sa pagbubuo niya ng kanyang mga prinsipyo, at magagawa niya ang mga tungkulin niya na lagi’t laging may pagtugon sa harmoniya o kaayusan ng mga elementong ito—para sa kaayusan at kabutihan ng polis. Bagkus, matatawag lang na may tanyang na kagalingan ang aksyon kung ginawa ito sa abot-tanaw ng katwiran—ng etika. Sa kabilang banda, sa mga panahon na hindi naisasaganap ng tao ang kanyang tungkuling pagpanguluan ng kanyang katwirang pangasiwaan ang kanyang gana at nasa, dumarating sa mga punto na nagkakaroon na ng bisyo ang tao. Nagkakaroon dito ng pagmamalabis o pagkukulang sa nasa at sa gana ng tao—napapalagap ngayon ang mas mababang mga bahagi ng psyche ng tao. Kaya tuwirang itinataguyod ni Platon na kinakailangang mapayaman ang kahusayan ng psyche sapagkat hinihigitan ng katwiran ang mga kahingian ng katawan. At dahil sa kahusayan ng katwiran at sa pagiging sanay dito, matatamo rin ang kahusayan din ng katawan ng tao.

Dahil na rin sinasalamin ng indibidwal ang mga kaganapan sa polis, itinatalaga rin ni Platon na kinakailangang magkaroon ng kaayusan at harmoniya sa tatlong natatanging uri ng mga tao sa polis: ang mga pinunong may taglay na karunungan na ang dapat na magkaroon ng arete sa larangan ng dunong, ang mga sundalo o administrador na may kahusayan sa pagkontrol ng kanyang tapang, at ang mga magsasaka at manggagawa na may kagalingan sa pagtitimpi ng kanilang nasa. Sa pagpapalaganap ng harmoniyang ito, nagagawa ng mga tao ang kanilang tungkulin nang may kagalingan sa larangan ng psyche at sa kagalingang moral dahil sa kanilang pagkilos ng etikal (pinapalaganap ng kanilang katwiran) para sa kabutihan ng kanilang polis.

Mula rito, makikitang laganap ang pagtaguyod ng paggabay ng katwiran sa pagpapalaganap ng katarungan sa polis. Bukod pa rito, binibigyang-diin din ni Platon na ang mismong pagdanas ng kagalingan at katarungan sa polis ng tao ay nagmula sa pagtanaw ng tao sa eidos ng Mabuti—ang mismong ideya na nagsisilbing gabay kung ano ang mabuti para sa tao—para sa kanyang polis. Ipinapakita ni Platon na ang tao ay madalas napapaloob sa isang yungib kung saan marami sa karanasan ng tao ay batay lamang sa pandama—na maaaring maging mali—at may araw sa loob ng kuweba na maituturing pinagmumulan ng Mabuti. Likas sa taong maganyak sa pagiging mabuti—ninanais niya ito, layunin niyang maging mabuti—ngunit hindi maaring makita ng tao ang kabuoan ng Mabuti sapagkat pagiging matindi ang kaganapan ng Mabuti, hindi kakayanin ng tao ang kabuoan nito. Kaya bumabaling na lang ang tao sa eidos o ideya na pinapakita ng Mabuti na mismong gumagabay sa kanya sa pagpili ng mga gawain, na mismong nagiging layunin niya sa pagdidikta ng kanyang katwiran, at sa pagpapalaganap niya ng katarungan para sa kanyang polis. Dahil dito, nalalagpasan na ng tao ang pagdanas sa aspekto ng pandama patungo sa pagdanas na may pag-unawa. Ang tao ngayon ay may ideya na kung paano maging mabuti kahit na hindi niya ito perpektong naipapakita kaya’t may hamon na sanayin ng tao ang kanyang sarili na pagsumikapan na ilagay ang pagkilos patungo sa pag-atim ng katarungan na mararating lamang sa pamamagitan ng pag-unawa ng mga kaganapan sa kanyang sarili at sa paligid niya—sa kanyang polis.

Maitutulad ngayon ang pagiging makatarungan sa kalusugan at kagandahan ng katawan. Kapag hindi naging makatarungan ang nagmamay-ari ng katawan, bilang walang pakundangan ang pag-abuso ng pagkain ng mga hitik-sa-kolesterol na mga pagkain at pati na ang paggamit ng iba’t ibang mga bawal na droga, nagkakaroon tayo ngayon ng paghina at pagkamatay ng katawan. Kung wala ang katawan, hindi na rin mabubuo ang konsepto ng pagiging buhay. Kailangan ng katwiran upang mangasiwa sa mga tawag ng nasa at gana ng tao. At nariyan ang eidos ng Mabuti upang gumabay sa katwirang tumugon sa konsepto ng makatarungan. Kaya naman higit na may pakinabang ang paggawa ng makatarungan kaysa sa hindi makatarungan.

Dahil sa pag-unawang hatid ng gabay ng eidos ng Mabuti, natututuhan ng taong maging magaling sa aspekto ng paggawa—magaling sa aspekto ng pangagasiwa ng mga elemento upang magkaroon ng harmoniya ang kanyang psyche, kung saan naghahari ang dikta ng katwiran, na siyang nagbubuklod ng mga prinsipyong sinusunod at bumubuo ng katangian ng tao—para sa kanyang sarili at sa kanyang polis. Nagiging ugat na saligan ng moralidad, batay dito, ang paglayon ng mabuti sa paggabay ng eidos ng Mabuti, kung saan nabubuo ang isang tanyag na katwiran na nagpapalaganap ng katwiran para sa tao, para sa polis.

***

Ang saya-saya ko!! Sinabayan pa ng good news ng Polsci! At may pag-asa pa ako sa THEO!! Kaunting pagtitiyaga na lang!!! PHYSIO. THESIS. I can do this!!!

***

DEPLOYMENTS ON-GOING FOR MEDICAL MISSIONS. I WANT TO COME. BUT MY FAMILY IS COMING HERE IN MANILA! AT BIRTHDAY NI CJ SA FRIDAY AT DITO NA ISE-CELEBRATE. SO AYUN. HMMM.. SANA MAY MED MISSIONS PA NEXT WEEK.

Friday, October 2, 2009

CATEGORY 5 TYPHOON.

phonecall

im just very upset. PARANG BINAHA NA RIN AKO.

Wednesday, September 30, 2009

RESPONSE

I know makakabawi ang lahat. makakabawi. makakabawi.

COOR RANT #2

IF I COULD JUST MAKE THINGS THE WAY THEY SHOULD BE SOBRANG DAMING MAGIGING MASAYA.

PERO SOBRANG HIRAP N'UN. AT NAKAKAINIS KUNG INIISIP NG IBANG TAO NA 'DI NAKIKITA/NAA-APPRECIATE/NAKAKATANGGAP NG SUPPORT MULA SA AKIN ANG MGA GINAGAWA NILA.

LORD PLEASE KEEP ME SANE. IN THESE TIMES OF TRIALS, WHEN MOST OF THE PEOPLE AROUND ME ARE STILL RECOVERING FROM THE WRATH OF THE TYPHOON, PLEASE KEEP ME SANE. PLEASE GIVE ME THE PATIENCE THAT I NEED TO THINK ABOUT HOW THINGS WOULD GO ABOUT DESPITE THE HEAVY RAIN. LORD PLEASE HELP ME.

I DON'T WANT TO DIE BECAUSE OF A NERVOUS BREAKDOWN. I DON'T WANT TO DIE NOW BECAUSE I KNOW I CAN STILL DO SOMETHING... IF ONLY OTHERS WOULD ALSO DO THE THINGS THAT THEY OUGHT TO DO DURING THESE TIMES. LORD TULONG!!!

+++

I SUPER HATE ARROGANT PEOPLE. PLEASE PUWEDE BA?! LAHAT TAYO TAO. LAHAT TAYO NAKAAPAK SA LUPA. HUWAG NAMAN TAYONG MAGMAYABANG! NAKAKAINIS! SOBRA! OO MAGALING KA PERO DON'T PUSH IT TO OUR FACES IT TENDS TO BE ANNOYING AS HELL. AT HINDI NA KAPURI-PURI ANG MGA GINAGAWA MO KUNG GANYAN LANG NAMAN ANG UGALI MO! GUSTO KITANG MURAHIN PERO 'WAG NA LANG. MATANDA KA NA PARA ALAMIN ANG TAMA SA MALI. AT MARAMI PA AKONG BAGAY NA PUWEDENG PAG-UKULAN NG PANSIN KAYSA MURAHIN KA NANG TODO.

+++

THE POLITICS OF ALL OF THESE CAN DROWN YOU. PUWEDE KANG LAMUNIN NG SISTEMA. HINDI AKO PINALAKI NG MGA MAGULANG KO NANG GANITO. HINDI AKO MAGPAPATALO.

Thursday, September 24, 2009

ONE SECOND LAPSED

and it's done.
and it's hurting.. shit.

Monday, September 21, 2009

LET IT GO

nalulungkot ako.

hindi ko naiiwasang isipin na oo may panahon pa para magbago ng desisyon.

pero hindi. hindi hindi hindi!

napagdesisyunan ko na na ito na ang ikabubuti ng nakakarami... at pati na rin ng sarili ko.

nakakahiyang naiyak ako sa foh table kakaisip nun! ay naku.

gaganda rin ang bukas. magiging masaya rin ako dahil dito.

Wednesday, September 16, 2009

JOKE

I think I must really learn how to articulate my issues that have been building up for the past few days. Sometimes I tend to feel so empty, as I try to fill up others' problems and demands as I go along this thing called life. And as I try to recall how easy the situation was before, I have deduced that yes, I think I need a break. I need to relax. I need an immersion weekend again. I need my family. I need my friends. I need to be back to my happy-go-lucky self, getting the highest grades anyone could ever imagine though I do not spend that much time studying. I need to be in high school again. I miss the simplicity and humility of our home. I miss my sister. I miss my parents. I miss 134 Aster street. I miss chemistry. I miss my high school friends. I miss commuting. I miss fudge. I miss my cousins. I miss everything that I've been "giving up" ever since I entered college.

But if I go back to be the way I was before and give up everything that's on my hands right now, I believe a lot would be pained. A lot would be wounded. Betrayed. I don't want that to happen. I really don't.

Thinking about it, I believe I must really find something or some way to articulate everything beyond this blog that I have been maintaining for the past four to five years. Blog lang ito, baka ma-misinterpret pa ng ibang tao kung ano talaga 'yung sinasabi ko rito.

Sabihin na lang nating joke lang ang lahat ng ito. Kunwari wala akong sinabi. Chengkeh lang ang lahat. Echos lang.

Makapag-philo na nga lang!!! ORALS ko na bukas!

BASO BA TALAGA?

Mukhang shot glass lang yata.

Ang hirap magpaka-timba, lalo na sa larangan na ito, lalo na kung wala naman akong suportang nakukuha mula sa iba.

Ang hirap magbigay ng positive reinforcement sa ibang tao, lalo na kung wala naman akong nararamdaman na gan'un mula sa kanila.

Makasarili ba? Ewan. Ewan. Ewan is the word of the season.

Hindi na ako sigurado dahil sa lahat ng mga ito. Minsan nawawalan na ako ng tiwala sa sarili. Siguro ako 'yung tipo ng tao na kailangang makarinig ng feedback mula sa iba. Hindi sapat sa aking pinapabayaan lang ako kasi talagang mapaglaro ang buhay... Ang unpredictable ng mga mangyayari. At ayokong masaktan. Ayoko na. Ewan...

Higit sa lahat, ayokong makaapekto ng iba dahil sa mga maling akala ko. Yes, people are social beings. I am immersed into situations where I MUST work with people, share them my thoughts and ideas. Pero baka pinipilit ko nga lang ang sarili ko at baka di ko lang matanggap na 'yun nga... Na shot glass lang ako. Or lalagyan ng sawsawan. Ewan...

Misplaced ba? Pinipilit ko ba talaga ang sarili ko? EWAN!!!

BASO.

I just realized na sobrang nega ng previous entry ko.

So anyway, I remember my mom telling me to never skip meals. Mababaliw daw ako kung di ako kakain.

Last week, I had only one meal per day. Kinaya naman. At di naman ako nagkaka-ulcer (THANK GOD!). Minsan kinakabahan ako kasi baka maging anorexic ako. Buti na lang na-maintain ko pa rin ang shape (SHAPE?!) ng katawan ko. At contrary to what people may think, HINDI PO AKO NAGPAPAPAYAT. Kailangan ko lang magtipid. Siguro somehow (but not totally) due to my previous entry. Pero nagtatabi talaga ako ng at least 2,000PhP per month. At hinding-hindi ko gagastusin 'yun kasi kung hindi, hindi ko na naman matutupad 'yung goal ko.

Anyway, kaka-stress test ko lang. Results show that I efficiently handle all the situations I am in. Hay naku ewan ko ba kung maniniwala ako diyan sa stress test results na 'yan. Minsan iniisip ko na baka pinipilit ko lang 'yung sarili kong maging parte ng isang situation. Na minsan, compelled to do things lang ako, though talagang matitindi 'yung hesitations ko sa paggawa ng mga bagay-bagay na 'yun.

Nalulungkot ako kasi minsan, hindi ko naipapakita 'yung galing na gusto kong mapakita kasi inuunahan ako ng takot at pagaalinlangan. May isang paparating na bagay na gustong-gusto ko talagang gawin (kahit ngayon lang last na kasi.. as in, huling-huli nang pagkakataon... at sigurado ako doon) pero inuunahan ako ng mga bagay na iniisip kong baka mas makabubuti sa mga tao, para sa lahat... at para na rin sa sarili ko.

Paano ko ba titimbangin ang mga bagay? Ano ba dapat 'yung pipiliin ko: 'yung bagay na gusto ko? o ile-let go ko na naman 'to na baka mas ikabuti pa ng lahat, kasama na ang sarili ko?

Siguro nakakaramdam lang ako ng ganito dahil wala akong naririnig na tulak mula sa ibang tao na sumabak ako dito sa bagay na gusto ko talagang gawin. 'Yung dating pa nga ako pa 'yung tumutulak sa ibang subukan ito. Baka nakikita nilang mas nararapat ngang gawin ko na lang 'yung commitment ko kaysa sumabak pa sa isang bagay na di naman ako siguradong kaya ko ngang gawin nang mabuti. Ewan. Insecurities. Oras. Pagaalinlangan. Competition. Responsibilities... Lahat 'yan tila pumipigil sa aking umagpas mula sa estadong kinalalagyan ko.

Naaalala ko tuloy 'yung sabi sa Philo102 namin. May mga tao talagang baso lamang. May mga taong timba naman. Kung baso siya, kailangan niyang i-aim ang pagiging baso. Huwag dapat siyang mag-aim na maging timba dahil sa kalagayan at pagkabigay niyang maging baso lamang. 'yung timba naman, huwag dapat siyang makuntento sa pagiging baso lamang dahil timba siya. Hindi maaabot ng baso ang pagka-ganap kung sosobra o kukulang siya sa kanyang pagiging baso. Likewise, hindi magiging ganap ang timba kung makukuntento siya sa pagiging salat o sa pagiging sobra ng kanyang pagiging timba.

Ano kaya ako? Baso o timba? Gustuhin ko man maging timba, mukhang baso lang yata ako. Itulak ko man ang sarili ko, wala ring mapaglalagyan 'yung kung ano pa mang merong katas na mapipiga ko pa mula sa sarili ko. ewan ko ba...


Ay naku... Enough of all these drama shiiiz. Baka magka-period lang ako. Hormonal.

AMA, INA, ANAK

May hangganan nga ba ang pagiging kapamilya? May hangganan ba ang pagiging anak sa ama't ina?

Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga yung gagawin namin sa ngayon. Ang controversial naman kung ibo-broadcast ko pa dito yung mga nangyayari sa amin ngayon. Ewan ko ba... Oo, apektado ako. Aaminin ko 'yun. Hindi naman ako isang manhid na tao, porke't dito ako nakatira sa Manila at nandoon silang lahat na nagkakagulo sa Davao. Naiinis ako na parang wala akong magawa. Ito na 'yung bagay na kumukulit sa isip ko araw-araw--na bakit gan'un 'yung nangyayari ngayon? Bakit maraming nasasaktan?

Siguro kung nandito pa si Papalo ngayon, di siguro kami nagkakagulo ng ganito. Nakakainis.

Masaya naman kami dati... Pero ngayon, di ko man lang namamalayang nagbabago talaga 'yung panahon. Kung kaya ko lang bumuhay at sumuporta ng pagpapalaki ng ibang tao, ginawa ko na. Pero hindi ko pa kakayanin.

Naiinis ako sa'yo. Nasisira 'yung buhay namin dahil sa'yo. Sana matauhan ka na mali--TALAGANG MALING MALI 'YUNG GINAGAWA MO! TAKTE KA! Ayokong may nasasaktan sa pamilya natin pero IKAW ANG PASIMUNO NG LAHAT NG ITO!

Akala ko we really have a very happy family... But then again, REALITY BITES.

But then again, we must maintain respect. Respect. Kahit gaano pa man siya kagago, kadugo mo pa rin siya. Respeto pa rin. Respeto.

Sana tunay pa rin 'yung respetong ipinapakita natin sa isa't isa. Hindi lang dahil KAILANGAN kitang irespeto dahil ikaw IKAW. Ang dami mong sinasaktan. Sana matauhan ka na.

Sana bumalik na 'yung taong nakilala ko mula noong bata pa ako. Hindi pa sila nawawalan ng pag-asa sa'yo, though honestly ako, medyo nawawalan na. MAGPAKATINO KA. MAY PAMILYA KANG DAPAT SUPORTAHAN, AT NAGHIHIKAHOS AT NAGHIHINGALONG MABUHAY! TAKTE!

Sunday, September 6, 2009

MAY SAKIT PERO DAPAT WALANG SAKIT

Maaga akong nagising ngayong araw. 7am, gising na gising na ako. Pero hindi ako makagalaw. Di ako makagawa ng kahit ano!

Nilabanan na ako ng sakit. Ay naku. Nakakainis lang 'yung katotohanan na habang nagtatype ako, di tumitigil 'yung tulo ng sipon ko!! Kadire.

At natatakot akong uminom ng gamot. May iba pa kasi akong gamot na iniinom. Baka kumontra ay naku! Ayokong magka-LBM dahil lang dito.

***

Ngayon - Distinction dinner (DL daw kasi ako. nakakainis na kinalimutan ako n'ung arsa acadcom whatever shiiz. kung di pa sinabi ni chicki, eh di talaga nila ako iimbitahin.. hmph! waley!!! nagtampo?! ahahah). may paper na sisimulan. two messages to write. preparation ng calendar + email para sa PD. org works. read physio. leadership training module. PANEL PRESENTATION!!! REST.REST.REST DAHIL NAGKAKASAKIT NAAA!!!
Bukas - Diba bida rehearsals 10am - 4pm (siyempre may break! di ko kakayanin ang tuloy-tuloy! 4:30pm onwards ay Magis rehearsals sa Henry Lee Irwin.
Tuesday - 7:00am pilahan para sa theo immersion presentation. mag-aaral para sa physio long test. Rehearsals ng diba bida at magis
wednesday - 7:00am pilahan para sa philo104 orals! target date thursday next next week!!!
thursday - deadline ng pos100 paper tungkol sa "what is peace?" dahil na-miss daw namin ang forum ni Gilbert Teodoro noong nag-immersion kami. read physio!!!
friday - whole day dedicated to physiology. 1230pm BIDA Voter finale. critic's night. tssss..
saturday - physiology 2nd LT (BAWI BAWI BAWI!!!). LTS1. gawa ng presentation para sa pms midyear report.
sunday - read philo. dedicated to panel presentation

ANG DAMI..

dahil dito sa pagsusulat ko, naaalala ko ang mga dapat kong gawin and at the same time, nare-realize ko na ang dami pala ng mga ito!

PROCRASTINATION

Bakit nagpo-procrastinate ang mga tao?

Kasi lagi nating iniisip na may mamaya. Na huwag muna ngayon kasi merong mamaya.. Na huwag muna ngayong araw kasi may bukas pa.

Eh paano kung wala na pala 'yung bukas? Eh paano kung ngayon na pala 'yung huling araw mo para magawa mo 'yon? Di mo alam, baka bukas patay ka na..

Hay naku..

MUST.NOT.PROCRASTINATE.

***

Tapos ngayon nagkasakit pa ako. Ang dami ko pa namang dapat gawin ngayong linggo!! HAAAY!!!

Friday, September 4, 2009

FACEBOOK

May facebook account na si daddy!

Bakit nag-iinvade ang mga 1959 people sa facebook?!

Ayokong i-approve! waahahhaah!

Sunday, August 30, 2009

BACK FROM IMMERSION BUT.

kagagaling ko lang pong immersion. pero bakit po ganito?!

akala ko naman magiging SUPER SAYA ako pagbalik ko.. panay problema naman yung nag-welcome sa akin.

dapat ba talaga ako maging masaya? parang maling ideya yatang mag-online ako. wala lang mang nagsabi ng "na-miss kita!" o "kumusta ka?" panay "nagawa mo na ba ito?" o "i have a complain" o "sorry kasi ganito..."

i always try to see the glass half full. pero minsan, narerealize ko rin na may tendency talaga akong mag-break.

kailangan ko ng mahabang pasensya... lalo na sa mga panahon ngayon.

baka malapit na akong maka-period. baka lang dahil doon naiinis ako. sana nga 'yun ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

* * *

on the other hand, nakaka-miss ang pamilya ko sa Bilad. Ang saya kasama ng mga Aeta.

to follow na lang siguro yung blog ko tungkol dito. kailangan ko munang harapin yung ibang mga tao. haay.

Thursday, August 27, 2009

MAY NAGBABASA PALA

gumawa si daddy ng FRIENDSTER account. Nainggit na talaga siguro sa mga lola ko at mga pinsan niyang may FACEBOOK.

ang labo.. Bakit friendster pa yung ginawang account ni daddy. tsk.tsk.tsk...


+ + +

Noong high school ako, sobrang daming taong nagbabasa ng blog kong 'to. Siguro uso lang ang blogspot noon, at mahilig lang talaga akong manggago ng mga kaklase ko sa internet. Nagc-cbox pa ako dati, at laging may new update sa cbox kasi hindi marunong mag-comment 'yung mga kaklase ko. Nagpatuloy yung blog fever until first year college namin. After that, siguro na-distract lang ang marami sa multiply, facebook, plurk, twitter, etc. Nakalimutan na ang mga blogger, LJ, xanga (xanga?! ang luma!!), etc.

Kaya akala ko, wala nang nagbabasa ng blog na 'to.

Noong first year ako sa college, laging binabasa ni dad ang blog kong 'to. Miss na miss na siguro nila ako ng mga panahon noon (ngayon ok na kami sa pag-uusap namin every sunday night). Kaya panay ang pagfi-filter ko ng bawat blog entry ko. Baka ma-misinterpret ni dad. Mahirap na. Eh since sophomore ako, nawawala na sa isip ni dad 'yung tamang URL ng blog na 'to. Sabi ko sa kanya, i-search na lang niya sa Google yung pangalan ko. Baka lumabas lang 'yung link. Eh hirap din si dad sa internet (kahit nga sinasabi niyang "proficient" siya dito kasi nakakapag-online booking siya ng plane ticket ko at nakakagawa ng FRIENDSTER account. tsk). Pero sa ngayon, sa pagkakaalam ko, di na niya 'to nabibisita.

Kaya akala ko, wala na TALAGANG nagbabasa ng blog na 'to.

Late last year and earlier this year, nalaman ko na naman na meron pa palang nagbabasa ng blog na 'to. Pero ewan ko kung binabasa pa nila 'to. Pero kebs lang. Espasyo ko 'to eh. Feeling ko hindi na. Sana hindi noh.

Anyway, so ayun. Nagiging honest talaga ako sa blog na 'to. Kasi lagi kong iniisip na may kinakausap lang akong stranger o wala at all... 'Yung tipong kinakausap ko lang 'yung sarili ko. Kaya ang dali lang mag-address ng concerns dito, ang daling magreklamo, ang daling mag-type ng mga bagay na ayaw at gusto kong mangyari sa buhay ko.

Apparently, may nagbabasa pa pala ng blog na 'to. Nakakahiya na tuloy!

Hello sa'yo!

Wednesday, August 26, 2009

AGAIN. PARA KAY H.

so pinagpapalit mo na TALAGA ako ngayon..?

masakit. tss.

+ + +

mustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpainmustnotfeelpain

KAY H AT TUNGKOL SA IDS

So, pinagpapalit mo na ako ngayon..?

haaay... ganyan lang talaga ang buhay. tsk.

+ + +

BAKIT ko iniwan ang ID ko sa BERCH BANYO?! ()*&^%$#%^&*(

sana sana sana nandoon pa rin 'yun bukas!!!

baka di ako makatulog dahil dito... NOOO!!

Saturday, August 22, 2009

LIST.

Things to do:

1. POS 100 LT on thursday, Aug 27
2. HSc 83 Proposal -- Project: Familial Dysautonomia
3. Immersion weekend in Bilad, Capas, Tarlac -- Aug 28-30
4. PMS phase 2 - Sept 1
5. PMS panel meeting - Sept 14
6. PMS EB Meetings - Aug 27 and Aug 31
7. DIBA BIDA Rehearsals - ongoing, 6-8pm everyday
8. Theo readings
10. Philo Readings
11. Thesis data gathering!!! 730am please someone wake me up!!
12. Magis Rehearsals - Sometime next week
13. Venue Meetings - Tuesday
14. Sa Tahanan ng Aking Ama meetings - Monday.
15. Eat. Rest. Sleep.

Ang dami ko pang di nailagay dito, like family shiiz, friendship shiiz, health shiiz...

Kayo na po ang bahala sa akin.

APPREHENSION IS THE WORD OF THE DAY

Apprehension. Madalas ko na 'tong sinasabi sa mga panahon ngayon. Sa klase, sa org, sa lahat na... Nakakalungkot. Nawawalan na ba ako ng tiwala sa ibang mga tao?

Hindi ko malaman kung bakit ko ba kailangang ilabas ito. Pero oo, noong natanggap ko ang message na 'yon, nakaramdam ako ng kaunting sakit. Oo, maka-qualify ko ngang masakit 'yun kasi hanggang ngayon, di ko pa rin matanggal 'yun sa isip ko. Patuloy pa ring naka-open 'to sa Preview ng laptop ko, kasabay ng pagsulyap ko rito kung ginagamit ko yung application na puwedeng tingnan ang lahat ng open windows sa laptop ko. Nakakainis isipin na oo, MERONG iba... Na ngayon, kilala ko pa. At ngayon, competitive pa.

Hindi ko rin maamin sa sarili ko kung "GO" nga ba ako o hindi. Prevention is better than cure, ika nga nila. Pero minsan kailangang masaktan ang tao para maramdaman niya mismo yung karanasan na 'yun na siyang humuhubog sa kanyang pagkatao--na mismong nagpapakatao na rin sa kanya. Ewan ko ba!

Nawawalan na ba ako ng tiwala sa'yo? Nawawalan na ba ako ng tiwala sa sarili kong di ako mahuhulog sa infinite pit of no-thingness? Baka nga ito na 'yung sinasabi ni Pao, na org-mate ko na magaling mag-Tarot card reading, na "No-Thingness" na kinatatakutan ko.

I supress the no-thingness daw.

EWAN KO BA.

Basta, apprehension is the word of the day.

Sana maging "HOPE" or "TRUST" is the word of my life.

Thursday, August 20, 2009

TUMOR AND THANK YOU'S

Lagi kong nakakalimutang uminom ng gamot. 'Yon tuloy, nahihilo ako sa mga panahon na nagko-commute ako. Feeling ko may tumor na ako sa utak kaya ganito yung nararamdaman ko. Ewan ko ba. Baka kulang lang ako sa tulog.

Masaya ako ngayong araw. At nais kong magpasalamat sa Diyos dahil sa mga sumusunod:
1. Mimi, Aneka, Pam, Jen, Jerold, Janine, Mara, and Luis--dahil sa isang nakakalokang gabi. Sa uulitin! Napasaya niyo ako ng todo dahil sa mga kalokohan niyo.

2. Bianca at Say na hinintay ako bago mag-8am at sinamahan ako hanggang CCP ngayong araw. Hindi tayo naging masyadong matagumpay ngayong araw. Pero nararamdaman ko, magagawan natin 'to ng paraan.

3. Cast ko, na talagang bigay na bigay sa rehearsals. Sana mapagpabuti pa natin ito. Prologue, Epilogue, at Polishing + Tech na lang!

4. Sa dalawang taong kasama kong manood ng play. NakakatUwa kayo. Sana malaman niyo na never kayong nag-fail to make me smile.

5. Sa mga yakap at *****. Masaya? HAHA. OO!

SALAMAT LORD!

***

Then again, I pray na sana hindi ako magkasakit. Please remove the brain tumor.

Thursday, August 6, 2009

ON CORY'S DEATH: IPA

The Issue and Policy Analysis Cluster’s Statement
on Cory Aquino’s Death

We, The Issue and Policy Analysis Cluster, mourn with the nation for the passing of one of the most selfless and commendable leaders ever to change the face of Philippine History – our icon for democracy, Former President Corazon C. Aquino.

President Cory lived all her life in the service of the Filipino. Upholding the values of generosity, love and faith in God, she led the Philippines in its fight for freedom and the restoration of its democratic institutions. She helped rebuild a country distraught and scarred by corruption, and regained the trust of a people fatigued by all the violence and dishonesty. Even after her term as president, she continued serving the Filipino nation through her active participation in socio-political events, as she continued to fight for the welfare of the Filipino people.

Cory will be remembered forever, for her legacy and for the values she lived by. Her spirit will continue to inspire us to serve this country and fight for a better nation.

Wednesday, August 5, 2009

COOR RANT #1

MINSAN lang akong mag-blog tungkol sa aking pagiging Coordinator ng ENTA. Oo, sobrang masaya maging ENTADIR. Masaya at mahirap maging Coordinator. Mahirap talaga, pero ibang klaseng saya naman ang kapalit sa tuwing nakikita kong sobrang humihiyaw sa ligaya yung mga members namin sa organisasyon.

Pero ay naku.. Haay naku.

Hindi ko inaasahang makakaencounter ako ng ganitong challenge sa pagiging coordinator ko. ito na yata so far ang pinakamatinding challenge na sinet para sa akin sa taong ito: how would you convince someone to hold on--lalong higit na nararamdaman niyang wala naman siyang kakapitan--kahit na sabihin mo ilang beses na NANDITO AKO para kapitan mo?

Lord, I'm coming humbly to you, please help me in this situation. Minsan iniisip ko wala na talaga akong magagawa. But I really have to force myself NOT TO LET GO kasi yung mere act of giving up in this situation suggests na hindi ako stable na kakapitan ng taong gusto kong kumapit pa rin nang mahigpit sa akin mga kamay. God, sobrang impossible na!

Naaalala ko yung sinabi ni Ma'am V noong 1st year HS ako... With God all things are possible. I'm not yet giving up.. NO. I'M NEVER GIVING UP. No matter how hard this may seem to be, I won't let go.

isa lang itong challenge lord.

+++

Bakit kasi inimbento ang LOVE LIFE?!

Tuesday, July 21, 2009

BUHAY PA AKO.

Ang daming mga nangyari for the past few weeks.

Mahirap na tuloy balikan ung bawat isang mga nangyari since March (siyempre ang daming mga significant things na nangyari). Gustuhin ko mang i-blog ang lahat ng 'yon, di ko magawa--dahil na rin sa kakulangan ng oras (hello, 12:22am na at kailangan kong magising ng maaga dahil may flight ako nang madaling araw).

Naku Lord, maraming salamat at hindi niyo po ako pinababayaan.

Pati sa aking mga support group. salamat.

Patapos na ang July. haay..

Gusto kong mag-update tungkol sa ff:
1. MARCH.
2. Seniors' Party
3. COA formsem
4. ENTA PLEVSEM
5. NMAT
6. SUMMER PLANNING and several EB MEETINGS ng ENTAEB
7. my personal insights sa mga bagay from 1-6
8. END OF MAY
9. ANG HENERALA REHEARSALS
10. ORSEM 2009
11. ANG HENERALA SHOWS and PROD PARTY
12. VENUE SCHEDULING MEETINGS
13. FAMILY
14. LOVE LIFE
15. ACADS
16. lahat ng insights ko tungkol sa 1-15.

HAAAY BUHAY..

sabi nga ni sir lagliva.. ganyan lang talaga ang buhay..

sana makaraos pa ako... kami..

Tuesday, July 7, 2009

OO BUHAY PA AKO

I never really imagined that it would be this hard.
Siguro kailangan ko lang magpakatatag.

Breathe in. Breathe out.

Shucks Lord, huwag niyo po kaming pabayaan... Huwag niyo po akong pabayaan.

8 more days, then reloaded na naman ako. As for now, I'd have to live with the choices I've made so far. Di na ako natuto. Nakakainis. Pweh!

+++

Kinakabahan ako sa kung anong puwedeng mangyari six months from now. Sana Lord matuloy ang mga plano namin at sana maging in accordance to your will ang lahat ng mga ito. Maraming salamat. Patuloy po kayong magbigay ng gabay sa aming lahat.

+++

Last two weeks na lang ng Ang Henerala!!! Manood kayo!!!

Friday, June 12, 2009

ISA, DALAWA, TATLO! HANDA!!!




I'm currently part of the play, Ang Henerala. Target dates of the shows will be on June 30 - July 18, 2009, at the Rizal Mini Theater in Ateneo de Manila.

Malapit na! Lord gabayan niyo kami mula sa A H1N1!!!

Please support!!!

Monday, June 8, 2009

OPISYAL NA POSISYON NG ENTABLADO UKOL SA HR 1109




ANG OPISYAL NA POSISYON NG ENTABLADO UKOL SA HR 1109

Kami sa ENTABLADO, ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs, ay tuwirang tumututol sa madalian at kaduda-dudang pagpapasa ng House Resolution 1109 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na bumuo ng isang Constituent Assembly. Naninindigan kami na salungat ang mapusok, pabaya, at mabugsong prosesong pinagdaanan ng pabubuo at pagpapasa ng HR 1109 sa aming paniniwala bilang isang organisasyong minimithi ang isang sambayanan na tumutubo at kumikilos sa loob ng sistema na nagtataguyod ng karapatan ng bawat tao na magsulong ng katarungang panlipunan. Tinitingnan ng ENTABLADO ang HR 1109 bilang isang paglabag sa likas na katangian ng ating Konstitusyon, at higit sa lahat, sa karapatang pantao.

Naniniwala kami na hindi napapanahon ang pagpapasa ng HR 1109 sapagkat nasa karurukan na ang sambayanan sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon. Tuwirang di maiiwasang magpaliyab pa ng iba’t ibang isyu tulad ng pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng administrasyong Arroyo ang mabilisang pagpapasa ng HR 1109, na hindi tumutulong sa pagtataguyod ng isang malayang lipunan, bagkus, sadyang nakakapagbukas pa sa isang nakahahambal na hinaharap para sa ating bayan. Sa halip na mang-udyok ng tiwala sa ating mga mambabatas, sadyang nakakapambuyo pa sa mga mamamayan na pagdudahan ang aksyon sa likod ng pagpasa ng HR 1109.

Bukod sa madaliang pagpapasa ng HR 1109, hindi rin sang-ayon ang ENTABLADO sa sinsasabi mismo ng resolusyon na iisa at sabay ang pagboto ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Constituent Assembly. Mawawalan ng kapangyarihan at boses ang ating Senado dahil malulunod ang kanilang 24 na boto sa boto ng 238 na kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Malinaw na isa itong pagbabaliwala sa kapangyarihan ng ating Senado, ng ating Konstitusyon, at higit sa lahat, isa itong pagdusta sa katarungang panlipunan. Naniniwala kaming nararapat na maging bicameral ang pagboto ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas sa isang Constituent Assembly. Kumbaga, hiwalay dapat ang pagboto ng dalawang nasabing kapulungan.

Bagaman kinikilala namin ang posibilidad na maaaring magbunga ng mga mabuting pagbabago ang pagkakaroon ng susog sa Konstitusyon, naniniwala kami na hindi ngayon ang tamang panahon upang itaguyod ang ganitong pagbabago. Inililihis ng mismong pagpapasa ng HR 1109 ang pansin ng mga mambabatas at pati na rin ng mga mamamayan sa mga isyu na higit na kinakailangang tugunan sa panahon natin ngayon—mga isyung patuloy na bumabagabag sa ating lipunan tulad ng CARPER at extrajudicial killings na lubusang magtataguyod ng karapatang panlipunan kung lulutasan.

Nilalabag ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang likas na katangian ng Kongreso batay sa ating Konstitusyon sa kanilang pabaya, maragsa, at mabugsong pagpapasa ng HR1109. Bilang isang organisasyon, naniniwala ang ENTABLADO sa pagsasakatuparan at sa pagpapalaganap ng katarungang panlipunan at nagsisimula ito sa pangangalaga sa halaga at sanktidad ng pinakamataas na halahay ng mga batas ng sangkapuluan. Samakatuwid, naninindigan ang ENTABLADO sa paniniwalang kahangalan at hindi naaayon sa kapakanan ng taong-bayan ang mapusok na pagpapasa ng HR 1109.

Monday, June 1, 2009

KONSEPTO NG VENN DIAGRAMS

Base sa sariling karanasan.

Ang daming pinagkakaabalahan ng tao,
Andiyan yung mga gawain sa pamilya,
pananampalataya, academics, org works,
love life...
Lahat ng mga 'yan nagsisilbing mga circles o sets ng ating sariling Venn Diagram.

Sa bawat set, may mga makikita tayong mga "taong naging parte na ng ating buhay"
yung tipong masasabi mong "ay si ganito, tinulungan niya ako sa acads.."
o "ay si ganyan, muntik nang mahulog ang loob ko sa kanya"
"ay si eto, sinaktan niya ako dati..."

Nakakaramdam tayo ng iba't ibang mga emosyon kung nakikita o nakakasama natin sila.
Lungkot, Saya... lahat na dahil lang sa simpleng partisipasyon nila sa ating mga sets.
Pagka-buo, Pagka-salat... lahat ng mga 'yan narerealize natin sa pagtingin kung nandoon pa ba o wala yung mga tao sa mga sets ng ating venn diagram.

Minsan nasasabi nating nawawala na tayo dahil sa dami ng mga sets ng ating buhay.. sa dami na rin ng mga kailangan nating gawin.
Minsan nala-lock tayo sa nosyon na dapat tugunan lang natin ang isang set.. dahil dito mo nararamdaman yung lubos na saya.
o sa dahilan na nandito yung taong iniisip nating sobrang mahalaga sa atin... yung "mahal" natin... tapos in the end, sasaktan lang pala niya/nila tayo.
Kaya minsan, nagiging lost ang tao.
Minsan, nakakalimutan natin na mayroon pang ibang sets.
Kaya naman, tulad din ng mga math problems, di natin nasosolve yung mga problema ukol sa venn.
lost sets. lost life. sad life. denial. doomed to a dull ordinariness.

pero ito, kahit sabihin mong "lost na ako".
kahit na sabihin mong "wala na akong pag-asa",
kahit na sabihin mong "I'm all alone,"
oh well... di mo lang siguro nakita yung pinakastable part ng venn...

'yung intersection of sets.

Minsan di to naiintindihan ng tao...
Yun nga yung sakit natin eh.
Lagi nating kinakalimutan na mayroong intersection ang lahat ng sets ng ating venn.
At nandirito yung taong/mga taong laging andiyan para sa atin sa bawat set.
Nandiyan para magparamdam ng suporta,
ng saya sa mga panahong akala mong di ka na tatawa,
at ng pagmamahal kahit na sa tingin mong di ka karapat-dapat na mahalin ng iba.

Kaya di mo dapat itong kalimutan. Si/sina intersection of sets.
Hindi ka niya gagawing others. Hindi ka niya gagawing huda.
Tutulungan ka niyang iparamdam at ibalik sayo kung sino KA.
Sa mga panahong "lost ka," "malungkot ka dahil sinaktan ka niya",
"nawawalan ka na ng pag-asa,"

at kung nararamdaman mong "you're all alone"
Dahil siya/sila yung nagpapastable ng venn mo.
Nandiyan lang siya/sila. Magpakailanman.

. . .

ikaw, sinong nasa intersection mo?


***

PS. miss na kita.

Saturday, May 30, 2009

ON HUGGING

I'm applying deep pressure here to relax your sympathetic nervous system. It'll decrease your metabolic rate. You'll try to resist it but eventually you will feel your pulse rate slow. You'll breath will come easier.

Cows are squeezed tightly in the shoot before they are slaughtered. The shoot applies intense pressure to decrease pulse rate, metabolic rate, and muscle tone. It calms them down. The same principles apply to me--a hugging machine is used to relax the sympathetic nervous system. It slows the heart.

- grey's anatomy s5e14

PAGSUSULAT AT SWINE FLU

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang Coordinator's Message. Pero kailangan ko na itong gawin. Kailangan ko nang gumawa ng tatlong messages para sa Ateneo/Entablado community, at may isang proposal pa akong kailangang gawin.

Haaay... Hindi ito stressful. Kailangan ko lang siguro ng inspiration pa para makagawa ng isang magandang/motivating essay.

Nakakalungkot dahil mapo-postpone ang ORSEM ngayong taon--dahil na rin sa takot ng administrasyong kumalat ang Swine Flu A(H1N1) virus. Ito pa naman sana ang hardcore year ko sa pagiging TNT, pero 'yon, mauuna ang pasukan kaysa sa ORSEM. Mabuti na ito kaysa baguhin pa nila ang petsa ng pasukan. Naku, talagang masisira ang mga kalendaryo ng lahat ng mga organisasyon kung gagawing late ang petsa ng pasukan. Pero talagang magbabago kami ng scheduling kapag tinapat ng ORCOM ang ORSEM sa unang linggo ng July. Naku, shows pa naman namin 'yon! Ayoko namang maapektuhan kami noh! BORLOG pa ng July 4! NAKU!

Bakit naman kasi nagkaroon pa ng Swine Flu. Last year, sinasabi pa namin ni Chicki sa Biochem prof namin na hindi pa nagkakaroon ng transmission ang "avian" flu sa tao. Ayun, after a year eto na--kalat na ang swine flu. Dala ba ito ng globalization? Dahil sa mga kinakain natin? Ano na naman kaya ang nag-mutate ano?

Haay. So much for just updating my blog. Ang waley kong magsulat nowadays.

---

Oo, binago ko ang template ng blog. Para maiba naman. Senior na ako eh. Hopefully, I'll enter a very very good medical school by next year.

---

Student. Daughter. Coordinator. Actor. Director. Friend.

Lord, help me.

Wednesday, May 20, 2009

REALITY

so many things to do,
with so little time.

God have mercy.

Sunday, May 10, 2009

PROCRASTINATION

grabe ang dami kong ginagawa sana kayanin ko pa. grabe.

Tuesday, April 28, 2009

APRIL 28, 2009

bente na ako.

sana may magandang mangyari mamaya. but then again, don't expect a lot of things danica.

salamat Lord sa isa pang taon. I'll live this to the fullest.

Saturday, April 25, 2009

TATLONG ARAW NA LANG

At magtu-twenty na ako.

Shux, ang bilis nga naman talaga ng panahon. Approximately 11-12 years na lang, lagpas na yung edad ko sa kalendaryo.

Sana naman matupad 'yung wish ko. Ang hirap nang di nag-eexpect ng mga regalo/surprises lalo na noong nakita ko 'yung mga kapwa ko celebrants ng April na binibigyan ng surprise. Ay basta, di na lang ako aasa para walang expectations.

Magkakaroon ba ako ng surprise? If ever meron, cake lang ba ang ibibigay sa akin? Ewan. Ako kasi napaka-radical kong mag-isip ng mga surprises para sa ibang tao, pero minsan ayokong gawin sa akin yung mga ginagawa kong surprise para sa iba--like hello, parang walang marka ng originality na kung gagawin na yun sa akin eh nagawa ko na nga sa iba diba? Ay ang labo!

Anyway, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa isa na namang tagumpay. Maraming salamat Lord dahil hindi niyo talaga ako pinapabayaan.

- - -

APRIL 14, 2009 --- Naramdaman ko na rin yung panahong parang gusto ko na lang tumalon mula sa taas ng building--yung tipong panahon na parang gusto kong takasan yung lahat ng mga hinaharap ko just to end that enormous feeling of incapability as insecurities continue to build up in me as I try to hide all these feelings from others. I try to be strong, PERO ANG HIRAP! I like to show that I'm exhausted and incapacitated, but I must be strong for them.

Sabi sa amin sa Philo dapat yung pundamental na opsyon ng tao ay di dapat nakakabit sa fear--dahil magiging lock lang kami sa isang polarity in all situations. May 4 daw kasing polarities ang tao: Anger, Fear, Strength, at Love. Kapag naka-lock sa Anger polarity ang tao, galit lang siya lagi, inuuna ang galit sa lahat ng mga bagay. The same goes for Fear, Strength, and Love. Pinakadelikado raw ang Love polarity dahil nagkakaroon ng tendency ang tao na magbigay na lang ng magbigay--tipong mga martyr na wala naman talagang natatamo. May tendency na maabuso ng ibang tao.

Sa kabilang banda, sinabi ng Philo prof ko na mas mabuti kung ang pundamental na opsyon ng tao ay nakabatay sa Love--dahil nakakapag-adjust ang tao sa iba't ibang polarity DEPENDING on the situation that s/he is in.

In line with what I stated earlier --- na kailangan kong maging strong for them, nagiging lock ba ako sa fundamental option of fear kaya doon ako sa stregth polarity? Naku ang delikado naman noon. Pero di ko rin kayang magpakita ng vulnerability kasi ako yung magsisilbing pillar nila. Kapag nilet-go ko ang firm grip ko roon, naku, baka gumuho yung ginawa ng mga kasama ko for the past 27 years. Hay naku. Ang hirap namang mapaliwanag -- mapaliwanag man ito sa ibang tao o mismo sa sarili ko. Nalilito na rin kasi ako eh. Basta sa ngayon, FOCUS lang at TIWALA sa sarili! Kakayanin ko ito!

Situational Leadership. Yes. Go Sir Chris! Maraming salamat sa lahat nang mga naghanda ng formsem. Dahil dito'y ang dami kong natutunan na maaaring gamitin sa aking paglalakbay. Patatawirin ko sila hanggang sa kabilang dulo (o kahit higit pa) ng football field. Yeah!

- - -

You're so full of dreams, Danica. Sana di ka mag-break.

- - -

Yet may tendency ka pa ring mag-break/pumutok. Ibsan mo na ang galit. Lalo na ngayon na kinakailangan mo na talagang ibsan 'yon. Makakasakit ka pa lalo ng kapwa mo, sige ka!

- - -

It is good as done!

Tuesday, March 31, 2009

RANDOM

nagkakaroon ng mga panahon na di ko na alam kung ano ang gagawin ko.
sana tulungan mo ako Lord para di ako maligaw sa landas ko.
haay buhay.

SUNDAY

is THE day.

+++

COA formsem tomorrow until friday.
ENTA plevsem on Apr12-15.
NMAT. SUNDAY.

+++

LORD, HELP ME.

Sunday, March 8, 2009

PAALAM

Ang tagal na rin ng panahon noong huli akong humagulhol nang matindi sa harap ng maraming tao.

Entaseniors, sobrang mamimiss ko kayo.

Wednesday, February 18, 2009

LAPTOP.

At 'yon na nga. Ipinadala ko ang aking laptop sa Davao last Monday.

Eh hello... nasira kasi ang laptop ko that fateful morning ng January 17. At wow na wow, noong Monday ko lang nadala sa PC express para macheck na rin. Eh sira na pala yung hard disk ko. Kailangan palitan. Naku... around 3thou din yon.

Eh wala akong installer ng OS at ng MS Office. So sabi nila na bumili na lang daw ako ng licensed. So ayon, pinacalculate ko. Naku! 10,650php ang gagastusin without the labor ha!

Kaya ayun, sabi ni Dad, ipadala ko na lang daw sa Davao yung laptop.

Sana bumalik na yung laptop ko in good condition. Or if ever, sana bilhan na rin ako ng bagong laptop (given the fact na kay Mama yung laptop na ginagamit ko). Kasi naman, panel defense na namin sa Wednesday!!! Plus ngayon, gumagawa na ako ng paper for theology regarding the couples' sharing that occurred last Feb8. Plus, may mga philo papers pa akong kailangang gawin.

Basta, KAILANGAN KO NG LAPTOP.

Sana naman dad.... Mapadala niyo na!

Friday, February 13, 2009

PRESENCE IS VERY OVERWHELMING

ewan ko kung bakit pero sa tuwing nagpaparamdam ka nang biglaan sadyang bumibilis yung tibok ng puso ko.

alam mo ang dami kong gustong sabihin sa'yo. di ko maaamin man dati sa sarili ko pero sa totoo lang, di ko inaasahang masisiyahan ako sa piling mo--kasi nga dahil na rin siguro sa impluwensiya ng ibang tao, mga sinasabi ng ibang tao, mga personal debates ko, etc. But then no, nahulog ako at inaamin ko 'yon.

pero ayun, di ko rin alam kung anong eksaktong nangyari kung bakit na naging ganito. basta, nawala na ang mga bagay na binuo natin. ang hirap balikan ang mga nangyari dati lalo nang hinarap tayo ng tila bagyong mga pangyayari sa ating buhay.

naiinis ako dahil ang super idealistic ko. i hate myself kasi sobrang ayokong magkamali sa choices ko. kaya dahil doon, i stopped it already. buti nga nacocontrol ko pa. pero sa mga ginagawa mo lately, shux. di ko na alam kung ano pang magagawa ko.

- - -

ang pangit lang ng blog entry na ito.

di ko feel.

Monday, February 9, 2009

FEB82009

Today, I begin a new life.

- - -

Kasama nito, may nag-snap na. Oo, alam kong kasama ang absence ko sa mga dahilan kung bakit may nag-snap na. Patawad. Hindi ko akalaing hindi ko masasabay ang lahat ng ito mula nang nagsimula ang second semester. Patawad muli. Akala ko kasi kakayanin niyo na nang kayo-kayo na muna, bilang may bagong set ng mga taong pumasok sa grupo at willing na magtaya nang buong-buo.

Alam kong sobrang iniintindi niyo na lang akolagi. Nakakahiya. Oo, nahihiya na ako sa inyo. Hindi ko tuloy alam kung karapatdapat pa akong bumalik muli sa seca117 kada Miyerkules ng hapon. Di ko rin kasi inakala na bubuhusan ako ng sandamakmak na acad works (na group works pa kung tutuusin, na kumakain talaga ng mga oras ko).

Ang dami kong shineshare na ideas, hindi man lang ako nakikibahagi sa pagimplement nito. Patawad. Aminado akong ang dami kong na-miss. Patawad.

Saturday, February 7, 2009

BUTI NA LANG

wow. buti na lang nag-online si aileen. Nakakuha na rin ako ng kopya ng mga requirements for the proposal. At buti na lang nakita ko kung ano pa yung kulang namin. or else magpapasa kami ng proposal na super wala pa masyadong laman.

Thank you Lord for those simple blessings.

Tulungan mo akong tanggalin ang bigat na nararamdaman ko sa aking puso.

Friday, February 6, 2009

PANGIT NG GISING

Ang dami kong nagawang mali ngayong araw.

Sana makabawi ako ng big time.

Sunday, February 1, 2009

HEADQUARTERS

Naku. Di ko na tuloy alam kung papalitan ko ito o hindi. Akala ko kasi wala nang nagbabasa nito. Pero apparently, meron pa pala.

Sa ngayon ito na lang muna siguro:
What you see here, what you do here, what you hear here, when you leave here, leave it here.

Salamat.

Sunday, January 18, 2009

PLATFORM? PLATFORM?!

this isn't just for the sake of running for an org.
all i care about is making a difference for the org--for you, and for myself.

BUKAS NA DAPAT.

BAKIT NAGHAHANG YUNG LAPTOP NA GINAGAMIT KO?
NGAYON PA NA SUPER KAILANGAN KO NA TALAGA GAMITIN YUNG MGA FILES KO.
back-up! back-up!

TAKTEEE!

Saturday, January 10, 2009

CANDIDACY

Alam mo, iniisip ko na kung puwede lang sana, tanggalin na talaga kita sa buhay ko. Pero para yatang imposible 'yon. Di ko naman kayang mag-pretend pero ang dami mo na kasing nasaktan eh. Minamarginalize kita ngayon tulad nang pagmamarginalize mo ng halos lahat ng mga kakilala natin dati. Kaya ako naiinis dahil di kita matanggal sa buhay ko, gustuhin ko man ito.

- - -

At ngayon parang napepressure ako. Gusto kong gawin 'yon dahil alam kong kakayanin ko 'yon. Pero ayoko namang makasakit ng iba. Inilalagay niyo ako sa pedestal mga kaibigan at napakatinding pressure nito para sa akin. Sabi nga ni Mimi kagabi, baka ako lang yung pumipigil sa sarili ko. Nakakaloka ring kasing isipin na ang layo-layo ng bagay na ito sa kurso ko. Sayang. Plus sobrang di ako sigurado kung husto lang yung background ko upang i-engage ko ang sarili ko sa committment na ito. Diyos ko. Ewan ko ba, pero natatakot ako.

As for now, may thesis deadline at philo midterm orals sa monday at accounting long test sa tuesday. Dagdag pa rito ang org works dahil magoopening night na sa January 19! Haaay buhay... Nakakalokang isipin ang lahat ng mga bagay-bagay. Sana naman di ako maloka ano?

- - -

Gusto kong magblog tungkol sa aking 2008. Pero to-follow na lang muna siguro. Priorities. Priorities.