Saturday, December 31, 2005

3 MINUTES NALANG SIGURO... NEW YEAR NA PAGPOST KO NITO

I just saw a rat running from our sofa towards the room.

Shakiks... Magnu-new year na. Tapos, 'yung daga pa ang maggri-greet sa'kin? Ano bang ibig sabihin nito?

At ngayon pa! 45 minutes nalang, magnu-new year na, ngayon pa namin natuklasan na may daga pala rito sa loob ng bahay! PErteh bah oi...

Anyway daga, don't worry. Mamaya lang, makakatikim ka ng RACUMIN.

>>>

I'm awfully in a bad mood today.

The moment I woke up, I never noticed the sun shining. All I know is that sumisigaw at nagyayawyaw na si Mare na bumangon na ako kasi sobra na raw ang tangkad ko. Pati si Pare nakisali pa sa gulo. 'Yung ibang tao raw kasi gising na ng mga ala-sais pa at naglilinis na ng bakuran, at magluluto pa ng almusal. Buti pa raw ako, gigising na may nakahain nang pagkain. Pinaghihintay ko pa raw 'yung pagkain.

Perteh bah! Hindi ba nila naiintindihan na KULANG ako sa tulog kagabi kasi naman dahil sa buwisit na lamanlupa na nagbago ng password ko sa ym!

Perteh. Pero, ano bang magagawa ko eh, nakakatanda sila. Galang lang, kung pwede. Pero naman noh, nung bumaba ako, eh nagluluto pa pala sila. Perteh.

AT AYUN... Sinimulan ko ang araw ng may kunot sa noo. At hanggang ngayon, may kunot parin.

Medyo bad trip kasi ngayong araw. Ayoko nang sabihin pa ang ilang mga details. AYOKo nang balikan pa.

Magnu-new year na. Ano ba, Pasia? Smile naman diyan.

>>>

This year started with a loss, and then followed by a major loss, then again another loss, and another major loss, and then another loss, and then, thank God, minor losses nalang ang mga sumunod.

I can still remember last January 1, 2005. Ninang Jing called here in the house. Alangan, always naman din siguro, ewan ko lang mamaya kung tatawag ulit. Nag-greet siya ng HAPPY NEW YEAR sa'amin. OK na sana ano? Pero, sinundan 'yung "happy new year" niya ng "Nagsuicide 'yung kapitbahay namin..." Grabeh, first thing na nabalitaan ko nung new year is 'yung pagkamatay ng kapitbahay ng ninang ko. Aguy... Death na agad 'yung nangyari. Pero, hindi naman namin masyadong pinansin 'yon eh.

After one week, namatay 'yung lola ko sa Leyte. 'Yung nanay ni Mare, si Restituta (Tootsie). Ineexpect naman talaga ng family na mamamatay siya, pero hindi namin ineexpect na that day mamamatay siya. Dyahe! Nasa party pa ako nun ng pinsan kong si Trisha nung nabalitaan ko na namatay ang lola ko.

Nung Feb, wala naman masyadong nawala. Basta alam ko, pangit ang mga results ng Achievement tests ko. Yakidoods. Pero, doon namin nalaman na may cancer of the liver na pala 'yung lolo ko. Tatay ni Pare, si Papalo.

March. Namatay 'yung isa ko pang lolo, asawa ng kapatid ni Papalo. Grabeh bah. Ano ba 'to? March na! PErteh.

April. Ito sana 'yung buwan na pinakamasaya para sa'kin. Alangan, 'yun kasi 'yung buwan ng kaarawan ko. Pero, dyahe, nag-internship kasi kami. Takakainis 'yung isang supervisor ng BFAR eh. Loida ang pangalan niya. Basta, nakakainis siya. Pero ito talaga 'yung pinakagrabeh. Biglang na-confine sa ospital si Papalo. At doon nagsimula 'yung mga moments na akala ko mawawala na siya ng todo sa'aming piling. Ilang beses akong nagdasal na sana maabutan pa ni Papalo 'yung birthday ko, April 28. Pero, hindi Siya nakinig. Noong April 26, ayun, sumama na si Papalo sa Diyos.

May. Napansin ko na parang nagiging monthly requirement na 'yung may namamatay sa family namin. Pero, nung May, thank God, walang namatay.

June. Namatay 'yung isa ko pang lola, lola yata 'yun ni Pare. Basta, another loss na naman. Iyakan na naman, as usual.

July HANGGANG December. So far, thank you Lord kasi wala ka na munang kinuha sa pamilya ko. We've lost a good number of loved-ones already. Alam na siguro ni Lord na masyado nang masakit kung may kukunin pa siya.

But then again, I just realized that I was always sitting on the conked-out side of the bench. I never even tried to scoot near the better side. I was being too pessimistic.

Shucks man. Kahit na sobrang dami ng mga nawala sa buhay ko/namin, perteh. Ang Diyos talaga, ang wais. All those losses, those i-can't-live-anymore moments, and all those occasional crying times were, in fact, blessings in disguise.

For six months our family had gone through a great deal of suffering, sacrifices, and terrible losses. And within those six months, I felt that our family became stronger, warmer, and more committed with each other. Those six months were the times wherein we learned a lot of things in life and death. Those were the times that we learned that we still have each other no matter what happens in the family.

Nung mga panahon din na 'yon, narealize ko kung sino nga talaga 'yung mga tunay kong kapamilya. 'Yung walang pinipili kung sinong tutulungan, 'yung totoo, 'yung hindi plastik. Minsan kasi ang perception ko sa mga ibang relatives ko eh 'yung medyo materialistic, avaricious. 'Yung mga tipong lumalapit lang sa'yo kung may pera ka o kung may bagay kang ganito... Alam mo 'yun? Basta, I don't need to elaborate on that matter. I don't want to hurt other people's feelings.

Iba ang pasko/bagong taon ngayon sa family namin. Ang daming kulang. Parang gusto mong maging masaya, pero hindi mo naiiwasan 'yung katotohanan na wala na pala sila sa piling mo?

Nakakamiss...

Perteh. Ba't ako nagda-drama? Ayoko na. Tama na muna itong drama ko. Naririnig ko na 'yung torotot ni Cj sa taas. Kagagaling ko lang sa simbahan. Ayoko na 'yung ala-libakera 'yung dating ko ngayong bagong taon.

HALA! MAGSIKAIN TAYONG LAHAT! MAGCELEBRATE! MAGTOROTOT TAYONG LAHAAAAT!!!

MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!

>>>

Sa mga nagtetext sa akin, salamat sa mga greetings ninyo. Sorry ha. Wala akong load, 'di na muna ako makakatext sa inyo.

Ang dami ko nang hindi natext kay Anj. Sorry Anj ha! Happy new year nalang!

>>>

Magpopost ulit ako ng christmas/new year post. 'yung may kasama nang mga pictures.

Mga solid readers ko sa KIKO'S DEAR DOCTOR LOVE, sorry kasi hindi muna ako makakapag-update. I'll try sa January 2.

>>>

SALAMAT SA LAHAT NG MGA TAONG TUMULONG SA'KING MAGING MASAYA NGAYONG TAON. MAHAL KO KAYONG LAHAT!

>>>

THIS IS A NEW YEAR... THUS, A NEW BEGINNING.

Friday, December 30, 2005

SINUSUMPA KITA

kung sino ka man, ibalik mo sakin ang password ko sa yahoo mail.

ikaw. hindi ko talaga ineexpect na kukunin mo ang password ko. hindi ko ineexpect na babaguhin mo pati personal information ko.

perteh ka. sinusumpa kita.


alam ko, alam mo, na madali lang makuha yung password ko sa yahoo mail. pero, pagka naman. binago mo na nga yung password ko, binago mo pa yung personal info ko.

now, i could NEVER retrieve my password/the password that you "made" in my yahoo mail.

wala kang hiya.

pano ko nalaman, HA?
nagonline ako gamit ang ym ni mama, cppasia59. as usual, invi mode ako. perteh ka talaga ano? nagonline ka bigla USING MY OWN YM ID! PERTEH KA!!!

bago matapos 'tong year na ito, kung hindi mo pa ibabalik sa dati ang yahoo mail ko, patay ka sa mga kaibigan ko. MAY IDEA NA AKO KUNG SINO KA.

naglolokohan ba tayo? perteh ka.

kailangan ko ang ym/yahoo mail ko para sa college application forms ko. wag mo namang sirain ang future ko.

>>>AFTER 30 MINUTES<<<

GOSHES. SALAMAT LORD GOD!

buti nalang mababait at talented ang mga kaibigan ko. tinulungan nila akong maretrieve yung password ko. salamat RENZ! You're the MAN!

at sa'yo, hacker kang sosi. may info ka ba na nasend sa crushcalculator.com na ayaw mong ipaalam sa'kin? waaah ka.

perteh ka. 'wag ka na kasi.

you're just getting jelly!

PERTEH.

at least, now, I have a new password and contact information. safe na ang yahoo mail ko.

ASA KA PA! PERRTEH!

Saturday, December 24, 2005

MALIGAYANG PASKO!

Perteh, Pasko na nga!

Ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang 'yung Christmas 2004 eh. Perteh! Hindi pa nga ako nakakapanood ng Harry Potter 4! PERRTEH talagaaa!

Kagagaling lang namin nina Mare at Pare para bumili ng mga regalo para sa mga pinsan ko. Perteh. Ang gaganda ng mga binili nila. Perteh talaga. Tapos, 'yun pala wala kaming matatanggap na regalo mula sa kanila!!!--> sabi nila. Parang... unfair, diba?

HOY mga pinsan! Kilala niyo na kung sino kayo! MGA regalo ko ha! perrteh!

Pero, sabi nga ni Pare, "it's better to give than to receive..." Kaya nga ngayon, ay, sige nalang. At least, alam kong magdadala sila ng baked mac bukas ng gabi dito sa bahay. Sana lang nga, kumpleto ang recado, gaya ng ginawa namin sa food chem, para masarap!

Ang daming tao kanina sa GMall. Graaaabeh! Nagho-holiday rush nga daw, kung baga. Perteh din noH? Sinong nagsasabi na pobre ang mga Pilipino? Sandamakmak ang mga tao ngayon sa mga malls! Sinong purdoy, aber?

Anyway, kanina pala, pinagsamantalahan ko na 'yung moment na makabili ng regalo para kay Pare at kay Mare. Perteh kasi. Grabeh sila kung magparinig. "Grabeh ka naman bumili ng mga regalo para sa mga kaibigan mo, nak..." "Ako, gusto ko ng ganito..." "Ay, ok na sa'kin 'yung pagmamahal..." "H'wag pagkain kasi baka may cholesterol..."

Perteh, eh di bumili na nga ako ng mga pangregalo sa kanila. Hindi mamahalin. It's the thought that counts naman eh. Waaah... Kapos ako ngayon ng pera. Ewan ko bakit.

For the past few days, ayun, dito ako sa bahay kasama si CJ. Minsan nasa office ni Pare. Naku talaga noh. Halos everyday, nanonood kami ni CJ ng mga Disney na movies. As in, inisa-isa namin ang lahat ng mga fairytales na perteh na mga movies. Hanggang ngayon, perteh, napapaiyak parin ako sa The Lion King. Nakuuu... perteh talaga.

Mamayang mga 9pm, magsisimba kami sa St. Paul's parish. Doon kasi kami usually nagsisimba every Christmas eve. Lingaw kasi nakikita ko 'yung mga classmates ko dati, batchmates, zhuzhu... May mga narerealize ako like, "ay, tangkad na niya ah..." "si ano pala, tumaba?" "oi, payat na si ano..." "ay, ganun parin mukha niya" "oi, ang pogi..." Kaya nga gusto ko ring magsimba dun eh, para lingaw.

Mamaya, magluluto ako ng Carbonara. Ngayon, lalagyan ko ng salt para magkalasa, at cream of mushroom para mas masarap.

Karaming mga gifts under the Christmas tree. Saan kaya 'yung sa'kin doon?

Sa kasalukuyan, may ipinagagawa ako kay Mara, my seatmate. Lingaw kasi, ang galing niya sa photoshop, so matutulungan talaga niya ako sa aking plano. Harharhar... Basta, malalaman niyo lang kung ano 'yun sa susunod na.

'Yun nalang siguro muna. Oo nga pala... MERRY CHRISTMAS MGA TAO!

PERRTEH!

ANO BA?

Perteh.

Nandito ako sa office ni Pare ngayon.

Dec. 24, 2005 na! Mamayang hatinggabi, CHRISTMAS NA!

Mamaya nalang ako magpopost ng maayos.

Ang ganda ko talaga... Char.

Sige, ito nalang:

Magbasa kayo ng Kiko's Dear Doctor Love. May chapter 1, chapter 2, at chapter 3 na!

Sige, alis na ako. Mamaya nalang!

Merry Christmas!

Saturday, December 17, 2005

ANO NGA BANG NANGYARI?

Naku... Sasabihin ko ito, graBEH! SOBRANG BUSY KO TALAGA!!! GRAAAABEHHH!

Perteh na nga kung perteh!

Buti bakasyon na ngayon. Pero, inaatupag ko parin ang mga application forms.

Ano nga bang nangyari the past few days/weeks? Eto, bibigyan ko kayo ng overview:

>>>

The best talaga ang foodchem. Si Mam Papasin kasi, nagplano-plano na magpaparty daw kami. Kaya ganun, nagluto kami ng iba't-ibang putahe: Embutido, Fudge Brownies, Carbonara, Lasagna, at Baked Spaghetti. Grabeh ang preparation... TATLONG ARAW! Tapos, halos 10 minutes lang namin kinain ang lahat-lahat! Nakuu... Ang busog ko talaga nung araw na 'yon. 2:30-4:10pm, kumain kami. Tapos, nung 4:10, nagChristmas party pa kami sa SG! Naku, eh di, doble busog na ako. Hindi nga ako kumain ng sobra sa SG party. Hindi pa ako nakapagdinner... Oo nga pala! Bago ko makalimutan, nagpapasalamat ako kay Emmae! SALAMAT TALAGA SA GIFT MO! PINASAYA MO AKO NG TODO!!!

foodchem party!
Eto nga pala 'yung party namin sa FoodChem. Nasa ChemLab kami niyan.

>>>

Regional Sci/Math quiz/fair, sci-dama comp, and Intel-Philippine Science Fair.

Haaay nakuu... Luckily, nakasama ako sa event na 'yan. Pumunta kami sa Digos last Dec.9-11, 2005. Kasama ko 4 na 1st yr, 4 na 2nd yr, 4 na 3rd yr, sina Rae, Hadi, Miggy, Nil, Roxie, Kamee, MamaPEH, Jei, at Ces, 6-7 teachers/coaches. Grabeh, first time ko 'tong makasali at makasama ang mga taong ito sa contest. Kuyaw... Sosyal na ang dating ni Pasia... Nakakapag-Intel na!

Salamat sa Diyos at nakasali kami dyan. 6 kaming research, para sa Intel. Nakuuu... Ang saya makasama ang mga taong 'yon. Marami rin akong nalaman na mga sikreto ng mga tao. Mga stories ni Glenn Monleon. Nakadiscover din ako ng mga pogi. Nagkaroon ako ng bagong experience.

Saturday 'yung contest namin. Perteh kasi naman, kailangan naming magsemi-formal para raw hindi makilala 'yung school namin. Perteh. Mas nagmukang teacher ako kesa sa aming coach. Perteh! Tapos, bilib din ako sa aming napakalaking display board na pinaghirapan naming puntahan at ipagawa sa MindsView. Nakuu... Nagpapasalamat nga pala ako sa MindsView, kahit hindi masyadong maganda 'yung services niyo, ok lang kasi pinaganda niyo ang mga display board ng dalawang teams.

Nakakainis ang mga taong kumokopya ng mga abstracts namin. Nakakainis. PErteh.

LiFe Science category kami. Sina Mamapeh, Nerdy, at Kamee ay Physical Science. Lingaw kasi nauna ang physical science, tapos, pasok sa science congress sina nerdy. Kapag pasok ka kasi, siguradong panalo ka na. Sa amin, nagkaroon ng thrill. Perteh. Sabi kasi ng mga organizer, meron na silang unanimous na winner. Dalawa nalang ang tatawagin nila for congress para sa mga questions. Nakuu.. That time, si Cecile 'yung kasama ko. Grabeh ang kaba.. Tapos, bigla nalang... WALA. Hindi kami tinawag. PERTEH!

So, that left us there thinking about what will happen the next day. Panalo ba o talo? Shucks man...

Bad trip din para sa mga quizzers... DINAYA BA KAMI sa math at science quiz! PERTEH! Mga walang MODO!

At nung gabi na talaga, kinuwentuhan kami ni GLENN Monleon ng iba't-ibang stories... At nanood pa kami ng the BIG night ng PBB. COngrats nga pala kay Nene, I'm so proud of you!

So, Sunday na... Sa tingin ko pinicturan ako nina Jeijei habang natutulog ako. I can feel it. Tapos ayun, nagkandarapa kami maligo kasi baka malate si Sir Angel sa kanyang flight. Sosi kasi itong si Sir Angel. Pa mayni-Maynila na siya. At pumunta na kami dun sa venue.

Haaay nakuu.. paghintayin ba kami ng matagal, tapos ipopostpone lang pala 'yung awarding?! Eh di 'yun, nagnet cafe muna kami. Kaya nga nakapagpost ako dati eh. Doon din mismo sa inet cafe na 'yun nagblossom ang "pagmamahalan" nina Baula at Cecile.

At bumalik din kami sa venue pagkatapos kumain ng beefsteak sa Jollibee. Ayun, awarding. Buti nalang, kahit dinaya kami ng iba't ibang mga divisions, naku, panalo parin. I'm so proud of you schoolmates! Saludo ako sa inyo.

Napakatagal ng announcement ng winners para sa Intel. Nakuuu... feeling ko lalabas na 'yung solid waste ko sa pwet ko sa sobrang kaba. As in, ang init pa talaga!

After almost two hours, ayun, nagannounce na nga ng winners. Life Science Category muna. Eh di, kabang kaba na kami. Binanggit na yung 3rd place, tapos yung second place... Lalabas na siguro 'yung solid waste ko As in...

Sinabi nung tig-announce: "For the champion ob clAsteRR tooo, layF SAyans Cutegury... Prawjekt LiderR, Kris Gym DanNNiKA..."

WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA!!!

aS IN, SHAGGET TO THE MAX NA KAMI! TUMAYO AT TUMALUN-TALON!

Wala na akong CARE kung imispronounce pa nila ang pangalan ko, basta't panalo kami! WoOOOhooOWOO! As in... Hindi ko 'yun ineexpect. Sobra-sobra na ang ibinigay ni God sa'kin. Sobra... Salamat talaga LORD!

AFter nun, Physical Science na naman... 3rd sina MamaPEH! WoOoOOOHHOOOoooO!!!

AT After nun, bumalik na kami sa Davao.

Grabeh... Sobra ang pasasalamat ko sa Diyos... As in, hindi ko talaga 'yun inakala. Ang bait ni LORD! YEAHHH! Salamat Mahal Na AMA!

Yeah! "We're going NAtional," ika nga ni Dejarme.

Sana gabayan ulit kami ng Panginoon...

participants
Eto ang pic naming lahat. Si Mam Palicte ang kumuha niyan.

>>>

After nun, Exams na... Buti binigyan kami ng oras para makapag-aral. Haahaaay... At 'yun nagtake kami ng exams.

After the exams, nag christmas party. Hehehe. Salamat Miggy sa Les Miserables. Sa the FORCE...Salamat sa mga regalo. Ang senti mo KAYBO!

IZy, MARIAN, RANIEL, at MITZI... Utang NIYO SA'KIN!!!

Nag semi-batcholympics kami. Pero ang totoong laban na talaga ay sa March pa. Kaya, maghanda kayong lahat!

After that, hindi pa ako nakapaglunch kasi nag-rap pa kami ni Yan at ni JoanE. Bilib talaga ako kay JoanE... Ang galing gumawa ng rap. Sistahs talaga kami. Kaso lang nga kulang kami. Paos si Anj, nagliwaliw kasi kasama si Marl nang nakaraang gabi sa Christmas party ng DOrm.

Parents Day Celebration. Nagsenti moment kami ni Pare sa stage ng Pisay. Nagexchange kami ng mga letters. Nakakaaliw makita ang mga taong (magulang) umiiyak habang nagsasalita ka. Kung baga'y nata-touch pala sila sa mga sinasabi mo. Perteh... Kitang kita ko 'yung si Mareng umiiyak habang hawak-hawak 'yung cellphone niya para mag-video. Waaaah ka talaga Mare, mahal talaga kita. Cool lang si Pare sa stage, first time niya kasi gumanun sa Pisay. Pinipigil ko lang ang mga luha ko that time. Kasi naman, nakakahiya kung iiyak ako dun noH! perteh!

After that, nagtake ako ng Math exam. Naku, grabeh ang tawa ni Mam Eggy... Super, parang ala-witch.. Harharharh...

At umuwi narin ako sa bahay...

The next day, inatupag ko 'yung mga application forms ko... Hanggang ngayon, 'yun parin ang inaatupag ko...

>>>

Napaka-busy ko talaga ano? Pero, grabeh... Kahit ganun ako, ang ganda ganda ko parin... Char.

NATUKLASAN KO LANG HA...

Ang ganda ko pala sa piling ng aking mga kaibigan...

mga gwapa



kboyananjdan


Wow... Ganda...


>>>
mamapeh,ako,jei,kamee,cex,roxie
Mga Sleeping Beauties

I'M BACK WITH A PIECE

Ang busy ng buhay ko. Kitams? Ngayon lang ako nakapag-update ulit. Nakuuu..

Last November 18, nakasali ako sa finals ng DCWD cityewide oratorical contest.

Perteh nalang... Kasi naman, nakalimutan ko 'yung last word na binanggit ko, tapos ayun... blank.

Perteh... sayang... Eh di, walang award... Consolation lang.

Nung papababa na ako ng stage, inapproach ako nung timekeeper at sinabing, "CONGRATS! iKAW ang 4TH!"

Nah. PERRRTEH!

Ewan... Basta, parang ang saya ng feeling, tapos parang ang lungkot. Oo, 4th nga ako. Nagpapasalamat ako dun. Pero naman, perteh, 4th pa talaga. Isa nalang, magkakamedal na. Nagkamali kasi ako sa huli-->sa HULI pa talaga! Nakuuu...

Tapos, nung lumabas na ako sa venue ng contest, inapproach na naman ako ng isang babae, "congRATS! did you know that you were the 4th?!"

As in... hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko. Parang ang sayang... parang ang saya na nakakalungkot... Haaay.

Pero kahit ganun, proud na proud parin 'yung mga sumusuporta sa'kin. Salamat kay Mare at Pare. Kay coach na si mam faith. Kay Ciara. Sa THE FORCE. Sa Neutron. Sa BATCH 2k6... Sa schoolmates. Sa teachers. Sa PISAy... Salamat sa inyong lahat. Lampas-langit ang pasasalamat ko sa inyo.

>>>

At ito ang award-winning piece (waaahhahahahah):

WATER FOR YOU AND ME: HOW FAR CAN WE GO?

Water is for you, water is for me. You need water, I do too. But how dare we use it and not protect it? How dare we depend on it and not preserve it? How dare we kill the very thing that gives us life?

Water, H2O if you prefer, is the very entity that makes the world go round. It is the one that enables natural processes to occur, like evaporation to cloud the sun on a hot day, rain to quench the plants, substance to rejuvenate the human body, molecule to neutralize the toxins. However, this is not all. Water does far more than these.

Water is life. While people can survive without food for weeks, it is impossible for us to survive more than a week without water. The survival of every living thing in nature relies on water. Water is the binding agent of the world. Tell me, how did we come in contact with the world before? Wasn't it through travel in water? Tell me, of all the things that we ingest throughout the world, what is the most essential thing that we put into our mouths? Isn't it water? Tell me, what is the medium that connects our different islands? Water, right? And lastly, tell me what we use to make sandcastles to gladden up our childish hearts? Yes, it's water. Water is a universal matter. Water is the one that connects all the sands of the world; be it black, white or brown, to make a castle of aspirations, of hopes, of success. Dreamy, isn't it? But a quick step from reality crashes you directly back to our world.

Why? What is our water situation? The United Nations Population Fund predicts that by the year 2025, two-thirds of the world's population of 6.5 billion people will suffer from shortages of fresh water for drinking. In a recent report by the Washington based World Resource Institute, the world's thirst for water is likely to become one of the most pressing issues of the twenty-first century. More than that, our country is now facing a looming disaster of water crisis. The International Institute of Rural Reconstruction confirmed that there is a water crisis in the Philippines, "one of the wettest countries in Southeast Asia." The water dilemma, therefore, lies not in supply but in water distribution and sanitation.

It's just that some of our countrymen do not have access to water, be it safe or not. Water exigency is more apparent in Manila where ten million people live. For most of them, sallying after water everyday has been their agony for years. Why? First, they cannot afford water. Second, they cannot trust the cleanliness of our rivers and streams. Just look at the Pasig river for example. No one would even dare to take a plunge in it because the water's too dark, and too dirty for one's consumption.

Going further down the microscope, we come to our very own city, Davao. The city whose citizens are blessed with safe, clean, and abundant waters. So safe, that we tend to take it for granted, so clean that we abuse it, so abundant that we waste it, so blessed that we neglect the future generations.

However, a study by the Japan International Cooperation Agency showed that by the year 2015, Davao City will be 28% short of water supply. OUr city is clearly awaiting an impending doom, one that the nation's capital is now experiencing. Now, where will that leave us?

Then here comes the matter of banana and pineapple plantations. These ecologically disatrous activities contaminate our water reserves. In Davao, where many lands are converted to banana and pineapple plantations, fertilizer residues from these plantations are drained to the rivers. This may eventually cause a lethal effect called euthrophication or excessive algae formation killing the living organisms in the water, and thus triggering the release of toxins in the water. Again, the imperious question, what will happen to us?

YES! These are major problems. It is not our depleting water resources, it is not our polluted waters, it is not our limited water access. But it is indeed about our negligence, our overconfidence, our ingraitude. But all is not lost--no, not yet.

Water is and never will be solely a problem of the government. "I have far better things to do, I have problems of my own, let the government handle it." No. It is a problem that concerns us all. All of us utilize it. All of us benefit from it. All of us are consumers of water.

We are the youth. We are the future of this country and we will not fail it. Though our capabilities be limited, though our scope and influence is not vast, but little by little, we will pave the way for the future of our waters. How? Three E's: Empathy, Enthusiasm, and Execution. Feel for the water. Feel fot the future. Feel the need and think, "Can I bear the thought of having polluted water in the future? Will I allow this to continue? What can I do?" Have we thought or did we even care about it? If we did, have we shown enthusiasm or were we responsible enough to prevent the worst from happening? What could have hindered us from doing so?

The name of the hindrance is passivity, indolence. A small but relevant first step is needed for the transition of principle to action. It is not enough to be aware. To translate our awareness into action is a major leap.

We shall let that passion compel us to act. Let us join organizations whose aim is to protect our water reserves. Campaign for water conservationa and protection in school, at home, wherever you are! Each one of us can do it. We can do it. All of us can do it.

If the youth can do it, how much more the leaders of this country? Of course they can, and they must. Saving the waters is a concerted effort. No person can do it alone. Therefore, all should act, starting from the highest authority to the lowest sectors of society. They can pass bills for the preservation of our waters and strictly implement it among the citizens. They should conduct information campaigns to help people realize what they can do, and explore possible preventive and curative measures to save our waters for tomorrow, for today.

In other words, you, me, all of us must act and altogether become heroes. So tell me dear audience, how far are we willing to go? As I take it, our presence here shows that we understand the urgency to actively involve ourselves in saving our water, our resource. Our presence here shows that our waters still have hope, that our country can survive, and that there is still tomorrow, for our water, for our world, for us.

So friends, I leave you with this incitement: how far can we go from here? Well, if we believe that water is life, we need not wait for the time when we see ourselves fighting over a drop of water.

Let us protect life. Let us save water.

Sunday, December 11, 2005

digos

nasa digos ako ngayon... may contest kasi eh..
ang dami namin... sobra... ang dami talaga...

22 students.. 6-7 teachers.

ang dami kong natutunan... mamaya pa ang awarding.

hanggang ngayon, di ko alam kung panalo ba kami o hindi...

perteh.

>>>

HELP US LORD.

>>>

details on my next post...

Wednesday, December 7, 2005

BAGONG DEAR DOCTOR LOVE

May bagong letter sender, si kiko...

Kiko's Dear Doctor Love:

>>>

eto, gusto kong i-share sa inyong lahat. I came across this essay in the net, and I just want to share this to all of you. Kasi naman, alam kong halos lahat "sawi" pagdating sa pag-ibig

Dear Kiko,
(at kasama na rin ang ibang mga "sawi" sa pag-ibig)

Ikaw Kiko... eto ang dapat sa 'yo at SA LAHAT NG MGA TAONG MAY PROBLEMA SA PAG-IBIG!Kailangan niyong maliwanagan.. eto, basahin niyo:
HINDI BA KAYO NATATAKOT???...
as in sa mga bagay-bagay...
hello??...
getz,...
saan pa ba..
kundi sa mga LOVE life issues...
na tipong imbis na maging seryosong usapan...
eh nagiging pang-"TELESERYE" pa ang dating...

don't you know that it's not something to "LAUGH" about...
it involves PEOPLE..
people with feelings...
ang love ay hindi minamadali...
hindi pinipilit..
at lalong hindi kina-career...

IT COMES NATURALLY...

as in magugulat ka na lang isang araw...
magigising na SIYA ang nasa isip mo...
hindi pinilit na isipin ha...
basta NAISIP mo na lang basta...
mapapangiti ka na lang...
at basta na lang gagaan ang pakiramdam mo...
na tipong kahit mukha ka ng tanga...
eh ok lang sayo...
ngiti ka pa rin...

hindi nababase sa tagal ng pinagsamahan...
hindi rin sa dalas ng pagkikita...
hindi rin sa ilang beses na pagkakausap sa phone...
lalung-lalo nang hindi sa dalas ng pagte-text...

may MAGIC kasi yan eh...
magic na hindi naka-cast ng kung sinuman...
MAGIC na matagal na palang nandun...
hindi mo lang namamalayan...

isusugal mo ba yun???...
yung feeling na sobrang wala ka ng hahanapin pang iba???...
papabayaan mo bang masira yun???...

ASA KA PA!!!...

kaya nga eto lang yun eh...
wag na kasi kayong magmadali...

unang-una...

PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA???...
dahil ba natutuwa ka sa kanya???...
o kaya naman naaaliw ka???...
naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya???...
kinikilig ka ba pag nakikita mo siya???...
at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya???...
eh teka muna...
baka naman infatuated ka lang....
o kaya naman kagaya nga ng sagot mo...
BAKA naaaliw ka lang...
dahil kakaiba siya...
may spark na hindi mo maintindihan...
tsk!!!...ang saklap nyan!...

pangalawa...

GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???...
madali ba siyang mapikon???...
pano ba siya mabadtrip???...
madali bang mahalata na may topak siya???...
ano bang suot niya pag nasa bahay siya???..
shorts ba o pantalon???...
nakasando ba siya o naka-t-shirt lang???...
matagal ba siyang maligo???....
kumakain ba siya ng vegetables???...
tamad ba siya???...
mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa ng libro???...
nagpe-play station ba siya???...
tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki???...
makukulit ba yung mga kamag-anak niya???..
green ba ang kulay ng gate ng bahay nila???...
sa village ba siya nakatira???...
may sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila???...
nagsisimba ba siya linggo-linggo???...
kasama ba yung pamilya niya???...
at nagdadasal ba siya bago matulog???...

in short...alam mo na nga ba???...
ang mga bagay-bagay...
ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya...
na nagdedetermine ng sarili niya...

as in kung sino ba talaga SIYA...

pangatlo...

KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN???...
as in TANGGAPIN ng buong-buo...
sa lahat ng trip niya sa buhay...
sa lahat ng katopakan niya...
sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya...
sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya...
sa lahat ng naiisip niya...
sa lahat ng sasabihin niya...
sa kilos niya...
sa pananamit pa pala niya...
sa pagsasalita...
sa pananaw niya sa buhay...
sa pagtrato niya sa tao...
sa lifestyle niya...
sa uri ng pamilyang meron siya...
sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya...
sa style niya pagdating sa love...
sa kasweetan niyang natural...
sa paglalambing niya...
sa tawa niyang pagkalakas-lakas...
sa manners niya...
sa pagmumura niya...
sa bisyo niya kung meron man...
sa mga pang-aasar niya sayo...
sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema...
sa problemang maaari ka ring masama...

pang-apat...

KAYA MO BANG MAGING TOTOO???...
kaya mo bang makita yung sarili mo...
na kasama pa rin siya ha...
sa isang sitwasyong pag naisip mo eh...
mapapaiyak ka na lang sa sakit...
nang dahil din sa kanya???...
kaya mo bang magmukhang tanga...
as in umiyak ng dahil sa kababawan...
ibuhos ang mga nararamdaman mo...
kahit na puro kababawan nga lang naman...
as in kahit sa harapan niya???...
kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya???...
yung tipo bang wala ka ng pakielam...
mawala man ang manners mo...
na wala ka naman talaga...

in short...

KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA???...

yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino katalaga...
dahil alam mong...

HINDI MO LANG SIYA TANGGAP...
TANGGAP KA RIN NIYA...
BUONG-BUO RIN...

MGA TAO!!!...
tama na kasi ang trip...
tama na ang pagmamadali...
oo masarap ngang mainvolve sa isang tao...
pero diba mas masarap yun...

LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNGNARARAMDAMAN MO...

Kitams? kaya maliwanagan na kayo... LALO ka na KIKO!

Lubos na nakikiramay, Dr. Love

>>>

Diba, nakaka-gaan ng feeling? =)

Saturday, December 3, 2005

HULING HIRIT NI MIMI

Pagbigyan niyo na si Mimi... huling hirit na niya ito;

DEAR DOCTOR LOVE PART 5
Basahin, at magpost ng reply! ito ang love story for our generation!
Salamat sa suporta.

Monday, November 14, 2005

HOOOY!

strike ngayon... nakakainis... gusto ko pa naman sanang pumasok.

at dahil wala akong magawa sa buhay, may mga BAGONG pictures na naman akong inupload.

check niyo 'yung album ko sa photobucket... HAGOK MOMENTS AND SIBOL HAPPENINGS 'yung title ng album.

>>>

Pero ito ang prine-prepare ko since OCTOBER... AT LAST!!! na-upload ko na rin LAHAT ng mga TOGA pictures, CASUAL pictures, CLASS pictures, CLUB pictures, at FACULTY/STAFF pictures ng PISAY para sa BIDLISIW 2006!!!

O AYAN, may bagong link na dyan sa mga larawan...

kung gusto niyong makita ang mga pictures, click niyo 'yung link dyan under sa m.g.a..l.a.r.a.w.a.n. OR, you can click this link:


toga pix
available yan lahat sa photobucket ko na album... :D
sige... enjoy!

Sunday, November 6, 2005

Pagmumuni-muni...

Haay naku...

Alam niyo ba ang mga pinaggagagawa ko the past few days? Mga assignments... Mga lab reports na hindi ko naman alam kung anong data... Haaaay naku... Buhay nga naman...

Hanggang ngayon, hindi pa ako tapos sa chem lab ko. Pero, 'yun nalang ang kulang sa lahat ng mga assignments ko. Salamat sa Diyos, at mamaya, makakaraos din ako.

>>>

At ngayon, irereveal ko na ang mga may-ari ng mga smiles before...

o diba?
Mga captured moments nila yan. Except kay Fiona... atat na siguro grumaduate... waaa...

>>>

Anyway, may bagong survey/contest na naman ako. WHO HAS THE MOST BEAUTIFUL EYE?
Mga readers, kung pwede irerequest ko na naman po kayo na bumoto sa napili niyong mata. Walang kaibi-kaibigan ha...

Eto, may prize na ang winner. Ngayon pwedeng magsimula ang botohan.

sino ang may pinakamagandang mata?

Boto kayo sa gray na tagboard. Comments are allowed.

HANGGANG DECEMBER 1 LANG ITO HA.

>>>

O sige, 'yan nalang muna... Tatapusin ko lang ang chem lab.

Hanggang sa muli! Magiging busy ako eh. Sigurado 'yan.

Wednesday, November 2, 2005

DEAR DOCTOR LOVE PART 4

Mga readers, PLease Read


DEAR DOCTOR LOVE PART 4
'yan ang title. Click the link below para mabasa ninyo.


sa SG Forum 'yan. Diyan, ni-reveal ko na kung sino si Mimi.

Tuesday, November 1, 2005

I'M BACK

Haaay salamat. At nakabalik narin ako galing Leyte.

Last Oct. 29 to Nov. 1, pumunta kami sa Leyte para bisitahin ang libingan ng lola ko. Kasama ko ang aking dear Mare. Grabeh ang biyahe. Sa totoo lang, pagod na pagod ako.

Sumakay kami ng eroplano (Cebu Pacific). Ang gagaling magsalita ng mga flight stewardess. Bilib ako! Tapos sumakay kami ng SuperCat. Doon, nagtext ako sa mga smart subscribers dahil wala akong magawa sa buhay. After that, sumakay kami ng bus papuntang Carigara, Leyte. And at last, nakarating narin kami ng Leyte.

OK ang Leyte. Doon lumaki si Mare. Kaya nga buong buhay ko, lumaki ako sa loob ng bahay na may mga nagwawaray. OO, nakakaintindi ako ng Waray. Pero, nahihirapan akong magsalita nito. Of course, may accent pang kailangan para mas effective 'yung pagsasalita ng Waray...

Anyway, 'yon. Nakabisita ako sa grave ng Lola ko. Lingaw.

Sangkatutak din ang mga horror stories ng mga taga-doon. Mga kapre, white lady, at ang multo ng lola ko... Haaay naku...

Pero at last, nakabalik na ako rito sa Davao. MY HOME. :D

>>>

LaST Oct. 26 - 28, pumunta kami saVictoria Plaza para mag Sibol. Kasama ko ang aking researchmates (Jei and Keks), at ang mga Lactopafi peepz (Teacher Roxie, Kamee, at Peh). Tatlong araw kaming nag-astang mga promo girls -- parang 'yung kadalasang nakikitang naka-microphone na nagaadvertise ng mga kutsilyo, turbo tiger, etc. Next time, magpopost ako ng mga pictures ng mga effects ng Sibol sa buhay ng isang tao.

Nakakita kami ng mga pogi... Hehehe...

Pero, nakakalungkot. Hinalo kasi ang LAHAT ng mga categories. As in, high school and college, life science, physical science, at techno... Haaay, if I only knew...

Ang dami ko pa namang na-miss na mga lessons... Especially sa PHYSICS... Waaaah!!!

Mga classmates... TULUNGAN NIYO KAMEH!!!

>>>

English teachers... Haaay...

>>>

Maraming assignments for the alternative classes. Bakit pa kasi may mga assignments?! Haaay... Kulang na nga ako sa tulog at pagod pa dahil sa biyahe, at naka-miss pa ako ng mga lessons...

Panginoon... tulungan mo akoooo!!!

>>>

THE VOTING IS OFF!!! I'm happy to inform all of the readers that we have a WINNER!

COngratulations to Ms. RUTH DYNA GO!!!
nalipay si ruth kasi nanalo the ruth dyna
THE WINNING SMILE
the smile

Congratulations Mean Girl! Akala ko mananalo na si Marian. Heheheh...

For the information of everyone, Smile A is Ciara, B - Fiona, C - Christian, D - Yba, E - Casas, F - Ruth, and the ever-campaingning politician, G - Marian. Ipopost ko mga picture nila next time. :D

the VOTes:

Ciara- 4
Fiona-
Christian-
Yba-
Casas-1
Ruth-10
Marian-8

Thank you for your cooperation!

>>>

May bago akong contest na naman, WHO HAS THE MOST BEAUTIFUL EYES.

Ipopost ko baka sa weekend na. :D

Thank you for your votes!

Monday, October 17, 2005

FUNDADOR...

Today is the 63rd birthday of pisay's dear mother, Mama Rosita V. Fundador.

Grabehh, ang tanda na niya, pero, masasabi mo talagang 'di siya masyadong matanda tingnan. Heh.

Kaya naman, tulad ng mga nangyari noong mga nakaraang taon, nagselebrate kami para maging masaya siya. Moreover, nagselebrate kami para naman wala kaming pasok.

Wow ha. Sa CAT namin, sinayaw nina Jules si Mama Rosita. Kaming 6 girls (Ate reys, jei, haz, sar, cia, at ako) sumayaw habang naka-kalis ng sword. Lingaw. At least, nag-enjoy ang may bertday.

Sunud-sunod ang mga presentations ng iba't ibang year levels. Sa amin naman, mga seniors, eh sumayaw sina Becky ng swing gamit ang kanta na laging pinatutugtog every flag ceremony (...you're just too good to be true, can't take my eyes off you..."). After noon, kami nina ANJ, JOANE, AT MARIAN, ang nagpresent. GRABEH, nag-cram kami to the max. Buti nalang talented mga kasama ko, at kami ay nag-RAP. As in, todo na RAP. Ang audience rin grabeh makacheer sa amin. Ang sarap ng feeling na ang saya-saya ni MAMA ROsita. Char.

After ng aming presentation, nagbeso-beso pa kami kay Mama Rosita. Aba, kilala pala niya ako (as in, my name). Lingaw kasi dati, tawag niya lagi sa akin eh, "PASIA!!!." May pighati pa yatang nakadikit sa pagsasabi niya ng pangalang ito. Pero kanina, "Danica" na. WAAAHHAhaha..

Kinommend nga kami ni Mama Rosita dahil sa Rap namin eh. Waaahahhaha...

Kaya ngayon. eh alas-dos kami pinauwi. At nakapag-blog pa ako.

>>>

Kaya, dahil walang magawa kanina, eh di nagpicture-picture kami. Eto ang mga classmates ko, sina Ruth, Mara, KayBo, at Marian. Dapat sa picture na ito, sinapian sila ng masamang espiritu. Tingnan niyo kung ano ang nangyari:

nasapian ba talaga?
Sa tingin ninyo, nasapian nga ba talaga itong mga babaeng ito?

>>>

Dati ko pa gustong i-develop ang story na ito sa blog. This story is about the crush ng bayan, Cozing behbeh. The title of the story is: COZING GONE WILD.

ETO ANG PART 1:
part 1

ETO ANG PART 2:
part 2

ok ba?

>>>

May bago akong tagboard dyan. Gusto ko sanang sagutin ninyo ang mga tanong ko dito sa blog ko. 'Yung gray na tagboard ang gagamitin kung baga. Eto ang una kong tanong para sa inyong lahat.

guess who by the smile

Sino ba ang may pinakamagandang smile? Paki-post lang ng mga sagot. SALAMAT!

Sunday, October 16, 2005

Ga-insboro, Pro-pro-protista... YEAHH!

Salamat sa Diyos, at nakamit namin ang tagumpay sa scicamp.

Pagkatapos ng lahat ng hirap at pagod, salamat sa DIyos at kami ang nagtagumpay sa huli.

Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng mga civis ng Gainsboro Protista. Thank you for your cooperation. Salamat at ginawa niyong makulay ang aking buhay.

First time ko 'tong manalo sa scicamp... Ang sarap pala ng feeling...

Salamat sa lahat ng tao. SALAMAT, SALAMAT!!!

Pi-pipipo, Pro-pro-protista, Ga-insboro, Pro-pro-protistaPi-pipipo, Pro-pro-protista, Ga-insboro, Pro-pro-protista
Ang aking GAINSBORO PROTISTA
>>>

Eto nga pala ang mga epekto ng SCICAMP sa ibang mga taga-protista:

reyanciaraaubreyamed at reyan

Grabeh talaga ang STRESS...

grabe ha...

>>>

Ang mga taong sobra ang stress:

pamilya

share ko lang. ala-family pic kasi. Sina INday at Dodong ang nanay at tatay.

>>>

Stress... kakapoy ba...

Noong nakaraang linggo, sunud-sunod ang mga events sa pisay. Lunes hanggang Miyerkules, exams namin. Huwebes hanggang Biyernes, Scicamp.

BOSES KO... bumalik ka sa akin!!!

>>>

Kumain kami sa bahay ni Hubs last friday kasi sinelebrate namin ang kaarawan niya. Enjoy. ANG sarap ng pagkain... At muli na naman kaming nagpresent sa THe Force. Rap/Song/Tae-Bo. Lingaw.

Belated ulit HUBS! DAKILA KANG BIG BRODER!!

>>>

Oo nga pala mga tao, nag-upload na ako ng mga bagong pictures sa album ko. Pictures sa scicamp, at revelations (1 at 2). Click niyo lang 'yung link diyan.

Pinagaaralan ko pa ang photoshop. May balak kasi akong mag-post ng isang kontrobersyal na kwento. Komiks-style kung baga.

>>>

BUKAS, haharapin ko na naman ang mga grado ko. Sana ok... Perteh!

Friday, September 23, 2005

Pictures GALORE

USB CABLE... Thank you!

At last, nakapag-upload na naman ako ng mga pix sa album. Check out niyo lang ang "BAGO NA NAMAN" na sub-album ko sa photobucket.

Haay naku. I was sick last Wednesday. Grabe, todo ang sakit ng ulo ko. Eh kasi naman last Tuesday, nagpraktis kami ni Alec ng exhibitions for our dance. Wrong timing pa kasi naman, hindi ako nakadala ng extra shirt. Todo ang pawis ko noH! Perteh.

Sa labas ng school, kumain pa ako ng 2 dirty ice cream. Ang sarap kasi, lasap na lasap ang pagka-creamy ng ice cream. Talong talo ang Magnolia, Selecta, at La Cremeria. Tapos, 5 pesos lang nung Wednesday! Perteh!

Sa jeep, grabeh ang hangin. Eh di, natuyuan pa ako!

Sa bahay, kumain ako ng sangkatutak na santol.

As a result, pagkagising ko sa umaga, akala ko mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.

BUONG Wednesday, feeling ko magkaka-vertigo na naman ako. Hindi nga ako nakakain nor nakapagpicture ng niluto naming Merengge (tama ba?) at Leche Flan sa Food CHem.

I have learned my lesson, too much of something is bad. At dapat always prepared!

Eto nga pala ang MOCHA GLAZE na ginawa namin sa FOOD CHEM

mocha glaze
CERTIFIED MASARAP!

>>>

GUSTO ko maging photographer. 'Yan talaga ang pangarap ko. At ngayon, biniyayaan ako ni PAre ng cellphone na may cam. Kaya, panay ang pagkuha ko ng mga pictures.

Last year, we took up photo journalism in Filipino 3. I remember Sir Sultan saying na "BAWAL/IWASAN ANG MGA FALSE ATTACHMENT CLASS!" 'YAN AY ISANG KASALANAN SA MUNDO NG PHOTO JOURN..."

Ngek... SO, grabe na pala ang mga kasalanan ko sa mundo ng photo journ. Hitik sa mga false attachments ang mga pictures ko, NGAYON. Nakalimutan ko na siguro ang essence ng photo journ... hihihih...

Ano nga ba talaga ang mga FALSE ATTACHMENTS? Eto, tingnan ninyo:

marian with the hair
Dapat hindi ko sinali sa picture 'yung tindera sa likod ni Yan.
sino kaya 'yan?
Kung titingnan ang larawang ito, hindi mo magegets kung sino ba talaga ang pinipicturan ko.
ybZ
Seryoso si Yba. Pero, hindi na kasi sumali si Jobo sa eksena.
oist! wow ha
Kung minsan, sinasadya ko na may false attachment. Pero, shucks. Si Luis lang naman ang gusto kong isali eh. Pero, naki-eksena pa 'yung lalaki.

Kailan pa ba ako matututo? CHeck out my photoalbum in photobucket.com. May link naman ako eh. Tingnan ninyo kung gaano ka ganda MINSAN ang kuha ko sa mga pictures. In fairness, ok ang iba.

Magpopost ako sa SGSMC forum maybe later. Hindi na naman ako makalog-in. AYUSIN MO ANG FORUM CHRISTIAN CHIU! NAGLOLOKO ANG PROBOARDS MO!

>>>

Enjoy ang Soccer. Lalo na ang BASKETBALL!

Tuesday, September 20, 2005

At Nagbabalik...

Heto ako, paos, at super stressed.

ComSci period ngayon. Sinita ng mga tao si KBo dahil sa kakakanta ng Just A Smile ni Barbie. Perteh... Nakakapagod talaga.

On-going ang practical test namin dito sa comlab. Installing Win98.

Panel defense namin mamayang 2:30pm... Sana gabayan kami ng Diyos.

>>>

Tapos na rin ang ACET.

Salamat sa Diyos at nakasagot ako ng maayos (sa tingin ko). Nacover naman ng aming mga lessons ang mga questions sa test.

In fairness, mas madali ang ACET version 2005 compared to ACET version 2004 na tinake ko last January.

Sana lang nga... Sana sana sana nakapasa ako sa course na inapplyan ko.

>>>

Umiinom na ako ng BEROCCA/ BERROCA (nakalimutan ko ang spelling) para makaron ako ng energy for the day.

Goshes, nakakatulog na ako mga 9pm pa lang ng gabi dahil sa sobrang pagod.

Sobra kasi... Research, SciCamp, Physics 3, Math 5, Econ, Food Chem, Physics, Research, MAth, Physics, Physics, Physics, Research, Math, PHYSICS! RESEARCH! MATH!!!

mga perteh.

>>>

TULUNGAN NIYO AKOOOOOO!!!

Saturday, September 3, 2005

Heto Na Naman Ako

Salamat at nakabili na rin ako ng internet card. Perteh... Hindi tuloy ako nakapag-update the past few days!

Pero, happy na happy ako! At last! Na-upload ko na ang mga pictures ng mga TAO! Click niyo lang ang link sa mga larawan na nandyan sa left corner of the blog.

Kalingaw ba tingnan ng mga pictures. May madidiscover kayo kung titingnan ninyo. Bwarharharharharrr...
>>>
Nag-enjoy ako kahapon. At last, nakapag-practice na kami for the Basketball Girls. Naglaro kami with the Juniors. Nakakapagod, pero sobrang enjoy. Tumaas yata ang LDL ko habang naglalaro. Akala ko puputok na mga arteries ko. Perteh...
Sana makapag-practice kami ulit. Enjoy kasi eh.
>>>
At nag-update rin ako sa aking post sa sgsmc. Doctor Love Part 2 na! WAaaahh...
Baka may magagalit... Naku... Sana hindi...
>>>
Busy ako sa pagda-download ng mga songs. Grabeh naman si Anj, dalawang CD pa naman ang ipina-burn. Nagloloko pa naman ang aming computer. Pero, sige lang...
>>>
Eto ang post na may sangkatutak na mga pictures.
May kwento ako... Ano nga ba ang ginagawa ng mga taga-Pisay?
Ang mga taga-Pisay ay:
1.) Marunong mag-text.
nagtetext

2.) High-tech din minsan.
gues who

3.) Magaling sa electronics.
galing... ako lang yata ang 'di marunong

4.) Grabe makatake-down ng mga notes (after classes).
pa-copy ng notes beh

5.) Binibigyan ng importansya ang pagkakaibigan.
hindi nila alam

6.) Napapagod din noh... (Tao lang kami.)
tulog sila

7.) Magcocomfort sa'yo kung may problema ka.
kahit preso tinutulungan

8.) Nagtutulungan para makamit ang tagumpay.
tatahiin na kung tatahiin

9.) Nag-aaral...
atik atik...

10.) At siyempre, marunong din magmahal.
si inay at si itay
sina tito at tita

>>>
May tanong ako...
looking at...
Sino kaya ang tinitingnan ni Anj?
>>>
Si Kibo... Ang dakilang MoRf...
joke lang
Forgive me Kibo... I asked for your permission! :D
>>>
We did it again... in FOODCHEM.
Cooking lab kasi namin kahapon. Nag-bake kami ng Heny Sison's Moist Chocolate Cake. Buti nalang, bumili sina Abi at Migz ng mga kazhuzhuhan para sa cake namin..
with love, ika nga
Sabi nila, masarap daw... Salamat sa lahat ng kumain.
>>>
Ito nalang muna. Alam ko, matagal itong mag-load dahil sa mga Pictures. Again, ireremind ko kayong lahat na may link para sa LAHAT ng mga pictures. Click niyo lang, and explore.
Salamat!

Tuesday, August 23, 2005

COMSCI na naman...

Finally... Tapos na rin ako sa practical exam ng Comsci ngayon (CMOS set-up). Hindi pala ako ganun ka-"bobo" sa mga practical exam. Kulang lang talaga ng praktis.

Perfect attendance kami kanina. Section lang talaga namin (NEUTRON) ang PA kanina sa flag. Salamat, at pinatnubayan kami ng Diyos.

The gods were on our side... Heheheh...

>>>

Kadayawan dito sa Davao last week. Ang daming artista. Concerts sa NCCC Mall, sa PTA grounds, sa the Venue. Lahat ng mga tao nagsipunta sa SM! Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng taong naka-appreciate ng Kadayawan festival dito sa Davao.

>>>

Wala kaming pasok kahapon dahil kay Ninoy.

Pero, pumunta parin ako sa school! Nakisabay pa nga ako kay Ginnie (dakilang kapitbahay) eh. Pero, pinauwi kami ni Kuya Guard. Kaya 'yon, umuwi nalang ako at tinuruang magsulat si CJ.

Under kasi ang Pisay sa government. So, ala-Public school with higher standards ang drama ng Pisay.

Grabehh.. Four-day weekend! Sobra ang bonding ko with my sistah.

>>>

'Yon nalang muna. Nagsimula na naman ang aming busy week dito sa Pisay.

My right eye is "shivering", sabi ni Jacques.

Nanginginig dahil kulang ako sa tulog!

Pasmado na...

>>>

Kulang ako sa Iron. Kaya, umiinom ako ng iron vitamins everyday. Kalawang talaga ang lasa... yaks...

Saturday, August 20, 2005

Kaninang Umaga

Perteh... Ang sarap pala talagang maging bata. Wala masyadong inaabala, at ok lang kung laging nagkakamali.

Swerte ang mga bata...

Kanina, umattend ako sa Buwan ng Wika celebration ng APO Learning Village, kung saan "nag-aaral" ang sistah kong si CJ. Ang kyu-kyut nilang lahat tingnan nang sumayaw sila ng iba't ibang nursery rhymes, "Ako'y isang Pinoy", "Tinikling", at "Ibong man may layang lumipaaaaad", etcetera.

Nakilala ko na rin angmga kaibigan ng sistah ko. Grabeh lang talaga ang mga bata, konting galaw mo lang eh, umiiyak na kaagad. Kung wala silang makuhang prize, umiiyak na.

eto ang ibang pictures mula sa adventure ko ngayong araw:

smile si cj
eto si CJ, nakafilipiniana


cj with friendsalanna and cj
ako'y isang pinoy
eto ang mga friends ni cj na nakilala ko rin


pagod na
eto ang batang pagod na, wala nang focus ang mga mata

'yon nalang muna ngayon. may papanoorin pa ako sa tv.
sige, babush!